OFW PO- The thin line that defines the difference of an OFW from a Balikbayan!
Andito pong muli ako sa Barrio Siete. Ako po si Cora Dolorosa. OFW sa Indonesia. Minsan, nag-aabang nang tsunami at pag day-off, tumu-tugis nang mga terorista.
Ako ang kauna-unahang OFW sa pamilya. Kaya ang Mudra (opps… wag mag-isip ng masama kung bakit panay Mudra at di ko nababanggit ang akin AMA…….kalma lang– pumanaw si Ama nung ako ay tatlong taong gulang) PROUD at di ko alam kung mismo sya ay naniniwala na pag-umuuwi ako galing INDO ay dapat akong tawaging BALIKBAYAN (maitanong nga ito pag-uwi ko).
Nangingilo ko pag tinatawag akong Balikbayan, hindi dahil galit ako sa mga ito, kundi dahil sa tingin ko di ako “qualified” to be labeled as BALIKBAYAN—ako ay isang OFW. Katulad ng nakabalandra sa 1st Floor sa POEA sa Ortigas ang nakasulat ay —-drum roll please….“This way to BALIK-MANGGAGAWA CENTRE”. Di ba malinaw hindi BALIKBAYAN CENTRE!
Mga dahilan (di naman masyado marami) kung bakit ako nagka-AVERSION sa konsepto ng BALIKBAYAN:
Una, akala ng marami basta nag-abroad ka pagbalik mo LAKSA-LAKSA ang dala mong PERA. Di ko alam kung uso sa Barrio Siete nyo yung pag Alumni Homecoming ang mga dumating mula sa abroad ay kukulitin mag –sponsor (read: DONATE) . Para makumbinsi ka sasabihin nila sa iyo na ibabandera nila ng buong ning-ning ang iyong “picture, home address at overseas address (staff house po ako nakatira)” sa souvenir programme. Di ko talaga ma-gets and trip na ito. Last time sabi ko kung pwede mag-donate na lang ng door prize, sagot ba naman, “Di ba BALIKBAYAN ka!” OFW Po!
Pangalawa, pag-galing ka abroad dapat may pasubong kang alak, chocolate at laksa-laksang tuwalya, sigarilyo at sabon at pag WALA, ganito ang linya “Balikbayan ka wala ka man lang dala!”. Opo tama galing ako abroad pero OFW Po!
Pangatlo, ang kaibigan ng kapitbahay mo na nakapangasawa ng kinakapatid mo ay nabalitaang dumating ka. Super kwento sya ng kanyang SOB Story sabay hiram ng “ANDA” at huhulugan ka na lang nya. Pag sinabi mong pasensya at wala, hihiritan ka ng “Di ba Balikbayan ka”. Patawarin nyo po ako pero OFW Po.
Pang-apat, ito classic, pag BALIKBAYAN ka dapat wala kang problema— marami ka pera,may lovelife ka at uber saya ang buhay mo. Pagnag-simula ka nang mag-kwento ng mga struggles at challenges mo abroad walang gustong maniwala kasi BALIKBAYAN ka. OFW PO bat ba ang kulit!
Because I developed the aversion of the BALIKBAYAN concept, I decided to find the real(?) definition and to eventually draw a line that separates this from OFW. Para rin maintidihan nila ang pagwawala ko pag tinatawag nila akong BALIKBAYAN. Kasi nga po OFW ako.
