My misadventure in Malanje, Angola
The return of the comeback- after 10 days nakabalik na ulit ako ng Luanda, natapos din ang trabaho na inatas sa akin ng kumpanya, I carried out a certain topographic and as-built survey in Malanje at west part of Angola. A proposed location and expansion of existing Gas refinery of Sonangol, that requires survey works prior to a final grading design. Alam nyo naman ang propesyon ko, maninilip sa pag-aari ng iba dahil mahirap angkinin ang hindi ko pag-aari, sinusukat ko lang at ginagawan ko ng plano.
Huli tuloy ako sa mga balita, ang daming unread emails umabot ng 1,500 just in 10 days. pati yung tungkol kay Tita Cory ay hindi ko agad nabalitaan, pati blogsite ko ay hindi ko na rin na update, at ang daming entry sa barrio na hindi ko nabasa, kasama na dun ang kabastusan ni willie revillame, umandar na naman ang kahambugan ng kumag.
Buong akala ko malaki ang maging komisyon ko sa aking misyon, yun pala puro kunsumisyon. Walang masagap na internet connection, at wala rin kahit isa man lang na internet café, pati text messaging ay abutin ng halos isang oras bago makapag send, pati phone calls choppy-choppy rin ang dating, kelangan pang umakyat sa punong kahoy para magkaroon ng signal ang celpon. Walastik, nag mukha tuloy akong unggoy kulang na lang ay lumamon ng saging para matawag ng little gorilla. (pogi naman).
Eniwey along da wey, narito ang mga kwentong medyo may kwenta during my absent days sa barrio:
Halos sampung oras ang biyahe mula Luanda hanggang Malanje, masakit sa katawan lalo na sa puwet, at muntik ng tubuan ng almoranas dahil sa tagtag ng bako-bakong kalsada sa kabundukan na dinaanan at sa haba na rin ng bihaye.
Nag hanap ng hotel na matutuluyan. Wala akong makita na Anito inn at Victoria court, maliban sa hotel na kasing laki ng malacaňang, …….”Hotel Palacio Regina”.
Sa unang tingin maayos naman at malinis, maasikaso rin ang mga service attendants dito. 2 star hotel kuno ayun sa naka paskel sa entrance, at sabi ng manager ng hotel dati raw 5 star kaya lang nalaglag yung 3 star, pinulot ng tambay tapos tinangay.
$125 ang overnight sa magdamag, medyo mahal pero ayos na yun kasya matulog sa bangketa. Binigay ang susi ng kwarto, room no. 105, hinatid ako ni boy attendant sa aking kwarto. Sa pader ng koridor napansin ko yung lumang picture ng hotel, tinanong ko kay boy attendant kung kailan pa ang hotel, sabi bago lang daw at dating hospital nung panahon ng giyera ginawan lang ng renovation. nakupo! dati na palang pinamahayan na ng multo ang hotel.
Maayos din ang arrangement ng room na pinagmalaki ni boy attendant na fully furnished daw, napansin ko ang maliit na pridyidir, na di hamak na malaki sa pridyidir na pinadala ni kapitana sa dubai. Binuksan ko sa pagkakala ko na may laman…bokya! Wala man lang tubig uhaw na uhaw pa man din ako.
Naghanap ako ng maiinom sa loob ng room, bokya talaga, pati inidoro binuksan ko na rin. Baka sakaling pwedeng inumin. Pero not safe for drinking daw.
Bumaba ako, tinungo ang bar at gusto kong uminom kahit ilang shot lang ng scotch on the rock pamatid uhaw. pero Nungka! Kahit shoktong ay wala dahil sarado daw ang bar sabi ng manager.
Nag hanap ng lang ako ng restaurant sa malapit…pagkakain bumalik sa hotel at natulog… ngoorrrk! bzzzzz!
Kinabukasan, ready na sa trabaho, proceed na ang survey team sa site gamit ang H2 Hummer truck. Sa pilipinas meron din ako dito, local version nga lamang. “Martilyo”.
Inumpisan ko na ang pagsilip sa masisilip na aking sisilipin.
