Oh no, it’s Jamby!
Here in Barrio Siete, we do not share the same interests and opinions. Sometimes we disagree on things and choices we make. Like this one, I’m sure many of our ka-barrios and readers will disagree with my choice. Huwag niyo lang akong awayin or inglesin ng sobrang lalim dahil wala akong planong sumisid at hindi ako marunong lumangoy. Hindi ko sasagutin ang comments niyo. Hahaha!
The funeral of Tita Cory was a worldwide event.
Unfortunately dito sa atin sa Pilipinas may mga sumakay na pulitikong walang modo at ginamit itong paraan para sa kani-kanilang ambisyon sa 2010. Kailangan ko pa bang imention sina Mayor Binay, Mar Roxas, at marami pang iba. Ay! Nasabi ko na. Hahaha!
Pero ang pinaka-nakakagulantang sa lahat and I’m sure alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko because this news is so last week pa. Pasensiya na at nahuli kami dito sa barrio, pero ika nga nila, ‘Huli man daw at hindi pa rin magaling ay chaka. Pero buti na lang at maganda ang sumulat kaya okay na rin.’ Charing!
Back to the topic. Siya ang tinutukoy ko.
Senator Jamby Madrigal and her very very famous ‘bracelet’.
Allegedly galing daw it okay Tita Jamby at pinamigay noong libing ni Tita Cory.
Goshness! Nakakahiyang electioneering tactic ito ha. And very disrespectful of her to do such thing. Hindi na niya nirespeto ang libing ng yumaong pangulo at sinamantala pa ito sa pangangampanya.
THAT IS KUNG TOTOO NGA ITONG NANGGALING KAY JAMBY!
Well, ito ang opinion ko diyan.
Senator Jamby Madrigal on July 31 of this year announced that she’ll run for the country’s highest position in the coming elections. Basahin DITO kung feel niyo. She is not insane or stupid like someone else in the Senate to do that bracelet distribution. She was born and bred well. She came from a family of respected politicians, government leaders and philantropists. Ano siya hilo?! Luka-luka lang ang gagawa noong pinaparatang sa kanya.
You know, when the news broke out about that bracelet, I felt angry myself. Why would she do that? It’s so not her. Sabi nga ni Tyra Banks, ‘it’s not fierce’!
For the record, I voted for Jamby sa pagka-senador. I think she’s doing fine naman in terms of authoring and co-sponsoring bills in the field of education, women empowerment, children’s welfare, and environment protection. Unlike sa ibang senador diyan na kuntento na sa pagiging miyembro ng Silent Committee and Committee on Protecting Katrina Halili. Senator Jamby is Chairperson of four committees sa Senado.
Despite being a senator, active pa rin siya sa kanyang foundation and other projects outside the government especially those involving children and women’s welfare.
Di ba? Hindi na masama ang achievement ni Jamby kumpara sa ibang mga pulitiko diyan na tumanda na sa kanilang posisyon na walang nagawa para sa bayan.
Anyway, marahil nagtataka kayo kung bakit ko ito sinasabi and if I’m announcing that I will vote for her next year. At kung kinakampanya ko na ba siya for the presidency. My answer is a big YES.
Charing! Charing lang! Hahaha!
Seriously, it’s too early pa to tell. Marami pang dapat iconsider na factors at hindi lamang ang ‘winnability’ or ang achievements. My point is that Senator Jamby already denied the ‘Braceletgate Scandal’. Basahin niyo DITO. Let’s give her the benefit of the doubt. Malay mo totoo ang sinasabi niya. As what I’ve said earlier, hindi pa siya baliw para gawin ang kagagahang iyon. Malay ba natin kung may uber-hater siya at sinamantala ang libing ni Tita Cory upang sirain siya. On the other hand, malay din natin kung totoo at pakana talaga ito ng kampo niya to generate publicity. It’s sick pero kahit negative pa yun, it’s still publicity and successful nga ito in terms of getting people’s attention.
At the end of the day, tayo pa rin ang may say kung saan tayo maniniwala. We are old enough to weigh things. Ang masasabi ko lang ay maging tama sana tayo sa ating iboboto sa susunod na eleksiyon. Minsan na tayong nagkamali, we don’t need another tyrant, social climbing, lying bitch to rule our country.
