Noon at Ngayon
Minsan masarap na nakakatawang balikan yung mga nakaraan natin lalo pa nung mga bata pa tayo. Parang kami nung araw, sa hirap ng buhay di kami nakakakain ng 3x a day pero masaya parin kami akala namin ganun lang talaga ang buhay, di kami naiingit at bawal kaming tumanghod sa ibang tao na kumakain dapat pag may taong kumakain lalayo lang kami dahil sabi ng lola namin bad manner yung panoorin yung ibang taong kumain.
Nung maliliit pa kami, gising namin tanghali na para libre na sa almusal at sa tanghali naman mamili ka ng ulam daming choices…
may asin—
may asukal—
may bagoong—
may toyo—
at ang aking peborit yung kanin na bagong luto tapos lalagyan ng mantika at toyo.
Sa gabi lugaw nalang kasi daw pag heavy babangungutin kami di namin alam naiisahan na pala kami nung lagay na yun. Minsan lang kami makatikim ng pork, chicken o fish pag lang sweldo minsan kahit sweldo ni mader wala din.
Ayan tuloy since nasanay kami ng walang almusal dala na namin hanggang paglaki, pag kumain sa umaga sumasama ang pakiramdam, kape lang pilit pa. Teka nga sige alalahanin nga natin isa isa yung noon tapos ngayon…
NOON:
Sut-sot palang ng magulang with matching panlalaki ng mata e makuha kana sa isang tingin at wag kang magkamaling magtanong kung bakit at may kutos ka pang bonus at pag nasagot kapa ng pabalang manghiram kana ng mukha sa puppy.
NGAYON:
Nasubukan nyo ng gawin yun sa mga bata ngayon?sikret diko sasabihin ang reaksyon ng mga bata ngayon pagsumutsot kat my kasamang panlalaki ng mata, hala sige ka subukan mo.
NOON:
Yung mga teenager nung araw pag ang libangan ay bilyar o pool sa kanto aba astig ka, kasi ang usung uso nung daming adik— adik sa komiks naka hilera sa arkilahan at ang daming nakikibasa. Minsan nag try ako e mabilis akong magbasa adik kasi ko sa komiks nung araw e sukat batukan ako nung matandang nakikibasa sa likod ko sabi ba naman “Uyy teka lang dipa ko tapos” hanep din, peborit ko aliwan, pinoy komiks, pinoy klasiks at yung matatanda wakasan at love story (paborito ko si Zuma at yung The Hands) madalas akong mapalo ng lola ko dahil dyan.
NGAYON:
Ahhh iba na ang gusto ng mga bata, laos na komiks at mga taong grasa nalang ang naglalaro ng pool sa kanto ng barrio namin.
NOON:
Pag napatid ang tsinelas mo aba e wala pang pasko no bakit ka bibili ng bagong tsinelas? Lagyan mo ng perdible sa ilalim.
NGAYON:
Ha???? Tsinelas 1k? anung klaseng tsinelas yan? “naku mama TRIBU po yan… heh! kahit pa sya Tribu, Anito, Datu e bat ganyan kamahal?
NOON:
Nagiigib kami ng tubig sang kilometro layo, yung balde na my ping-ga sayad sa lupa at kaladkad ko pauwi pagdating sa bahay kalahati nalang laman at pag natapos kaming mag-igib ang pahinga namin baras— oo tama baras nga kaya bata pako macho nako.
NGAYON:
Na dehydrate nako wala pa yung 1 basong tubig na hiningi ko sa anak ko, yun nakasalpak ipod sa tenga di ako nadinig, litsi.
NOON:
Kape namin sinunog na bigas, at my pakunswelo pa wala daw yung caffaine kaya safe na safe pero napapanis lol.
NGAYON:
Dika sosyal pag di galing sa starbucks ang kape mo at dapat take-away at habang iniinom mo e naglalakad ka sayang naman ang mahal kung dimo ididispley pag-inom.
NOON:
Masaya na kaming kumakain ng monay na my palamang sorbetes at naiinggit na mga kalaro namin nun.
NGAYON:
Sinubukan kong palamanan ng ice creal yung tinapay, bigla may nag chorus na mga bata sa likod ko sabi nila “YUUUUKKK”
NOON:
Uutusan ka sa tindahan makalampas ng 2 bahay, lawit na dila mo dimo pa narating ang unang kapit-bahay pero kelangan mong tumakbo para makabalik kagad.