Pero may malaking problema pala, nagkalat ang nakatanim na landmine at iba-ibang klase ng bomba sa dadaanan ng survey at araw-araw ay kailangan muna ng clearance sa mga naka deploy na bomb detector squad bago magsimula ng trabaho para masigurong walang matatapakan na bomba… buhay pala ang nakataya sa lecheng trabaho na ito dahil gyera pala ang sinuot ko.
Imbes na hanap buhay, hanap bomba.
Para makatiyak, pati ako nakipaghanap ng rin ng bomba, ako pa? Matapang yata ako, huh! mahusay din ako sa bombahan.
Mala Abdul-tikul janjalani ng abu sayyaf ang porma habang namumulot ng bomba.
Sampung araw pagkatapos ng mahigit 20 ektarya na paninilip at pakikipagpatintero sa mga nakatanim na bomba ay parang nabunutan ako ng tinik. Nakahinga din ako ng maluwag, nakatulog din ng mahimbing at nanumbalik sa dating porma ang umurong kong yagbolz.
At bago tuluyang nilisan ang Malanje ay dumaan ang buong team sa Kalandula, kung saan naroon ng waterfalls. Isang famous tourist spot ng Angola. inakyat ko ang pinakatuktok, ang mismong lagusan ng tubig at duon buong ngiti akong sumigaw ng…. Supersuman!
Viewed 10686 times by 1964 viewers
Jeri is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/
























Nice! I enjoyed this post. Always looking forward for something new… Jeri sana makapagtabi ka ng maraming diamante… marami jan!!! hahaha!
Johnonymous,
Yan nga hanap ko dyamante, kahit ga-tipak lang ng maliit kaya lang pag nalaman ng gobyerno d2 na may dyamante ang area, i cordon agad then i closed ang area para sila ang mag excavate sa area, i secured agad nila gaya ng nangyari sa isang project namin na airport sa soyo.
Mahirap mag tago ng kahit anong uri ng dyamante dahil life time imprisonment ang sentensya. if you need diamong just buy finished product from the market with receipt para mailabas sa airport.
manong jeri ibig din ba sabihin di ka nakapagshower man lang sa hotel na yan? kahit maiinom wala, ano pala papel ng fridge?
di kaya jan nilalagak pansamantala ung mga katawan ng mga humihinto ang hininga(patay kung ayaw mo ng maayos na salita)?
Mtoni,
Yung first day ko walang ligo talaga, then nagreklamo ako sa hotel, sabi inaayos pa raw.. the following day nag karoon din pero wisik wisik lang.. at least kahit papaano nahugasan ko ang singit ko.. he he he
Malamang na marami nga namatay sa hotel na yun, lumang hospital ba naman dati.
Kuya buti naman at walang mumu habang natutulog kayo dun sa hotel. Lumang hospital kaya yun, for sure may natigok na dun. Hahaha! Welcome back Kuya Jeri.
Pakiramdam ko meron talagang multo dun, kasi parang palagi meron akong kasama sa loob ng room, pero binabale wala ko lang.. hindi ako takot sa multo, dahil wala naman magawa yan.. mas takot ako sa buhay dahil baka kung ano pa gawin habang nag iisa sa room.
yan ang isang nakakasuklam na bunga ng gyera, mga nakabaong bomba na regalo sana sa kanilang kalaban nong digmaan pero ang umani ay mga inosenting kaluluwa. marami din nabubuhay pero ngdurusa dahil putol ang kamay, paa o kundi man kulang eh tuluyang walang paningin. hanggang ngayon marami pa siguro ngkalat nyan sa vietnam.
bukod sa diamante eh maganda din souvenir yan manong..tingin mo?
mtoni, d2 sa Angola marami akong nakikita na mga pilay, mga putol ang paa at maging mga kamay, lahat yun ay duloy ng matinding civil war for the past 30 years. yun ang masaklap nga eh, ang mga inosenteng mamamayan ang nag suffer sa hindi pag kakaunawaan ng gobyerno at rebelde sa bansang ito. maging sa bansa natin, madalas ang mga civilian ang naiipit sa mga gyera lalo na sa mindanao.
Vietnam? next year pa ako malilipat sa vietnam..
