Not all love NI Kris…
Hindi lahat ng mga taga Barrio tuwa kay Kris hahaha Diba Ate Glow? Haha
Pero nung nag eulogy sya noong libing ni Madame Cory medyo natutunan ko syang mahalin. Ang totoo nyan ang pagkakamali lang naman ni Kris ay masyado syang taklesa na to the point na minsan she puts the clueless person on the spot o kaya naman merong mga di dapat sabihing sinasabi nya sa madlang pipol. Buti sana kung sa Channel 5 sya tumatalak eh may TFC kaya ang ABS-CBN hehe
Simula nang umurong si Mar Roxas sa Presidential bid parati na ako nanoood ng balita. Sinusubaybayan ko ang mga palabas na alam kong mag uupdate sa announcement ni Noynboy. Sa sobrang lakas ni Noynoy kahit mga showbiz oriented show masarap na panoodin kasi may bahid na rin ng politika ang news. Tuwing gabi bago ako matulog nanonood muna ako ng Bandila. Bukod sa ganda ng intro credits ng Bandila ay may panghimagas pa ito bago dumating sa pinaka headline. Ito yung SNN hahaha
At nung minsan nga na nagaantay ako ng Bandila eksakto naabutan ko ang SNN at tinanong ni Mr. Abunda si Kris kung bakit ayaw nya pag asawahin si Noynoy. Umirap lang si Kris at nanahimik sa huli biglang humagalpak. Tapos ilang beses pa nito na inulit na:
“stay single noynoy, wag ka muna mag-asawa”.
Medyo napatawa ako dun kasi nakikita ko kay Kris ang isang bunsong kapatid na naglalambing sa kuya nya. I guess normal sa isang pamilya na may nag-iisang lalaki na maging protective ang mga kapatid na babae.
Pero sa isang banda, napaisip ako “Pakielamera talaga itong si Kristeta!” (pati din naman si Miriam nakikielam sa lovelife ng may lovelife LOL)
Kwarenta Y Nwebe anyos na si Noynoy, isang hinga na lang at Golden Jubilee na. Kung hindi pa pag-aasawahin si Noynoy, paumanhin sa mga konserbatibo, aba eh KAONG NA! haha
At as usual, sa tuwing magsasalita si Kristeta ay palaging may kaakibat na intriga ng mga tisimoso at tsismosa.
Tinanong ng Media si Ping Lacson nung minsan sa reaction nya tungkol sa sinabi ni Kris. Ang GF ni Noynoy na si Shalani Soledad ay malapit kay Pareng Ping dahil sa naging staff nya ito dati bago ito sumabak sa politika sa Valenzuela. At sa interbyu nya ay ito ang sinabi nya:
“Ang decision ay kay Noynoy din kasi 49 (na) siya, ‘di naman 19. Pwede naman si Noynoy mag-decide noon. With all due respect, pwede mong sarilihin ‘yan. Huwag mong i-announce sa TV na ayaw mo ang hihipagin mo”
bwahahah O diba labasan ng itak ang drama ni Lolo Ping at Lola Teta LOL
Hindi ako samba kay Pareng Ping kasi tulad din ni Mareng Jamboy, minsan sala ang direksyon ng kukote haha Pero sa totoo lang, sa sinabing ito ni Pareng Ping ay may punto sya. Mabuti nga sana kung bata pa si Noynoy eh hindi na naman. Tsaka kawawa naman yung tao. Wala na ngang buhok, wala pang asawa. LOL
Ang dating kasi sa gawi at salita ni Kris noon sa SNN ay parang pinahihiwatig nya na ayaw nya sa GF ni Noy na si Shalani. Kung matatandaan nyo kasi, nung si Noynoy at Korina pa ang mag loviedoo eh talagang ipinagkakalandakan ni Kris na approve na approve sa kanya si Korina na maging hipag. Halos ipagtulakan na ni Kris yung dalawa sa altar. Tapos ngayon ayaw nya pakasal si Noy? bwahahaha
Hindi natin alam ang tunay na dahilan. malay natin baka nagbibiro lang si Kris. Pero kung sa salita ay makakapag kaila ka sa totong sinasabi mo, sa aksyon at galaw naman ng iyong katawan ay hindi mo ito maitatawa. Sabi nga ni Monique, what the heart desires, the mouth speaks. At sa puntong yun, kahit siguro sino nakapanood, pwera si Mel haha, ay makakapagsabi na “parang” ayaw ni Kris kay Shalani..