Let’s open our eyes more. Pero huwag pasobrahan at mahal ang gamot sa eye bags at pangingitim ng mata. Hindi rin effective ang pipino. Trust me.
Viewed 15956 times by 4054 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.















“Huli man daw at hindi pa rin magaling ay chaka.”
Bruha!!!!!!!! Natapon yung ginebra ko sa kibord!~!!!!!
Enjoy ang post mo teh! Grabe.. hahahaha!
Ate Chuva, kinakape mo na pala ang ginebra ha. Hahaha! Pasensya na po sa keyboard, palitan mo na lang ng calculator. Lol
Kuya Bluep, baka naman ENT doctor siya? Nyahahaha!
Juice ko, kung sila ni Miriam ang magtutunggali magmumukha siyang grade 3. Lol
Hindi kayaaaa! Genius si Inday Miriam noh. Si Jamby, well, Average. Hahaha
Ay may ganun?! Nyahahaha! Amft! Bad ka Kuya. Lol
Kuya Bluep! Napanuod ko. Tawa ako ng tawa. Hahaha! Dada ng dada hindi naman pala sakop ng Senate Ethics Com ang kaso ng Capitol Bank. Obvious tuloy na naghahalungkat lang siya para may mabato sa mga kalaban niya next year. Kacheapan! LOL. Now I’m thinking na malamang tinubuan na nga ng talangka ang kukote ni Tiyang Jamby and nako-convince na ako na namigay talaga siya ng bracelet nung libing.
Bloop,
Kahit ganun si Miriam, matalino talaga siya. Medyo yun nga lang, yah know.
Kaya pag election, gusto ko na muna magtago. Asus, hindi ko trip ang mga personalities pag election. UGH.
Silvs, enjoy naman ako pag election. Maraming give-aways. Hahaha
at maraming artistang makikita!! sana 2010 na!
at maraming raket sa provincial shows! hahaha!
not only that mel. free food pa. i remember when a particular candidate visited our muni-sipsip-yo, that was age ago mid you, me nka pack na food for every body ha! say nyo?
at kapag eleksyon meaning maraming pera sa lahat ng barrio.buhay economy!hahaha..
medyo ano? nasobrahan ata haha..
classmate, regardless of her mental ailment. hihi. i still like miriam. shes funny!
Indeed!
Yet another “candidate” to add to my growing monument to the vacuousness of Pinoy politics. Note the amount of empty space in that matrix. It reflects the amount of air in the minds of the average Pinoy voter.
Whenever there is a bozo politician declaring his/her candidacy for the coming “elections”, there is only one challenge worth posing to said bozo:
Platform, plez
Unless he/she is able to articulate COHERENTLY what he/she envisions for our sad Republic over the next 5 to 10 years, he/she will be no different to any other bozo declaring their intent to run for the highest office in the land.
It’s simple, really
wait and see lang muna…tignan natin kung multuhin sya.
CHARING!
Mel, bonggacious ang post mo na itech. Tama nga naman, let’s give her the benefit of the doubt. Pero kung ako nasa pinas, di ko siya e-boboto. hehe. Again, di ko siya type Mel. Pero type na type kita. Waaa. Di pala tayo talo. I still lab yah though!
Ako rin Rees, di ko siya type. Yung hubby niya type ko. Hahaha
ehem! ma swerte ang taong type ni reesie.
Mel, pati si benigz, na touch mo ah…You are really selling a lot of pandesals here in d Barrio hehe.
Relevance din ang isang tanong ko sa sarili ko – relevant ba sya sa mga urgent needs natin?
Dfish, I don’t know kung ano ang platform niya but I think based sa expertise niya it would be social welfare and development. Actually gusto ko siyang marinig magsalita in person in one of her speeches siguro during the campaign period. Interesting kasi siya at medyo confident. Malay natin.
nako di ko talaga gusto ang bracelet issue na yun ke totoo o hindi. sabi ko nga sa post ni mam Cat, using cory’s signature color at her burial and putting your picture in it? nako! etong si jamby parang si Mar, “determined to win!”
Parang wala yatang matinong ‘presidentiable’ ngayon eh. Kung tatakbo sana si Ate Kris…..hmmmm. Lol
galit talaga si dencios ke Mar.
oo mel hindi effective yung pipino sa maitim na eyebags! pero yung eye cream ng fuller life (dating sara lee) eh effective! yan ang gmait ko nung sunog-kilay-days ko.
hmmm…si Jamby? na-turn-off ako nung naghabol sya ng mana from her dead aunt.
hehehe!
si Jamby ba yung French guy ang asawa? wala lang, naalala ko lang.
