Home » Baryo OFW

Ngiti, Wag Naman Ipagdamot

18 June 2009 83 Comments

Its hard to leave our barrio siete behind, just to work in foreign lands in search of more greener pastures…

Lintek, makapagtagalog na nga…

Pag bagong salta ka abroad syempre natural lang yung excited kang makakita ng mga kababayan mo, pag naman nakita mo sila, kulang nalang yakapin mo sa tuwa at bawat makita mong pinoy gusto mo batiin.Nakaka excite naman kasi talaga lalo pa malayo ka satin at ibang mga hilatsa na ng pagmumukha nakikita mo lalo ka tuloy naho-homesick di gaya nung marami kang kababayang nasisilayan nakakabawas ng buryong tapos makakasalita ka ng tagalog di yung sa araw araw na ginawa ng pineapple juise e inglis Barok ka ng inglis Barok dahil yung kausap mo inglis Gundina.

Isang buwan sakto mula nung lisanin ko ang pinas tapos puro trabaho kagad ang inabutan ko, so naisip ko naman na since 1 month nako dun siguro naman e ok nako lumabas at medyo magkandirit sa main City. Pagpasok ko sa grocery nakakita ako ng 3 babae aba mga blondeh ang mga buhok na ilang agua oxenada kaya ang naubos (teka mga mukang sosyal eto) ang dapat kong mga nagiging ka bungguang siko dito sabay bati “Hiiiiii mga pinay po ba kayo? Sagot nung isa habang nakataas ang isang kilay “Obvious ba?” nag ngisngisan yung dalawa at tumalikod na sila—

Avah ang gaganda ng mga lokah, ang hahaba ng buhok. Ang sarap pagbuhulin hmpt!

Dipa nadala ang lola nyo nginitian ko yung nakasalubong ko na mukang pinay at ngumiti din naman ng katamis

“Hi, are you Pinay?” nakangiti pa rin sya “No Im Koong, my name is Koong. Im from Thailand and you?”

“Ah ok sori I tot yu ar prom pilipins, nays meeting yu Koong— oh by da wey Im Lee prom Pilipines, byeeee.”

Kakalakad pasok ako ng leather shop avah eto sure mga pinay to kasi usap sila ng ilokano eh! Sabi pa nung isa—

“Ayyy, kitaem datoy nagpintas nagsosyal ti arrive na gatangin ko datoy” (translation: wow)

“Hiiiiiii, are yu Pinays?” tingnan ba naman ako mula ulo hanggang paa—

Sagot nung isa “Why? Do I know you, do we look like pinay?” aba aba aba at nakabihadhad pa butas ng ilong at papikit-pikit pa —

Teka baka naman kako nagbibiro e biruin ko din nga “Oh, yeah I tot yu ar all pinays kasi mga pango din kayo e” sabay irap. Sabay talikod mahirap na 3 sila kahit na nga hanggang kili-kili kolang sila e kuyugin pa ko naloko na, mga litsi ang susungit! Ok enough for the day kahit my makasalubong akong pango este mukhang pinoy dina muna ko babati next time nalang ulit pag dina mainit ang ulo ko.

Minsan nakakadismaya, nakakalungkot, nakita ko kung pano ma discriminate yung iba nating mga kababayan to their own countryman lalo pa ngat kasambahay ka lang o kaya e napangasawa kalang ng locals o mababa lang ang estado mo sa buhay sa ibang bansa. Yung iba nating kababayan tinubuan na ng kulane sa kili-kili at nagka stiff-neck na at feeling nila e nakalutang sila sa alapaap habang silay naglalakad at diman lang magresponse pag binati ng kapwa nila pinoy.

Marami nakong bansang napuntahan, marami narin naman akong ibat ibang lahing nakakasalamuha pero sabik ako na sarili kong kababayan ang aking nakakasalamuha at nakakausap, sa pamamalagi ko ng matagal sa ibang bansa habang naglalakad derecho ang tingin ko, di man ako ang unang bumati sa makasalubong ko (kasi nadala nako lol) pag ako e binati o nginitian kahit sino pa sya kahit diko sya kilala ngingitian ko naman din.

Siguro naman di malaking kabawasan sa pagkatao natin kung ngitian naman natin yung mga kababayan nating sabik sa kapwa nila kababayan.

