Noise Barrage at ang Jukebox ni Itay

Bago ako humayo sa virtual paktori na aking pagtratrabahuan (at nakakailang emails na ako mula sa aking puting amo, sinisingil na nya ang output ko…LOL!), heto’t gumyera ako ng pagka-aga-aga. As of the time of writing ng sulatin na ito, kasalukuyan akong nag-no-noise barrage gamet ang magiting na jukebox ni Itay.
Baket kako?
Katulad ng naikwento ko sa inyo sa aking sulat na “Do You Still Love Your Neighbor?”, umandar na naman ang barumbadong kapitbahay ko. Alas-otso pa lang ng umaga e nagsisigawan na parang mga taga-bundok, mayayabang ang huntahan ukol sa malalaking sweldo nila kuno (ipinagsisigawan nilang trenta mil or 30,000 etc. kuno ang mga sweldo nila na samantalang ang tunay nilang trabaho e mga operator na under ng agency na nakadeploy sa Samsung, dito sa may Batino, Calamba), nag-iinuman ng pagka-aga-aga, pinaghuhuntahan ang mga pambababae nila – kesyo marami daw silang nakatext na gurlet at tila bagay nangarap na sila e type ng mga gurlet *pwe*
Isama nyo pang ang mga motor nila e malalakas ang tunog ng tambutso at busina. Kung makabusina at makaharurot e kala mo kung sino. Hmpt.
Ilang taon na ako nakatira sa aming Barrio Siete, kaya nga lumipat ako sa dito sa may timog katagalugan kasi gusto ko ng medyo rural na lugar. Aba leche, nang dumami na ang mga taong lumipat sa munting barrio siete namen, e siya ring dagsa ng mga nagrerenta at siya ring dami ng aming naging konsumisyon sa araw-araw.
Sa totoo lang, ang mga pasaway dito sa amin e yung mga renta. Yung isang renta dito sa katabing bahay namen, maingay dahil laging si Taylor Swift ang tugtog. Okay naman si Taylor Swift pero magpatugtog ng malakas e alas-sais palang ng umaga? Hello! Nagkakape pa lang ang lola Silver nyo at inaasam na marinig ang mga huni ng pipit muna bago ang ingay ng mala-squatter nameng neighborhood. Sus ginuu, wala din. Ugh.
Eto pa ang isa. Ang mismong katapat-bahay namen e mga renta din. Sila ang sinasabi ko sa una na naglalasingan at nagyayabangan sa harap namen ngayon. Mga dayo lang sila galing sa Palanan, Makati. Nagkataon kasi nagtanggap sa agency ang mga anak at nagsisitrabaho bilang operator sa Samsung. Sila ang konsumisyon ng neighborhood – mula sa kalat, sa kadugyutan, sa lasingan, sa kaguluhan, sa kayabangan, at sa kasigaan dito sa aming kalye.
Uber. Sila ang bida sa kaguluhan dito sa amin. Ang yayabang pa ng mga hayuf.
Marami-rami na rin silang atraso sa pamilya namen. Mula sa pamumula sa aking kapatid na may kapansanan hanggang sa pang-aasar sa aking Inay. Hindi naman sila makapalag kay Inay kasi literal na nanghahabol ng tabak yun. Hindi ko na nga maintindihan minsan ang mga ito. Alam nyo yun? Imbes na magtrabaho ng tino at mamuhay ng tahimik e mas pinili pang magpasikat sa mga ugali nilang squatter. LECHE.
Kaya nitong umaga, naging masama ang gising ko. Nagising ako sa huntahan nila ng kayabangan at nairita. Pinilit ko munang kimkimin ang pagka-asar. Naligo muna at nagtimpla ng kape afterwards. Hanggang sa nakita ko ang antigong Akai stereo ni Itay na augmented na ng hi-fi at concert capable na speakers. Nagkaroon ako ng pilyang idea.
Hinablot ko si laffy, nagburn ng mga kanta nina Lady Gaga, Jamiroquai, Moony, Daft Punk, Kylie Minogue, Samantha James, Bonnie Bailey atbp. Mahilig ako sa technomusic. Pamparelax ko kasi ang mga yun. Pagkatapos kong ma-burn ang CD, kinalikot ko ang wiring at tuning ng Akai stereo ni Itay. Tinuruan nya kasi ako dati sa paggamit nun hanggang sa pagtimpla ng magandang musak. Sinalampak ko si CD at tinodo ang volume.
Yanig ang neighborhood! Hahaha. Leche nila.
At alam kong may pasok pa mamayang hapon ang mga ungas kong kapitbahay. Ang mga tanga, imbes na matulog na e heto’t nagiinuman at nagkakalat pa. Kairita.