@Glo
Me too, sobrang na turnoff ako dun sa paghabol ng mana from her dead aunt. Whoa, i can’t just imagine what people can do for money.
hahaha! ang tanong snow eh nakuha nya ba yung mana na hinahabol nya? susme! kakahiya talaga. hahaha!
Hindi pa yata, still under the court rules daw. Iba talagang makasilaw ang fame and fortune ano? Walang pinipiling tao…hahaha…
Yes Ate Glow. Valade ang apelyido ng hubby ni Jamby. French. Ang chika sa parlor ay medyo berde daw ang dugo ni hubby. Hahaha! And yes, kinontest nga niya ang will ng Lola Chito. Wala kasi siyang natanggap. So un-classy.
Ayos ka talaga Mel! hahaha!
At nakakabaliw magbasa nang artikol mo hahaha because of wits na sinasaksak mo hahaha ano baa!
I like na you’ve presented both angles:
1.) She’s not capable of doing it dahil di pa sya baliw
2.) She probably did it dahil publicity pa rin kahit papano
Whoever it was ang gumawa nun, am sure, sa point number 1, she must have gained symphatizers. Pero we know na epektiv dahil napalingon mga pinoy.
Anyway – DI KO SYA KILALA.
Seriously HAHAHAHA
mel…ilabas mo ang credentials ni jamby! daliiiii…;)
Hehehe. Thank you sa trust and thrust Ate Reynz. Don’t worry, ipapakilala kita kay Tita Jamby one of these days. Charing. Hahaha
kakatawa naman yang banner ni jamby dyan sa taas…eh lumang picture na nya yan! iba na ang hitsura nya ngayon.
hahaha!
Ate Glow, credentials ni Jamby? Hmmmm.. Basta. Nandiyan lang yan sa tabi-tabi. Hahaha! Ang alam ko dati siyang DSWD Undersecretary. Lolo din niya si SC Chief Justice Jose Abad Santos, pati yung founder ng Socialist Party na si Pedro Abad Santos.
Yung pikchur niya sa taas recent yan. Recently photoshopped. Hahaha!
weeew what can i say!! Philippine Politics really suck!! grabeh!!! pati death of a former president eh ginawang campaigning ground??? thats really out of place!! and i really dont like makati city mayor jojo binay!!! does anyone here already saw his tv ad??? grabe sila ni tito mar!!! pwede na silang gumawa ng sop opera!!! both of them are actually good actors… muntik pa ngang tumulo luha ko eh lalo na tv ad ni tito mar… “kaw lang ang huminto para makining samin, wag ka sana magbabago anak” sabi ni lolo dun sa tv ad ni tito mar… is that really necessary?? baket ganun ang politics satin anu?? ganun ba tayo kababaw?? kila UNCLE SAM naman di ganun di ba?? i find politics in U.S. talagang sincere and thats what we can consider real POLITICS unlike here in the phil. hay!! nakakdisappiont naman!!! why do we have to elect people like them??? w
Fan ka din pala ni Mar Roxas DJ. Regards daw sabi nya at invited ka sa kasal nila ni Korina. Lol
wow naman ate mel!! really?? im invited?? san daw ba kasi ang venue para mapataniman ko na ng bomba!!! HAHAHAHA!!! joke joke joke!!! im only joking baka naman isumbong mo ko?? close friend pa naman kami!!! hehehehe feauture friend pa nga nya ako sa friendster eh!!! hehehehehe
if ever he has a plan for the up coming election!!! GOOD LUCK SA KANYA!!! sana di siya manalo!!! he he he he
akala ko green na ang magiging signature color ni jamby? kasi diba nung nagpahayag syang tatakbo ay naka green sya tas sa sona naka green ulit
(kung tama man ang tingin kong kulay hehe) kasi naging blue na sa picture nya.
If ever na matutuloy siyang tumakbo as President.. mangangampanya ako para sa kanya at handa kong gastusan..
teka! klaruhin ko; mangangampanya ako na WAG SIYA IBOTO, dahil baka magkararoon na naman ng isa pang AMASONA sa Malakanyang.