| Balikbayan | OFW |
| 1. Pinagpala ka dahil “dual citizenship” ang drama mo, or green card holder or iba na talaga ang citizenship mo. | 1. Nakasulat sa harap ng dokumentong pinapakita mo sa immigration officer and salitang PASAPORTE at ang Nationality mo ay FILIPINO |
| 2. Di ka kailangang dumalaw sa templo ng nasirang Blas Ople tuwing umuuwi ka sa Pinas | 2. Isang malaking kasalan ang di pagbibigay pugay sa templo ni Blas Ople. Ang parusa —di ka nila papaliparin sa takdang araw ng iyong flight dahil wala kang OEC! |
| 3. Dahil di ka na kailangan dumalaw sa templo di ka nag-abubuloy para sa OWWA, Philhealth at OEC | 3. Dahil dumadalaw ka sa templo nag-abubuloy para sa OWWA, Philhealth at OEC |
| 3. Sorry po, pero nagbabayad ka Airport Fee at Travel Tax | 3. Di ka nagbabayad ng airport tax at travel tax! YAHOOOOOOOOO |
| 4. Visa on Arrival ang drama pag dumadayo sa ibang bansa | 4. Free visa facility ka pag ASEAN countries ang dadayuhin pero kung hindi dapat kumuha ka ng Pre-approved VISA dahil kung hindi at dumayo ka pa rin… ARESTADO ka Neng! Bakit Pre-Approved? Dahil pwede yan i-DISAPPROVED anytime…..kawawang nilalang |
| 5. Di ako sure pero, di ka regular na customer ng Western Union or other money transfer centre | 5. May suki kang Western Union or other money transfer centre. Kumare mo na nga yun isa dun |
| 6. Reyna nagco-convert ka pa ba? | 6. Pag nag-shopping, converted sa peso ang halaga ng pinamili. |
| 7. Reyna ikaw ba super-monitor mo ang exchange rate ng $ sa Peso? | 7. Minomonitor mo rin ba ang FOREX rate regularly |
| 8. Trabaho…..hmmmmmmm ?????? | 8. Lecheng-leche ka na sa trabaho pero di mo pwede iwan kasi may “contract” ka |
| 9. No data | 9. May roaming number ka na either Globe or Smart para mura text ng mga ka Barrio Siete mo |
| 10. No data | 10. Nagka-countdown ka pag malapit na umuwi sa Pinas |
| 11. No data | 11. Melancholy ang drama mo pag malapit ka na ulit umalis ng Pinas |
Eto ang aking maikling listahan at pinapangako ko gagawing kong miserable ang buhay ng sino mang mag-akusa na ako’y isang BALIKBAYAN. OFW PO!
Announcement:
Kung OFW ka at relate ka sa items 5-11…. Congratulations, laking Barrio Siete ka! Claim your CAN of BISCUITS from Reynz!
Viewed 9927 times by 1731 viewers
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.













BARAT PO AKO!
Besides umuwi akong walang pasalubong dahil ako na mismo ang pasalubong.
sinabi mo pa. hahaha
nyahahaha oo nga naman, sus parehong pareho ang tingin nila sa mga ofw— na namumulot lang ng pera sa kalye
Yang ang classic line ko nung unang balik ko after working for six months overseas. Nung sumunod ko ng balik di na umubra. Kaya ang linya ko na lang tuwing umuuwi ako at may naghahanap ng pasalubong…”Unlimited supply ng pagmamahal at pang-unawa”, yan ang pasulubong ko sa kanila. Gusto nila sabayan ko ng “masigabong palakpakan”…..
sakin ganun din, pag nagtanong anung pasalubong mo? sabi ko nalang “palakpakan”
@darbs – totoo lahat yan. kasi yung mga kamag-anak namin dati ganyan kapag umuuwi ang father ko. Parang heller, nasa UN mission kaya siya sa bandang Africa. Ano naman kaya mauuwi dun? Afrikano…hahahah…
may research ako noon at sinulat na article about remittances. ang findings doon ay maliit lang ng porsyento ang remitado ng mga OFW.
karamihan, nanggagaling sa mga overseas pinoy (immigrants) dating Ofw na naging citizens na ng ibang countries at mayroong pamilya pa sa pilipinas.
hindi naman dahil kukunti ang pinadadala ng OFW nagkataon lang na kumpara sa number ng OFW, marami ang permanents residents na sa ibang bansa, ang pinakamalaki ay ang US.
Dapat talagang magkaroon ng distinction dahil sabi na ni Loren legarda at ng iba pang mga pulitiko, kung hindi sa OFW, bagsak ang ekonomiya ng bansa. Paano naman kaming mga nagpapadala na Overseas Pinoy.
Sa totoo lang 80 per cent ng remittance nanggaling sa mga settled na sa ibang bansa na ibig makatulong sa mga kamag-anak sa pilipinas.
Tama yan miss cat, madalas sa una OFW ang tatak ng mga dayuhan sa ibang bansa, kung may tsansang maging permanent resident o kaya citizen, agad nang kinukuha ang tsansang ito para unlimited na ang trabahuan. At kahit na nagtransition ang Pinoy from OFW to Resident, tuloy pa rin ang padala, yun ay kung nasa Pilipinas pa ang mga mahal sa buhay. Malimit, i pepetition na nila ang mga kamag-anak para di naman habang buhay ay buhat mo ang padala ng pera. Aba’y malaki ring burden ito. Parang may regular bills ka rin. Di naman sa pagiging mapangit ang ugali mo sa kamag-anak. Talagang parepareho din lang namang kumakayod at nag hahanap buhay. Hirap kumita ng pera sa abroad. Di tulad sa Pinas, pwede ang pa relax relax. Kapag banyaga na ang boss mo, kahiya hiya namang magpa banjing banjing ka lang, una pangalan at trabaho mo ang nakataya, pangalawa, Pagkapinoy mo rin ang nasa linya.
