Home » Engkanto Files

Multo in the City: Mga Patay Nangumpisal kay Father

26 May 2009 83 Comments

Pangkaraniwang kwento sa baryo ang mga storya ng kababalaghan, tikbalang, lamang lupa, aswang, at kung anu-ano pang hindi mga maipaliwanag na nilalang sa ibang dimension.

Kung usapang multo marami akong baon niyan. Mabuti na lang at hindi first-hand account dahil ‘di po ‘yun kaya ng dibdib ko. Ayon ito sa pananaliksik at interbyu sa mga taong sangkot at nakaranas ng makakita ng multo.

Ang kwento ko ay mula kay Monsignor Robert ‘Bobby’ Olaguer, ang kasalukuyang chaplain ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang kumpisal, este, kwento ni Father, tatlong tao ang nangumpisal sa kanya without knowing na patay na pala ang mga ito.

Multo # 1.

Mid-1980s daw noon nang isang babaeng parishioner ng St. Joseph Church (kung saan naka-assign noon si Fr. Bob) ang lumapit sa kanya para bendisyunan ang kanyang namayapang asawa na sa Saudi Arabia. Ang crate na naglalaman ng labi ng lalaki ay padating pa lang sa Manila International Airport (now NAIA) the following day.

Gabi bago ang araw ng itinakdang pagbabasbas sa namayapa, isang lalaki ang dumating sa simbahan para mangumpisal. Matapos ang pangungumpisal pumasok na si Fr. Bobby sa quarter niya para mamahinga.

Balak na ni Fr. na matulog dahil alas-onse na ng gabi noon nang mapansin niya na nakabukas pa ang ilaw sa loob ng simbahan na dapat ay nakasara na alas-nuebe pa lang.

Lumabas si Father para hanapin ang sakristan na noon ay matiyagang palang naghihintay sa nasabing lalaki na lumabas mula sa confession area.

Nang i-check ng sakristan ‘yung confession area wala na ru’n ‘yung tao. Nagtataka siya ngayon kung saan dumaan ‘yung lalaki, eh, wala naman ibang dadaanan kundi ‘yung front door.

Nang sumunod na araw, nagkita sila ng babae sa airport at iniabot kay Father ang litrato ng kanyang asawa.

Nagulat si Father sa litrato dahil ‘yung tao na nangumpisal sa kanya nung nakaraang gabi at ‘yung nasa litrato ay iisang tao lang.

Nagkatinginan sila ng sakristan niya dahil namukhaan din pala niya ‘yung tao na pumasok sa confession area.

At ‘yun din ‘yung lalaki na nasa loob ng wooden box na kadarating galing sa Middle East.

Naisip ni Father Bobby na nauna pang dumating ‘yung kaluluwa nung namayapa rito sa Pilipinas.

Multo # 2.

Bagong salta pa lang si Father Bobby bilang parish priest sa Ina ng Awa Parish Chuch sa loob ng New Bilibid Prisons Reservation sa Muntinlupa City nang maganap ang ikalawang ekwentro niya sa multo kalagitnaan ng 1990s.

Nagsi-siesta siya noon sa kanyang kwarto nang mapabalikwas dahil sa isang katok sa kanyang pinto.

Nagmamadali siyang tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Pagbukas ng pinto nakita niya ang isang tao na nakasuot ng itim na suit na dahan-dahang bumababa ng hagdanan. Naisip niya na kapwa pari ang lalaki.

Nagpalit lang saw siya ng damit at sinundan ang lalaki sa pag-aakalang kapwa pari niya ito. Tinanong pa niya ‘yung church volunteer kung nasaan ‘yung pari. Ang sagot daw sa kanya ay wala naming dumadalaw o dumating na bisita ng mga oras na ‘yon.

Binalewala lang ni Father Bobby ‘yung nangyari dahil baka naalimpungatan lang daw siya.

Kinabukasan nakatanggap ng tawag si Father mula sa isang bank teller na nagre-request na basbasan ang ama nitong namayapa na sa Pasay City.