Wala siyang “K” para mag ambisyon ng pinakamataas na posisyon.
at pag nagkataon na siya ang maluklok… bABALIK NA LANG AKO SA BUNDOK at Duon mga dinamita at bomba ay Mamulot… KABRRAAAAAAAAAAMMMMMMM!
Kuya Jeri don’t worry at bibisitahin ka daw niya sa bundok. Nyahaha
Tasteless. I say tasteless. Hahaha
Ate Ajay, ang taray ng comment! Hahaha
At nagsimula na ang sabong. Nagdeclare na nga si Jamby, (i’ll take reynz’s words), nagsosocial climb na sila chiz at kung sino sino pa… hala taya na mga kabario! lol.
You never fail to make me laugh on your entries mel… hehehe. panalo nanaman to.
Really? That’s so flattering
~hawi buhok sa tenga~
Hahaha!
Seriously, thanks Ate Monique. I’m glad I made you laugh with this post. Hihihi
bongga ang delivery para kay jamby.ha ha ha
Sa panahon ngayun, dapat na talaga karerin ang pangangampanya….kulang nalang nga humiling yang mga politicians na bumaha para maka show cause naman sila sa mga nasalanta..you know..tactics.
eh baka may accessory shop lang talaga si jamby, indi bumenta kaya pinamigay..ha ha ha
after tita cory’s death, after the bangunungot of installing arroyo–and letting her win sa election, can the Filipinos stand up and redeem themselves at iboto ang tamang leader for the nation. I am still hopeful.
Ipusta ko ang 10 kalabaw ko sa aking rancho, isama ko na ang 10 ektarya… walang kapana-panalo yan si Jamby sa pagka presidente.
Presidente ng isang asosasyon ng ng isang baranggay pwede pa siguro.
e di tea bags ang gamitin mo. hahaha
at kung man na “Here in Barrio Siete, we do not share the same interests and opinions.” e ano yung pinuputak dun hi hollywoodpecker?
basta ako di ko parin alam kung sinong iboboto ko. ang alam ko lang e kung sino yung mga hindi ko iboboto. tsaka hindi kita sasagutin sa english dahil ayokong dumanak ang dugo sa ilong dito. isa pa, san ko naman huhugutin ang mga english na yun? hahaha
indi pwde siya sa muse…sabi niya kasi wish niya maging escort…awts,i shut my mouth now.
hindi ko iboboto ang conyo galing tondo na hindi pa man kandidato e daang milyon na ang ginagastos sa tv ads palang. pano nya kaya babawiin yun pag nanalo syang presidente?
..isama mo na yung katutubo sa makati, wala ring maaasahang boto sa akin.
hindi ko rin iboboto yung ladyboy na walang ginawa kundi tirahin ang conyong galing tondo.
hindi ko iboboto ang mahilig magpadyak ng pedicab at hindi marunong mag emote sa harap ng camera. trying hard baga. paturo muna sya kay ate koring.
hindi ko iboboto ang magaling mag-tagalog at parang nagde-declaim kung magbitaw ng salita. sobra pang bata at kulang pa sa inin.
hindi ko iboboto si bigote. ayoko na ulit pukpukin ang ulo ko ng bato sa ikalawang beses.
hindi ko iboboto ang bayaning naka-pink. hindi komo’t napaganda nya ang syudad na pinanggalingan e kaya din nyang patinuin ang pilipinas. yung trapik nga sa metro-manila e hindi maayos-ayos.
at mas lalong hindi ko iboboto ang sinumang iiendorso ni nunal.
meron akong gustong iboto, at sa tingin ko ay sya lang sa lahat na bumabalak kumandidato ang may prinsipyo at dignidad. wala pang bahid dungis akong narinig o ano mang kinasasankutang katiwalian. kaso wala pang balak kumandidato. oo anak siya ni cory at ninoy.
si noynoy.
Too bad leo,,,in short wala ka na talagang i boboto..ha ha ha…
checking on the presindetial wannabess,,puro sila TRAPO.
Sana, mabigyan naman tayu ng option no..?
korek, wala talagang pwedeng i-consider sa mga tatakbong presidentiables ngayon.. nakakatamad tuloy bumoto!
kung sino yung mga matitino at may prinsipyo ayaw kumandidato.
Maybe Jamby should hire Jena Isle. LOL
Mam I have a question!! Ano na nagawa mo sa senate?