Noynoy umabante nang 13%! Dona Victorina wala nang nagbabasa!
From: Rey Marfil
“~at para naman sa balitang talcum powder! Ang tinag-uringang numero unong political blog daw sa Pilipinas, na kung saan si Paul Farol at Amiel Aguilar Cabanlig eh nag-bablog bilang mga top bloggers sa ngayon ay patuloy na nawawalan nang mga nag-babasa. Alam kaya ito nang mga kliyente nilang ang chart na binabasa eh ang chart ni Noynoy Aquino?! Mula sa Barrio News Network – Bee En En! Eto po si Boy Kardo reporting!”
Dalawang magkakasunod na weekly survey ang panibagong dagok sa kampo ni Nacionalista Party (NP) bet Manny Villar matapos pakainin ng alikabok ng numero unong katunggali nito.
Sa pre-election survey na nag-leak sa media, muling pinangunahan ni Liberal Party presidential bet Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang presidential race kung saan unti-unting nababawi ang malaking kalamangan.
Bagama’t nagbuhos ng political advertisement at samu’t saring artista ang bitbit sa campaign sorties, hindi pa rin nagmamarka si Villar at hindi magawang i-overtake si Aquino.
Sa weekly trucking survey ng Manila Standard Today, mas lalo pang lumaki ang kalamangan ni Aquino laban kay Villar matapos bumalik sa double digit, katumbas ang 11% hanggang 13%.
Sa poll survey, may petsang Marso 14 hanggang 16, nakakuha si Aquino ng 36%, sumegunda lamang si Villar na nakapagtala ng 25%, pangatlo si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ay kumabig ng 18% at pang-apat si ex-Defense Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. sa nakuhang 7%.
Maging sa panibagong poll survey ng Manila Standard Today, mas lumaki ang kalamangan ni Aquino matapos makapagtala ng 13 percent abante o distansya kay Villar.
Sa trucking survey, may petsang Marso 21 hanggang 23, halos bumalik sa average 40% ang popularity rating ni Aquino matapos umakyat sa 39%.
Viewed 11952 times by 3177 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.















“Sa weekly trucking survey ng Manila Standard Today” pucha TRUCK pala ginamet hehe
Di ba dapat, TRACKING yun? hahahaha!!!
Eto pa nakakatawa:
Ex-Journalist na naging PR Executive… pang tabloid press release skills…
Kung isa kang PR practitioner at sa tabloid ka lang makakalusot ng istoryang ibinubugaw mo sa mga tamad na journalist at news reporters… nakakahiya iyun!
Lalo na kung ang credibility ng tabloid na pinadadalhan mo ng press release eh puro kalaswaan at kathang-isip ang mga inilalathala…
What more sa credibility nung PR guy na iyon… TOINK!
Ganun na lang siguro buhay nila… sama-samang nagtatampisaw sa ebak…
Tumpak po!
Lalung-lalo na kapag wala naman reporter na willing mag-take credit para dun sa sinulat. “Investigative team” daw, oh. Eh sino yun??? Hmph! Chipannga!
UPDATE: This just in from Toto
Aquino opens up lead versus Villar
LIBERAL Party standard-bearer Sen. Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III has opened up a nine-point lead over his nearest rival for the presidency, fellow legislator and Nacionalista Party bet Sen. Manuel “Manny” B. Villar, Jr., based on the results of the latest BusinessWorld-Social Weather Stations Pre-Election Survey.
Mr. Aquino picked up a point to score 37% and further benefitted from a six-point loss for Mr. Villar, now at 28%, in the March 19-22 poll conducted just before campaigning for local posts began last Friday. The gap between the two frontrunners was just two points, within the error margins used, a month earlier.
Here’s the link: http://www.bworldonline.com/main/content.php?id=8479
Ayon sa last paragraph Teng, “Sa trucking survey, may petsang Marso 21 hanggang 23….”
Naman namannnn… TRUCKING na nga ang ginamit sa survey, sinyortkat pa; MARSO 21 HANGGANG 23 LANG??????? Asar!
To Rey Marfil ng Abante ito lang ang masasabi ko: “Hi~~~ *wave*”.
LOL trucking….