Nang dumating siya sa lugar, nagulat pa si Father sa nakitang lalaki na nakahimlay dahil ito rin ‘yung lalaki na nakita niyang pababa galing sa pinto ng kanyang kwarto. Namukhaan niya dahil sa suot na black suit.

Multo # 3.

Ang pinakahuling engkwentro ni Father sa multo ang talagang nakapagpatayo raw ng kanyang balahibo. ‘Di niya nabanggit kung kailan ito naganap (but my interview with him happened in Sept. 2004)

Biyernes ng umaga ng dumating ang pamilya ng isang inmate na nagpatiwakal ang humihiling na basbasan ang labi ng kanilang kaanak kinabukasan.

Sabado ng umaga nag-officiate ng kasal si Father Bobby sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila.

Paalis na sana si Father nang masalubong niya ang lalaki na nakasuot ng Barong Tagalog. Hiniling ng lalaki na siya ay mangungumpisal. Dahil hindi makapasok sa loob ng simbahan ginawa na lang ni Father Bobby ang confession rite sa labas ng simbahan.

Inakbayan pa ni Father Bobby ang lalaki habang nangungumpisal ito. Wala naman daw siyang napansing kakaiba dito. Ang akala nga daw ni Father Bobby isa ito sa mga bisita nu’ng ikinasal.

Nang hapon ding ‘yon, pinuntahan niya ang labi ng inmate na nakaburol sa loob ng Ina ng Awa Church.

Pagkakita ni Father sa patay, kinabahan siya dahil siya ‘yung lalaki na inakbayan niya habang nangungumpisal sa gilid ng San Agustin Church. Kinabahan daw siya pero hindi lang nagpahalata.

Father Bobby said he prayed for the repose of his soul.

Nang tanungin ko siya kung ano ang magiging reaction niya kung sakali magkaroon ulit siya ng engkwentro sa mga patay o kanilang mga kaluluwa. Sabi lang niya hindi niya alam kung ano ang iisipin at mararamdaman kung sakali.

“Ngayon tuloy, hindi ko alam kung ‘yung makakasalamuha ko at bumabati sa akin ay talagang mga buhay pa,” ang napailing na sagot ni Father Bobby sa akin.

Nagustuhan ba ninyo mga ka-barrio? Pauna pa lang po ‘yan. Request lang po tayo kay Kapitana na magkaron ng ‘Engkanto Files’ exclusive para sa mga kwentong multo sa barrio.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13128 times by 2839 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is happily married to husband Neru. They are blessed with two kids. Yami graduated with a degree of Journalism at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). She worked as a reporter of People's Journal and People's Tonight, both publications of Philippine Journalists, Inc., for 15 years. She maintains Mom writes for a cause, a personal blog.

83 Comments »

  • Silver says:

    Fun fact about me (in relevance to this good story)

    Nakakakita ako. Though hindi pa yung totally buo na as in corporeal.

    Nice post yami!

    • yami says:

      Silver,
      Anong klase? di ka ba natakot? hay puro sulat lang ako pero ayaw kong makakita. Ngiii

      Thanks naman. :-)

      • Silver says:

        Marami na. Nakakatakot din syempre. Yung iba naririnig ko.

        Ang kwento sa akin ng isang kaibigan ko na nag-aaral ng theosophy (at may konting alam sa paranormal), depende sa pagkakabukas ng third eye mo yung degree ng pagkakita mo.

        Pag corporeal ang nakikita mo, ibig sabihin, mataas ang antas ng third sight mo.

      • Silver says:

        Parang naisip ko ding ishare ang aking mga engkanto files. haha..

        One of these days Yami, isusulat ko din ang mga karanasan ko about dyan. Hehe.

        Mahilig din ako sa mga ghost stories. Hehe.

      • yami says:

        mabuti hindi sila sumasama sa’yo. may mga spirit das kasing sumusunod sa mga taong alam nilang nakikita sila.