Ngayon, wala akong intention patulugin ang mga kumag. Magdusa sila sa musak ko. Nyahahahha.
~evil grin~
Salamat sa jukebox ni Itay. Na-enjoy ko pa ang musak ko, nakaganti pa ako kahit papaano sa mga walang kwentang neighbors ko. Hahaha.
Photo credits: Mayhaydavis.com
Viewed 4979 times by 993 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














HAHAHA!CHANGE HAS COME! by BARRAGE OBAMA! hahaha! I feel you! DO UNTO OTHERS WHAT OTHERS DO UNTO YOU! hahahaha! Lagyan mo nang sili para spicy. hehehe!
Bwahahahhaha….
Yanig na yanig ang bahay nila. Hahahhaha.. katapat bahay ko lang eh.
Alam mo ba mudra, uber antigo ang jukebox ni Itay. Gawa pa sa kahoy na narra ang casing. Hahahha. Pero malupet din si Itay, kinabitan nya ng hi-fi at concert capable na speakers, yung malalake. Hahahhahaha.
E di parang may concert sa bahay ngayon. Hahahahha.
HAHAHA! Madam silver, experience ko yan Sunday ng gabi. Ang lakas ng tugtugan ng kapitbahay ko, nag iinuman pa. Wentuhang alang wenta to the max at dahil malakas ang tugtog, eh di sigawan sila sa pag wewento. Sa inis ko, ibinabato ko yung malaking lata sa pader ko, sabay sigaw, eeeeeehhhhhhhhhhh, may daga!!!!!! Mga 5X.
hehehe! mahirap na kausapin ang mga lasing ngayon! baka mamaya eh me mga pulbura ang mga ayuf na yan! bumili na lang kayo nang bakal na pampasak sa tenga hahaha
Mudra,
Kiver ko sa pulbura nila. Meron naman akong mortar at kanyon.
Dating sundalo si Itay kaya yari sila pag kinanti nila kame. Hahaha. Magrarat-ratan ng wala sa oras. Mga wala namang bola ang mga yan. Puro hangin lang. Hahahha.
kupo madam sasabihin ko sana ingat dahil baka paginitan kayo pero dati palang sundalo tatay nyo.
ngkaron din kami neybor mga siga dati sa bulacan pero ginawa ng nanay ko sa halip mainis eh kinaibigan mga asawa nila.
magaling na strategy yon toni! social climbing! hahaha! i bet you it worked! hehe
sinabi mo pa inang, kung dati takot kami maggagala sa lugar na un pero nong naging kadikitan sila ng nanay ko naging panatag loob namin. kalaunan halos imbitado kami sa lahat ng okasyon nila.
Saya nga eh. O at least, relax ako sa musak ko. Sila naman ang di makatulog. Hahahahha.
Maraming marami pa ako ikukuwento about my lovely neighbors. Talagang magmamaldita ako ngayon. Hahahahha.
Malayo pa ang Semana Santa at ika’y nagkakalbaryo na araw-araw Silvs. Teka lang – ano yung KADUGYUTAN?
Dfish,
Yung dugyot e according to my Inay e walang disposisyon sa buhay, walang plano, palpak ang patakbo ng life etc. Lahat na ata ng negative connotation e summarized sa word na DUGYOT.
Kamusta pala ang assosasyon ng magtatahong sa Forbes Park? Hows the sales?
Haha. Medyo apektado din sa krisis hehe at hindi patok. Naisip namin, gumawa ng Tahong Jelly para sa mga OFW haha. Tapos pantayan namin ang Magic Sarap granules – Tahong Granules naman sa amin hahaha. Kunin namin endorsers mga batang ampon sa White Cross at hindi lang sila mag roller blades, mag skydive pa hahaha. Tapos, post na rin sa YT hahaha…
Magandang business idea yan DFish. Hahahahha.
Tahong sinigang powder or Tahong ginisa mix – baka pwede yun. At least diversified ang products nyo. Hahahaha.
Honga pala Silvs – dapat may choices ang mga customers hehe…
DFish,
Try mo din ang Tahong snacks….yung tipong TAhong crackers! Meron na yan dito! Hahaha.
Sa Cavite ata ang bentahan. Chichiryang tahong! hahahaha.
Madam Silver puwede mo ring e-try ang isa pang option sa ganitong sitwasyon. Noong nasa Cubao pa ako may ganito rin akong kapitbahay pero hindi umubra sa mumurahin kong transistor radio. Sa AM radio station nakaka-intercept ako ng chinese station mula pa ata sa kabilang mundo, pinapatugtog ko yun ng 24 hours a day, maniwala ka parang water boarding turture din na ginagamit sa guantanamo prison…. masakit sa tainga habang tumatagal…
Nick!
