Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Culture and Society, Opinion

My 80′s and Cory Aquino

3 August 2009 115 Comments

r1194417792 Photo Credits: Yahoo

Tumatanda na tayo kung hindi na tayo nagpupuruntong.

Nakapuruntong pa lang ako noon na ginamit kong pantalon–dahil nga pandak pa ako noon, ay nauso na yang kulay dilaw. Yung dalawang tsanel sa kahoy kahon namin telebsiyon ay nag-sabit din ng mga dilaw. Akala ko noon ay kailangan lang ng ilang sipa yang telebisyon dahil nag-sasalu-salo na naman yung mga kulay. Madalas kasi na parang may multo sa TV, humangin lang ng malakas sa labas, makikita mo ang out of the body experience ng mga reporter. Lalo na yung mga episode ni Helen Vela, nakakapangilabot kung makikita mo yung mala-espiritong pag-elevate ng kanyang kamukha. Yun pala dala lang ng TV yon. Kaya naman yung lolo ko na mahilig kumain ng hilaw na sibuyas, laging inutusan itong kapatid kong kutkotin ang antena namin. Ambilis namang parang unggoy nitong kapatid kong umakyat sa bubong at pilipitin ang tangkay ng antena. Sisigaw kaming “Sa kanan, sa kaliwa pa, o sige kita na namin” Matagal yata yung pangungutkot namin sa TV dahil tinabas ko pa yung marupok na wire na naka-konekta sa likod ng roskas at turnilyo. Si Pat Robertson na yung nasa TV ibig sabihin siestahan na kaming mga bata.

Sa makatuwid, alam na alam na nating tumatanda na tayo kung bubuksan natin yung mga album ng litrato nating noong 1980′s pa kinuha. Naninilaw na ang mga pictures natin dahil hindi pa achival quality ang papel ng Kodak. Di pa nga naiimbento ang post-it noon, archival quality pa. Pero yung mga dyaryong ginupit ng lolo kong amoy bawang–ay di ko ba nasabing bawang at sibuyas ang paborito noon?– ay malutong na at kulay brown na sa kanyang scrapbook. Di ko naman pinansin yung importansya ng headline news noong: People Power Revolution Ousts The Dictator. Paano ba naman puno ang atensyon ko kung paano ba itupi ang pantalon ko para maging ala Hammer Time chiwariwariwap ang dating. Kailangan rin grumadweyt sa pagtutupi ng manggas sa isang siyentipikong pamamaraan. Or else, para kang “Bal” (Yan ang salita namin noon sa mga baliw.) “Bal” din ang tawag doon sa mga hindi nagsisipag-tease ng buhok nang panahon ng 1980′s. May lumalaganap yatang pa-kontes na “Tower Power Hair” kaya bawat batang babae at kadalagahan ay super lamukutin ang kanilang mga bangs. Galit na galit tuloy ang nanay ko sa laging pagbili ng gel. Noong napatigil ang supply ng gel sa bahay, ipinuslit ko pa yung isang tasang almerol na mainit init kong ipinahid sa bangs ko bago ko gusutin ito. Sa mga di nakaranas ng almerol, niluto itong cornstarch sa tubig. Suma tutal, tumirik ang bangs ko pero parang nabudburan naman ito ng snow flakes at balakubak dahil nga nung natuyo yung almerol, nakabkab ito mula sa aking buhok.