Dun ako natawa sa karatula sa bar:
hahahahaha syempre kaya nga close eh, eh di hindi open LOL
seriously, delikado pala yang trabaho mo dyan. Natakot ako para sayo. Landmine yan eh. hindi mo alam if meron ba nakatanim sa ilalim ng lupa.
Baka may blood diamond din dyan haha
PS. Sa Sogo Hotel ka na lang next time, mahal sa anito at sa victoria. sa sogo may promo hahahaha Joke
Bluepanjeet,
Delikado talaga, and i was not even informed ng company nung ipinadala kami dun.. what i had expect ay safe kami, i was surprised nung nakita ko ang mga warning sign about landmine na naka paskel sa project site.
Sana nga sa susunod maka puslit ng tipak ng blood diamond. he he he kaya lang matindi ang sentensya pag nahulian.
Parang sanay na sanay ka pagdating sa mga MOtel ah.. ha ha ha ha may discount card ka ba sa Sogo? penge! he he he he
haha pahiram lang sa akin nung kaibigan ko na medrep. Palagi kasi ako natutulog dun sa sogo pag may exam ako sa nursing and languange proficiency, ang mamahal kasi ng overnight ng hotel sa makati, inaabot ng 2,500 one night.
usually mga 8am palagi start ng exam namin kaya i really have to sleep at a hotel. mahirap magexam ng nbyahe sa umaga.
Everytime na pupunta ako dun palagi tinatanong nung nasa check in kung solo ako haha. tapos pag aakyat na ako sa room ko, puro couples ang nasa elevator. anak ng putakti haha. tinitingnan ako kung nasan kasama ko haha. nagtataka kung bakit ako magisa.
one time sabi nung nasa check in, “sir are you expecting someone, do you want me to direct her to your room”, sabi ko no thanks, im here for business and not monkey business. My palm is ready to go, no callous whatsoever” hahaha
bwa ha ha ha.. i like that alibi.. ha ha ha ha
are you sure exclusively for business only??.. owwwss.. come on blue.. he he he he.
Joke lang parekoy! alam ko naman good boy ka… he he he
Pero……pag isipan mo rin… he he he
nyahaha Hoy Parekoy Wholesome tayo dito hahahaha
seriously i dont mix business with pleasure unless of course someone pretty knocks on the door lol
Joke lang wag ka maniniwala sa akin. Pathological Liar ako hahaha
Kuya Bluep, pag nabasa yan ni ‘you know who’, delikado. Katakot-takot na lecture na naman. Hahaha!
cno? si charmaine? eh di papuntahin sa Angola para i-lecture nya ang mga Angolans hahaha reregaluhan pa sya nang landmine dun.
Kapag nagreply pa si Charmaine “baby” dito baka batuhin siya ni Manong Jeri ng nahukay nilang landmine. lol!
@Monique – hahaha monique astig ka talaga.
@Mel – tatawagin ko si miriam hahahaha
@Reynz – di ba pwede granada?
@Bluep – mas astig kayo… dumugo kaya lahat ng mga tenga at utak ng mga tao dun sa nakaraang Grammar 101! lol.
@Monique – hahaha sabog sabog nga ang ilong ko kay Charmaine. Alam mo may kaklase kami na ganyan nung HS. talagang papatay sya manalo lang sya sa argumento hahaha. Ewan ko kung nasan na ngayon yun baka aktibista na ngayon hahaha
wag na wag siya makiki-alam sa entry ko kung ayaw nya magkagutay-gutay ang katawan nya kung sinoman sya.. she should ask for peace..
But If she needs peace, she must prepare for WAR.
Me itinabi akong isang piraso na vintage bomb,hayaan mo pag nakialam pa yun isasalaksak ko sa baga nya. he he he he
hahahaha! ayan na, charmaine. rotfl!
yay! kakatakot yung mga nakaanim na land mine. i enjoyed reading po.
