Home » Chizmiz sa Barberya, Chizmiz sa Parlor, Satiriko

Most Shocking SONA Ever?

23 July 2010 11 Comments
Photo Credits: Ted Aljibe

Kinakabahan ako. Sona na sa Lunes. At sabi pa naman ni bostsip Noy, it will gonna be shocking. I-a-announce yata nya na lahat ng mga kongresman na dating nasa Lakas, naging praktikal na, ehe naging Liberal na.

At dahil napakahalaga ng okasyon na darating, maraming mga sikatchupoy sa showbis at politics ang asahan nating eeksena kagaya noong inagurasyon.

Si Miriam nga raw, nag-sign ng waiver na hindi na magsusungit at nagpramis na magbabaril na lang sa sarili. Si Bong Revilla naman, isasama sa sona ang humigit kumulang na 80 plus ng mga anak ng kanyang tatay na si Ramon Revilla para ipakitang kasindami ng mga bumoto sa kanya ang bilang ng kanyang mga kapatid. Pero si Jinggoy umayaw dahil mas marami daw syang nanay kesa sa utol.

Dahil nahihiya sa mga fans ni Ate Shawie, si Kiko naman ay nagpa make over at ipapakita sa madla ang bagong look na pinaghalong Gabby at Richard, face courtesy of Belo at skin by Glutathione. Galit si Tito Sotto kasi suki nya si Calayan.

Ang mga Arroyo naman, dadaan muna sa St. Lukes para magpaturok ng anasthesia para manhid na manhid.

Sempre hindi mawawala ang mga talents ni Boy Abunda para glamoroso ang dating ng event. Alam mo naman, walang ka-glamour glamour si Noynoy kaya kelangan ng mga chiwariwariwaps. Sempre combined forces na naman ang mga ta-artits ng dos at syete, para united force ang dating.

Natatandaan mo yung Quirino Mayor na naka-bahag noon? Plano nyang isama ang kanyang misis at naka native attire din. Topless sempre. Baka lang ikako biglang umeksena si Binay at dumating na naka-bahag may kasa-kasamang mga iba’t ibang natives mula sa iba’t ibang sulok ng Philippines. O kaya mag oblation run kasama ng kanyang mga ka-brad na Apopips sa kongreso.

Yun pihado shocking.

Lahat din ng mga nakalaban ni Noy ay inimbitahan. Si Villar ang nangakong hindi male-late kasi kahit di na uso ang wang-wang, shortcut kasi ang dinadaanan nya sa C5. Si Bro. Eddie darating pero pinagbawalang magpa-totoo. Andun daw kasi si Pastor Quiboloy baka bigla na namang kausapin si Lord at si Bro. Eli Soriano baka daw magsisinga at magdudura na naman in public pag naasar. Si Gordon inimbitahan din pero pinakiusapang magdala na lang ng Kindle at wag mic, baka daw kasi mag-volunteer na naman magwento eh maubos ang oras kakakwento kung gano sya kagaling.

Si Acosta, di na pinadalhan ng imbitasyon. Wala naman kasi nakakakilala dun. Si Gibo naman busy, hinahanting yung mga naglaglag sa kanya. Sina JC, Perlas at Jamby hindi daw a-attend kasi di pa sila nag co-concede up to now. Si Erap naman nagpasabing di na rin lang aatend kasi sabi nya, he’s been there done that na naman daw so what’s for di ba?

Kelangan maghanda para sa Lunes. Mahirap na. Sona na. Baka magkaubusan ng tubig. Baka mag-brownout. Baka bumagyo.

Kung bakit naman kasi ang daming acronym, sona pa. Nasanay kasi ako nung andun pa ako sa may tabi ng riles na kapag me sona, pinapalabas lahat kaming mga lalake mula sa loob ng bahay at pinapapila sa tabi ng daan. Pagkatapos kakapkapan kami at hahanapan ng tattoo. Kapag me nakitang Sputnik o Bahala Na, sigurado isasakay na sa mobile na puno pa rin ng gulay na mga na-kumpiska nila sa Blumentritt.

Minsan kapag mina-malas malas ka at na-kyutan sa yo yung parak, kasama ka na din para piktyuran sa presinto.

Madalas kasi ganun kapag may kaso na kelangan nila ng suspek. Para lang sila humahanap ng extra sa pelikula ng walang screen test. At para kumpleto sa drama, iisprayan pa ang mga pinto ng mga iskwater, anong sinabi ng mga Nazi laban sa mga hudyo. Bawal ang Pangit Dito, sabi ng naka-spray. Buti na lang ako kahit papano kyut, kaya exempted.

Sana sonahin na din ni Noynoy ang kongreso. Papilahin ang mga tongressman at isalpak sa pader. Kapkapan kung may mga nakulimbat, patayuin sa drum na puno ng tubig at bigyan ng appropriate na electric shock dun sa.. oo dun.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 25124 times by 6061 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.

11 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.