Ramdam na ramdam nating mga 80′s babies na tumatanda na tayo. Kung more than 2 ang sagot mo sa tanong na: Ilang presidente na ang pinagdaanan mo, ibig sabihin may edad ka na. Kung ang sagot mo sa tanong na: Ano ang paborito mong palabas noong bata ka pa ay “Back to the Future” with matching memoryadong scenes and lines from the movie. Opo, tumatanda na tayo. Kung tanda mo pa yung kantang “Magkaisa” noong nagmartsa ang libu-libong sangkabayanan sa EDSA, matanda ka na nga. Sige bibigyan kita ng mga key phrases na magiging gatilyo sa inyong mga gunita: Hacienda Luisita, Mt. Pinatubo, MV Doña Paz, Typhoon Uring, Cory Aquino. Maganda naman ang tanggapin nating tumatanda na tayo. Bukod sa natapos na ang dekada ng makalumang TV, hindi na uso ang tower bangs, lipas na ang pagtutupi ng manggas at pantalon, at marami rami na ring mapag-pipiliang tsanel sa telebisyon, maganda ang tumatanda, dahil naroroon tayo sa isa sa pinakamahalagang kasaysayan ng ating bansa. Nakatira pa rin ang ating mga gunita ang isang araw noong 1986. Di pa rin mapapahi sa ating mga isipan ang imahe ng bugso bugsong mamamayan na nakiisa sa kalayaan ng bansa. Di maikakaila, nabuksan ang posibilidad ng kalayaan dahil sa isang magiting na kalooban. Para sa iyo Cory Aquino na ngayon ay sumakabilang buhay, kasama ng alala ng pinupukpok naming telebsiyon, puruntong na puno ng himulmol, gusot na buhok at tuping pantalon, nawa’y mamayapa nang tuluyan ang iyong ispirito.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 14165 times by 3399 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

115 Comments »

  • ajay says:

    Katatapos ko pa lang ng high school nang mangyari ang EDSA Revolt. Wala pang technology na katulad ng sa ngayon kaya tunay na People Power talaga ang nangyari. Mapalad tayo at nasaksihan natin ang panahon na yun…

  • darbs says:

    Ouch! naman Mahalia, sumakit tuloy ang tuhod ko nitong entry mo. but I am sure hindi pa ako ulyaning matanda.

    Hindi ulyanin, dahil tandang tanda ko pa ang halos lahat na naisulat at nakakarelate pang talaga.

    great entry, Mahalia.

    @Tita Cory, I raised my case… you are not just my famous woman sa proyekto ni anakin blue, but an inspiration sa mga nakakabatang kabaryo at sa napakaraming kababayang Filipino.

    nawa’y mamayapa nang tuluyan ang iyong ispirito.

    Amen.

    • Mahalia says:

      Mabuti nga Darbs matanda na tayo, it means we are wiser (supposed to be…hehehe). Kung mapagiisip isipan nga natin ang contribution ni Tita Cory, talagang laudable ang kanyang choices to pursue democracy for the Philippines. She is one great leader.

  • Ely says:

    Mawala po sa topic… pinakita screen shot ng post mo sa ANC kanina. hehehe..na mention ang author “Mahalia”…

    • Mahalia says:

      Naku po…dapat pala super super revise ko itong post na ito, dami palang nagbabasa sa media. Nakakahiya… Salamat Ely sa tip. Maliligo muna ako para di nakakahiya sa mga bisita. Namana ko kasi sa lolo ko yung mahilig kumain ng sibuyas at bawang. ;)

  • Reynz says:

    I got it Ely. Na-capture ko hehehe! He was talking about Barrio Siete and then mentioned Mahalia’s entry.

    • Mahalia says:

      Reynz, wear mo ba ang korona…take it out of the attic chest, let’s wave it around and around the sitio! Pling Pling Pling–tunog yan ng kisap ng mga bato sa korona mo!

    • Glo says:

      grabe! sosyal na talaga ang barrio! woot woott. ;)

      • Mahalia says:

        Glo, ilabas na ang gown. hehehe.

        • Glo says:

          nakuuu…puede pa kaya si pitoy moreno gumawa ng gown ko?? eh national artist na sya. baka tanggihan ang mga tiga barrio. ;) hehehe.

          sige try natin si oscar de la rentahan. doon sa palengke sa town namin, merong gumagawa ng gowns! ;) hahahaha!!!!!

          • Reynz says:

            marami akong gowns! pan-santacruzan! you like? hahaha

          • Glo says:

            hahahaha! kaysa kaya sakin reynz? eh matangkad ka!

          • darbs says:

            puede pa kaya si pitoy moreno gumawa ng gown ko?

            Maam Glo, na mention mo kasi itong pitoy.

            Talaga bang pitoy ang kanyang pangalan as in Pitoy na malaking Pitoy kapital letter? or pitoy na maliit na pitoy na mga kapitoy pitoyanng maliit na pitoy. nagtatanong lang po.

          • Mahalia says:

            Naku Glo, si Lee, magaling yang manidyer ng mga mananahi. She will make her crew make tastas and redo Reynz gowns.