Mahalia,
May mga rela-thieves sa angkan namen na ang akala nila e milyonaryo na ang familia dahil may OFW.
Ayun, mga naki-asa, nakahilata at di na nagbanat ng buto ang mga ayuff…
Pinagbabatokan ko nga, sabay sermon:
Hoy! Ang pera e hindi lalapet sa inyo kung ganyan kayo! Leche!
Hahahahha…..
“Una, akala ng marami basta nag-abroad ka pagbalik mo LAKSA-LAKSA ang dala mong PERA.”
TRUE! Lalo na mga nasa US. Kala nila eh umuulan ng pera dito. Susmiyo eh pag nagdatingan mga bills lahat ng pwede murahin mamumura mo eh.
“Pangalawa, pag-galing ka abroad dapat may pasubong kang alak, chocolate at laksa-laksang tuwalya, sigarilyo at sabon”
Like what Darbs said, barat din ako. Mayalak din naman sa pinas at tsokoleyt at yosi. At ayoko makigulo sa duty free. Umalis ako with one big luggage and hand carry kaya uuwi din ako na ganun dala ko. With matching pambahay t-shirt, shorts at tsinelas.
“Pang-apat, ito classic, pag BALIKBAYAN ka dapat wala kang problema— marami ka pera,may lovelife ka at uber saya ang buhay mo.”
Leche minsan buhay dito! Kala kasi ng iba pag nakalabas ka na ng Pinas ay biglang magbabago buhay mo. HINDE!!! Sa karamihan, ang pag punta sa ibang bansa is to be on a level playing field. Looking into having a good life comes next. And good doesn’t mean rich.
sinabi mo pa. kasi nga daw dollars ang kinikita mo. di nila naiisip, dollars din ang ginagastos mo. at dahil me kotse ka, mayaman ka na. eh necessity lang yun.
hmppt.. makabili nga bagong kotse. wahahahha!
LOL @Buraot. Chrysler, nag sale. mababangkarote na sila, magiging Fiat na. Try mo yung ChryFiat nila, de padyak. wahahaha!
Mahalia,
Ang panget naman ng ibang kotse ng Chrysler…mapwera sa Chrysler Camaro na model na tulad kay Bumblebee sa Transformers…bwehehehe..
Good means for me living a comfortable life. Walang gutom, hindi na nanghihiram ng asin, suka, tuyo.. at hinding hindi na rin nauubusan ng bigas. may ulam palagi at may laman na ang bulsa.
Pagbabago: hindi na po ako nag mumukhang patay gutom kung nasa party. (sometimes na lang kung favorit kong food ay konti lang (lumalabas ung barriotic attitude na BAKA MAUBOS, HORD NAAA ANG FOOD!).
Dressing up is no longer a problem. di na ako mukhang baduy. Mukhang cheap maybe, lalo na pag isinusuot ko ang tig $1.99 na pantalon at ung shirt na three for $5.00 dollars na gawang Bangladesh.
deodorant same, tawas.
pabango same, johnson baby cologne ung kulay sky-blue.
ay sinabi mo pa darbs.. nanghihingi din kami ng tuyo, suka, mantika, asukal at asin sa kapitbahay. Hehehe. Ngayon, binigyan ko ng isang sakong asukal at asin, isang case na suka, tuyo at mantika ang kapitbahay naming iyon. Nagalit ba naman. Hahaha!
Bakit kaya?
Ano ang status ng kapitbahay na yan sa baryo nyu?
Ilang ektaryang lupain ang ari-arian.
Saan galing ang lahi nito? Luzon, Visayas, Mindanao.
What particular tribe?
Ilan ang mga anak?
Ilang anak ang grumadweyt sa college.
may anak bang OFW?
balikbayan?
What if?
…then kahit anong kabaitan ang motive mo kahit anong love na gusto mong i-resonate, feeling of giving back to your neighbor
Isang sakong asin
Isang cartoon suka
Isang cartoon tuyo
Isang cartoon mantika
HAHAHAHA!
