My New Year wishes 2010
Sabi nga nila, hindi naman mahirap ang mangarap kasi libre ito. Kaya ngayong bagong taong darating, walang masama if we all share our dreams and wishes for a better world. Dapat na rin yatang magbagong-buhay tayo kasi malapit na ang 2012, he he. Here’s my simple wishlist for 2010. Happy New Year folks at sa lahat ng mga nagbabasa ng Barrio Siete.
Sana tumigil na si Manny Pacquiao sa paglabas sa pelikula at mag concentrate na lang sa boxing. Idol talaga namin ang mga suntok mo Manny pero ang hindi talaga namin maintindihan ay kung bakit nagpupumilit ka pang kumanta, umarte at pumasok sa pulitika gayong nahihiga ka na sa pera. Kailangan mo pa ba namang parusahan ang mga tagahanga mo. Get the clue. Flopchina ang Wapakman sa takilya. Ang ibig sabihin nito, malas talaga sa yo si Krista at kelangan mo munang magpahinga sa pag-aartista.
Sana the Philippines will be a better place for journalists to work in. It’s now known the world over: RP is now the deadliest country to work for by journalists. Dapat yata may hazard pay na talaga ang lahat ng nagtratrabaho sa dyaryo, radyo at telebisyon. Nababahala ako sa trend na ito kasi I once toiled as a dyornalist and still revolve around this world. Pano ka naman matutuwa kung binabaril na parang manok ang mga taga-media, katulad ng nangyari sa Maguindanao massacre? Horrid crimes like this must be solved and better protection must be enforced, otherwise the situation will not change.
Sana mas marami pang nakakabaliw na Facebook games ang darating. Nakakaadik kase! Imagine nang dahil sa demonyong games sa Facebook, hindi ko na kailangan ng Nintendo DS o Playstation 3. Pisti! Namamaga na daliri ko sa kape pindot, hahaha. Okay lang siguro mabaliw, wag ka lang gumastos o pabayaan ang niluluto mong adobo sa kusina, kundi baka mag-apoy ang buong bahay nyo.
Sana mabawasan na ang mga epal sa trabaho. Isa lang ang masasabi ko sa work assignments ko lately: ang dami talagang epal sa workplace at matuk mo, sila pa itong napo-promote. Hindi ko yata maatim na ang pinapakain ko sa pamilya ay nanggagaling sa pandaraya ko sa trabaho at kung ano pang kabulastugan.Kung ikaw ay corporate slave ding katulad ko, alam mo siguro ang sinasabi ko. Karma na lang siguro ang kapalit ng mga litsing ito.
Sana ang susunod na Pangulo ng Pilipinas ay tunay na iisipin ang bayan muna bago ang sarili. Sana hindi nila gawing big business venture ang Presidency, bagkus dapat isipin muna nila ang kapakanan ng 90 million or so Filipinos. Sana walang dayaan sa 2010 elections, at sana huwag nang magpakatanga ang mga Pilipino to vote for a President not deserving of their faith and their trust. May the Good Lord bless us with a President who can get rid of the corruption and move this country forward.
Lima lamang po yan sa mahaba kong wishlist. Syempre hindi na kailangang banggitin that I wish for world peace, more blessings and prosperity for us all. In the past years as in 2010 onwards, keep social climbing alive. This is the only way to go, amigas! Happy New Year!!!!
Viewed 13431 times by 2873 viewers
annalyn is a Technews Columnist of the Manila Bulletin, one of the Philippines most widely-read English broadsheet. You can find her blogging at http://www.annalyn.net, which is her main blog, http://www.weddingfactsheet.com, which is a wedding blog and http://www.balutpenoy.blogspot.com, a food blog.














oops, kelangan positive vibes dahil new year. kaya ang wish ko sa mga dayong bahaw na walang ginawa kundi kutkutin ang mga kalyo ng mga taga barrio, sana kutkutin muna nila ang mga mukha nila para gumanda na rin sila.
happy new year mga kabaryo!
isama na nila yung mga blakheds sa mukha nila nyahahah
Happy new yeaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar!
What a nice wish Ajay. Happy New Year sa inyong lahat! Party muna tayo ngayong araw na ito… ~_~
i share the same sentiments about Manny. oo i adore this guy, kaso, i am one of those na nawawalan nang gana pag Manny politics na pinag-usapan. papayagan ko syang kumanta nang kumanta, umalis lang sya sa politics. then again, oh well, bahala sya.
i wish things change for the better for the journalists too at ma-convict at mawala sa mundo ang mga impaktong pumapatay sa mga journalists.
i wish tuluyan nang mawala si YOU KNOW WHO at matalo sa Pampanga.
finally, masama ang loob ko sa Facebook! ang lecheng yan! grabeng trapik ang inagaw sa Barrio! HMPT!
BAWANG PLEASE! HAPPY NEW YEAR!
hahaha. Grabe ang Facebook. Nang dahil sa kanya, hindi na rin nakakapagsulat sa Barrio ang ibang writers eh. Busy silang magluto at magbungkal ng lupa. Happy New Year..peace be on earth!
@Reynz/Ajay,
Somewhat guilty rin ako dito mga kapatid dahil naloloko rin ako sa Facebook Farmville at recently Cafe World! Good reliever din kasi pagkatapos ng stressful na trabaho.
Pero promise, this year, I’m gonna do my Barrio Siete homework just like before. ~_~
ako kelangan ko pang 2 freinds more sa fb para mapalaki pa ang lupain ko.. huhu.. can anyone add me? delta@deltahere.com… thanks.. future haciendera