      • Silver says:

        May times. Pero buti na lang hindi. Yung nanay ko e may kaalaman pagdating sa mga bagay na ganyan. Yung lolo ko e may kaalaman din sa ganyan.

        Yung lugar namen dito e tapunan ng patay. Kaya si mama, yung bahay namin, may ginamit siyang anting-anting para maprotektahan daw ang bahay namen.

        Pero leche, may times talagang di maiwasan na may makita. Ugh.

      • yami says:

        Silver,
        Mas maganda ka palang source ng ghost story eh. Naku eh kung nagkakilala tayo nun, malamang parati kang nasa dyaryo, syempre as my source. :)

        tapunan ng patay, as in salvage victim? Mas nakakatakot ata ‘yan…

      • Silver says:

        Yes. Salvage and occasional rape victims. Hehe.

      • yami says:

        Eh di ang ibang nakikita mo posibleng kaluluwa ng mga itinapon malapit sa inyo? hay baka mabaliw ako kung ako makakita non.

      • The Cat says:

        maganda talaga itong topic na ito yami and we appreciate you for suggesting this category.

        kasi ako i also can see dead people. mwahahaha

      • yami says:

        Mam Cat,
        May email pala po ako sa admin, may immediate concern lang po.

        Kasi Mam Cat, naisip ko tamang-tama sa Barrio, na hitik sa mga ganitong kwento. Bahagi na ito ng kulturang Pinoy.

        Ikaw din nakakakita ng mga yumao? Kaya ng dibdib mo. Tagapakinig lang talaga ako, di ko wish makakita. hehe

      • Silver says:

        Malamang sila nga yun Yami.

        Waaaaahhhhhh!!!!

  • alex says:

    “Engkanto Files” agree with that!!!

    pero except souls, may connect ‘di po ba ang Aswang sa mga spanish? Pasensya na po ‘di nakikinig sa titser nung nag aaral pa eh…

    peace!

  • yami says:

    Alex,
    Exciting nga daw quoting Mam Cat. Lam mo ang Pinoy, gusto ang mga ganitong usapan lalo kapag brownout hehe

  • jimg2940 says:

    nagtayuan at nagsilagas ang (bleep bleep) ko sa istoryang ito. nnnnggggiiii…

  • reynz says:

    hahaha U ASK AND U SHALL BE GIVEN hahaha! I will move this to “ENGKANTO FILES” hahaha

  • dencios says:

    favorite ko ang ganitong topic. mahilig akong mang aswang este sa mga aswang at engkanto na kwentong barrio.. :)

  • alex says:

    pero may bigla ako naalala, tiktik daw ang lumilibot sa among barrio noon, kase kahit wala pang blog, net, at cell noon eh mabilis pa rin ang balita…

    sa balita noon ay may huhuning ibon sa puno malapit sa may buntis, tapos ‘di na maganda ang kasunod…

    iba po kase nakagisnan ko, nung buntis si inay sa bunso namin, pag may humuhi, mga limang kasa ng mahahaba ang naririnig ko sa paligid ng bahay(oops ‘di po ako anak ng politiko!)

    peace!

    • yami says:

      Alex,
      Marami na ngang kaanak ng buntis at mismong buntis ang nakakita ng tiktik…

      sa Awa namang ng Diyos hindi ako nakaranas ng ganyan habang ipinagbubuntis ko ang dalawang anak ko.

    • Silver says:

      Marami ding tiktik at sigbin sa amin. Haha.

      • yami says:

        Silver,
        San ba ‘yang baryo niyo? hitik sa katatakutan.
        ‘yung tiktik, tao rin yata ‘yon eh. ‘yung sigbin di ko alam.

        Eto, sabi ng nanay ko noong ipinagbubuntis daw ako may nakitag malaking itim na baboy sa likod ng bahay namin tapos biglang nawala.

        Nung buntis ako bukod sa dasal may bawag at bala ng baril na nakasabit sa bintana. Mabuti na ang sigurado.

      • Silver says:

        Dito lang kame sa katagalugan. Hehe. Madami talagang kabalbalan este kababalaghan dito.