Morag insulto man kaayo nang imoha dai? (parang ang dating insulto talaga)
PRIDE,kaya galit.
bwahahaha, manoy, joke ra tong ako ba! hahahaha
@ Darbs, san ka nakakabili ng Johnsons? tagal ko nang naghahanap niyan…
CVS or RiteAid
pag tinanong kaya ung nagbakasyon na galing U.S. saan nyu kinuha ang pera nyung kay dami?
official answer: it is none of your business.
Study has not been done yet:
how many % U.S bakasyonistas ang umuwing pilipinas na nag-loan upang syang gastusin?
how many % U.S.bakasyonistas na ang perang ginastos nila ay galing sa kanilang pinag-iipunan?
how many % U.S. bakasyonistas ang pinamasahian ng mga kamag-anak sa pilipinas at pagdating sila ang ginagastusan/binibigyan ng pocket money sa mga taga pilipinas na kamag-anak?
In the end, who cares kung inutang o pinautang o sa saving galing… WE ALL ENJOYED the moment.
hay naku, cora! sinabi mo pa! grrr..
uutangan ka pa tapos after ilang years ka pa babayaran kasi akala nila mapera ka! hmpt!
ok lang sana kung ang ibabayad pera din…nung minsan, nahiya ako kasi kamag-anak ni mudra kaya pikit-mata akong nag-abot. Pag-uwi ko isang pasko ang maliit na dampa ni mudra walang malakaran…ang TV namin halos nakapatong na sa sako ng palay, kulang na lang sa mga sako ng palay na nakasalansan ako matulog…kasi palay ang ibinayad ….waahhhhh!
TORTURE to the highest level!
swerte nga po kamo kung bayaran ka pa! me mkakapal na parang kaw pa me utang sa knila!
sana binenta mo pag mahal ang bigas…
actually ganun ang plano, kaso halos wala na kaming maikutan sa bahay dahil sa mga palay, at ang “alikabok” (di ko alam kung ano ang tawag dun) ng palay napakakati….dati nga naisip ko baka madaganan ako habang nanunuod ng TV…..hahahahaahah
wala bang kiskisan sa inyo?…grabe ngayon ko lang ulit nagamit ang word na kiskisan – mga damatans ang gumagamit nyan eh. Kami kasi dati dinedeposito sa kono. Tapos bibigyan ka nila ng resibo – pag gusto magpakono – ibabawas na lang sa resibo. Ang problem minsan napapalitan yong palay…
cora, 2 days ko inisip kung ano tawag sa amin sa Timbuktu nung “alikabok” ng palay… yung pagkatapos mo ipakono, me natitira syang balat…
naisip ko na… ipa.
buraot, oo ipa – ginagamit sa yelo para di matunaw. Meron pa yong durog darak ang tawag – pakain sa baboy.
Cora, okay lang yan. Sa bawat 10 sakong palay na husto sa kilo, 6 na cavan na bigas tapos may ipa at darak ka pa. benta na. pamahal na ata ang bigas.
Reesie,
Kahit di ka pa nga OFW, basta forenger ang amo mo kahit andito ka palang sa pinas, tingin na ng tao sa iyo e high paying na. Hahaha…
Ganyan ang mga tao sa amin. Laging pera-pera-pera..Leche! Itatak ko na kaya ang mga mukha nila sa pera.
Pag di mo pina-utang e ichizmis ka pa. Kaya ako, mahigpit ako sa pera. Madaming manloloko kaya ngayon. Hahaha.
Kiskisan..meron sa may bukana. Kaso ang punto ko bat HINDI sila ang ‘magpakiskis at ibenta tapos bayaran nila ako ng cash”. Cash yung hiniram cash ang ibayad. Di naman “abono” o “binhi” kasi ang hiniram di ba.
Ipa….oo nga actually ako rin napaisip…pero sa Ilocano ko naisip..”ta-ep” ang tawag sa ipa sa amin. Aliw maalala yung mga bukid “jargon” na dati araw-araw mo ginagamit sa pakikipag-komunikasyon..hehhehe. Makasulat ng about Bukid 101.