Siguro naman di malalagas ang ngipin mo pag ngumiti ka, maliban nalang kung ngumiti ka ng nakanganga at maluwag ang pustiso mo—

Siguro naman dika tutubuan ng adams apol pag nagsabi ka ng “HI” sa kapwa mo.

Siguro naman dika tutubuan ng kulane sa kili-kili kung kakaway ka pag kinawayan ka maliban nalang kung feeling mo beauty queen o kandidato kat lahat nalang ng masalubong mo e kakawayan mo.

Kilala tayong mga pinoy na friendly, warm at yung pagiging hospitable natin ay recognized yan ng mga taga ibang bansa sana naman kahit nasa ibang bansa na tayo di yun mawala satin lalo na sa sarili nating mga kababayan na ang nais lang naman ay masilayan ang ating mga ngiti habang silay malayo sa ating sariling palangiti at palakaibigang bayan.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12175 times by 1586 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.

83 Comments »

  • Mahalia says:

    hay naku, may ganito rin akong experience. mukhang pinoy na pinoy, kinig mo naman na pinoy-glish ang accent, kapag tatanungin mo sa tagalog na Pinay ka? Huwat??? ang sagot. Dito kasi kilala ng bawat isa ang mga Pinoy dahil may samahan. Malaman laman mo na lang pala ay iisang buwan pa lamang di ne. Aruuuuuyy!!!

  • Snow says:

    @Mahalia
    naku, kapag ganyan apakan mo ng madiin ang paa. Tiyak, aray sasabihin niyan at hindi ouch!
    hahahaa…

  • Mahalia says:

    @Snow, bakit baga ganito ang mga mentalidad ng ilan, parang di yata patriotic yung iiwan mo na lang ang kultura na pinanggalingan mo. Nakakalungkot…

    Noong ako ay natapakan, malakas kong sigaw sa Wal-Mart, “Susmaryosep naman, May ing Grong ako di ne eh, di man lang tumingin aring Mamang Malaki”

  • Snow says:

    Ay totoo yan Mahalia. I’m deeply saddened too with those people na kinaiila ang Pilipinas. :(

    • lee says:

      @snow, my tawag ang mga ilokano dya sa mga ganyan “agraraman” hahaha sinu bang ilokano dito

      • fatherlyours says:

        Siyak manang. Apay? Sa akin naman, okay naman experience ko minsang pinalad ako at maka incentive ng free trip to hong kong. May group ng singer naka pwesto sa may entrance ng “Wondows to the World”. Isang theme park. Nag try lang ako sumigay ng “Kabayan” sa kanila.Tuwang-tuwa sila,yung kanta hinahaluan ng tagalog. Then napunta kami sa jewelry store.Ang head Pinay, nag ilokana, ayos.lahat kami bumili.

      • mtoni says:

        present!
        ate lee baka nadala na lang ung iba sa naging karanasan nila pero talagang meron ilang mahirap intindihin ugali.
        nong bago kami d2 nakaranas din kami ng mas masahol pa jan.

        agraraman – damay damay

    • lee says:

      @manong mon hahaha natawa ko sayo, yung mga entertainer mababait talaga at masasaya sila kasi yun trabaho nila talaga mag intertain hahaha ilokano ka met gayam manong lol

      • lee says:

        @mtoni, yeees naglalabasan na mga ilokanot ilokana hahahaha ako din nadala na kaya dina ko ang umuuna sila nalang mauna saka nalang ako kaya kung pare-pareho kaming dala at naghihintayan e wala ng batian at ngitian hahaha

      • roni says:

        haan ka ag-tarayen, hahaha, sa tagalog wag kang mataray, hehehe

      • lee says:

        @roni hahaha yun pala ang tagalog nun kala ko tumakbo lol

  • Silver says:

    pareng Lee,

    sino kaya ang nginingitian ng gorilla na yan? yan ba ang nakalaban mo sa sungka kanina?