        Ako naman, ipinanganak sa isang hospital na dating garison ng hapon. Uber dami ng mumo.

      • yami says:

        Silver,
        Baka ang ibang mumo, nagabayan ka paglaki…

      • Silver says:

        Hindi ko alam. Baka pag bigla na ako nagsalita ng hapon e malamang. LOL. :D

  • The Cat says:

    Ikaw din nakakakita ng mga yumao? Kaya ng dibdib mo. Tagapakinig lang talaga ako, di ko wish makakita. hehe

    noong una, confused ako. pero I was made as a subject of a study about paranormal.

    natrace nila yon sa aking family. it runs in the family at isa pa ang aking ilang beses na mamatay.

    sa aking bio totoo yong namatay ako at pinabinyagan when i was months old.

    when i was 3, they gave up on me nang malunod ako sa dagat…kaya hanggang ngayon may takot ako sa tubig… kaya di ako naliligo..oppps (behave, cat)…ikatlo nang mahulog sa bangin ang dinadrive kong kotse…kaya ngayon hindi mo ako mapapadrive kung hindi BMW. hahahaha
    at sunod ay nang mamatay din ako sa ospital nang ilang minuto.

    napupunta ako doon sa lugar na iyon at nagbabalik. ngggiiii.

    would you believe, meron akong kaibigan na nagkaroon kami ng pact na dadalaw ang unang mamatay. ginawa namin yan noong napanood namin ang Ghost ni Whoppee Goldberg.

    namatay siya sa cancer. tanungin ninyo kung dumalaw siya.

    • yami says:

      nanginginig pa….Mam Cat, dumalaw ba ang kaibigan mo?

    • Silver says:

      Ayaw ko ng tanungin.

      Totoo nga na natratrace sa family yun. Ang mother ko at lolo ko ang nakakakita.

      My late grandfather is an albularyo. Bago siya mamatay e dapat ipapasa nya sa father ko ang nalalaman nya. Kaso lang, ayaw ni papa dahil mahirap yun. Kaya sa isang kapatid ng father ko ang nakatanggap nun.

      • yami says:

        Siguro nga Silver, it runs in the family may narinig na din akong ganyang story. mainit daw sa katawan ang may anting-anting…

      • Silver says:

        Yung mom ko ang daming kinukuwento tungkol din dyan.

        Nakwento nya na yung great grandfather ko dati (sa side nya) e may ganyan ding nalalaman. Nakakatuwa pati malaman na kung anong itsura ng great grandfather ko, ako at ng nanay ko e iisa lang. Halos magkakamukha daw kame.

      • yami says:

        Silver,
        personally, gusto mo ba ang anting-anting? totoo nga ba ang powers nito? Sa barrio kasi parang malakas ang dating or mas epektib daw.

      • Silver says:

        Ayaw ko ng anting-anting na yan. Tama na may nakikita ako. Baka iba ang makita ko pag nagkataon. At saka mahirap ang ganyan.

        Ang kwento sa akin e twing byernes santo daw ang pinakamalakas. Isama na dyan ang herbals at incantations na ginagamit.

        Isa pa dyan yung barang. Matindi ang barang na yan.

      • yami says:

        Tama ka diyan. narinig ko na rin ang ganyang kwento. Mahirap na. pero katakot pa rin ang third eye…minsan magshare ka ng ganyang kwento… :)

      • Silver says:

        Sure Yami.

        One time e susulat ako dito sa engkanto files mo. Para lumago ang koleksyon mo ng ghost stories. ;)

      • yami says:

        Tapos gawin nating libro para may pondo ang Barrio, kaso baka kopyahin ng iba. :D

    • dencios says:

      mam cat,

      katakot mam cat.

      mam yami,

      ang title dapat PHILIPPINE BARRIO TRUE GHOST STORIES :D

  • The Cat says:

    nagtanong nga. hahaha

    dalawang beses.

    isa nang mga ilang buwan pagkatapos niyang mamatay. nakaupo siya sa kabilang bed. 2 bed ang nasa kuwarto ko.

