Home » Buwaya Files, Chizmiz sa Barberya, Opinion, Satiriko

Ondoy at Pepeng: Mute and Epidemic

22 October 2009 8 Comments

swimming sa baha

Photo credits here.

It had been so and so when the tag team of the decade gave us their winning one-two combo. When I first saw the initial mixture of air andwater I thought it was just the usual tropical depression that we  are so familiar with. When it hit landfall I realized it was more than Amihan and Habagat combined.

And then we were literally drowning with fear.

For hours the heavens fell in buckets and gallons as well as liters. I felt the earth fill itself as if all the waters in the world is not enough to fill its thirst of good public servants, a thing that is quite hard to find these days.

Just like they say, when the dams broke, the water came. And some of the old lessons came along with it.

Lesson 1 From now on, I will always believe in Gloria.

Wala akong kadala-dala. Sinabi na nga sa Chanel 4 na lagi akong maniniwala sa Presidente dahil sya raw ang pinakamagaling at pinakatapat na lingkod ng bayan. Sya rin daw ang pinakamatangkad.

Kahit pa pinagpipilitan pa nga ng mala-Piolong si Cerge Remonde na yang mga media na yan, sinisiraan lang ang Prisidinti, di pa ri ako maniwala kasi. Susginuu!

Sinabi nya kasi sa kanyang nakaraang SONA na dahil datapwat ngunit subalit sapagkat nasa daanan tayo ng mga bagyo, gagawin nyang hitech ang ating panglaban dito.

“As a country in the path of typhoons and in the Pacific Rim of Fire, we must be as prepared as the latest technology permits to anticipate natural calamities when that is possible…”

Kitams. When it is possible.

Lesson 2 - Floods ain’t fun.

Kahit na ano pang sabihin ng kalaro mo, hindi masarap lumangoy sa baha. Lalupat kalanguyan mo yung mga dagang kasinlaki ng pusa, mga basura nyo at ng kapitbahay ninyo at kung anu-ano pang mga palutang utang dyan na dilaw ang kulay. O kaya brown.

Wag mo ring susubukang maging curious at buksan ang mga kung anu-anong nakabalot sa plastic. Baka ka ma-toxic. At kung sakaling nakalunok ka pa ng tubig-baha, wag mo na subukang imadyinin kung ano pang extra ang kasama nun. Isipin mo na lang na nakalulon ka ng panis na lambanog.

Lesson 3Di pa naiimbento ang rubberboats.

Alam kong nakakita ka na ng mga submarines na hitsurang dyip, pero alam mo bang di pa naiimbento ang rubberboats? Kung meron man, di pa uso sa pinas. Kahit ni isang salbabida, wala akong nakita sa lahat ng mga coverage nitong nagdaang mga bagyo. May mga naglutangang ilang mga rubberboats, di naman daw uubra sa iba, dahil baka daw mabutas ng mga lumulutang na yero at mga kahoy.

Hello? Eh gumawa ka kaya ng rubberboat na hindi gawa sa rubber? Oo, pwede yun. Pramis.

Lesson 4 Di na uso ang warning warnings.

Sa mga nakatira malapit sa mga kanal, wag ka nang umasa sa mga warning na magmumula sa mga dam operators. Kaya kung makita mong bigla na lamang umaapaw ang kanal sa tabi mo, siguraduhin mo na lang na marunong kang lumangoy. O meron kang sariling rubberboat.

Di ka ba naaawa sa mga operators ng mga dam? Mahirap kayang sumipol ng malakas sa gitna ng bagyo. At hindi rin uubra yung magpalingas ng apoy para gawing smoke signal kapag umuulan. At kesa mag-ubos pa sila ng oras para mag-text man lang at sabihing aapaw na ang dam, mas mabuti pang pakawalan na lang nila ang tone-toneladang tubig. Hindi baleng marami ang malunod at mawalan ng bahay ang mga tatamaan ng tubig. Kasalanan ba nila kung di ka marunong lumangoy?

Kung bakit kasi hahara-hara kayo dyan sa dinadaanan ng tubig.

Lesson 5 Turning calamities into opportunities.

Sabi ni Confucious, “Ip you oways think positif in times of clisis, you panalo.”

Kaya naman pansin na pansin ang mga nagpa-pakyut na mga dugyot na foolitiko. Dala dala ang kanilang mga relief goods na may nakakabit na piktyur sa instant noodles. Yung pagmumukha nila mas malaki pa sa lalagyan. At ang isang kilong bigas, nakabalot sa plastic na may lovenote na parang nagsasabing, “ayan pinalalamon kita ngayon, baka naman magkalimutan tayo ha?”

Sempre di magpapa-angas ang mga bespren ko sa Gapo na di mo malaman kung taga Red Cross nga ba o taga City Hall. Kaya tuloy di maiwasan na isipin na yung relief nila ay galing sa Red Cross at inilipat lang sa supot na may pangalan ni Meyor.

Bad ba ako kung naiisip ko na baka ilan sa mga yan, pinagkakakitaan pa ang mga donasyon na para sana sa mga biktima? Bad din ba ako kung naisip ko na yung pondong para sa mga biktima ay hindi muna ginagamit at ibinababad muna sa bangko para tumubo?

Sya sya… bad na kung bad. Aru josko, bakit kasi hindi ang Malakanyang ang binaha ninyo, sinama nyo pa sana ang kongreso at senado. Kunsabagay, tapos na yun.

Haaayyy! Ika nga ni Tikya, it is already mute and epidemic.

Reblog this post [with Zemanta]
Related Posts with Thumbnails

Viewed 11462 times by 2288 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.

8 Comments »

  • reynz says:

    “As a country in the path of typhoons and in the Pacific Rim of Fire, we must be as prepared as the latest technology permits to anticipate natural calamities when that is possible…”

    hahaha i quoted her too with the same line di ko ata napansin yong qualification! leche oo! ayuf talaga pag nag-aral ka sa georgetown!

  • reynz says:

    Interestingly on your number 5, watch out for the next entry – turning calamities into opportunities. maybe someone is taking opportunity of the goodies.

    Sikweet hahaha watch out at 12.

  • promking says:

    pinapaalala ko lang po sa inyo,

    hindi po kami kalabaw.. hindi po kami naliligo sa putik.. pasensya na po.

  • Clarck says:

    turning calamities into opportunities.

    hehehe mejo totoo yan. ang daming gumawa nun nung kasagsagan ni ondoy. Matatanda na ang mga tao para pagsabihan kung sino ang tumulong sa sino ang nananamantala.

  • BURAOT says:

    Clarck, obvious nga kung sino sino. kakahiya yung mga yan, para na nga sa mga biktima, pinupilitika pa.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.