Monz Avenue
Monz avene,
Kilala mo ba si Mike avenue? yung si boy chocolate na me tuliling?.. he he he nagtatanong bro.. best friend ko yun si mikekoliling…. (nung araw).. he he he
naka-tanim pala. sorry po
Monz Avenue
Nung unang araw ko, urong talaga yagbols ko, but the next day nag enjoy ako sa pagpulot ng nahukay na bomba, nagpa picture pa nga eh.. he he he
una sa lahat ang ganda ng hotel. at least hotel yan
pangalawa wag ka na kasi makulit boss jeri it is not open because it is closed hahaha
3rd, hayuuup sa tsekot, hamer! damn. pasakay kahit pahipo lang.
haha
halatang boss ka jan a. haha. proud pinoy tayo bossing. ikaw lang ang pinoy dyan! astiiiig!
teka nakakatakot naman kasama mo at may dalang bomba haha
and syempre matatapos ba naman ang adventure kung walang gala? malamig ang tubig?
teka walang mga chikabebe jan? nambabae ka boss jeri hindi mo lang nilagay dito! hahaha
Dencios,
Una rin; Wala akong makita na anito inn, sogo, o victoria court, kung meron man hihingi pa ako ng discount card ke bluepanjeet. duda ako marami sya nun.. he he he
Pangalawa rin; masarap kulitin na i open ang closed. ‘lam mo un? he he he
3rd pa rin; pangkaraniwan lang ang hummer truck d2, at bumili na rin ako ng local version.. martilyo.
Kelangan talagang maging astig para di tayo mahalata na urong ang yagbolz.. he he he
Panghuli; hindi ako nambababae….. nanlalalaki na akow ngayooonnn… haaayyyyy! type.! bwa ha ha ha ha ha
hahahahahaha.
hayup! muntik na akong mahulog sa upuan kakatawa. hanep sa humor. dinamay mo pa si blupan. lol
pag nabasa to ni kamahalan yari ka. hahaha.
lol at martilyo.
ingat boss jeri!
da bes ka!
ikaw ang mag ingat dyan sa dubai dencios.. he he he maraming russian dyan… babasahan ka lang ng dyaryo.. bwa ha ha ha ha
e pano 2 braso ang kasya hahaha
nag ganchilyo nga lang e hahaha
Buti wala pa si Lee, kundi patay na naman tayong dalawa ke “one week love affairs”. he he he
hahaha
si lee baka may binabasahan ng dyaryo haha. ooopps. baka makutusan tayo ng di oras na mahal nating si lee. kasi naman masyadong nawili ata sa bakasyon. nakakamiss tuloy
namimiss ko din si Lee.
Naku jeri, idol na kita. Matapang ka pala. Wala bang wildlife diyan at mga ahas? Iyong pang national geographic na ahas?
Rosa,
d2 makikikita ang ibat ibang klase ng wildlife, in fact meron d2 yung nabakuran na pinupuntahan ng mga foreiner.. yung “Safari park”. pag napapanood mo yung national geographic channel ganun mismo..
Ay! Sumangpet ni Manong ngen, guapo pay isuna, awan dakis!
Wen ading, simmangpet nak pay itay nabiit.. ken guapo pay laeng nga agnanayon uray nu napas-eng iti panag biag.. he he he
kuya jeri, ang ganda ng mga poses natin ah. sana padalhan mo ko ng diyamante galing diyan. haha
hayaan mo reesie isasama ko sa balik bayan box na me laman na pridyidir. pupunuin ko ng blood diamond. he he he
Nakakatakot yung site ni sinisilip mo, parang mga landmines din ng Cambodia…Ingat Gineer…
honga… pero nasanay na rin… hindin naman araw araw sumusilip ako, mostly nasa office lang, mas marami akong trabaho sa design and project monitoring and inspection.. kaya lang ako pinapadala ng Kumpanya sa mga ganitong lugar dahil mas tiwala sila sa Pinoy pagdating ng surveying..
naku ingat ka dyan Jeri, nabalitaan ko kaya raw nawalan ng istar yang hotel ay may nag-complain na na buni raw sya sa surot!!!! LOL
na recover na ulit yung isang star at kalahati.. kaya 4 1/2 star na siya ngayon. he he he
wow, ganda naman ng adventure mo kuya…
kainggit, gusto ko din mamulot ng bomba…
ibibigay kong gift kay GLORIA… hehehehehehehehehehe
halika punta d2 dami pang pwede mapulot parang bote lang sa tabi tabi.. he he he
Testing..