Old TV Commercials

I remember my old Barrio days na kung saan nakikinuod ako ng TV or Betamax sa kapitbahay. Tuwang tuwa ako noon kapag may TV – madaming napapanuod na palabas katulad ng cartoons at drama and of course, mga oldies commercial na paulit-ulit na pinapalabas. Parang sirang plaka na nga sila sa utak ko – memoryado na ang mga lyrics at dialogues. Kung nauuso ngayon ang Sharon Cuneta commercials ng McDo or yung animated commercials ng Meralco, malamang, di nyo makakalimutan ang mga oldies commercial nina Dragon Katol, Family Rubbing Alcohol etc.
Paunawa: Hindi ko sinulat ang post na ito para ipromote ang products nila noh. Retro-flashback lang tayo mga ka-barrio siete.
Enjoyfullness!
The classic Dragon Katol commercial!
RJ Ledesma’s old Royal softdrink commercial. (Aminin: Dami ata nagcucute-tan sa batang ito. Heheh)
The Family Toothpaste commercial (who cant forget those Filipino-speaking forengers, aber?!)
Pagoda Coldwave Lotion
The classic Karen McDo commercial!!!
The undying Family Rubbing alcohol commercial. (In fairness, di nalalaos! Hahhah)
At ang paboritong sabon ng nanay ko: SUPERWHEEL!!!
Viewed 9917 times by 2337 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.















wagi yung katol hahaha ang kokorni pero nakakatawa hehe
Nyahahahha…favorite ko ang dragon katol commercial na yan. tawa ako ng tawa dyan dati! hahahha..
Wow, down to memory lane. I love these old commercials sister Silver.
Ang pinakapaborito ko, The Family Toothpaste commercial!
Mother, Father, Brother, Sister…
How do you brush your teeth?
Panalo…Nakakaliw naman itong post mo.
wahaha ang kulit nga ng family toothpaste commercial! kahit may pag kakorni ang mga commercials noon mas masarap panoorin di ba… mas creatve sila noon.. ako ang pinaka gusto ko ung commercial about sa kama.. salem bed ata iyon.. ung katab nila matulog ang elepante.. ang lupit.. wahaha at dahl doon feeling ko talaga pinakamatibay na kama ang salem haha
Pehpot,
Try ko pang maghanap ng old commercials na iba..katulad nyang sa Salem at yung sa Seiko wallet! Hahahhaha.
napagtripan kong iplastado ang mga commercial na yan. hahahha..tawa ako ng tawa dyan sa kanila eh.
good thing you liked my post sister snow. tenchu!
Yang Pagoda cold wave lotion na yan kinocommercial lang yan tuwing nanonood kami ng Eat Bulaga (a 1 week delayed noong unang panahon sa barrio namin).
Meron pa… ung commercial ng RTO na truth or consequence, “kung sinong unang pumasok sa pinto (not sure na!) eh hahalikan mo!” Si Joey din yun diba?
Lahat ng mga bata sa iskul bukol namin eh truth or consequence ang laro! hahaha…
Monique,
Subukan ko pang maghanap ng other commercials ni RJ Ledesma.
HAHAHHA asan yun 680 home appliances? tsaka yun OLA yun pink na bareta ba yun hahhah
Hahahahhaha….oo nga malensky! yung 680 home appliances! teka, buhay pa ba ang store na yun??
pwede po bang mai publish nyo ang darigold condesada.
matagal tagal ko na pong hinanap, pero hindi ko po makita.
salamat po
roby
roberto,
try kong magresearch about that product kung meron commercial pa.
salamat sa pagdalaw dito sa barrio siete.
Oo nga. Yung OLA sabong panlaba wala. May dance steps pa yun ha. Hahaha
Di ko naabutan ang OLA sabong panlaba…matanong nga kay maderaka…hahahha…
para sakin, the best talaga yung karen commercial ng mcdo..
tumigil ang paglalaro namin ng baraha ng magpipinsan para lang panuorin for the first time ang drama na yun. nasa bahay pa nga kami ng lolo namin nun. akala namin, teleserye sa oras ng hapunan.
yun pala, magandang commercial ng mcdo.
Oo. I may say Promking na parang showstopper pa ang commercial ni Karen. There was even a time na lagi naming inaabangan ang commercial na yan. Hahhaha.