NGAYON:
Magkakadikit ang bahay, katabi mo lang yung tindahan pag inutusan mo anak mo gabi na balik, nag laro muna ng internet at pag-uwi walang bitbit nalimutan pero yung pambili wala na rin。
NOON:
Pag tinawag ka ng magulang mo kelangan ang sagot “Opo, nandyan na po” nagkakandarapa pa at wag na wag kang sasagot ng “bakit po” alergik sila sa ganyang sagot.
NGAYON:
Lawit na titilaukan mo sasagutin ka lang ng “po” pero di nakilos yun, type pang isigaw mo yung kelangan mo na maririnig hanggang kabilang ibayo.
NOON:
Pag nakakita kami ng volkswagon (yung kotseng kuba) nag-uunahan kaming magkapatid magbatukan at unahan pag sign ng peace.
NGAYON:
Pag nakakita ako ng volkswagon binabatukan ko sarili ko, tagal ko ng nag-aabroad di ako makabili (type na type ko po yun).
NOON:
Ingat na ingat tayo ng isasagot sa matatanda, maninimbang, ingat kung pano mag approach kasi baka mainit ang ulo.
NGAYON:
Ingat na ingat pa rin tayo pag approach at paninimbang at pamimili ng ng salitang gagamitin natin— sa mga bata.
Parang yung generation natin (yung mga kaedad ko dyan magsi labas hehehe) masyadong lugi sa lahat ng bagay, di ba nyo feel? lol…
Viewed 11587 times by 1671 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.














ay, hindi ako magko-comment. kunwari hindi ako maka-relate. bwahahaha!
@mel, nyahahahahaha ok yang style mo gusto ko yan hahaha teka anung chinese sign mo? hahaha nanghuhuli
hahaha! feel na feel ko ‘day! hahaha!
masarap balikan ang nakaraan especially the things that we do, kaya enjoy ako reading Glo’s articles on Buhay sa Barrio dahil relate na relate den like pag bilog ang buwan! and those are the things na maraming milagro ang nangyayari and andaming kwento dyan
as time pass, things do change – in so many ways. who would know, na noong nag-bibilyar pa ako, eh magkakaron pala nang “Mario” hahaha
kaya lang, nag-bago den ba kaya attitude nang mga tao? tipo ko, mas naging creative especially mga buwaya sa gobyerno
eeeek! nalihis ata ako! hahaha
mega-relate din ako lee, to the highest level! (ika nga ng mga bata ngayon).
ganyan din mga choices namin ng ulam, kung hindi ginataan o inaasiman na kahit anong dahon.
may favorite: lan-tao! lana (mantika) at tawyo (toyo).
o kaya naman bagoong na merong sliced na kamatis. (medyo sosyal na to ha?) ilalamas mo yan sa mainit na bagong saing na kanin! ang sarap nyan.
pag merong taba ng baboy, mamantikain yan. para matagal ang buhay. ilalagay sa mga bote. pag malamig ang panahon natutulog ang taba ng baboy, then scoop mo lang at ipatong sa mainit na bagong-saing na kanin. budburan ng konting asin, swak na. pakabusog na kami nyan.
grabe ano, puro heart disease recipe pala ang mga yan?
hahaha!!!
as to the younger generation, sa pagsagot sagot sa magulang: namatay na lang tatay ko, di pa ko yun nasagot minsan. kahit gusto kong sumagot, nilulunok ko na lang.
my brothers who are 15 years younger, 2 years old pa lang eh sumasagot na! kahindik-hindik nung una kong narinig. di lang tatay ko pumalo sa kanya after that, pati ako!
hehehe
as to my 6-year old agad. ang dami kong modification sa pag-disiplina. we can have a discussion, like equals. so he can voice out his rants, reklamo or whatever.
i do that, so he’ll tell me all the stuff happening to him, para sana kahit binata na eh mag o-open up pa rin sa akin. i wanna be his friend too, not just his mom.
noon araw, ang layo ng gap namin ng parents ko. feelna feel ko yung: magulang kami at andito kami sa taas, kayo mga anak eh andyan sa baba. sumunod lang kayo at wag kokontra.
hahaha!
i meant, my 6-year old son.
hahaha.