Yung darak…anong gagawin ko dun, wala namam kaming babuyan….hehehehe. Tsaka di tumatanggap ang mga trysikel driver ng “darak” as bayad pamasahe…heehhehe. Ano kaya no, bili ka ng yelo o halo-halo sa kapit-bahay mo darak o di kaya palay ang ibayad…heheheheh (“BARTER” ang drama) di kaya ako saksakin?
nabebenta rin ang darak. sa mga may alagang baboy…
WEEEEEEE! Reynz, pano mg claim ng biskwit??? LOL!
napaisip ako:
hindi ba ang OFW ay balikbayan din? Or is the other way around? May mga balikbayan na we can consider OFW’s? Hanubeh, nalito tuloy ako. Hihihi. Helf!
OFW…titiisin ang lahat ng hirap para mabayaran at matubos ang nakasanlang kalabaw, palayan, itik at arinola bago umuwi ng Pilipinas…
BALIKBAYAN…exited umuwi ng Pilipinas para makita niya ng personal ang kalabaw, palayan, itik at arinola na hindi natubos ng OFW…
hahahahaha ok na ok to ah
Parang may kakilala akong ganito sa amin….hahahhahahaha…..halos lahat na ng bukid ng kapitbahay nyaay pag-aari na nya kasi BALIKBAYAN sya at halos ng kapitbahay nya ay OFW na…..ALIW!
bwahahaha! anak ng pating ang galing!
kuhang kuha ang essence. wow!
Next step is click N!ckph para mabisita kung ano pa ang mga pakulo doon sa kanyang website.
N!ickph naman, wag kalimutan ang link ng website mo. unless sinadyang walang link. i respek.
Sa airport madaling makilala kong sino ang sino…
BALIKBAYAN== Samsonite
OFW== Sakonite (stripe bag)
hindi Samsonite, Balikbayan boxes yong mga galing USA
Most likely balikbayan/ofw boxes nga ang galing U.S.
Yung Samsonite, baka ang ibig sabihin ni N!ckphung nag balikbayan na si Mancao ba un na galing U.S.A.
Baka nga ang dala Samsonite.
Bwhahahaha!
Wait, are we still in the boundary na hindi natin denedgrade ang ating mga status. Me? OFW/BALIKBAYAN/BAHAY BAHAYAN/Inang Bayan/FIL-AM/.
Fellow OFWs and Balikbayans,
Hongkong OFWs/BALIKBAYANS! MABUHAY PO KAYO DYAAAN!
balikbayan boxes ang gamint ng mga galing dito sa USA, noong umuwi ako kahon pa nga ng computer ang ginamit ko dahil matibay yon kaya gusto akong kikilan sa Airport dahil computer daw ang laman, sabi ko hindi ho SPAM ho, lahat ng nakapila sa Cathay Pacific panay balikbayan boxes, wala akong napansin na meron Samsonite,
@N!ckPh,
AKO YON. Pinapasok ko ang balikbayan box sa samsonite.
http://thoughtsmoto.blogspot.com/
i havent had the time to read the entry of a certain Mike Avenue re OFWs mukhang hindi yata siya informed dahil they consider Mike Avenue as and Anti-OFW persona
Mike avenue’s blog is no longer public.
http://exodians.wordpress.com/2009/06/10/mr-mike-avenue-effect/
I think. I know this bloggista (Mike Avenue). parang ang picture heading nya is dalawang babae? nakunan ko ata ng screenshot but I don’t know where I saved.
Update:
Further inquiry, I don’t know Mike Avenue. never met this blogger. WASHING HANDS. wishy-washy.
Ung website na ni refer ko Picture Heading is not mike’s.
Mike Abundo…
@Buraot, you are right. hahahaha!
Mike Abundo pala un. Hindi Mike Avenue.
Salamat for pointing this out.
ang iba ang akala nila ang balikbayan palaging makasuot ng maganda.
nang umuwi ako ng pinas noon, nakasuot ako ng punit na oversize na t-shirt, naglilinis na agiw sa bahay. dumating ang bisita, tinanong ako kung dumating na raw ang kamag-anak ng kaibigan niyang balikbayan.
tiningnan ko ang aking damit. tiningnan ko ang aking muka na may naga nakasabit pag agiw at sabi ko TSEH.
hehehehehe
Ma’am Cat sa aking personal na obserbasyon may pagkakaiba ang balikbayan na galing at lumaki sa siyudad(fv) at sa balikbayan na tigabarrio siete…
Pag ang balikbayan na tiga-siyudad(fv) nagsuot ng punit-punit na damit at gusot-gusot pa ang buhok, sasabihin ng kanyang mga socialite friends na naghihirap na ang leche nalulong kasi sa Casino(jueting), adik na rin sa ipinagbabawal na gamot(diatabs)…..kawawa naman.