            Reynz, pahiram din ako ha? Yung yellow na may sikwens na pagkarami-rami.

          • Glo says:

            asan ka na lee???? kelangan kita! hahaha. anu ba, takas na sa chinese army! hahahaha.

        • Mahalia says:

          LOL at Darbs, it is only in Darbitian Style that the pitoy name can be said in a humorous light!

          • Glo says:

            hahahaha! merong first name si pitoy na real. tignan nyo sa list ng national artists!

          • darbs says:

            @Mahalia, sino ba naman ang nagpangalan nyan. sobra naman. totoong pangalan yan? Gusto ko sanang tumawa pero kawawang pangalan naman yan.

          • darbs says:

            National Artist? as in SIKAT? tapos pitoy ang pangalan? bat di na lang pinangalanang T*r*g* para at least medyo malaki. hindi na kailangan ng enhancement. (kapatawaran po)

          • Mahalia says:

            Naku Darbs, di ko alam kung sino ang nagpangalan. Pero I like the name Pitoy, it sounds like a cute kid.

  • Glo says:

    that means the era is long gone! dami nang namamatay. ;) matanda na ako! waahhhhhh!!!!!!!!

    • Mahalia says:

      Glo, grace with age, yan ang dapat na morning mantra natin for our wrinkles and crinkles. Like Cory, she aged with grace, always fighting for the cause of democracy.

    • darbs says:

      Maraming pinatay noong 80′s
      Maraming sinunog na mga ari-arian
      Marami ang dukutan
      Maraming evacuees
      Maraming namasaker
      Maraming na tortyor
      Maraming missing
      Marami ang ambusan
      Marami ang bakbakan sa kabukiran, sa kabaryohan, sa kanayonan hanggang sa kasyudaran
      Maraming na landmine
      Kaliwat kanan ang human rights violations
      Parang nakalimutan na ang lahat after sa snap election at sa kapanalunan ng People Power

  • Mahalia says:

    Bluep, I love the 80′s. Sarap alalahanin ng mga events of that era. That decade and the “Lady of the Century” inspire me to make a difference, kahit na maliit lang, kahit na in my children lang, kahit na in my little community. She is indeed an inspiration!

  • Monique says:

    I can answer most kasi I was a growing kid nung 80′s. Most of the trends then I saw sa mga young aunts and uncles ko (my father was eldest). And it was like, gaya gaya for the kids! lol.

    What I am actually thankful is that my father was really adamant that I know what was happening. Even after the EDSA revolution. He had a tape nung interview ni ninoy sa plane… yung song na Magkaisa hanggang ngayon when i hear it, it makes me cry. really.

    Masaya nga nung 80′s even yung new wave, that maybe is most memorable. I loved songs nung time na yun.

    Depeche mode. Duran Duran… hmmm.. who else.

    • darbs says:

      Ang alam kong kantahin noon

      Manggagawa at magsasaka
      Kabataan at propesyonal
      Mga alagad ng simbahan
      Negosyante at pinunong makabayan

      Forgot the rest…

      Basta sa huli parang

      Nasa atin ang tunay na lakas
      Tiyak sa atin ang bukas

  • yami says:

    Mahalia relate ako sa kwento mo at oo tumatanda na rin ako. :D

  • silver says:

    I am born during the early 80s. I enjoyed Michael Jackson’s music. I have Cory as my president. I have Ninoy as one of my personal heroes. I have witnessed the coup de etat and Edsa 1 as a young kiddo.

    And heck, those were the 80s.

    Reiterate ko lang ang phrase ni Ninoy: The filipino is not only worth dying for, but he is also worth fighting for.

    • Mahalia says:

      Silver, I listened to Duran Duran in the 80′s and ABBA! I also had one tennis cuff, red with a yellow stripe. Hehehe.

      Ninoy’s initiative and sacrifice, acted as the spoke within the wheel that turned our country to a journey to democracy.

  • darbs says:

    @Bloop, Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)

    Ring a bell?

  • darbs says:

    First rally chants in the Early 80′s after Ninoy’s assassination, nandoon si Doy Laurel.