  • lee says:

    pareng silver,
    yan yung nasa monkey bisnes kanina lumipat dito hahahahaha

  • reynz says:

    feel na feel ko yan lee.

    i feel so small nung mga me nameet akong pinoys here sa Philly noon. bagong salta ako. wa ako knowing. i dress barriotic. di ako marunong mag english. wa kotse.

    den i met pinoys. mayayabang. unang tanong – what car do you drive? an sakit pakinggan. i feel so small nun. ang galit ko. i never had any friends for more than 5 years. sinaksak ko sarili ko sa school sa mga libro.

    minsan ang panahon nag-lalaro. years passed by, binalikan ko yong place where i met those pinoys, andun pa rin. walang asenso. indi na nila ako tinatanong “what car you drive”

    • lee says:

      nyahahahaha kamahalan kung ako tinanong nila ibang car kako minamaneho ko walang manibela puro kambyo at dun na rin sa kambyo nakaupo hahahahahaha oooops sssshhhh my baranggay madadampot ako dito juice ko

    • dfish says:

      Hehe – ang galing ng coping mechanism, very productive kahit na minsan nakakaluwag din ng turnilyo hehe…

    • dfish says:

      “what car do you drive?”

      Kung ako tinanong ako nito, sasabihin ko: an mananap/animal – hindi mo ba alam, kahit kalagitnaan ng winter, nagba-bike ako. Isang Pinoy family lang ang nagpasakay sa akin ng libre sa St. Louis…Yung mga kaklase ko pang Americans at taga-Malawi ang madalas naghahatid sa akin sa bahay, toinks…

      • lee says:

        @dfish, sabi nga ng boss ko mag bike naman daw ako exercise pa…. nyah anu sya hilo? i will drive bisikleta to the most polluted air in the world? hahahaha sya kaya mamisikletang litsi sya naheksersays nga binti ko napollute naman baga ko hahaha

      • dencios says:

        “what car do you drive?”

        car-ritown. lols

  • lee says:

    kamahalan sabi nga e pana panahon lang yan panahon mo ngayon hala sige nasa yo kung pano mo ihahandle, nagtagal lang ako sa ilalim kasi na flat pero pagna vulcanize na to ako naman hahawak ng manibela.

  • [...] new readers and new bloggers just make a big smile, maybe sometime you will be the next one to be featured on Blog-O-Rama just make simple effort [...]

  • dencios says:

    haha lee da bes ka pakiss nga!

    pero seryoso madami ngang pinoy na nandidiscriminate akala mo ang sobrang nakakataas na sila. kung ano man e sa kin wala yun basta ako masaya para sa sarili at sa pamilya. hamu na sila tutal ikaw positive ang dala dala mo at sa lahat pantay tingin mo. sila puro insecurities at pangmamataas ang ginagawa kaya ang bagsak nila, sa imburnal at nang mangitim ulit mga peyk na buhok nila hehe

  • lee says:

    @dencios, sa pisngi lang kiss ha strikt ang peyrents ko hahaha.
    tama ka dyan dencios tamaka, bahala sila sa buhay nila basta tayo kayod ng kayod at yung ating pamilya masaya na lustayin yung mga kinayod na tin hahaha

  • Ely says:

    “Ayyy, kitaem datoy nagpintas nagsosyal ti arrive na gatangin ko datoy”

    I think this should be: “Ayyy, kitaem daytoy nagpintas, nagsosyal ti arrive na, gatangek daytoy”

    LOL. Nakikialam lang.

    • lee says:

      @Ely, samalat salamat sa pagkokorek hahaha e ilokanong pulpol ba naman yung nagsulat e hahahahaha si mader lang ang ilokana(baguio) yung anak italyana(itang pinaglihi sa ilokana)

    • darbs says:

      NAIMBAG NGA RIGAT KANYAYO MGA ILOKAIT! Haan kayo nga kasta ah!

      Madandanagan ni lakay, ni balasang, ni Balung.

      think this should be: “Ayyy,
      kitaem daytoy nagpintas, nagsosyal ti arrive na, gatangek daytoy”

      “Ayyy, tingnan nyu to ang gandang balasang isuna nya? nagsosyal gayam ang dating nya?

      apay nga nagsangit isuna baruk? nagsangit met gayam uray nu awan iti sanga.

      Gatangem dayta? apay nga haan daytoy. nagsalawasaw met daytoy ni karubak.

      • lee says:

        nyahahahaha lakay darbs han ko maawatan ti ibagbagam hahaha wen a ta nagsosyal kano kuna dajaya garutay nga gumatgatang, belt laeng gatangen na naad adu arte na hahahahaha

      • mtoni says:

        bigat(umaga) nde rigat(hirap)
        ILOKAIT —-> ILOKAnang ITalyana?

        “nagsangit met gayam uray nu awan iti sanga.”
        manong darbs maari nyo po ba ipaliwanag yan?

