Nang Dumalaw Sina Lolo at Lola

This is a real deal ghost story happened this September 22 (kaninang madaling araw lang!).
Nagtataka ako kung baket ang aso ng kapitbahay namen na si Doggie e matindi ang pagkaka-alulong at tipong sa tapat pa ng gate nakapwesto.
1:30 AM. September 22.
Naalipungatan ako sa matinding alulong ni Doggie. Ilang beses ko nang naririnig ang alulong ng pastilan na aso na yun. Alam kong ang mga aso e may tendency makakita ng mga nilalang sa ibang planes of dimension – name it: espiritu, engkanto etc. Weird pero parang wala naman akong nakikita, tuloy pa rin ako sa pagbangon kahit ilang oras lang ang tulog ko dahil sa may gagawin ako that time. Usually, ang pinaka-ideal time sa akin para magsulat at magbutingting ng kung ano-ano sa internet is between 1 AM to 6 AM ng umaga.
2:00 AM.
Unusually malamig din ang kwarto namen at ang sala. Pero dinismiss kong baka lamig lang gawa ng madaling araw. Nakakapagtaka na medyo kinalibutan ako pero dinismiss ko yun as just panlalamig lang. Habang binubuksan ang aking kelvinator laptop, saka tumawag ang isa kong kaibigan. Night owl din kasi siya at nagkwekwento na di din makatulog na ewan. Si Doggie e tuloy pa rin sa pag-alulong. Habang tumatagal e lalong lumalakas. Nagtaka ang kausap ko sa telepono kung baket may umaalulong sa aking background. Sagot ko naman na yung aso ng kapitbahay namin e nakakakita yun kaya malamang may nakikita siyang umaaligid-ligid sa labas ng bahay.
Habang gumagawa ako at para mawala na din ang jitters ko, nagpatutog na lang ako sa Itunes ng technomusic. Paano kasi kung tahimik ang lugar ko tapos sabayan pa ng umaalulong na aso, ay ambot! Nakakapangilabot.
Pagdating ng 4:00 AM ng umaga, nanahimik si Doggie na parang walang nangyari. Tumigil siya sa pag-alulong.
Kinatanghalian…
Habang nagsasampay si Inay at ako e tyempong nasa kusina para magluto ng tanghalian, nasabi nyang dumalaw ang mga matatanda. Sabi ko, “Huh? Wala naman dumalaw sa atin di ba? Kelan ba dumalaw?” Patawa akong sinagot ni Inay, “Hindi. Dumalaw sila kaninang madaling araw. Dumaan pa nga sa harap mo. Di mo napansin. Nakita ka siguro na nagiinternet.”
Alam ko na ang nasa isip ko nung oras na yun. May dumalaw na espiritu sa bahay. Aware naman ako na palaging may dumadalaw na espiritu sa aming bahay – usually espiritu ng mga yumaong lolo at lola pati na din ang mga lolo at lola ko sa tuhod.
“Sino ba ang dumalaw? At bakit dumalaw?” tanong ko kay Inay.
“Dumalaw ang mga lolo at lola ko sa both father and mother side ko. Sina Nanay Pidad. Niyayakag ako. Tipong sinusundo ba. Ganun sila kapag nakikita nila akong malungkot o may problema. Ayaw nila kasi akong nahihirapan.” sagot ni Inay.
“Mabuti na lang at di ko inabot ang kamay. Dahil kung nagkataon, mapapasama ako sa kanila.” dugtong niya.
Ineksplika pa ni Inay, “kaya si Doggie e panay ang alulong kanina. Alam niyang pumasok yung apat na matatanda sa bahay.”
Naalala ko ang isang pangyayari sa buhay ko noong highschool na nagkaroon ako ng engkwentro sa babaeng nakaitim. Nakaengkwentro ko ang babae sa aking bangungot. Malapit na din ako makapusan ng hangin noon dahil yung kumot na nakatakip sa mukha ko e tipong pinangsakal sa akin at ramdam kong may nakadagan sa aking katawan.
Biglang lumitaw ang dalawang espiritu – isang babae na nakapusod ang buhok at nakabarot-saya. Ang isa naman e lalake na nakabarong tagalog at naka-one sided ang hati ng buhok. Yung tipong itsura ng mga tao nung 1960s. Dumaan sila sa may kusina sabay pumasok sa kwarto namin. Hinatak nila ang babaeng nakaitim mula sa pagkakasakal sa akin. Inilayo at tipong niligtas ako sa pagkakatuluyan ko sa bangungot ko noon. Pagkatapos nun,nagpakita pa ulet ang dalawa at nakangiti sa akin.
Dinescribe ko ang itsura nila sa Inay ko habang kami e nagkwekwentuhan. Sabi niya na si Nanay Pidad ang babae dahil mahilig magpusod ng buhok yun at akma ang description ko sa kanya. Yung lalakeng nakabarong ang di ko pa ma-workout pero pihado akong isa din siyang kamag-anak namin na yumao na.