    tinanong ko kung nasaan siya. kung tinanggap siya sa impyerno. biruan kasi namin yon.

    sabi niya, wala pa siyang destinasyon dahil may “cleansing process” na pinagdaanan ang mga kaluluwa. they are given some missions to help people.

    ikalawa nang binigyan na ako ng taning sa aking cancer.

    nagpakita siya na nakangiti. tanong ko kung sinusundo niya ako. Sabi niya masamang damo raw ako kaya may reprieve.

    hahahaha

    • yami says:

      Mam Cat,
      Mabuti na lang talaga wala na ako sa dyaryo. kundi magpapa-sked na ako ng interbyu niyan sa’yo. Ang ganda. Pero pwede kaya? Gusto mo ilabas natin story? (Q and A)

      Hindi ka ba natakot?

      May binanggit ka tungkol sa Big C. wag ko na lang tanungin. :) (may ishishare ako one time personal pero pwede rin nilang malaman ng mga taga-Barrio)

      Binigyan ka ng extension..hehe

    • Silver says:

      Baka siguro may pardon ka ms. cat. :)

    • alex says:

      kinausap mo talaga mam Cat!?!?!

      sabi kase pag kasama daw ay nakakakita medyo makakakita din… pwede pala kayo mag EB nila mam Yami!

  • yami says:

    Bloop,
    pareho tayo, di ko lang pinahahalata sa mga anak ko. kasi maski sila matatakutin pero mahilig manood ng horror. :D

  • yami says:

    Mga kapatid,

    Pansamantala muna akong mamamaalam, di pa naghahapunan ang mga bagets. Magkita ulit tayo bukas. Pasyalan ko din ang ibang post bukas.

    Salamat. Magandang gabi!

  • Glo says:

    hanep ang discussion na ito! kakatuwa. ako po eh walang 3rd eye as in bingi sa mga ganyan. walang pakiramdam, insensitive. ako po ang isinasama ng mga takot kung may pupuntahan sila ng alanganing oras. hehehe.. nahahalata na kaladkarin ako. pero totoo na yung best friend ko eh may third eye. para wag syang pakialaman ng mga nakikita nya eh isinasama nya ako. kung baga eh civilian daw ako. yun lang! ;)

  • The Cat says:

    kinausap mo talaga mam Cat!?!?!

    as in harapan. yong iba naman boses lang kagaya ng:

    1. yong batang kamamatay lang sa cancer
    2. yong namatay at nahulog sa isang hotel
    3. yong tatay ng mamatay sa cancer
    4. yong multo sa Teachers’ camp
    5. ang multo ni ninoy aquino (dalawa kaming nakakita)
    6. ang multo sa toilet
    at iba pa.

    ngayon sa bahay namin may kasama ako. friendly ghost.
    6.

    • yami says:

      Mam Cat,

      scary naman ng wento mo. at may friendly ghost pa sa imong balay. ang sabi ng mga gurangers sa amin pinipili daw ng mga mumu ang pinagpapakitaan nila pwera lang sa mga may mahinang puso, kabilang na aketch don. :D

  • The Cat says:

    maraming hindi naniniwala sa mga supernatural pero dito sa states, pinag-aaralan yan kahit sa sikat na Duke university.

    Sa ateneo, meron na ring department na nagiispecialize sa paranormal.
    we cannot just ignore it. life is a mystery and no one can explain this mytery. sandali, niyugyog ng friendly ghost ko itong couch. hehehe

  • Rob Angeles says:

    Mam Cat, may kasama rin ako sa bahay pero dun lang sya palagi sa walk-in closet ko, di umaalis. Galing naman may ESQ ka pala.

  • The Cat says:

    Mam Cat, may kasama rin ako sa bahay pero dun lang sya palagi sa walk-in closet ko, di umaalis. Galing naman may ESQ ka pala.

    bakit ayaw lumabas sa walk-in closet. SHY ba?