Salamat sa suhestiyon na yan. Bibilhan ko nga ng matinding radio antenna ang jukebox ni Itay para masagap ko ang estasyon na yan sa China.
Sana yung estasyon sa North Korea e masagap ko din! Hahahaha.
dinig na dinig ko hanggang dito ang p-p-p-p-p-poker face mo silver lols
Malen!
Hahahha…parang naalala ko ang isang kwento ata sa akin. Yung mamang taxi driver e kinakanta daw yung poker face ni Lady Gaga habang nagdridrive.
Kaso lang, iba ang bigkas at pagkakaintindi nya. Fucker Face daw.
Hahahahahha. ROFL.
hehehe. Lintik lang ang walang ganti!
Hello Amor!
Ako e mabait na neighbor. Galit lang ako sa dugyot. Hahaha.
Naturingan na subdivision e lecheng mga dugyot at squatter naman ang paguugali ng ibang nakatira! Hmpt.
Kaya nga ako di na nalabas ng bahay. Nakakayamot lang talaga.
@Silver, inhale, exhale… think of wonderful things.
the easiest thing to do is to retaliate. We have to retaliate. We need to fight back.
The hardest thing to do is how not to retaliate.
Hardest is how not to hate… na sabi pa, inspite of those ingay, kadugyutan (dirtiness) at the end there is DESIDERATA.
Ilang taon na akong di nagreretaliate darbs.
Ngayon lang ako naging pilya sa kanila. Hahahaha.
ilang beses ko nang narinig ang Desiderata quote mo Darbs, peborit mo ba ito? Peborits yan ng erpats ko.
Darbs – peborit mo rin ba ang long play ni Nat King Cole?
i love nat king cole too!
nasaksak ko tuloy sa computer yung CD, ahhh, commenting with Nat King Cole in the background, nakaka-alis stress.
sigh, ganun yata talaga kung sinu pa yung mga dayo sya yung magugulo.
nung araw samin barrio siete ang pinakatahimik at palaging nananalo taon taon ng pinakamalinis, pinakatahimik, walang gulo na barrio, pero nung itinambak dun yung mga nakatirang nagsisiksikan sa ilalim ng tulay ng menila (na kahit nag strike ang mga tao sa barrio na wag silang dalhin sa barrio namin) ay wala din kaming nagawa…
ang mga kapitbahay ganyan kagaya sa inyo…
yung plaza na dati ay pasyalan ng mga bata ay tambayan ng mga batang prostitute,mandurukot,bugaw,holaper.
at dina safe, kahit araw my nahoholdap at nahahablutan ng celphone mga estudyante pa ang biktima…
Korak ka parekoy.
May mga bagong istayl na nga sa pagholdap eh.
Talagang kainis.
parekoy, yung mga looban na halo halo na ang mga tao at di mga lehitimong taga roon e “nasyon” ang tawag nung mga locals kasi nga halo halo na.
sakin ala silang mapapala parekoy e pag lumabas ako ng bahay suot ko damit ng anak ko na saksakan ng laki at butas pa tapos yung tsinelas nyang ga barko kalaki at twing pupunta ko ng tindahan ala ko dala pera kako lista babayaran ni mader nyahahah pulubi ko satin parekoy
Madam Silver… ikaw na ngayon ang bagong “JUKE BOX QUEEN”. he he he
Naalala ko tuloy si Victor Wood ang dating Jukebox king.. oo kapanahunan ko yun, alam ko na naman ang iniisip nyo dyan,.. Gurang na ako.. he he he
Nyahahahha…..
Jeri,
Ayos yan. Jukebaks queen. Nyahahha.
Sssshhh….dapat si Reyna lang ang queen dito. Nyahahaha.
Siya naman talaga ang original queen,.. pag umawit tapos sabayan ang jukebox para syang Songbird…..songbird na me bird.. he he he
Silver, coincidence bang katatapon ko lang ng juke box na binili ko sa asawa ko 7 years ago? Di na kasi gumagana, ayon nasa garahe, kukutkutin ko bukas, gagawin ko yung mga speaker na homemade telepono ng mga bata. ODIVA! walang aksaya.
Yung mga gawa kasi noong una talagang gawang quality, ngayon ang mga pyesa ay plastic na, madaling maging brittle. Design iyon ng mga korporasyon para may time limit lang ang paggamit, bibili at bibili ulit tayo after a while. Hay!