“Lagi kayang nasa bahay ang mga lolo at lola mo. Di mo lang napapansin.” sambit ni Inay pagkatapos.
Lagot, alam nila na nagbloblog ako at naglalaro sa Facebook.
Viewed 15021 times by 3476 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.















baka di ma-gets yung social networking na yan. next time sabihin mo i-add ka sa friends request para tuloy and communication! LOL, joke lang!
Nyahahahha….
Turuan ko sila ng social networking na abot sa kabilag dimension. Heheheh.
o baka naman nag-papaturo lang sayo kung pano mag-twitter para makapag connect seyo? hahaha
Nyahahahha….spiritual twitter? Lastek, baka nga may magupdate nito sa aking twitter mamya! hhhahahah
Reynz,
Kamusta naman ang disco mumo mo? Sinundan ka ba sa philly? Bwahahahah.
mapapagod sila saken dahil hangga ngayon tira pa rin ako nang nobody nobody bachu hahaha
Hahahahah!!!!
Hayufff…. kasayawan mo pala ang disco mumo sa Nobody but chu! Hahahahha…
Or baka di mo naman sinagot email nila..Gawa ka kasi separate folder para sa kanila.
Eto na nga. Sasagot na ako sa emails nila. Hahhaha.
or baka turn na nila mag pesbuk o kaya mag update ng blog nila tapos hinihintay ka pa nilang matapos. hehehe
scary ka silver. ibahin mo na kasi ang routine mo.
Oo nga Mel. Baka magupdate sila ng FB at blogs nila. Nyahahah.
Sanay kasi akong sa gabi till madaling araw ang operations kasi quiet talaga at nakakapagconcentrate ako. Yun nga lang, may mga bisita sa haus that time.
siguro nga madam oras nila non gumamit ng pyuter at inaantay ka matapos, hala ka.
Toni,
Oo nga. Apat silang nakapila sa likod ko at baka hinihintay akong matapos na magfacebook. Nyahahha.
waaa. katakot ito fwend. wag kang ganyan, madilim at malamig pa naman dito sa bahay at nag aalulong ang mga cayotes sa labas. oo susyal dito, cayotes ang nag aalulong…wala kasing asong kalye. hehe.
Hahahahah….litsi! coyotes! Hahahhaha.
Tingin tingin lang sa tabi mo fwend, baka may katabi ka na. Bwahahahha.
cayotes yan fwend, kasi ganon ang pagpronounce ng mga puti dito. lolz. coyotes are scary, para lang ding asong kalye dito.
Oo nga fwend. Di ba marami ding roadrunners dyan? Heheheh.
hindi pa rin ako naniniwala sa ganyan kasi nde pa ako nakakakita eh. bagamat nung bata ako ay takot na takot sa multo, wala naman ako nakikita kaya nde na ako naniwala. pero marami nakakapagsabi na totoo nga daw.
Well, okay lang yan. Wag mo na lang hintayin ang time na makakita ka ng engkanto at kaluluwang ligaw. Hahahhaha.
Biro lang.
nyay kinkilabutan naman ako at nakatayo pa rin mga balahibo ko dito
Hahahhaha..pusa wag kang ganyan. Di pa ako nakakita ng pusa na nakatindig ang balahibo. LOL!
[...] Here’s a snippet of my current post in the Engkanto Files of Barrio Siete: 1:30 AM. September 22. [...]
Hahaha! Baka gustong lumaban kay Lola Techie! Di ba star na si Lola Techie sa Facebook at Twitter!! Hahaha!
HAHAHHAAAAA
i soo agree with you ditseee hahaha
eh grabeh naman kase ang influence ni lola techie…pati paranormal world ini-invade na…kudos to Bayantel
Malen and Chuva,
Oo nga. Yung commercial ng Bayantel. Hahahah.
Pero recently nga daw ang mga matatanda, naging hooked na din sa internet.
Haha! Ganun Silver? Kaya pala hooked na hooked kami ni Reynz sa internet.. hahahahaha!
Hoy! Chuva!
Ang old age is 65! Wala pa kayo dun! Hahahahhaha.
Sabi kasi sa araw dapat gumagamit ng computer natin. Sa gabi give chance to “others” naman.
nyikes!
Oo nga monique. Eto ngat nagblock na ako ng schedule for their internet usage. LOL!
malapit na kasi ang undas kaya siguro namamasyal na sila, sa susunod baka isama pa iba ninyong kamag anak, family reunion ba, sa susunod sana itext ka muna bago sila magpunta para naman makapaghanda ka ng kape at biskwit
wahahaha!!! kung magtext/ magmessage sa facebook / twitter sila di kaya tayo himatayin?! lol.
Mommy An2nette,
Pag undas, may dumadalaw palagi na matatanda sa amin kaya during those times, we make sure na may kandilang nakatirik at alay na food for them. Namana namen yung ganung practice sa mga Chinese.
Meron ba talagang multo?… ang alam ko ginawa lang ang kwento na yan para panakot sa mga batang malilikot at makukulit.
