My Barrio Siete Symbols of Success
Tumigil ka nga nang reklamo mo sa kalsada ninyo! Buti kayo, meron! Samen sa Cotabato, mismong kalsada wala! Talahib Highway kami!?
Yun ang sigaw ni Kuta habang nagku-kwentuhan kami kahapon. Great divide kasi kami sa pamily nung bata pa ako. Wala kaming anda. And whenever me anda ang tatay, divay-divay sameng lahat sa family. What a great divide ever ang buhay ko sa Barrio Siete compared sa Gucci Gang. Me gang man samen. Lapad lang ang hanap.
Barrio Siete Provincial Road
Yong Barrio Siete namen kabisyo is about 5 kilometers away from the national highway. I heard, na finished project daw po to. Yong tsismis, ang ganda daw sa litrato. Venchingko porsyento nito me aspalto. Venchingko porsyento lubak lubak. Me kakarampot na sementado. Half and half lang. Yong kabila earth. Pag me kasalubong, tigil ang dyip sa moon. Wait na maka-alpas yong kasalubong. Then, arangkada na kame. Pag maulan, iba stori. Ang lubak, nagiging blackhole. Ganun ang aming circle of life. So far away ever sa mga SUV nang dating kebigan ni Brian Gorrell. I go to school in Legazpi City then. Pag me hanging balaklaot at medyo umulan, baha na ang ilog. Walang sasakyang makakadaan. That’s why hiking ang sport nang lola. 5 kilometers of olympic hiking. Ganun kahaba ang nira-rampa ko. Kaya ang paa ko? Nagmukha na syang barko sa lapad. Hirap na hirap tuloy ako sa sapatos kong me takong! Grrr!!!
Lata nang biskwit
Our definition of vacation then, is byahe sa Manila. Nope, not Boracay or Baguio or Cebu. Dun lang, manonood nang Eat Bulaga, maglalaro sa Fiesta Carnival at mag-sa-shopping sa Divisoria. Bwisit kasi ako sa kapitbahay namen sa Barrio Siete mga kabisyo. Tagalog nang tagalog everytime na uuwi galing Manila, ansakit sa tenga nong tono. Kaya going home sa Barrio Siete, excited ako. Makakapagmayabang din ako. And get this, me bitbit akong lata nang biskwit. Fita ata ang pangalan. Maliit pa lang ang lola, social climber na talaga ako. Because I remember, paparahin ko ang dyip and get off kahit na dalwang blocks pa ang lalakarin ko. Because I wanna be seen na me bitbit akong lata nang biskwit. Especially sa tapat na bahay nang neighbor ko. Lata nang biskwit. Yan ang simbolo that we have arrived. Bago ako naging Reyna Elena, ako eh isa munang Dama de Lata. Barrio Siete Success Story.
Dunkin Donuts
Medyo gumaan na buhay nang lola nyo nung ako’y naging Makati Gurl. When I go home to Bikol? Ayoko na mag-bus. Nasusuka na ako. I go Bulilit Flights. Anyone of you remember that? Yeap. This time, I don’t bring latang biskwit no more. Kakahiya na eh. Upgraded na ang kasosyalan ko. Ang binibitbit ko this time, eh Dunkin Donuts na. Yon na ang bagong simbolo nang we have arrived. Barrio Siete Success Story. Sikat ang lola sa Barrio Siete. Me Dunkin Donuts. Yong karton? Naka-display sya. Matagal bago itapon.
Viewed 9339 times by 1109 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.














hahahaha natatawa ko dyan sa biscuit na yan kamahalan, kasi nung araw pag uuwi ako at magpapasalubong ng biscuit e yung malaking lata na habang wala pa yung sasakyan na papauwi yun na rin ang gagawin mong upuan dahil ang mga litsing station na tin sa pinas e wala man lang upuan na paghihintayan kaasar.
at ang nakakatawa dun sa biscuit kakapili nila yung mga buntis na biacuit ang matitira yung nakalobo at kakantyawan ka pa na yun e biscuit na kinakain sa lamayan(e yun ang mura e my pasalubong na nga kakantyawan ka pa huh)
actually si madir at ako, dahil nga ordinary bus papuntang bikol, buy kami nang lata nang biskit dahil upuan ko yan ‘day! hahaha!