Pag ang balikbayan na tigabarrio siete ganon din ang ginawa, sasabihin ng kalabaw…wow so humble naman feet on the ground pa rin.
It was the Imelda time. the 70’s. Lahat maganda. kaya apektado din ang mga utak sa mga balikbayans sa u.s.
Lahat ng pictures galing amerika taoy ibang iba. damit puro magagara.
Pag dumating galing U.S. talagang magagarbong damit AMERICANOS-FILIPINOS.
That concept was changed not long ago. when? not sure…
[...] Heto po ang sinabi ni lrn. [...]
hmmmm? maliwanag na di pala ako OFW? anung tawag sakin colorum? kasi ayaw ako payagan sa poea kasi daw di malinaw yung kontrata ko ngeeeek di malinaw???? at ang gusto mag fax muna ko sa opisina namin at sasagutan yung mga nakalagay dun na pag daw ako nagkasakit ng malubha sagot ng kumpanya… pag daw ako namatay sa abroad sagot ng kumpanya…e anung sagot nila????
more than 10yrs ako nagco contribute sa poea bigla pagdating ko dito sa china at iba ang employer ko bigla nila binalewala lahat ng contribution ko? hehehe ayoko magalit maaga pa para mag init ang ulo ko waaaaaa
hoy anung problema mo? bakit dito ka nagrereklamo?bat dika pumunta ng poea at dun ka mag ngangawa? guaaard, palabasin nga ang litsing to dito.(konsensya po nya ko)
lee, pasensya ka na ayan, dahil sa post ko nalito ka sa katayuan mo….hahhahahaha ang hirap naman nyan di ka BALIKBAYAN pero di ka OFW……hmmmmmmmm. Bumalik ka sa templo sa ortigas at makipag-tuos sa mga ANITO dun. Wag kalimutan ang “abuloy”.
jows ku ganun ba? naiinis nako pabalik balik parang pinapagod lang nila ko hahaha maraming issue my mga ek ek pang di raw pwede direct hire,yun ngang sakin hay nakuh hala bayad nalang ng tax sa airport
Lee,
Hahahah….tawa ako sa colorum…hahahhaha….
so for now wala akong poea, businesswoman ang status ko, bayad ako ng traveling tax at kung anik anik pero pinipilit kong maka poea hindi dahil gusto ko makalibre sa mga traveling taxes dahil sagot naman lahat yan ng company,kundi ang makapag contribute sa ating bayan and besides kahit na nga nung member pako ng owwa at poea kahit kelan ako maospital never ko naman kinalampag ang owwa at walang binitiwang pera sakin ang owwa or poea.
walang interesado makaalam,masaya kami dito sa barrio wag ka mambuset litsi ka lumayas ka dito(konsensya po nya ko)
kay lee ako makipag-usap dahil ang tapang ng konsensya po nya ko. hehehe. hear ya!
@darbs, minsan lumalabas yung kadobol ko e hahaha
waahahahah Lee! Multiplets ka pala!
waaaa! ba’t ako? ba’t akooo! hu! hu! hu!
ETO!
basta ang alam ko, pag nauwi ako sa Pasig, ini-inglis ko ang mga traysikel drivers.
kaya kami parating nawawala.
di kami magkaintindihan.
LOL @ Kamahalan! parang naimadyin ko ang itsura nyong dalawa ng drayber hehe
hehehe! nag-ka-ilan ilan nang instances na muntik akong bigwasan, bayad agad ako, sabay bawi naman sya hehehe
etching…baka type mo?
ayun tamang tama, magbabakasyon na ako next month, so oEpW ang dapat na itawag sa akin hindi balikbayan, oo nga naman, ayaw ko ng balikbayan, kahit nandito ako sa disyerto hindi ko inalis ang ulirat ko sa sarili kong bayan hahahaha.
speaking op pasalubong, aba malay ko bang uso pa ang ganun, tapos ako kelangan pang mapagalitang ni esmi para lang bumili ng pasalubong sa mga kapitbahay, hay nako.
oh anyway congrats pala dito sa barrio numero uno na kayo sa listahan ng influencial bloger
Miss ko rin pag umuuwi yung mga tao sa Airport taxi sa baba. MAghihingi agad ng tip. Haaayyyyy ok lang naman magbigay pakuswelo wasg naman sila unang manghingi. Tinitgnan agad yung address ng box saan ka galing.