Pero kanina sa Da Buzz, nagsalita na naman sya kahit pa pinagsabihan na sya ni Noynoy na wag na magsalita haha. At dito klinaro nya na di naman nya sinisiraan si Shalani, di rin daw nya dinidiktahan si Noynoy at di rin daw sa ayaw nya sa GF nito— ewan pero taliwas lahat ng mga sinabi ni Kris sa mga una nya pahayag haha. Kumbaga sa salitang kanto ng bilyaran, Palusot na lang LOL Pero bago pa man magsabunutan si Ping at Si Kris sa TV ay sinabi ng huli na humingi na ito ng tawad at yun daw ay isang “Family Matter”. Kaya bati na uli sila ni Ping. Pwede na sila magkulutan uli ng buhok hehe
Si Kris Aquino ay isa sa mga prominenteng tao sa larangan ng Showbiz na you can learn to love and hate at the same time. Marami humahanga kay Kris at marami din naman naiinis.
Pero sabi nga sa prediksyon ng ilang kritiko nya, hanggang 40 days lang ang pagiging behave ni Kris. After nun balik na uli sa gawi. Wala pang 40 days ang pagkamatay ni Madame Cory pero mukhang totoo nga haha.
Idolong idolo ko si Ninoy. Sa sobrang pagkaidolo ko sa tatay nya ay naisip ko gumawa ng blog na ang pinaka inspirasyon ko ay ang kabayanihan nya at ng kanyang asawa.
Pero kung si Kris lang ay Katulad ng mga Kapatid nya in terms of manners and tact in the public eye, marahil baka hindi sya artista ngayon at Presidente na rin sya sa sobrang pagmamahal sa kanya ng mga Pilipino.
Kaya nga dapat palaging inaalala ni Kris na nasa DNA nya ang pagiging isang bayani.
At sa palagay ko, sa pagsasalita ng matuwid at nasa tamang lugar ay yun ang para sa mga Pilipino ay magiging kabayanihan nya. Hindi na nya kailanagang maging simple ang pamumuhay o ipagpatuloy ang laban ng mga magulang nya. Itikom lang nya bibig nya ayos na haha
Sabi nga sa titulo “NOT ALL LOVE NI KRIS” and i guess, in the case of some of the Filipinos, the feeling is very much mutual LOL
Bluepanjeet Po, na-assign lang para sa Barrio Showbiz, NOW NA! haha
Viewed 7674 times by 2143 viewers















I like Kris most of the time, pero this time, napaka selfish nya. Noynoy is 49. he has the right to be happy.
shut up kris! if you really love noynoy, be happy for his happpiness. utang na loob, pag-asawahin na yan at ng merong mag-alaga sa kanyang pagtanda!
typical na away pamilya yan. mahal na mahal nila si noynoy to the point na ayaw pag-asawahin. i’m not sure kung immaturity yan dahil me mga pinsan akong ganyan na ganyan. i would call it – uber selfishness gaya na nga nang sinabi ni malen.
yong mga kakilala ako, sa barrio namen. lahat nakapagtapos nang college. kami, hirap na hirap nun. so parang role models sila sa bayan.
close ako sa isang babae. yong mga older sisters nya na apat ayaw pag-asawahin nung dalwang older sisters who opted na di mag-asawa dahil sila ang nag-paaral.
nagwala yong isa, lumayas pumunta nang isla at di na umuwi hanggat nakapangasaw
nagwala yong pangalwa, lumayas, pumunta nang sorsogon, nagasawa
nagwala yong pangtatlo, pumunta nang menila, nagasawa naman sa isang tiga Saudi. yong isang sister pumunta sa bahay nung nasa manila.
yong close na sister saken, iyak nang iyak, lumayas den. sumama si mother sa kanya, tumira sila sa bayan.
yong kebigan ko namang lumiligaw na tiga Daet, napuno dahil sa mga lecheng leksyon nong matandang dalwang babae, tumigil nang ligaw.
ang latest news ko is that, yong dalwang older na babae eh no one is taking care of them or sort of, mga kapitbahay lang. binibisita pa rin daw
c noynoy, i don’t think magwawala yan, but i feel na nakikinig din yan sa mga sister nila dahil feel ko they are all very close. dala yan nang closeness nila.
pero you’re right. di naman mapigilan ang pagtaray ni krisanta. dapat wag na lang sa TV
Tuwang-tuwa ako dito.