parang alam ko yang lata na yan.
yan ba yung may naka-drawing na merry-go-round sa side?
nyak! bat nawala yung post ko?
baguhan ka pa lang kasi. hanggat hindi na-aprub ang papeles mo, di ka makakapasok sa barrio.
teka e pano bang mag-apply?cedula?finger print? anu biiiiih, credentials?teka pipila uli ako sa recto wehehe,hala paki forward naman sakin yung application pepper lol
Lee,
Pa-NBI ka muna. LOL.
wahahaha!
maglalakad ng dalawang bloke para lang makita!
maliit pa lang ako, galet na ako sa mga pasosyal at intelektwal na tao hehehe
bata pa lang, may ‘misyon’ na hehe..
Naalala ko yag bulilit flights na yan. diyan ako sumasakay noon na naktsinelas lang, kipkip ko ang aking tampipi pagkatapos kung magaudit sa mga barriong pinadadalhan sa akin.
alam mo bang yong mga bulilit planes na yon eh yun ata ang ginagamet nung Asian Spirit papuntang Caticlan? hahahah! an takot ko nun kaya nag PAL kami to Kalibo di baleng tres oras from Kalibo to Boracay hahaha
grabe, yong first trip ko sa bora, naloka ako. basta lang kasi nagpabook ako sa travel agent – dineliver na lang sa akin yong ticket, pag punta ko sa domestic 20-seater ang plane – ang ingay tapos umuusok ang aircon pag take off. pero wala akong magawa! hahahahhaha
Parang Spam sa damitan kabinet noong Lola ko. hehehe
spam? wala pa sa bokabolaryo namen yan nun hehehe
hanow ka ba, karne norte na nga lang.
wala rin! ano baaa! hahaha! you won’t believe this but sa barrio? SARDINAS GURL! hahahah! it’s SARDINAS! hahaha!
i honestly remember puro sardinas! and that’s big deal samen nun! hahaha!
naalala ko yang sardinas na yan… kapag naka-rose bowl ka, big time ka na, hehe…
pagkatapos, gagawing kotse-kotsehan ang lata hahaha!
kaya yong mga tiga bayan, gustong pumunta sa barrio, bitbit nila sardinas nun – alala ko pa hahaha dahil ang gagawin sa baryo huhulihin ang manok at yun ang isasalang! my culture back then was really funny!
ako naman nag-aral sa Camarines Norte, Pag umulan, apaw din ang tulay na kahoy. ang mga malalking bata, lumalangoy. ang pusa? nakaupo sa balikat ng aking father. ang grabe noh?
pero dito rin sa States, lalo diyan sa N. orleans. mga nitso ang lumulutang. ngiiiii
hahaha anong nitso?! kausapin mo tong mga neighbors ko dito! as in pagbalik nila laman nang nitso ang nasa loob na nang mga bahay daw nila dahil dinala nang tubig hehehe
dito pala pag bumaha – ORASSSS!!! leche! hahaha!
Symbols of success evolves naman Cat, right? Dati for us, sardinas, then lata nang biskwit.
I remember mga cuz ko going home from the middle east, mga bling-blings, right?
NOW? it’s cellphone. the latest you have, the more successful you are. am i right? hahaha!
jozko speaking of sardinas yung portola nun daw araw sikat ka pag my sardinas na portola kang ulam, yung mga igorot ipapalit ng sardinas yung masasarap na pagkain nila(by the way my mga auntie and uncle kasi akong igorots) at pag dumalaw ka sa kanila at manok lang ang ulam mo sasabihin “pasensya na kayo ha di ako nakababa para bumili ng sardinas” ngeeek kung alam lang nila na utot ko amoy sardinas nat yun lang ang ulam na pwedeng utangin sa tindahan sa manila, at dika maniniwala yung nakalutang na oit nung portola ipopomada yun ng ibang matanda dun at ipagyayabang pomada nya sardinas kasi yun ulam nila ngeeeeh
see??? hindi kami nag-iisa sa barrio! hahaha!!!