    LABAN! LABAN!LABAN
    MARCOS-HITLER DIKTADOR TUTA
    MARCOS-HITLER DIKTADOR TUTA

    • Mahalia says:

      Naku Darbs takot na takot kaming mga bata sa panonood o pakikinig ng balita sa TV or Radio. At kalaunan may mga media blackout na. Mabuhay ang Demokrasya ng Pilipinas.

  • reynz says:

    sinong tumatanda?! stuck ang age ko sa 32. walang kokontra! i have the power to block! hahahaha!

  • malensky says:

    hinde ako maka-relate. 90′s baby kase ako hehehe

  • Glo says:

    sa lahat ng puedeng gawin noong 80s eh di ko nagawa yang pag-tease ng buhok! hahaha. uang-una di ako marunong mag-tease. isa pa, wala akong pambli ng spraynet!

    1983 nung umuwi kami dito sa bicol. kuryente lang ang meron,lahat wala, including tv. ang radio na sagap namin eh local radio lang. ang entertainment sa bahay eh makinig ng drama sa radio! ;) hahaha!!!!

    • Glo says:

      oo bluep. alam mo ba 1981 lang nagkaron ng kuryente doon sa barrio namin?! and to this date eh merong mga liblib na barrios na hindi man lang abot ng kuryente.

      electric coop pa dito ngayon. for the crappiest service eh and ang mahal ng kuryente! at least doon sa barrio namin ha?

      nasagap lang namin ang abs-cbn sa bahay eh nitong late 90s na. kung meron kang antenna. pero dapat super taas ang antenna mo. despite that eh maasin asin yung reception ng tv. nasagap na namin kahit malabo kasi meron nang station ang abs-cbn sa legaspi city. hehehe. bago mag tv patrol we get new feeds ng local news sa legaspi.

      buti ngayon nauso yung satellite TV. Dream TV ang provider namin. dati 890 per month for all channels. now dahil ang daming channels ang nawala eh 650 per month na lang. kaso pag malakas ang ulan walang signal! ;) hahahahaha!!!!

      and the normal cabl tv is like what? 350 per month? for 99++ channels?! hahahaha. mahal ang satellite tv. ;)

      • Mahalia says:

        Dito ay ni phase out na ang antenna, dahil raw wala nang gumagamit. Suspetsa ko bagong raket lang ito para bumili ng bagong TV o ng mga converter box.

    • reynz says:

      anong koryente ang pinagsasabi mo Glo?! eh uragon den ako ang i remember wala kaming koryente?! kerosene lang samen! hahaha! taz pag me pera, yong pupugak pugak na de pedal na diesel na makina hahaha

      • Glo says:

        hahaha! reynz along the road yung barrio namin kaya siguro nakarating agad yung kuryente. yung bahay namin eh malapit sa poste ng transformer ng kuryente. kaya ingat kami minsan lumiliyab yung live wires pag nakiditan ng palapa ng nyog! ;) hehehe.

        • reynz says:

          naka! alam mo naman ang barrio namen! 5 km away from the civilization, dadaan ka muna nang talahib highway na merong moonwalk, craters and rivers na puro man made hahaha

        • Mahalia says:

          live wires pag nakiditan ng palapa ng nyog!

          Nayayahahaha, natawa ako ng husto! Naalala ko tuloy yung pamosong palapa ng niyog sa Lipa. (no connection, naalala ko lang…)

        • Mahalia says:

          Reynz, akala ko ay metaphor mo lang yung di matapos tapos na daan sa inyo, totoo pala… :(

        • Glo says:

          mahalia, in fact nangyari yan nung weekend across the road sa bahay namin. biglang merong explosion ng flames sa live wire! ;) hahaha. yung palapa pa rin ng nyog ang culprit.

          grabe liblib pala ang inyo reynz! ;) hahaha!!!

    • Mahalia says:

      Glo, nakikinig ka rin ba noong Tya Dely? Type yan ng nanay ko kapag natutulog kami, ako naman kunyari lang tulog pero nakikipakinig rin ako. hehehe

  • yami says:

    Glo madali lang basta may suklay kang pagtease yung mahaba na payat ang hawakan, kalimutan ko tawag dun. at spraynet na gamit ko nun mura lang presyong pangstudyante. May mga branded spraynet kahit maarawan buhok mo mabango pa rin. kapag mura amoy maasim.