Okay naman maki-alam sa kapatid. But as Sen. Ping Lacson said, hindi na kailangan yan i-discuss on TV.
Kris is right in telling Noy na hindi na mag-asawa. With the presidency of the country in his hands, mahirap nang pagsamahin pa ang kanyang married life sa dami ng problema ng ating bansa. Married na rin siya sa ating country and that is a bigger responsibility. On Kris’ stand, iniisip din nya ang kapakanan ng bansa. Isa pa, Josh is also depending on his Uncle Noy. Pinakinggan lang ni Kris ang anak niya. Shalani is an intelligent woman. I’m sure hindi niya pepersonalin ang sinabi ni Kris. Of course Kris do not hate Shalani. She doesn’t have a mean bone in her body. Hating someone is so not her.
eto ang atty ni Krissie! HAHAHA
i know! tabi kayo! umuusok ang Mel hahaha! sabi nang wag peke-aalaman si Kris eh! hahah
Well I think what Kris proclaimed on tv is right. The people has the right to know about the plans of the ‘future president’ because it affects the country. The good Senator Ping Lacson on the other hand should not make sawsaw in this issue na lang. Harapin niya kaya muna ang kaso niya noh at sagutin ang mga paratang sa kanya.
hahaha! i knew it! hahaha!
ang tindi ng atty ni kris sa barrio a.. hahaha..
Hahahah…
Baket si Ping Lacson e nakikialam na sa lovelife ni Noy? LOL.
Bahala na si Noy dyan. Personal na buhay na nya yan. Wa pakels na tayong other people.
At saka malay ba natin kung nagmaldita si Shalani kay Kris kaya this provoked her to tell Noy not to get married noh. Bottomline is, what Kris did is for the good of his brother’s plan for the country. Pinaaalahanan lang niya si Noy sa pangaral ni Tita Cory. Bayan muna, bago ang sarili. Dabah!
Mel, i’m not saying that i hate or rather i don’t like kris..
Actually, I respect the Aquino Family, and i’m very grateful for giving them back the democracy that belongs to the Filipino people. at yun ay dahil sa kabayanihan ang mga yumao nilag mga magulang.
Now, I’m telling honestly that i will give my full support to Noynoy if ever he will give his final decision whether he will have to run for the Presidency or not… with my point of view, Noynoy is the best aspiring candidates among the Presidentiable.. Agree? i hope so.
Now, The only thing that i condemn here is, about Kris being “Taklesa”.
Although, this was a known nature of Kris.. pero yung Part na panghihimasukan pa niya yung “buhay Pag-ibig ni Noynoy” this is “selfishness”..
If you remember those days, when Kris fall in-love with her past Boyfriends. (Plural, kasi marami naman talaga). Nobody could stop her, Naging bulag siya sa pag-ibig..at naging bingi na rin kasi ayaw niyang makinig.. ang pinakamasa na nangyari sa buhay pag-ibig niya nung silang dalawa ni Joey Marquez.. naroon yung matinding pag-aaway, tapos tinutukan pa siya ng baril dahil lang sa isang text message,nagselos then nagkasakitan. Tapos hinawaan daw pa kuno ng sakit na.. toink! toink! toink! (sensored) ‘lam mo na yun. And a lot more of controversy.
Ngayon, Noynoy have a private relationship with a simple and not so popular woman, at sa palagay ko hindi naman siguro pipili ang buthiing senador ng isang babae na balang araw ay maging sagabal at pasanin niya sa kanyang buhay. so, ano ang problema ni kris dun?
Besides, noynoy is 49 years old if i’m not mistaken.. Huli na rin sa biyahe, kumbaga, last trip na ng Tren papuntang Bicol sa ibabaw pa ng tren naka upo..
Ang isang punto pa dito, baka hindi na rin siya maka-buo kung mapipigilan pa siyang mag-asawa.
Wag naman sana siyang maabutan ng “Menopos” (di ba pwede rin sa lalaki yun?)
Mel, i want you to know na nung kabataan ko.. ang first crush ko ay si “Kris”.