  • The Cat says:

    Baka siguro may pardon ka ms. cat. :)

    marami raw nagrally na mga spirits, baka raw magulo sila pagnapunta ako doon. bwahahaha pasaway.

  • Reesie says:

    waaaaaa… natakot akech… nice one yami!

  • Snow says:

    Me too, natakot ako! ~_~

    Buti na lang hindi ko gabi nabasa ito.

    • Rob Angeles says:

      OK lang yan Snow, mamayang gabi mo mararamdaman. Malay mo habang sleep ka eh may tumabi sa iyo and pag kabiling mo sa kabilang side ng kama eh nakatingin na sa iyo. Then smile ka lang sa kanya.

      • Snow says:

        Loko ka Rob. Huwag mo naman gawing mumu yung katabi ko, wala ng space si mister sa pagtulog. Queensize lang bed namin..hahaha… ^_^

      • reynz says:

        punta kayo dito sa New Orleans, pag di kayo maloka! hahaha! they even have a Ghost Tour! dito lang ako nakakita na tourist spot ang sementeryo! hahaha! me mga picture taking pa sila! andito lang sa likod nang apartment ko! hahaha

        pagdating ko naman sa opis, sementeryo na naman sa tapat! kahit saan ka pumunta here dami nyan taz nagkalat den ang mga ispiritu hehehe

        eto nga di ko alam kung sinong nag-ta-type nito hehehe

      • yami says:

        Rob,
        ako naman takot kapag walang katabi, lalo kapag out-of-town coverage tapos dalawang reps kaming reps sa kwarto. hindi ako pupuwesto sa tabing bintana o tabing pinto pero kung di maiwasan nagtatalukbong ako ng kumot. :-)

        Reynz,
        katakot naman po sa place of work niyo kadami mumu. at may ‘ghost typist’ pa kayo, hehe

    • yami says:

      Snow,
      Kakatakot magbasa ng mga ganito lalo kapag magisa ka lang sa bahay. Naalala ko nung ang desktop namin sa kwarto pa at naka-pwesto malapit sa bintana. Madalas kasi sa bahay lang ako gumagawa ng trabaho noon. Eh pag inaabot ako ng gabi sa computer, feeling ko may nakatingin mula sa dako pa roon, kaya ginagawa ko sinasara ko blinds. :)

      • Snow says:

        I agree, naku maghaha-hop na nga ako sa ibang article. Ako kasi ngayon eh watching tv in the dark while typing sa pc…hay…

        At yami totoo yata yang ghost typist. Sa dati kong sa isang research company sa Ayala FGU Center kapag minsan linggo pumapasok kami parang may ghost typist sa likod namin kasi tumatagtak yung keyboard! 1am yun ah! ~_~

      • yami says:

        Snow, nakakaramdam ka rin ng mga uncanny na nilalang?

        Ako naman kapag all alone sa kwarto o sala ‘di ako nagpapatay ng ilaw, mahirap na, hehe

  • dencios says:

    ser blupan

    natawa ako sa panglawin ka :D lol kasi ako din matatakutin pero laging ko naman tinatakot sarili ko haha.

  • darbs says:

    i am not a believer of Ghosts or whatever – unnatural nilalang, however, i could feel/smell the scent of DEATH – burned flesh, amoy ng dugo, chemicals na gamit pang balsamo.

    What about GHOSTS? I could feel this through sa scent of flowers, smell of a burning candles and the hanging malamig na nagpapatindig ng balahibo. wooosh!

  • darbs says:

    By the way, mas nakakatakot ang mga istoryang lamang lupa, tikbalang, “hoy, agta nag-unsa ka diha?”, aswang, wak-wak, mananggal pag Pilipins settings o di kaya ibalik ko ung aking pagka barriotic mind na flying me back to that time when I was a kid. na pueding takutin.

    pero for decades living here in New York City I have never, ever heard this kind of stories.

    Sabi pa nong isa, what for? We already have Candy Man. Freddie, Ghostbusters, Friday the 13th, I know what you did last Summer… at higit sa lahat… Aliens V.S Predators.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.