Home » Buhay sa Barrio Siete

Nabiktima ng Bingwit Gang

1 July 2009 37 Comments

Araw araw noong unang panahon, gumising ako sa halimuyak ng pinag-madaling arawang baboy. Kasi ba naman nag-lagay ang Tatay ng addition sa bahay, yun bang nasa tabi talaga ng kusina namin, ilang cubicle ng mga baboy. Kakatok na ang tungko ng walis sa ding ding ng kwarto naming magkakapatid.

magnanakaw
Photo Credits: AngryLittleBoy
“Hoy, naghihintay na ang baboy na maligo!” ang sigaw ng Nanay.

Kaya ayon, bubuhatin ko na yung pata ng kapatid kong tulog-mantika. Sino ba naman ang magsasabing kailangan ko pa ng eye shield para matulog kung libre na ang binti na nakatuon sa noo ko. Bago pa maiunat ang nag-pilipit bread kong balakang, hawak ko na ang balde at tabo para bigyan ng shower ang mga kulig. Pagkatapos, dahan dahan kong bubuksan ang sako ng binlid. Natuto na kasi ako noong isang linggo na nagmamadaling buksan yung sako, napa-foundation tuloy sa akin yung kaning-baboy.

“Hok hok hok!”

Para bang sinasabi ng mga baboy na ito, “Ang sarap ng pagkain,” at tyempo ang madiin kong pagkamot sa kanilang likod. Sabay naman sa kantahan ng baboy, ang kapatid ko ay gumagamit ng walis tingting sa may tabi ng sampayan. Uuyunin ko sana yung sinampay kaya lang may kakaiba akong napansin.

“Nanay!” Ang malakas kong sabi.

Nawala na naman yung bagong T-shirt na pinag-lumaan ng pinsan ko. At dalawang pantalon rin ang na-nakaw ng Bingwit Gang.

“Sabi ko sa iyo na ipasok mo kagabi yang mga damit mo sa sampayan!” Ang sagot ng Nanay ko.

Napaismid na lang ako. Ilang ulit na rin namang biktima ng Bingwit Gang ang mga pantalon namin, dapat sana ay natuto na ako.

“Nakita mo yung kumuha ng pantalon ko?” Ang tanong ko sa baboy.

“Hok hok hok!” Iyon lamang ang sagot na tumambad sa akin.

Ilang oras pa ay handa na akong pumara ng traysikel para pumasok sa school. Nakinig ko na naman ang hok hok hok ng baboy. Pagka-lingon ko sa may kanto, doon sa may tabi ng babuyan namin, naaninag ko ang nag-lalakad kong pantalon. Suot na ito ng kapit-bahay namin. Agad kumaripas ang mga paa kong habulin ang aking pantalon. Napansin naman ng dalaga na may humahabol sa kanya.

“Hoy hoy hoy!” Ang aking sigaw.

“Hok hok hok!” Ang sabi ng mga baboy.

“Ay ay ay” Ang sabi ng dalaga.

Hindi ko ka naabutan yung dalagang talo pa sa marathon ang pagtakbo. “Sino ba yung kapit-bahay na yun?” Tanong ko ulit sa baboy.

Hok hok hok lang ang narinig ko mula sa kural.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13587 times by 2450 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

37 Comments »

  • jimg2940 says:

    i read baboy’s hok hok hok…sabi niya ay walang kasalanan yung dalaga bikos yung versace ay na-deal or no deal mula sa palit-bayan…dapat mong minarathon si Kapitana, siya ang true-lagang nagmake bingwit. peksman.

  • palab0y says:

    wahhh?! anak ng..***** oo
    ang lakas ng loob…
    wag kang mag alala, karamay mo ang hok hok ng mga baboy sa pag tugis sa kapit bahay mong tinamaan ng magaling…..