@Lee, akala ko ay imahinasyon lang iyon ng tatay ko, lagi niyang ikinuwento itong sardinas story na ito. totoo pala.
mam mahalia, kwento yan ng lola ko kasi tubong baguio city sya at yung sister nya nakapangasawa ng igorot na ang tatay ay leader ng tribu kaya sikat yung tatay palaging my pomadang oil ng sardinas hahaha
Hinde cellphone, Iphone kako…hahahhaha
noon namang nag-aaudit kami ng mga livelihood projects na tumanggap ng mga small loans,
pinakakain kami ng lobster. Ang lalaki. yong mga kasama kong Germans. tuwang tuwa, pinamigay yong mga alak na dala niya.
sabi sa amin pangkaraniwang lang sa kanila yon. o di ba dito eh napakamahal niyan.
sabi tuloy noog kasama kong German na babae…and your people think they are poor?
hahaha sagana pa kasi nong panahon, ganyan na ganyan samen nun. pede mo ngang hingin yong mga isda na dadaong pa lang eh. ngayon di na pede hehehe
ito pa ang nakakatuwa. yong pinuntahang bahay noong member ng fishing boat cooperative, napakamahirap. isang lamesang kainan, saltin na mga pinggan. pero dsy, tingnan mo ang dingding, napapalamutian ng mga xeroxed copies ng diploma ng mga anak niya na nasa siyudad at ibang countries.
bakit siya nagtitiyaga doon. aba eh pagnakatira ka doon sariwa ang mga kakainin mo.
true! true! hahaha! barrio culture yan! hahaha! natatawa ako pag na-a-alalala ko hehhehe
mam cat, isama mo na rin yung mga piktyur nila guy and pip na nakadikit sa dingding at yung mga family pictures na nakabalot ng plastic naka suksok sa salamin ng aparador
aba! kung andyan si guy and pip, dapat andyan yung manika!
si… (sabay kanta) Maria Leonora Teresa!
Eto, hinde man barrio siete ang pinangyarihan pero there is the essence…
Mom told me nung nakikitira kame noon sa house ng amo ng Dad ko (stay-in kasi pag house personnel) na meron daw nagbobote’t dyaryo daw noon sa San Lorenzo Village sa Makati. Nakashort lang at naka-pedicab. Pero kilala siya dun. Hindi lang sa bote’t dyaryo, kundi sa sipag at tyaga nya, napagtapos nya ang mga anak nya. Yung isang anak nya e doctor na ngayon. Di ko alam kung sa makati med nagwowork or sa Osmak (Ospital ng Makati). Taray divah?! Bote’t dyaryo lang yun.
Hello barrio 7! Cool!
darbs, welcome to our site
honga. yung lata ng biskwit na pang lamay. wahahahha!
@buraot, di lang pan-lamay noh, upuan yan byaheng bikol hahaha
“Maliit pa lang ang lola, social climber na talaga ako. Because I remember, paparahin ko ang dyip and get off kahit na dalwang blocks pa ang lalakarin ko. Because I wanna be seen na me bitbit akong lata nang biskwit. Especially sa tapat na bahay nang neighbor ko. Lata nang biskwit. Yan ang simbolo that we have arrived.”
Oh, Reynz, kahit siguro sinong tao kahit na kasing impassive ng poste ng Meralco madi-disarm mo with your wit and good humor.
Can’t get this out of my mind. It’s both funny and true!
@jan,
lata nang biskwit for Filipino Boys hehehehe
[...] though). The interactivity is superb and genuine. My favorite post so far is My Barrio Siete Symbols of Success written by the founder [...]
naalala ko yang biskwit, pag galing sa manila isang napakabigat na lata ang dala ng mga neighbors namin.. at kasama ang tagalog na pananalita.. isang taon lang sila sa manila, pag-uwi ..hindi na marunong magbisaya.. kalurka… hehe
pinsan yan nang neighbor ko and am telling you ansakit sa tenga nung tagalog nila hahaha
Alam mo ba ,nakikita ko ang lata ng biskwit na yan, dala ng mga tao sa terminal ng bus, – di ko gets bakit may dalang ganun kasi nakikita ko yan sa lamay
noong maliit ako usong pasalubong noon hopia saka lowa na kung tawagin ay taeng pusa.
hehehe sa Cubao sa tapat nang Ali Mall, kala mo rally nang mga de-lata hehehe
‘daaay!!! HAHAHA, lagi akong may bitbit nyan kase sa bus yan ang inuupuan ko pauwi sa barrio hahahahha
naka! welcome chuvachuchu!