YUn lang. Bow!
natumbok mo pinoy.
sa buhay pag-ibig ni kris, walang ibang nasunod kundi sya lamanh. at pag todo ngalngal na sya, saka sya uwi sa pamilya nya.
if i remember it right, at the height of the kris aquino-joey marquez issue…noynoy came to kri’s side just to save her from all the shame on national tv sya.
by the way, kahit 90 na puede pa makabuntis ang lalake. wala silang menopause like women. yun nga lang, sperm quality deteriorates. but then that’s another issue altogether.
Tama ka Ate Glo.. i remember also nung time na nagkita sina Tita Cory and Kris after that incident, yumakap ng mahigpit si kris sa nanay niya then she asked forgiveness.. sabi ni kris “Sorry mom”. then niyakap din siya ni tita cory then nag-iyakan.. actually pati ako napaiyak at that time… dyan mo makikita ang pagmamahal ng isang Ina…
Ang Anak pwede niyang itakwil ang Ina.. ngunit ang Ina, kelanman hindi niya maitakwil ang anak na nanggaling mismo sa kanyang sinapupunan..
napaiyak na naman ako.. hu hu hu Hikbi!
Ay! salamat nga pala sa tip Ate Glo,,.sasabihin ko yan sa LOLO ko.. baka sakalin makabuo pa sila ni Lola.
e anu naman kung sinabi ni Kris kay Noy na wag mag-asaw? opinion nya lang yun. ha ha. di na kayo nasanay!
Oo nga naman! hahaha! Mga kapatid ko nun, ganun din ginawa sa babaeng nililigawan nung brother ko! Ayun tuloy, di nagkatuluyan, ang napangasawa ni brother, isang tikbalang hahaha
“Kaong na” hehehe. grabe na talaga si Cris, Baka gusto niya siya na lang lagi ang titikim ng luto ng Diyos. Ang problema nga eh baka hindi na tumindig ang bandila niyan. May pagka selfish din ano? Para si Joshua na lang baby ni kuya niya.
matagal ko ring pinag-isipan kung ano ang “kaong” hehehe getz ko na after reading your comment!
typical sa pinoy yan di ba? ang pekealaman ang lovelife nang me lovelife? one big family nga tayong mga Pinoy hehehe
Selfish?! I don’t think so. Hindi mo yata na-get. Kung selfish si Kris ay sana sinabi na lang nya na huwag nang patakbuhin ang kapatid nya. She’s not thinking of herself noh. Her concern is Josh’s panawagan and the people. As you can recall she wants her brother to concentrate in his ‘job’, huwag muna sa lovelife. =P
ano vaaaa? pati ba nman lovelife me pakialaman pa???? hahaha. dpat walang pakialaman. khit pa unggoy paksalan ni noynoy wla tyo mgagawa. hahaha.
LOL Chi…
Pati ba naman unggoy e idamay? Litsi. Hahahhahahha. Gulong ako sa comment mo.
Amen din ako sa sinabi mo.
hihi wag naman unggoy! hahaha maghuhuramentado ako pag nangyari yun hahaha
Aywán nga ba kung ano ang paké ni Kris mag–asawa man si Noynoy.
Syá naman ay hindi pinakialaman nyúng tao kina Philip Salvador, Joey Marquez, at James Yap, áh?!
Lovelife is a very personal matter.. wala dapat makiki-alam nito, dahil hindi mo kailanman matuturuan ang iyong Puso.. tulad na rin ang pagmamahal mo sa bayan.
Ang panghihimasok sa buhay pag-ibig ay isang kahangalan, hayaan ang isang taong pumili at suriin ang tunay na itinitibok ng puso.
dahil tulad ng kasabihan. “Oh pag-ibig, kapag pumasok sa Puso ninoman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Si Kris?.. oo nga’t kapatid siya ni Noynoy, pero wala na siyang karapatan g makialam sa buhay pag-ibig ni noynoy.. the only thing that she would do is to just give advise to her brother.
Look whos talking?.. kung babalikan natin ang mga nakaraan sa buhay pag-ibig ni kris, sobrang maasalimuot.. Si Ipe, Joey marques, Rommel Adducul, Alvin Patrimonio,.. hindi natin alam baka kasama pa dyan si bloops o si dencios.. he he he..May naki-alam ba o humarang sa mga pag-ibig niyang Bulag???? ang daming naging kontrobersiyal sa kanyang buhay pag-ibig.. di ba?