a talaga? hehe buti na lang kame ser rob may kotse kahit kakarag karag. safe sa mga nanghihingi ng tip haha
Kaya sa December magpapasundo ako. Naiinis lang kasi ako pag nagpasundo eh parang talangka mga tao eh isa lang naman susunduin.
nung sinundo ako ng tatay at nanay ko noon, isang dyip kami. Open air talaga. sarap ng hanging maynila!
ay, grabe only in the philippines. sa airport sa ibang bansa – walang meet and greet by the relatives. hala sige, taas baba ng maleta sa hagdan hanggang sa makarating sa tren.
pero dito uso pala yong sang katerba ang naghahatid – ewan ko ba sa mga south asian na yan – kumpul-kumpol doon sa departure…
fita biskwet?! hahaha! i’m sure! if i know indi na ninyo type yon! hhahaha
kamahalan ipagpatawad mo ang aking kapangahasan pero sa tuwing nagrereply ka minsan napakahirap intindihin ng mga sinasabi mo hehe.
magandang gabi sa lahat mula sa Dubai!
eeekkk! really?! hahaha! i’d be very careful neks time pramis hehehe
teka baka ako lang hindi nakakaintindi.. wag mo na lang ako pansinin hehe
Masarap yang fita, may skyflakes ka pa ba dyan? Kung wala, marie na lang. Ipadala nyo sa P.O. Box…hahahah. Mayrong SkyFlakes sa World Market, I couldn’t believe it. I couldn’t buy it either. Pagkamahal!
mam mahalia,
dito sa dubai mahal din ang skyflakes. pero binibili ko pa din kasi walang kasarap sarap ang mga imported biskwits dito
Pasok sa banga itong entry na ito!
8. Lecheng-leche ka na sa trabaho pero di mo pwede iwan kasi may “contract” ka
Naku! Lahat na lang yata ng pwedeng pagmumura nagawa ko na sa trabahong ito…
ay kung ang bawat MURA ko dito ay pwede covert to cash kahit sa PESO lang…sus malamang ang YAMAN ko na..baka di na ako OFW, afford ko na magpa-covert into BALIKBAYAN…
covert=CONVERT po….patawad
Bigla ko binalikan ang post na ito kasi kaninang madaling araw dito (umaga sa pinas), nag beep phone ko. SMS number lang ibig sabihin – wala sa phonebook list ko.
Eto, nagpapabili ng relo na pang-araw-araw (Iba pa ata ang pang-gabi at formal). Tumaas kilay ko kasi nagpabili na ng rubber shoes sa kapatid ko noong December, tapos relo sa akin. Feeling ko iniikutan kami hanggang mabuo ang puzzle. Eh before that nanghingi na rin ng financial help.
Sa totoo lang malapit ko na itapon yong roaming SIM ko. Para hindi na ako ma-contact kasi pag P10-P15 per text hindi na magtetext. At sa susunod mag-aalaengkanto ako. Susulpot na lang akong parang kabute. Ang dami kasi nagbibilin. Totoo kaya ko bilhin yong relo so what’s the big fuzz? Hindi ko kayang ng ibili ng relo lahat ng nagpapabili.
hahaha! natawa ako seyo nina!
eh eto kasi, everytime we go back to the US, naka-roaming nga ang phone para daw CHEAP ang txt to the US.
now, shock ako sa mga pumapasok na TXT! why?
puro – BUY ME THIS! BUY ME THAT!
in ferness indi lahat ganun.
minsan – SEND ME THIS! SEND ME DAT!
hhahaha!
binasura na namen ang cellphone at tumigil na kami nang lecheng roaming na yan. hehehe
Nina, naaliw ako sa “relos na pang-araw araw”.Napaisip tuloy ako ….iba ba nag takbo ng relos na pang-araw araw, mas MABAGAL para di ka late sa mga pang ARAW-ARAW na appointments….Ei pagkabili ng ganitong relo tipan mo ako kung saan pwede makabili ha….
Kaya yong ibang pinsan ko kahit e-mail ayaw magbigay sa mga kamag-anak nila. Sa amin lang binibigay alam nila safe, walang mangungutang walang manghihingi. Anyway, mag press release ako na na hacked ang yahoo ko at nasira SIM ko.