@Glo, hay naku sa tanda kong ito hanggang ngayon dipa rin ako pwedeng sumagot sa mader ko hahaha.
nung araw sabi nya hanggat sya nagpapakain sakin di ako pwedeng sumagot— ngayon daw na ako ang nagpapakain sa kanya baka naman daw ituring ko nalang syang parang trapo at sagut sagutin nalang—
nyaaak san bako lulugar di ko ma find hahaha
yeah…i have exactly the same dilemma sa mother ko.
tumaas lang konti ang boses ko eh sinisigawan ko na daw sya, porke ako dwa nagpapakain sa kanya.
hayy…mga nanay talaga! sala sa init sala sa lamig.
nyahaha kamahalan, you mean kapanahunan kita?kala ko pa naman kayo ni silver magka edad bwahahahaha
@Glo, di pa ko nagsasalita inunahan nako hahahahahaha pano pako makakasagot e tahimik nalang ako,walang mawawala kung tatahimik nalang ako e kung mangangatwiran pako e masasaktan pa ang mader alam mo naman pag medyo nasa ganun na silang stage feeling insicure nat matampuhin na po
ay naku noon may punto at dialect pa ang mga taga Quezon, yung asukal ang tawag nila roon ay repinado, yung aakyat ng bahay–aadyo, yung something something–papag (aysus kahit ako di ko na matandaan!) Ngayon Tagrish tagrish na ang mga salita ng mga bata. Kapag nag-salita ka ng purong Tagalog, titingnan ka na parang saang lupalop ka nanggaling.
May experience ako doon sa Mall, kadarating ko lang mula rito, sabi ng mga kapatid ko masarap raw yung pisbol doon, ayun pumila naman kami. Sa likuran ko ay isang mukhang Donya. De alahas at Luis Biton na bag. Nung kami na ang bibili, agad tumingin yung sales lady sa likod. Kawasay bayong lang ang bag ko at T-shirt na butas butas lang ang suot, napatingin siguro sa tsinelas kong Sunstar yata iyon (kawasay, puno ng pasalubong yung bagahe ko mula sa goodwill kaya nalimutan kong mag-impake ng mga sariling damit–wala pati akong iimpake, talagang Purita Balbosa lang kami). Nagtanong ako kung bakit di ako pinansin nung tindera, aba’y inirapan ako at tinaasan ng kilay, tumingin sa bag kong dala. Ay nagpanting talaga ako at iningles ingles ko. Nung mapansing nagagalit na ako, agad agad syang kukuha ng order namin. Nilayasan ko nga, lumabas kami ng Mall at yung sa karitela na lang kami bumili ng pisbol. Ganon din ang lasa ‘day. Mura pa. Di pa inisnab ang bayong ko.
Ngayon sa atin, kung wala kang meks up, walang magandang de tatak na Gucci galing Divisoria, at di ka nag iingles, wala kang status class. Nakakalungkot dahil dito makikita na basehan ng tao ang nakasabit sa katawan mo at secondary na ang pagkatao.
Iiyak na lang muna ako sa sulok, kasama ang mahal kong bayong.
nyahahahaha mam mahalia samin twing uuwi ako suot ko tsinelas ng anak ko means para akong nakasakay sa barko at gamit ko din tshirt at shorts nya e di para akong nagtae ang tsura ko sa napakalalaking suot ko, hanggang kanto nakakarating ako ganun suot hahaha
lee, asan ID picture mo?
nyaaak oo nga pala, hahaha pwede bang paki nakaw nalang yung ID pic ko dun sa site ko po plsss po di ako makapasok nandun yung maliit kong id pic pic
NIce! Sarap nga alalahanin mga ganito. Sa amin naman eh damit. Di namin naranasan magsuot mga signature kaya hanggang ngayon eh inutil ako sa mga branded na damit.
@Rob, pareho lang tayo hahaha buti nalang yung anak ko sakin ngmana di mahilig sa signature clothes,ang mahalaga yung masarap gamitin sa katawan at komportable
wahaha! komiks, pag di mo naisoli ng overnight na arkila, kakatok sa bahay mo yung ma ari ng tindahan.
yang igib ng tubig, grabeng pahirap talaga yan, tas ipapaligo ng ng kuya mo, wahaha!
na-miss ko yung monay na me ice-cream, yung klasmeyt kong palagi akong libre sa sorbetes dahil tatay nya yung sorbetero, sadly tigbak na si klasmeyt, alcoholism.
sabaw-tubig, yan ang termino namin sa kanin na me asin at tubig. masarap nga yung mantika at toyo, hehe.