      • reynz says:

        hahahaha! TONI! i thought all along na ganetch:

        ITALYAN – ITANG ILOKANO

        hahahaha leche maraming mambabato saken nito hahaha

      • lee says:

        @mtoni, masyadong malalim ang pagiging ilokano ni manong darbs di kaya ng panungkit ko.

        @kamahalan, owede mong gawing pananggalang yung kawa

      • Ely says:

        Angkel Darbs, uray siyak maulawak man dita inbagam. hehe, naka-un-uneg sa kayat mo sawen. mannaniw kan sa met! hehe

      • mtoni says:

        @inang reynz, parang gusto ko non mapikon ke manong darbs ng ayaw pumayag na nde ilitaw ung mga kowments nya doon pero nong sabihin nyang patago pala nyang ginagawa un, don ko nalaman na talagang mahal nya ang barriosiete.

        @ate lee, kung hindi kaya ng panungkit tiradurin mo.

      • lee says:

        @mtoni, nyahaha ubos ang bonamine nating stock dito kay darbs

  • jeri says:

    Marami na rin akong napuntahang bansa mula noong napabilang ako bilang bagong bayani na OFW na pang uuto ng gobyerno natin,pero masasabi kong hindi naman siguro lahat ng bansa na me pinoy ang me ganyang kaugalian,.. meron din mga bansa na kung saan ay me mga pinoy na maayos ang turingan sa isat-isa maski na hindi pa gaanong magkakilala.. pero,ngunit, datapwa’t subalit, hindi pa rin maalis sa ugaling pinoy ang pamumulitika, tsismisan, at siraan sa kapwa. yan ang tooo.!!!

    • reynz says:

      jeri,

      dots true! i guess majority nang pinoys are like that, maayos, mabait, masaya and approachable. one of these days me entry ako about seamen na na memeet ko here in New Orleans kahit na sa airport.

    • Rob Angeles says:

      True! Parang di sila makatulog kung di nila pag usapan baho ng kababayan nila. Isama mo na rin inggitan, pagkakaroon ng kabit at gamitan blues.

      • lee says:

        @Rob, nadale mo pre, panay silip nila dun sa iba pero mas malala yung kaso nila.

        @jeri, yung lumang bayani binabaril sa luneta, yung bagong bayani pinapatay sa inis ng gobyerno.

    • Glo says:

      pero,ngunit, datapwa’t subalit, hindi pa rin maalis sa ugaling pinoy ang pamumulitika, tsismisan, at siraan sa kapwa. yan ang tooo.!!!,

      at ang mga ugaling yan ang iniiwasan ng mga ibang pinoys sa abroad. kaya sila, they don’t seek out other pinoys. suplado tingin sa mga ganyan kasi hindi nakiki-smile pag nakakita ng kapwa pinoy. umiiwas lang mga yan sa tsismis at gusto lang mamuhay ng tahimik. ;)

      just something from the other side of the coin…

    • lee says:

      @geri ganun na nga kaya nga hindi ako masyadong uma attend sa mga pinoy gatherings kahit gusto ko, kung minsan naman ok

  • ajay says:

    Good storytelling. Hinawakan ko tuloy ang ilong ko para i-check kung talagang pango nga ako, hahaha. Hate ko rin yang mga Pinoy na nakatuntong sa kalabaw porket nangibang bansa lang. balita ko, grabe rin ang crab mentality among Filipino communities abroad. Sa US nga raw, andyan na i-report ka pa ng TNT sa immigration..

    So far naman, nung na sa UK at Holland ako, ang babait ng mga Pinoy. Ipagluluto ka pa nila na parang me fiesta kapag dumalaw ka….

    • lee says:

      @Ajay, oo grabe talaga ang ibang mga pinoy karamihan yung mga nakapangasawa ng puti?sus ang mga chura naman hahahahaha ayokooo ayoko manlait hahahahaha.
      yun namang nagrereport ng TNT’s kasi naman my bayad yung nagrereport diba?yan yung mga makabagong makapili.

      • ajay says:

        Waah, ang asawa ko puti. Bigla ko tuloy tiningnan ang itsura ko…. hmm, mukhang Bisaya. Hahahaha

      • bebe says:

        trulili ka dyan lee. sa aking obserbasyon, 90% ng asawa ng puti eh “exotic” beauty….ooopppsss…ang puputak member nung 90%.