At isa pa, ni Noynoy ay lalaki.. para namang ginagawa mong tanga ang buthihing senador kung pakiki-alaman mo pa ang PUso nya.
The worst thing na ginawa pa ni kris ay sinabi pa niya sa TV.. I condemn this one.. she don’t need to do that.
Hanggang sa susunod.. magbabalik po ang…
THE BUZZZZZZZ.
agree ako sayo pinoy. (ayokong murahin si kris sa barrio baka mapagalitan ako hehe)
korak..
litsi! kaya pala walang entry ang jeri at busy na as bagong pahinante nang Da Buzz hahaha
Na recruit na kasi ako ni Boy abunda.. he he he.
Tinapos ko lang po ung 2 kong bahay, then yung work ko d2 sa office..
Babawi po ako.. meron na po akong niluluto.. tatlong malaking kawaling pansit..he he he
Coming soon po promise!
ikaw pala yan boss jeri e! hehe
lagi na lang nating pagbibigyan si kris sa mga sinasabi niya, tayo ba si cory na nanay nya? haha
di na binobroadcast yan.
nakakasuka na yang kris na yan.
dencios, hinay-hinay lang.. pagkatapos mong namnamin ang kabanguhan ni kris, basta-basta mo na lang isusuka? ano ka ba? he he he
humanda kayo pagdating ni MEL! matulis ang takong nun! hahaha!
Hoy baka batuhin kayo ni Mel ng pinggan dyan. Hahahhaa…
May nagliliparang pinggan kung nagkataon dito sa barrio. LOL.
Ilag dencios.. ayan na ang mga pingaaaaaan!
I will this Honestly sa barrio.. hindi ito kalokohan.
Yung mismong mga kapatid at magulang ng Misis ko ay hindi nila ako matanggap nung nagsisimula pa lang kaming nagsama.. My wife is Chinese… Alam nyo naman ang mga Intsik as much as possible ayaw nila sa Pinoy.. (kaya lang matulis ang Pinoy..kasing tulis ng lapis na mongol)
There were time na sinabihan nila ang misis ko. “Sa kapipili daw ng mapapangasawa nakapili daw ng Tae”…. AKO TAE? ang lupit po talaga, para akong nauupos na kandila.. even my salary tinatanong kung magkano, at kung kaya ko bang buhayin ang magiging pamilya ko..
I proved to them that they are wrong.. and They were absolutely wrong.
Mas tinitignan nila ang material na bagay… hindi raw kayang buhayin ng pamilya ng Pag-ibig lang.
Yung discrimination na yun ay hindi naging epekto sa akin para mawalan ng pag-asa, bagkus naging inspirasyon ko at gawing tuntungan para maipakita ko sa kanila na sila’y nagkakamali…Hindi ako ebak!.. kahit kili-kili ko walang amoy!
Hindi naman po sa pagyayabang.. (pero bahala na po kayo)
Yung dating bahay kubo.. ngayon isa ng munting palasyo.. ang dream house ko na bungalow… medyo marami-rami na rin ang naipundar..(hindi ko na po sasabihin baka makidnap tayo he he he)..
After a years, nagbago na ang pananaw nila sa akin, kung dati ay halos ayaw nilang makita ang pagmumukha ko, ngayon iba na… pag may problema, sila na mismo ang lumalapit..
Bilog ang mundo… hindi natin alam kung kanino ang huling halakhak!
I hope na ganun din kay Kris, sana makita niya muna ang busilak na kalooban ng magiging hipag niya bago niya ito husgaan.. at sana’y unawain niya ang damdamin ang kapatid bago ang sarili niyang damdamin.
what’s new with kris… trademark nya na talaga pagiging taklesa. ano kaya balak nyang gawin sa kuya nya? buruhin? kris is cory’s pain in d a__, now it’s noynoy’s turn.
Dapat siguro iwasan ni Kris magkomento sa lablife ni Noynoy. Bakit kamo? Hindi naman siya pinakialam ng kuya niya nung na-involve siya kay alvin patrimonio, robin padilla, rommel adducul, philip salvador, joey marquez, mark lapid at james yap.