At ang aso normal lang na umaalulong ng kakaiba kung minsan.. medyo nagawan lang ng kwentong kakaiba.
Mas nakakatakot ang buhay kaysa sa mga patay.
Dahil ang buhay, pwedeng makapatay.
Pero ang patay hindi na mabubuhay.
You are right na mas nakakapatay ang buhay.
But if you want to know if ghosts are real, you can ask Jimmy Licauco on that matter.
I dont think all ghost stories are made just to scare children.
If you want, magpatour ka sa old Diplomat Hotel or sa Film Center. If you want to be sossy naman, try mo ang Borley Rectory sa England nang makita mo ang hinahanap mo.
To see is to believe di ba?
ano ba??? di naman zombies and pinaguusapan dava? ghost kaya! and please lang ha totoo yang ghost! ako sobrang sceptic ko pero paniwala ako dhil di ko lang ramdam ang ibang beings kundi kta ko pa! namin pla…ng mga ka work mates ko! ano yon sabay sabay kaming nagiilustyon sa iisang bagay?
Kunsabagay, pag naniniwala ka sa multo talagang mumultuhin ka.
Marami rin mga tao na walang tahanan na nakatira mismo sa loob ng sementeryo, kadalasan sa mismong loob ng bakanteng nitso sila natutulog, hindi naman sila minumulto.
Medyo kulang lang yan……kulang sa pananampalataya sa Diyos.
LOL! ako araw araw na dumadaan sa sementeryo gabi pa ha, pero wla nga multo… dito kc samin khit gabi very safe…. anyway, wala kinalaman sa pananampalataya yon dhil di ako kulang don… bkit yong mga kasamahan ko rin ba na nakakita, ayon sa description mo? Are you questioning my experience or belief? i don’t question yours… paniwala mo yon.. and please lang wag mo isama ang pananampalataya sa gantong diskusyon!
Phew! Phew!
Paeng,
Okay na sana ang comment pero dont include questioning about other people’s beliefs lalo na pagdating sa usapang Diyos. Its like stepping into someone else’s toes.
@ silver, i’m very sorry but i think his comment is very insulting… he doesn’t know me and thank god i don’t know him,ok lang kung questionin nya ang belief ko sa mga multo at to be quite honest sceptic ako sa experience ko at bago ako maniwala e pagkatagal kong minuni muni… pero ang questionin nya ang pananampalataya ko e below the belt!
Katakot naman. Ngiii…sana hindi ko nabasa ito dahil mga hanggang umaga gising din ako kakablag.
Hehehe Snow. Wag kang matakot. My intent in this story is not to scare people.
Naku, mapapa-isip tuloy ako ng kung ano pag umalulong ung aso ng kabit-bahay namin. Dun pa man din siya sa tapat ng bintana ko lagi pag ganun…
Ely,
Nakakaparanoid minsan yung biglang may aalulong sa tapat ng bintana mo in the middle of the night.
normal lang na bumisita ang nga elders natin, at tama ang inay mo, kadalasan nag aakit sila pag kita nila ang hirap ng kalooban. me karanasan rin akong ganyan. bakwet naman kasi madaling araw ka nakatutok sa net e. hahaha.
Chi,
Ideal working hours ko ang madaling araw. Kaya ang trabaho ko e parang si Batman.
Siguro hindi mo na dinadalaw ang puntod ng Lolo’t Lola mo, kaya sila na mismo ang dumalaw sa inyo.
Sabihan bang hindi nadalaw?
in my case, paeng, di nga ako makadalaw kc ang tagal ko ng wala sa pinas pero i make sure na me flowers ako para sa elders ko pag birthday o kamatayan nila and pamisa kc diba sa ting mga pinoy important yon? ewan ko lang sayo…
o siya.. payag na.. suko na ako..sana araw-araw kayong dalawin ng multo, tutal naniniwala naman kayo sa multo..
uy! jowks lang yan ha.. huwag niyo seryosohin..ganito lang sa blogging.. para bumenta.
Pero……pag-isipan niyo rin.
Paeng,
Paki-ayos ng comment mo. You’re way out of line.
Honestly speaking, hindi bumebenta sa blogging world ang mga ganyang istilo. Yah know, just to self yourself to others tapos ganyan pa ang commentaries mo. Take note: babae pa yang sinasabihan ng ganyan.
Cant you be gentleman enough to give respect to a lady?
Magbehave ka nga.
LOL! don’t worry sanay na po. la na takot at kaba. they can’t hurt us anyway as long as you’ve got faith… peace!
Eps eps eps eps..People, people, mga ka barrio..Easy lang. Kulang na kasi sa mais con yelo ehh. Teka nga at hanapin ko blender.
We are all entitled not to believe everything we read and the same goes for things we do believe. It’s the reader’s prerogative and whatever distaste we have, let’s be mature enough to keep it to ourselves and respect other people.
Ilang mais con yelo order pala ninyo? Nawawala listahan ko
@rob; hehehe. pede bang extra mais? and with pearl pede po ba? LOL…
Basta ikaw Chi, special mais con yelo!