May nabili na ako kanina may sale sa casio. mga 19 USD. Dual ito – pwede pang araw-araw at pang gabi-gabi. Hahahahahah. Pang-araw araw yong pang harabas. Yong hindi ka manghihinayang na magas-gasan…
Reynz, kakabaliw talaga yong buy me this buy me that na yan…
meron pa nga yong subtle lang – nag graduate ng kindergarten…hahahahhahaha honestly noong march marami nag text nag graduate sila. Grabe, hindi na ako napahinga. Pag uwi ko ng summer expecting. December expecting. March expecting…Sana pagdasal naman nila ako expecting na rin ng baby.
Minsan naiip yon na lang ba yong role ko? Bigyan sila ng pasalubong. Kakasawa na rin. Isa pa yong Ninang ka ng everyone. Hay, may aanakin na naman ako. Grrrr…. Sa totoo lang – kung hindi lang dahil sa lolo ko, hindi na talaga ako uuwi.
yap, now i understand how it feels noong una when i was in the phil…lahat ng aking sulat sa kamag-anak sa states ay hingi… hingi… at hingi… did i even say thanks? or send xmas cards? i don’t remember. sowee. hahaha!
pero minsan napapaisip din ako na kasi nung unang panahon na di naman kalayuan ..yung mga first wave ng mg balikbayan kung maka-project ng marangyang buhay lalo na sa US ay ganun-ganun na lang. Magandang bahay, madaming kotse, mansanas, ubas, peras sa hapag kainan pag nagpapadala ng mga pix sa mga kamag-anakan kaya siguro na-imprint sa PSYCHE ng mga pinoy sa pinas na MADALI at MARANGYA ang buhay abroad. Kaya pag di ka nakapagpadala, maramot at wala kang utang na loob.
Ung isang kakilala ko galit na galit sya sa tiyahin dahil bakit kahit 100usd di makapagpadala pang pa-biopsy ng isang kamag-anak to think na ka- BEEMER (BMW) daw sila sa US…well, di lang alam siguro ng kakila ko hinuhulugan pa rin hanggang ngayn ang BMW nila….aiahhhhhhh the plot thickens…
isang balikwang misconception to Cora.
cars in the US is a bigggggg necessity ateng. hindi sya luxury unless na nasa New York City ka dahil maraming modes of transport at di mo kelangan nang kotse.
now, BMW’s are of course classified as luxury cars, then again, napakadaling kumuha nang beemers dito, dahil maraming magagandang used cars.
so, it does not necessarily follow na porque me BMW, Mercedez at Lexus ka in well to do at kaperahan ka. not really.
ang nakakairita kasi, tong mga Pinoys have the audacity magmayabang kaya yung ibang Pinoy who are true to themselves ang tinatamaan.
Bakit nga ba nagyon ko lang naisipang itapon yong SIM ko? Dapat noon pa.
OFW din po here…
sa pasalubong ‘di po uso sa kinaroroonan namin… pag pabalik na tsaka po kami nangungulekta ng sapatos, patis, halubaybay pati mga damit atbp…
sa donate donate, mga basketball team, mga gumagawa ng lastay pag fiesta….
Encountered new word this week in addition to balikbayan/ofw/
Now, EXPATRIATES!
what about expatriates?
expatriates!
sabi pa nung kiddo, catchy word dad.
catchy word.
interesting.
“Expats” was the word given by Gloria to OFWs na yan na daw ang tawag sa kanila.
Below are the following definition of EXPATRIATE. Pili na lang kayo kung ano gusto nyo. Si GLO maraming pakulo..pero Ok na rin SHUSYAL ang dating….kahit ginugulangan kami ng OWWA!
VERB:
ex·pa·tri·at·ed , ex·pa·tri·at·ing , ex·pa·tri·ates
VERB:
tr.
To send into exile. See Synonyms at banish.
To remove (oneself) from residence in one’s native land.
VERB:
intr.
To give up residence in one’s homeland.
To renounce allegiance to one’s homeland.
NOUN:
(-t, -t)
One who has taken up residence in a foreign country.
One who has renounced one’s native land.
ADJECTIVE:
(-t, -t)
Residing in a foreign country; expatriated:
“To send into exile. ”
BWHAAHAHAHA
Makalimutan ba ang mga exiles…
Expats ang tawag…
Welcome sa Barrio Siete!
[...] lola. Ok… besides the fact na andaming nakalinyang uutang. Iba kasi ang dating pag sinabing balikbayan. Oo, nagdusa rin ako. Pero literally, salamat PO sa biyaya, malayo na ang narating ko. Sila, andun [...]