Sana kung saan maligaya si kuya dun din siya…
..i mean ‘pinakialaman’..sorry typing too fast…*LOL*
Mel kampi tayo…. I can relate to Kris’ sentiment. Nung ikasal ang kapatid ko na 45 years old last April (at ako naman ay edad 37 na ) mas umiyak pa ako kesa sa nanay ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng kapatid..pwamis di ako ma-emong tao pero habang sa eroplano pabalik sa jakarta umiiyak ako at kulang na lang sampalin ako ng aking katabi. May ganun yata talagang feeling…. “separation anxiety”(?)
opppp…..pero di ko favourite si Kris ha! heeheheheh
pero di ko favourite si Kris ha! hehehehe
hehehe hindi sa kinakampihan ko kayo Cora ni Mel noh? but feel ko ang feelings ni Kristeta. alam na alam ko yan gawa nung prehas den nangyari sa aming isang brother na ngayon eh me asawang tikbalang hahaha eh kung pinabayaan sana nang aming La Familia mamili nung napangasawa nya eh di sana, indi kami ang nasisisi dun sa naharbat nyang luka-luka hahaha
The issue here is not just Noy’s personal life. His future decision will surely affect the country and that is what Kris is pointing out. He wants his brother to be 100% for the country kaya she wants him to set aside and sacrifice. And why do you keep on comparing Kris’ PAST RELATIONSHIPS with Noy’s? That’s very irrelevant.
Isa pa Kris’ final statement was to support her brother all the way. Yun ang mas importante.
Sa mga nagsabi na nakakasuka si Kris, siguraduhin nyo lang na perfect kayo. That’s all.
Hala, lagot ka dencios..
ako wala ako sinabi.. sinaway ko lang si dencios.
yan kasi eh! lagot ka Pinoy! tatanggalan ka nang cedula hahaha!
sus. si mel pa sports yan
@pinoy, tatanggalan ka daw ng cedula ni kamahalan LOL
Mga kabarrio, eto po ang bagong balita na aking nasagap.
Passsokkk!
Nagpaabot ng paghingi ng paumanhin si actress/TV host at dating presidential daughter Kris Aquino kay Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa ‘on-air na pagtataray’ nito sa kasintahan ng kanyang kuyang si Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Nabatid na nagpadala ng text message si Kris na humihingi ng dispensa sa senador sa mobile phone ni Jody Santamaria-Lacson, asawa ni Panfilo ‘Panfi’ Lacson Jr. bilang susog sa ‘peace sign’ na iminuwestra ng TV host sa kanyang programang ‘The Buzz’ sa ABS-CBN.
Ikinatuwa naman ni Lacson, biyenan ng aktres na si Jody, ang pagpapa kumbaba ni Kris at sinabing maluwag niyang tinatanggap ang ‘sorry message’.
Matatandaang hindi napigilan ni Lacson na magkomento sa binitiwang pahayag ng batang Aquino sa telebisyon na may himig babala kay Valenzuela Councilor Shalani Soledad na magiging ‘monster in-law’ siya nito kung lolokohin ng babae ang kanyang kuya Noynoy.
Nahiling ni Lacson sa bunsong kapatid ng kapwa senador na kung mayroon man itong komento o sasabihin patungkol sa konsehala ay makabubuting sarilinin na lamang o personal niyang iparating kay Soledad sa halip na ihayag sa telebisyon sa harap ng buong bansa.
Hindi itinago ni Lacson na nasasaktan siya sa mga pahayag ni Kris laban kay Soledad na naging staff niya at itinuring na anak-anakan.
ayos ang reporting mo ka paeng! pinatalsik mo na ba si boy abunda? hahaha
praktis lang.. baka sakali.. he he he
Eto pa ang bagong update…
Handa na raw gumastos si kris kung sakaling magdesisyon na magpakasal na si senador Nonoy aquino..
100% full support daw siya para sa anumang desisyon para sa lovelife ng kanyang naturang kapatid.. at kahit buong wedding expenses ay handa raw na siya ang gagastos.. mmmm. di kaya reverse psychology lang ‘to?
At yan po ang pinaka bagong update mula sa himpilan ni tiyo paeng.
pero crush ko si kris before.., until mag-guest sya at maging main-stay sa see-true ba yon ni inday badiday? mag mula nun hindi ko na sya crush. hehehe
luv ko si KRIS dahil sa pagiging taklesa nya..hahaha..i don’t know why..