@roni, wahaha buti nalang wala akong kuya na ipag iigib at babatukan pako pag di nakaigib kagad hahaha.
wala hirap magsalok sa balon nalang kami naliligo kahit malagkit sa buhok
Hay sarap alalahanin ang mag lumipas. Swimming kami sa Dewey Boulevard nuong araw. Lakad lang. sobrang linis ng dagat. Ngayun sobrang dumi ng dagat. Sarsaparilla ang mura may free pa sa takip ng tansan makita. Ngayun free taste na lang maka libre. hehehe
@manong mon, talaga?malinis pa tubig nun sa dewey?diko na inabot yun… ehem dina namin inabot ni rheynz at pareng silver yun
Noon may kurakut na ngayon MAS MALALA ANG KURAKUTAN at high tech pa.
Noon Congregista ngayong Tongresistang Inutil at traidor.
@darbs, sinabi mo pa hi-tech na ang kurakutan ngayun
Maidagdag ko lang:
Noon: Ang baril-barilan namin yung middle part ng dahon ng saging, babaliin at gagawing korteng m16.
Ngayon: Airsoft gun na at paintball, with matching hi-tech gears.
Noon: Panutsa lang ang dessert hapi na
Ngayon: Cadbury fruit&nut o kaya toblerone
Noon: Pag wala kang meryenda akyat ka lang sa puno ng kaymito, santol o makopa solb na.
Ngayon: dial 8-mcdo na.
Noon: Pritong sap-sap lang ang ulam at bulanglang na alugbati e fiesta na.
Ngayon: Eat all you want na, pero gusto mo pa rin kainin yung kinakain mo noon.
Noon: Gasera lang ang gamit pag nagsasagot ng homework sa gabi.
Ngayon: PC na and you google-it! nagrereklamo pa pag mabagal sa 512kbs ang internet connection.
hay.. i’m getting old…
@leo hahaha inabot ko ding lahat yan, ssshhhhh were not getting old, were just becoming matured hahaha
ako naman noon,superstar comics at yung (shocks ano na nga pangalan nung comics na yun?) merong niknok at bim bam bung?
Funny Komiks yun. May koleksyon ako nun mula grade-6 hanggang 2nd yr hiskul yata. Ang favorite ko is Planet Op Di Eyps.
@Glo nahilig ka rin pala sa komiks.
@leo, hahaha bilib ako kabisadong kabisado
Relate ako noon:
Naranasan ko ang meryenda na kanin na hinaluan ng asukal. Sarap kaya ‘nun.
tsinelas na napigtal. grabe ang takot ko sa lola ko kasi bagong bili lang. ginamit ko kasi sa pakikipaghabulan sa mga kalaro sa kabilang bakod.
Natuto akong magbasa ng komiks kasi uncle ko may subscription ng Pinoy Komiks meron pang isa nakalimutan ko na.
Pagsagot ng pabalang sa matanda katapat ay palo.
Relate ako ngayon:
Di pwedeng utusan ang mga bata kapag may ginagawa. Ano ba mommy!
Pagsagot sa matanda. Mataas pa ang boses sa akin. One-liner lang ako. Sila ang haba na ng sinabi.
Tatawagin ko ang anak ko. “O mommy, bakit ba?”
Ang komiks nila ngayon Total Girl at K-Zone.
Kapag nagkukwento ako sa kanila ngayon iniingit ko sila na mas masarap pa rin ang buhay ng mga bata noon kahit salat sa mga mamahaling laruan.
@yami, naku sinabi mo pa maaasar kalang at kukulubutin kalang pag pinatulan mo pa hahaha
Ang pantalon ko noon, dala mula sa Pinas suot suot ko pa dahil kasyang kasya pa hanggang ngayon.
@darbs, wow kainggit ka naman darbs ganun kapa rin kataba? hahahaha joke joke buti kapa ako nung umalis ng pinas nahuhubo yung pants kong size 6 ngayon almost double na hahaha
waist 30 – Levi’s 501 no zip. anong number yan?
nyahahahaha darbs unang tawa ko to ngayong umaga hahahahaha