    • Glo says:

      yami, in case magkaron ng 80s party ang barrio eh mag-papa-tease ako sayo ng buhok. :) hehehe

      grabe umaasim pala ang cheap spraynet?! ang alam ko naman noon eh matapang sa scalp yan at nakakasugat. besides, eh nakakabutas ng ozone layer kasi freons ang laman nyan! hahahha! magagalit si Al Gore, coz it’s not environmentally friendly.

      nung college naman nauso ang hair mousse. yan maganda! ;) hahaha.

      • yami says:

        Hindi eh. payat lang siya madalas ginagamit din sa parlor. yung dulo nun yung pinangsusungkit(?) ng bangs para istyle tsaka iispreyan ng spraynet. ehehe. ang hirap na magimagine matagal na kasi. hehe

  • yami says:

    Sige pagaaralan ko ulit. Sana nga may chance na magEB ang B7 noh. kaka-excite tapos sagot ni Reynz handaan at giveaway hehe (joke lang po).

    oo umaasim kasi cheap brand lang gamit ko tapos sa layo ng nilalakad papasok sa skul pawis na ako nun idagdag pa ang usok at alikabok.

    mahal ang mousse staka puma-flat din buhok ko dun.

    • Glo says:

      oo yami. ako din excited na sa EB na barrio. pag-iipunan ko ng pamasahe talaga yan. ;) hahaha!!!

      • yami says:

        Ay ako din. magsimula na akong magipon ng piso araw-araw. :D

        • Mahalia says:

          wahahaha, tipong isang kawayang bangko muna ang pupunuin ko bago ako maka-ipon. Mag pa raffle na lang tayo. Ano nga ba yung tawag sa hulugan noong highschool tapos may swesweldo kada buwan?

          • Glo says:

            paluwagan! ;) hahahaha!!!puede ba yan ng virtual? ;) hehehe.

          • yami says:

            Paluwagan. sumasali ka rin noon? minsan piso-piso o kaya 50cents. malaki na nga ‘yung piso. swerte mo kapag ikaw ang unang sumuweldo pero pag ikaw ang last yung iba nagaayawan lugi ka.

          • Glo says:

            oo yami suki ako ng paluwagan! hahahaha. garde 3 yata yung first time at ako ang treasurer. ;) hahaha.

            nung nagwo-work na ako, meron ding office-wide na paluwagan. ang saya! kasi tipong 12K ang suweldo. ;) hahahaha!!!

          • Mahalia says:

            Wahaha, minsan nga parang scam na yan. Bata pa lang ang ilan fraudulent bent na, kasi nga sa palabunutan, lagi silang una, tapos aawayin ng aawayin yung mga kasunod para di na sya magbayad. Hahaha

          • yami says:

            Glo sumasali rin ako nung elementary ako sa paluwagan kakainip ano gusto ko kasi parating sweldo eh. maganda pag marami kasali malaki sweldo mo. Magaling ka sigurong maghawak ng mga hulog kaya ikaw ang ginawang treasurer. Oo nga malakihan na kapag may trabaho ka na. Tipong nilalaan sa tuition o kung anuman. pero madalas pagtuition eh. tapos uutangan ka lang ng ofismate mo. Waah!

          • Glo says:

            nung sa office na eh hindi ako yung treasurer kundi yng isang secretary namin sa office. ;)

            mahirap na kasi malakihang pera na yan. oo pang-tuition usually ng mga anak nila. eh ako naman pang-tuition ng mga kapatid ko noon. hehehe. tipong 500 kada suweldo ang hulog namin noon. masaya!

          • yami says:

            Natawa naman ako dun Mahalia – nangaaway ang mga nakasweldo na para hindi na sila maghulog – naka-encounter na rin ako ng ganyan. sila pa ang matapang.

            Ano na kaya ngayon ang career ng mga batang madaya noon. Nasa government na kaya sila ngayon? hehe

          • Mahalia says:

            Miss Yami, balita ko kaswesweldo mo lang sa paluwagan, pautang…nope erase erase, palibre na lang, hehehe

          • yami says:

            Nyeh! ako pah jobless nga ako ngayon huhu. pag nagkwento ako baka magcontribute pa lahat ng taga B7 sa awa. hehe. (wala akong nakuha sa former employer ko na related kay Madame Imelda)

        • Glo says:

          sorry to hear that yami. ang hirap talaga ng buhay ngayon. di ba?