  • Dinah says:

    he he, hindi na nahiya ang dalaga :-)

    • Mahalia says:

      naku talamak talaga sa barangay namin ang mystery of the Lost pants. Kahit na suutin kinabukasan wala pake. Kasi paano ko nga naman ma pupurbahan? Huhubaran ko sya? hehehe

    • reynz says:

      hehehe kahit sa murphy, sa dati nameng apartment, dahil ang likod nya bakod semento di namen makita neighbor namen, eh dahil boarding house ang nasa kanan, mga adik naman ata ang nasa kaliwa, ilang beses nang nabingwit mga pantalon namen dun hehehe

      • Mahalia says:

        paano kaya kung may kurikong yung may ari ng pantalon, at di gasinong na banlawan ang damit. nakupo, ilang angkan ang mahahawahan. :0)

  • lee says:

    susmio, ang bilis naman sinuot kagad sana man lang sa ibang lugas sinuot hahaha o kaya naghintay ng matagal tagal, swerte nya magka size kayo hahaha.
    natawa ko sa baboy at napakalisto, pag kinausap nasagot naman ahahaha

    • Mahalia says:

      swerte nya magka size kayo

      Naku kahit na hindi magkasize, kung mas mataba, gagamit ng lastik, itatali mo sa butones tapos itatali mo sa butas ng pantalon. Susuot lang dapat ng mahabang Tshirt kung hindi ay kita ang butos na tyan. Kung mas mapayat naman, lubid lang ang katapat, talian mo yung dalawang magkabilang pinapasukan ng sinturon, sabay ribbon sa harap, pwede na!

  • Mel says:

    off topic: pang-894,850 na ang Barrio Siete sa listahan ni Aling Alexa?! OMG!

  • dawn says:

    hello— mike— test

  • dFish says:

    Yan ang katotohanan ng cliche na to: “Good fences make good neighbors.”

    • Mahalia says:

      true, good fences make good neighbors if the neighbors haven’t seen any ninja movies or ocean’s eleven series.

      Naku kuya, sa atin, may barbed wire na, electric, basag na bote at security dogs at security guards, nakakapasok pa rin.

      Wala naman talaga kaming bakod, isang sapa lang ang naghahati sa aming kapitbahay na tinambakan ng basura.

    • reynz says:

      ay naku dFish!

      naungkat mo ang tromatik experience ko sa lecheng tangnang neigbor namen na pinang-gatong ang lecheng fences namen dahil lumagpas daw sa boundary nang hayop!

      ang sumunod nun, me bolo, nag-tatalak sa tapat nang bahay namen at gustong tigpasin ang tatay ko! an takot ko nun sa demonyong yun! hahahaha!

      • Mahalia says:

        baka walang pambili ng peterpan gasul, at least you donated to humanity, charcoal the neighbor aide. O diba? Parang si Angelina!

        Saan ba yang neighbor mo, padadalhan ko ng briquets, hehehe

      • mtoni says:

        mas takot siguro kung makita ko mismo naglalakad sariling pantalon, baka sa halip ako humabol eh ako habulin.

      • dFish says:

        Yan ang masaklap din sa barrio Reynz, Mahalia – madalas pinag-aawayan ang mga boundaries. Naalala ko rin – me kapitbahay kami, may punong lanzones. Ang bakod lang namin noon, kawayan, kami ang gumawa. Pag namumunga ang lanzones, hindi maiwasan, nahuhulog sa boundary namin. Syempre, tuwang-tuwa kami pag umaga kasi makapamulot kami. Ang mga anak ng tinapa – inaaway pa kami kasi sa kanila pa rin daw yung mga nahuhulog na lanzones na yon. Wala kaming pambayad sa abogado kaya dinadaan na lang ni erpat sa paghahamon pag nalasing hahaha. Kami naman pulot lang ng pulot hahaha…

      • Mahalia says:

        DFish, di ba ang neighborhood rule ay kung ang sanga ay nasa boundry mo, iyo na ang bunga?

    • reynz says:

      kaso mahalia and definition nang good fences kelangan tanggap nang neighbor or else! nakuu! isang blog entry tong nangyari samen nun hahaha

      • Mahalia says:

        I can’t wait!

        Sabi nung isa kong kaibigan na kano, tatlong klase raw ang binabasa ng tao sa mga blog:

        1. Palakulan
        2. Intrigahan
        3. More Bolohan

        Ayan pwede yan sa lahat ng category.

      • reynz says:

        maisulat nga yon para mai-labas ang galet ko! hahaha! ang demonyong neighbor namen na yon! grr!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.