Not So Smooth Elections In Rizal
Sinamahan ko ang aking asawa sa presinto pasado ala una ng hapon para maka boto. Umaga pa lang eh nakaktanggap na kami ng mga text na napakahaba na ng pila at tila di gumagalaw. Pag dating namin sa presinto eh halos maligo na sa pawis ang mga naka pila dahil sa tindi ng init kaninang hapon. Nakuhang number ng aking may bahay at 542 at sa oras na iyon ay 367 pa lang ang huling nakapasok.
Sa aming pakikipag kwentuhan sa mga poll watchers at mga teacher naging sanhi ng delay ay ang pag uwi ng maraming botante dahil di maka tiis sa haba ng pila at init ng panahon.
Ang iba ang nagsibalik bandang alas tres na ng hapon para makaboto. Isa rin sa mga naging sanhi ng delay ay ang paulit ulit na pagpasok ng balota sa PCOS machine dahil pumapalpak.
Sa loob naman ng mga presinto eh napakaraming miron na nagmamasid at imbes na lumabas agad eh nakikiusyoso pa sa loob. Bukod dito, wala naman naging grabeng problema dito sa barrio namin.
Viewed 8764 times by 2397 viewers
Rob is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.
















I heard that on the radio. Marami talagang umuwi at hindi bomoto sa haba nang pila.
Tapos ang init init pa kanina Reynz. Yung inipon kong pagiging tisoy nung nasa US ako wala na! Balat kalabaw nanaman ako.