      • Mahalia says:

        Glo, good idea, costume party “I Love the 80′s”

    • reynz says:

      eeek! sagot ko handaan?! ISAW? you like? yon lang ang kaya nang budget ko! hahaha!

  • yami says:

    Glo hanggang P500 din lang ang sinasalihan ko malaking bagay na yun. ako din noon pagtuition ng kapatid ko tapos nung may anak na ako, pagtuition din. nakakatuwa kahit na 10k lang sweldo sa paluwagan. kung tutuusin parang nagipon lang tayo nun iba lang ang may hawak tapos wala namang tubo.

  • Lani says:

    80′s? Like mga damit na padded ang balikat? Stargazer at Lost HOrizon na diskuhan? How about music machine revolving disco sa VV soliven? At eto pa, ang afternoon disco sa broadway centrum. Kasabay naming mga tiga peeyupee ang mga sosyal na tiga st.pauls sa dance floor. Panahon ng kasikatan nina gary v. at martin,pero mas love ko nuon si martin. Hehehe! Ayoko ng topic na ito.. Tumatanda ako..

    • reynz says:

      lani, hindi nga ako maka-relate, nakikisama lang ako. namulat kasi ako – Boyz II Men taz Juztin Timberlata

    • Mahalia says:

      huhuhu Lani, makikisali ako sa protest: Wag nyo kaming tawaging matanda! Hehehe. I was really crying when I finished this article, dahil na realize ko na thunders na pala akow…well, not really but it’s life’s eventuality to age. Keep smiling Lani, we are the source of wisdom to our youth.

    • Mahalia says:

      Lani, aha! nagdidisco ka pala ha? naku baka ma-garuti ka ng nanay mo. Naalala ko tuloy yung mga padded shoulders na yan. Pwedeng pwede na sa football ang hitsura. hehehe

  • darbs says:

    Kuryente? lumaki po akong walang kuryente.
    around fourth year high school na ako bago dumating ang kuryenteng yan.

  • darbs says:

    Sa isang lublub ng Mindanao

  • darbs says:

    alas siete pa lang tulog na ang tao. hahaha!

  • [...] is a photo capture by La Kapitana in Barriosiete regarding my article I wrote: My 80’s and Cory Aquino. With the recent wake of the death of the former President Corazon Aquino, the collective blog I [...]

  • dFish says:

    Hehehe – i’m glad i’m ageing in perspective (never mind the other areas hahaha)

  • MJ says:

    Ako kahit fan ako ng Thundercats, Flying house, Rick Astley at ng Octo Maneuvers, I refuse na tawagin akong matanda na, and I so much hesitate na mawala ang alaala ng dekada 80. Maraming napakasayang alaala na pilit ko pa ring binabalik-balikan. Para akong tanga na napapangiti na lang magisa, pag biglang me magpapatugtog ng new wave sa stereo ng jeep na sinasakyan ko. Yung mga pangit na nakaraan naman, di ko din isinasantabi, dahil nagsisilbi itong personal na babala para hindi na pahintulutang maulit at lumaganap muli.

    • Mahalia says:

      Hi MJ, magandang paalala ang sinabi mo:

      Yung mga pangit na nakaraan naman, di ko din isinasantabi, dahil nagsisilbi itong personal na babala para hindi na pahintulutang maulit at lumaganap muli.

      dapat talaga nating alalahanin maganda man o pangit na pangyayari sa ating kasaysayan. History repeats itself–good or bad.

  • lani says:

    Binalikan ko talaga ang topic na ito para maaliw naman kahit sandali lang. Sobrang ang bigat dalahin kasi ng pagkawala Pres. Cory.. Nkakalungkot talaga.. Thank u ms. mahalia for this topic.

    • Mahalia says:

      Salamat din Ms. Lani. Kahit sa kamatayan ng isang tao, kung confident tayong nasa mabuting kalagayan na sya, maari din tayong maging lighthearted, diba?

  • [...] after talking about Barrio Siete, he mentioned this one blog entry by Mahalia, one of our Barrio Siete [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.