My Memories of President Cory
I was too young to have much of a recollection of the Marcos Regime. If not for his ouster in 1986, what they did will not be known to me. You see I was a Marshal Law baby. I was born in 1973. What I heard about Marcos in my younger years were not good anymore. Because by the time I was grown-up, people were already tired of his regime.
During the 1986 People Power Revolution, I was in first year high school. We were all listening to the radio during lunchtime in a classmate’s house. When I got home, the radio was still bellowing in the barrio. Nasa barrio kami, wala pang signal ang TV noon sa barrio, at lalong wala kaming TV sa bahay noon. Yung araw nga na bumaba si Ninoy sa airport at binaril sya, walang kuryente sa buong probinsya namin. The following day na namin nabalitaan na umuwi si Ninoy at binaril.
Oo ganyan ka-barriotic dito sa amin at talagang huling-huli kami sa balita noon. I remember masaya ang lahat ng tao nung umupo si Cory bilang President Of The Philippines.
Year 1989 nung umalis ako sa barrio para mag-aral sa kolehiyo. Si Cory pa rin ang Presidente, i know…pero wala talaga akong kamalay-malay dahil unang-una, wala talaga akong pakialam sa gobyerno noon. Basta ako eh mag-aaral dahil inaasahan ng pamilya ko yun. Nalalaman ko lang na may kudeta eh kasi di pinauuwi ang mga dormmates ko na tiga-Manila. Stucked sila sa dorm kasi magulo sa Manila.
Hanggang dumating ang Daylight Saving Time ni Cory. Yung organic chem lecture class ko na 7 am eh actually 6 am pala. Sumisikat pa lang ang haring araw sa silangan eh lumalabas na ako ng dorm. Yung lecturer namin eh napaka-monotonous ng boses at ni hindi man lang nagsusulat sa board. Hindi ako natuwa sa class na iyon. Tapos ang lab class ng nasabing subject eh dapat 10 am to 4 pm. Dahil pagdating ng 12 noon eh brownout na…suspended muna ang classes at babalik kami after 4 pm.
Hindi kasi magandang mag-trabaho sa laboratory kapag browout. Dahil hindi gagana ang fume-hood kung kaya’t hindi safe at lalong hindi healthy. Meron pang weekends na dapat kaming mag-make-up class dahil sa abala ng brownout. Nakakainis pero masaya ang mga panahong iyon. Kasi in-between ay may time kayong mag-bonding ng mga ka-klase mo. Hindi kami nainis kay Cory noon bagkus ay natuwa kami dahil kulang nga ang energy-source noon ng bansa, eh ginawan nya ng paaran. Kahit ang mga pabrika noon eh sa gabi gumagawa dahil nga brownout pagdating ng tanghali.
Alam ko, sa iniwan na gobyerno ni Marcos eh maraming inaayos si Cory sa panahong sya ang Presidente. People I guess gave her a lot of slack dahil ang gulo ng pinasok nya. Pero humanga ang mga tao sa kabutihan at dediskasyon ni President Cory para itayo muli ang bandilang Pilipino.
One person cannot be replaced by another. There is just no one who can be like Cory again. Wala syang katulad. Sana magkaron na nga ng eleksyon sa 2010. Subalit sino ang ating pipiliin? Unang-una…meron bang matino?!
Naka-graduate din naman ako ng college noon sa kasagsagan ng brownout. Mabuti na lang hindi ako na-baog sa lahat ng fumes na nalanghap at liquids na nahawakan ko. Patunay ang aking anak na si Raine na ako’y hindi baog!
*Bow*
R.I.P. President Cory. You are missed by every Filipino in the world.
Viewed 9819 times by 2489 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.















naku Glo, tanda ko pa yang brown out na iyan, nakakamiss minsan, dahil lahat ng mga bata sa amin hiyawan kapag nawala ang ilaw at kantahan ng Happy Birthday kung dumating na ang ilaw.
oo nakaka-miss din. kasi imbes na mag-klase kasi nga brownout eh puede muna kaming gumala noon.
hahaha!
Mahalia, hanggang ngayon ginagawa namin ng mga bata sa bahay ang Haberday song kapag biglang bumalik ang power tapos hihipan ang kandila. hehe (parang abno)
Glow ganyan din ako noong estudyante pa lang din ako anything goes. Nakikisimpatya pero hindi jumojoin sa mga rally, mahirap mapagalitan ng nanay eh.
oo yami, kabilin-bilinan ng tatay ko eh wag maging actibista! alam mo ang first and last rally an sinalihan ko eh yung people power 2 na nagpababa kay erap..
eh may hayup pala etong GMA na pumalik. walanghiya talaga! malay ba naman namin noon na magkaganon? basta ayaw namin noon kay Erap.
balik muna ako dito: http://www.gmanews.tv/livestreaming.html
at dahil walang voice over dyan, makinig dito while wathcing the live streaming: http://www.gmanews.tv/radio/dzbb
yan ang siste kung wala kang TV dito, katulad ko!
hahahaha
buti na lang may internet.
Yami, magaling talaga ang coping powers ng mga Pinoy, ano? Kasi instead na mag-complain at dumugin ng tawag ang power plants– na madalas na sitwasyon dito sa US kapag mawalan lang ng kuryente ng sampung minuto–tayong mga Pinoy, naglalaro ng taguan sa gabi, nag-shadow puppets, nag-gigitara, naglalaro ng kandila (patagalan sa rami ng patak ng melted wax). Magaling tayong mag-adjust sa sitwasyon, pero magaling din tayong magkaisa kapag sumosobra na…
may hantungan ang pananahimik ika nga. kung sumama ang mga elders noon sa bahay sa PP1 sigurado join din ako noon mga panahong yon.
ang favorite namin sa bahay kapag brownout takutan at kwentuhan ng mga kababalaghan. game ang mga bagets kahit mga duwag sa dilim.
Department of Agrarian Reform. I was there. base.
The photo background alone Glo is hair-raising! Worth remembering a time indeed…
dfish, thanks to kapitana for inserting that photo in this entry.