      • bebe says:

        lee, masama lang ang loob ko kasi exotic byuti din naman ako bakit di ako nakapag asawa ng ugis hehehe

    • lee says:

      lol, di naman lahat

      • lee says:

        @bebe hahahaha exotic beauty ba lol you mean exotic byuti din ako?hahahaha kasi medyo ligawin din ako ng puti nung ara– nung araw po yun hahaha kaya lang sory po sa mga asawa ng ugis no offense po, di ko po type ang ugis mas type ko po ang exotic na mga pinoy hahaha

      • Mahalia says:

        sa panagtadhana lang iyon, wala sa kulay o sa kinky ng buhok. sa una lang pansin sa mag asawa na mag ka iba pala ang kulay ninyo, pero sa tinagal tagalan ng panahon, di na kulay ang pagkakaiba, na ooverlook ko na ang nakakasilaw na kaputian. Gaya rin ng parehong kulay, may kanya kanyang mga struggles na pinagdadaanan.

  • dfish says:

    Para sa mga na homesick dyan, ofw o balikbayan, heto, intermission muna from Noel Cabangon: Pauwi Na – http://www.youtube.com/watch?v=ZMfs-f-N38Q&feature=related

  • roni says:

    Sa fastfood, nakapiLA ako para umorder, me local sa likod ko, yung pinoy sa counter, ang inuna yung nasa likod ko. sabi ko: di mo ako nakikita?

    tapos kinuha ko na order ko, si pinoy lumabas ng counter, nagpunas ng mga mesa. ang ginawa ko, kinalat ko yung fries sa table tas yung ketchup ibinuhos ko sa mesa then tinawag ko si pinoy. LINISIN MO TO!

  • bebe says:

    ganyan din akong nung bagong salta ako, feeling miss U na palaging nakangiti sa mga pinoy na nasasalubong ko. kaso parang may bayad yata ang mga ngiti nila. ngayon wa ako care kahit makasalubong ko sila. pero nag i- smayl naman ako pag may nag smayl sa ken.

    tungkol naman dun sa mga spokening $$$. maraming nagkalat na ganyan. tinatagalog mo na pilit pa ring sumasagot sa ingles, ingles barok naman! ang sakit sa tenga! (para ko kasing nadidinig ang sarili ko hehehe)

    • lee says:

      @bebe ako matagal na sa abroad barok pa rin hahaha pano bang maiimprove e mas barok pa mga kausap ko, kung sa merica ko nag stay huh anung sinabi ng inglisirs ng reyna hahahahaha joke lang kamahalan

  • Rob Angeles says:

    @Lee, sapol na sapol ito. Kamukha ng karanasan ng mga nagbigay ng komento, naranasan ko rin ito. Ohio and home state ko at sabi ng mga kaibigan ko eh kaunti lang mga Pinoy dun unlike sa Cali, Texas, NY, etc.

    Pagdating ko Ohio, subsob na ako sa trabaho at after mga 2 months eh nabuwang na ako kaya nag try ako labas downtown. May na meet akong mga PInoy. Nag Hi ako sa kanila at tinanggap ko pagiging snob nila. So, uminom na lang ako mag isa at umuwi.

    The next weekend, kumain ako Thai restaurant. May nakita nanaman akong mga Pinoy. Pero kakaiba mga ito. Matinong kausap at wala akong marinig na yabang sa pagsasalita nila. Sila naging parang family ko at dun ako tumira sa bahay nila. At sila lang pinakisamahan ko.

    Nakwento nila sa akin na may mga PInoy, na pag nakarating na tate or kung ano pang bansa yan, feeling nila eh mas mataas na sila sa ibang Pinoy. Kamukha dito sa Fort Worth, maghanap ka ng mga mayayabang at mga ma tsismis, nasa Walmart halos trabaho. Di ko ma gets baket hanggang dito eh dinala nila ugaling yun.

    Ewan ko ba. Nung dumating ako dito, palagi ako smile tuwing may makitang Pinoy. Pero ngayon hintay muna ako kung dapat ako mag smile. Sad but true. Iwas kayo move Fort Worth LOL!

    • lee says:

      @Rob, nung una sa mga kwento kala ko sa merica lang yung mga ganyang pinoy e ilang bansa na sa asia ang napuntahan ko my mga ganyan pa rin, pero ang totoo pag naman natyempuhan mo yung kagaya nung sinabi mo na mababait naman e talagang dun ka na titira hahaha kasi ayaw mo ng umuwit para kang nakakita ng kapamilya sa kanila.

  • chuva says:

    @lee – nakaka-aliw ka palang mag-kuwento. I really enjoyed it. Sa totoo lang, lahat ng mga Pinoy/Pinay sa ibang bansa naka-experience na ng ganyan.

    Minsan, may puti akong nakilala – may kasamang Pinoy.. at sabi nung puti sa kasama niyang Pinoy — “Oh, he’s Filipino too! Hey bud, are you friends with him?” Kilala ko na yung Pinoy na yun, mayabang talaga pero nakilala na niya ko once or twice before. Ang sagot ba naman, “Nat Reli!” Hano?! Ahhhh, “not really”. Sinungaling siya!!!! Haha.. pero may ganyan talaga.

    Minsan naman, napadpad kami ng prend ko sa Germany. Pauwi na kami sa States, may Pilipina sa desk papasok sa plane. Nung nakita niya yung passports namin, sabi niya.. “Step aside please.” Tabi naman kami ng prend ko. Pagkatapos niyang papasukin lahat ng pasahero, ibinalik niya sa min yung passports namin. At sinabi, “Upgraded to First Class po kayo – - kabayan!” WOW!!!

    So, good and bad.. I guess. Pero tama, kung Pinoy ka – huwag namang maliiting ang mga kabayan…..

    Nice job lee!

    • lee says:

      thanx Chuva, oo naman kung bakit naman pag bago ka sa lugar e nagkakataon naman na yung mga ungas ang unang ibinubungad sayo ng pagkakataon at yung mababait darating nalang later hahahaha.
      my mababait pang mga pinoy na aayain ka sa kanilat ipagluluto kapa ng pinoy dishes,sana makatagpo din ako ng pinay na mag-a-up grade sakin sa first class hahahahaha

  • Reesie says:

    Ganito din ako noong bagong salta palang ako dito sa esteyts. Naghuhunting ng Pinoy so far naman hndi ako dinedma kasi sa part ng Florida kung saan ako ay konti lang talaga ang Filipino. Pero meron talagang mga ganon na mga kapwa natin na ang sarap kurotin ang singit sa pagka snub.

    At Dyos ko po, ang daming mga pinoy dito na mga mayayabang kaya pinipili ko talga ang mga kaibigan ko. Kaya mabilang lng sa daliri ang mga kaibigan ko dito. Hehehe.

  • reynz says:

    hhahah reesie, chuva and rob! pare-parehas pala experiences naten! hahah! eto pa!

    when i move to the US, dumeretso ako nang Philadelphia

    my parents taz brods and sis, tumira sa San Diego then Los Angeles den San Diego. i visited San Diego, maganda kung maganda. they even brought me sa kabaret dun sa Navy Yard, nag-susuka ako sa mga kaimpaktuhan sa loob! taz ang mga pokpok, mga pinay den hahaha after that, kumain nga kami – sa pinoy resto na ang tawag eh POINT POINT

    i would find out na ang meyor nang National City eh Pinoy pala, araw araw na nag-lalamierda ako sa area na yun, wala akong makitang iba kundi Pinoy! hahaha!

    layasan ko nga! sabi ko sa brother ko “I want to go to Amerika” ayun, dun ako nag stay sa Philadelphia

  • lee says:

    kamahalan napansin ko ngang parang pattern ang mga experience nyong mga taga america lol,sa san diego nga raw para karing nasa pinas hahaha

  • darbs says:

    Adeng ko nga mtoni narigat iti biag ngem haan sana nga mag pretend bigatin. intindihin mo na lang ni manong mo nga salawasaw. hehehe.

    June 19th, 2009

    bigat(umaga) nde rigat(hirap)
    ILOKAIT —-> ILOKAnang ITalyana?

    “nagsangit met gayam uray nu awan iti sanga.”
    manong darbs maari nyo po ba ipaliwanag yan?

    naimbag nga rigat – mayamang naghihirap (for rhyme purpose only)

    nagsangit

    sangit in Visayan is sampay, sumampay, sinasampay.

    sangit in Visayan can also be sabit, sumababit, isinabit, sumasabit

    For example ung saranggola nasabit sa may sanga ng kahoy.

    Nasangit (nasabit) ang saranggol sa may sanga ng punong kahoy

    Apay nagsangit (bat nasabit) wala namang sanga.

    Make sense?

    Salawasaw ngarud adeng ko.

    • mtoni says:

      manong darbs interesado talaga ako malaman kung ano ang kahulugan ng linyang un kasi nga bale 2 beses ko na nababasa yan mula sau. saken lang po mas mabuti itanong sau mismo kesa manghula ng mali.
      paumanhin kung nde naging maganda ang dating nga pagtatanong ko pero ngpapasalamat pa rin ako na ipinaliwanag mo at meron ako natutunan salitang visayan.
      sana palagi kong maalala na wag na maulit dahil sa tingin ko nde naman bastos ang paraan ng pagtatanong ko. iiwasan ko na lang wag magtanong sa ilalim ng mga comments mo.
      maraming salamat!

    • lee says:

      @darbs, dapat pala gumawa ka ng sariling diksyunari at bigyan mo kami ng kopya hahahaha.

      @mtoni, kelangan mo ba ng bonamine?hahahaha

  • Kotsengkuba says:

    Marami rin akong nakilalang Pinoys sa China at malaking pasasalamat ko dahil nakilala ko sila. Pero may mga nakilala din akong mga Pinoy na halos gustong bigla nalang maglaho sa kinatatayuan nila kapag nalamang Pinoy ang kausap nila. Nagtataka naman ako kung bakit ganun until nung pauwi na ko from China to Pinas, may mga nakasabay at nakakwentuhan akong mga Pinoy.

    Yung dalawa sa kanila nagtatrabaho bilang waiters sa magka-ibang kumpanya. May mga pangit kase silang encounters sa mga kapwa Pinoy dun (kadalasan ‘yung mga mas magaganda ang pwesto sa trabaho) na kesyo sinisigaw-sigawan sila, minamaltrato at minamaliit. Meron naman mga kapwa rin nila waiters pero kakaiba daw ang mga pinagkuku-kwento. Na kesyo hindi daw waiter kundi mga “office people,” mga mayayabang. Pero one time, nakita nila sa isang restaurant, waiter din pala.

    Meron naman, mga kapwa na nga daw nila Pinoy e ninanakawan pa sila tapos chinichismis at sinisiraan sa iba.

    Nung uwi ko din na’yon, may nakasabay din akong mag-asawang Pinoy. Mga matatanda na at iniikot nalang ang mundo for pleasure. Minsan daw, sa Hong Kong, may nakita silang estudyanteng Pinoy na bumibili ng relo sa tindahan. Di ko alam kung gano ba kapangit at kamura yung binibiling relo para panungin nila kung bakit ‘yun pa ang bibilhin. Ang sagot daw nung estudyanteng Pinoy e hinoldap daw kase sya na isang Pinoy din.

    Kaya ayun, ‘yung mga ibang Pinoy e ayaw nilang makihalubilo sa kapwa Pinoy dahil ang iniiwasan nila e ‘yung crab mentality na sa pagkakaalam nila e iniwan na nila sa Pilipinas.

    Kaya ako, nung nasa ibang bansa, pag naka-spot ako ng palagay kong Pinoy e tinititigan ko nalang. Pag ngumiti, ngiti rin ako ng katakut-takot. Pero pag hindi, e di hindi. Tantyahan nalang, kase nakakapahiya din na ikaw na nga ang bumabati, ikaw pa ang pagmumukhaing tanga. hahaha

    • lee says:

      KK parang dito din kasi nga dito sa China daming DH saka waiters’waitress na pag tinanong mo lahat nag-oopis,sakin naman ok lang yun isagot nila kaya lang mahilig ako sa bars naka huli na rin ako ng ganyan hahahahaha kulang nalang itakip sa mukha yung hawak nyang note pagkuha ng order namin hahaha dedma nalang ako kunyari diko rin sya napansin sa dilim.

  • darbs says:

    Ako naman pag malaman kong Pinoy ka at makita kita sa New York kahit sa bangketa man o sa subway o sa mga restaurant – Greet kaagad ako nyan. HELLO, KABAYAN! smile na ako nyan sabay. May kasama pa ung smile ko na KUMUSTA KABAYAN!

    So far mababait naman lahat ung nameet kong pinoy. palagay ko mga taga-Barrio Siete un sila.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.