Home » Baryo OFW, Dear Ate Charing

One journey from Barrio Siete to Abu-Dhabi to Canada

30 May 2009 36 Comments

Dear Tita Charing,

Ang gaganda naman ng mga kuwentong barrio siete nyo. Gusto ko tuloy i-share ang aking malungkot na buhay sa aming barrio siete.

How will I start the story of my life?

Tandang tanda ko pa, Tita Charing, nagisnan ko na lang na laging nag-a-away ang aking mga magulang. Sa murang isip ako’y nag tatanong kung kelan sila titigil. Sa murang isip ako’y tinatanong ng aking ina.

“kanino ka sasama kung kami’y mag hihiwalay ng iyung ama?”.

Ako’y hindi pa nag-aaral nung panahon na yun. Ako’y laging nasa sulok pag sila’y nag sisigawan. Itinatapon ng aking ama ang mga damit ng aking ina. Nagigising akong basag basag ang aming mga pinggan, tokador at kung anu-ano pa…… Dalawa lang kaming mag-kapatid at ako ang panganay.

Dumaan ang panahon nag karoon ng maliit na tindahan ang aking ama sa palengke, dumami ang naka-tira sa aming munting bahay, mga kamag-anak ng aking ina na galing sa Barrio bente dos. Medyo natahimik ng konti ang aming bahay sa away. Naging busy ang aking ama sa maliit nyang negosyo. Sya ang namimili ng paninda sa madaling araw at ang aking ina at ibang kamag-anak ang nag babantay sa palengke.

Lumago ang aming maliit na tindahan……ako at ang aking kapatid ay walang muwang sa mundo na walang alam kungdi ang mag laro sa buong mag hapon. Lumaki kaming kamag-anak ang naka-paligid sa amin dahil ang lugar namin ay isang compound na mag-kaka-anak ang naka-tira…..compound ng mga kapatid ng lola ko. Kaya ang mga kalaro namin ay mga tiyahin namin sa pinsan, tiyuhin at mga pinsan.

Pero bukod sa busy ang aking ama sa pag-titinda sya ay isang dakilang sabungero, kaya kung wala sa palengke ay nasa sabungan naman. At ang masaya sa kanyang pagiging sabungero ay kung manalo ang kanyang mga texas na sasabungin. Minsan tatlong manok sa isang araw ang dala-dala nya……hmmmmnnn…masarap mag luto ng adobo ang aking ama, kaya lumaki kaming sasabunging manok ang aming nginangata….

He he he.

Lumipas ang panahon hindi ko namamalayan… nagising nalang ako isang araw na umalis ng bahay ang aking ina…..hindi ako nag tatanong, siguro sa aking murang isip alam ko na kung bakit?

Hindi na sya bumalik.

At pag kalipas ng isang taon kinuha nya ang aking kapatid sa school at dinala nya sa kanyang barrio bente dos. Mag kahiwalay din kaming lumaki ng aking kapatid. At ang aking ama naman ay nalulong sa pag inom ng alak at sabong. Nai-benta ang aming tindahan, nawalan ng direksyon ang takbo ng buhay ng aking ama, lagi na lang syang lasing. Ako? Meron pa rin kaming katulong sa bahay. Hanggang sa dumating ang araw na nag dala na rin ng babae ang aking ama sa bahay.

Hindi ko parin alam kung ano ang nang yayari sa buhay namin. Graduating na ako ng elementary ng dumating sa buhay ko ang aking stepmother.Batang bata pa sya. Madali nyang nakuha ang puso ng mga kapit bahay namin at ibang kamag-anak. Bisaya sya at matapang, pala kaibigan at sya ang naging kaibigan ko.

Habang ako’y nag dadalaga. Ang aking ama naging maramot sya lalo sa pera. Nag High School ako sa isang semi-private, na kada mag babayad ako ng tuition ay paiiyakin pa ako bago ako bigyan ng pera ng aking ama. Katakot takot na sermon muna ang kaka-inin ko. Nag tiyaga ako, walang barkadang lakwatsera, pano ako mag lalakwatsa, pamasahe lang ang ibinibigay ng aking ama …walang labis walang kulang. Pero mabait talaga ang dyos, minsan meron akong tiyahin na nag bibigay sa akin ng pera, kung inu-utusan akong mamalengke sa akin na ang sukli. Kaya iyun ang aking allowance at pambili ng ibang gamit sa school.

Nuong panahon na ako ay high school ang pinaka malungkot sa buhay ko. Hindi pa ako naka-ka adjust sa pag babago ng aking buhay. Ang aking ama at stepmother ay nag ka-roon na ng anak…..wala akong problema dito, dahil mahal ko ang naging mga kapatid ko… kaya lang ito ang panahon na lagi akong umiiyak sa gabi, basa lagi ng luha ang aking unan at laging umaa-sam at nag tatanong sa dyos kung kelan mag kaka-balikan ang aking mga magulang. Sa aking pag sisimba lagi kung idinadasal na sana’y mabuo ulit ang aking nag-ka-hiwa-hiwalay na pamilya. Naging kimi lalo ako, takot maki-pag kaibigan sa school dahil baka malaman nila na broken family kami.

Nag tiyaga akong mag-aral, kumuha ako ng exam sa PUP at naka pasa naman, duon ako nag kolehiyo. School at bahay lang ako…mahirap talaga ang walang suporta ng magulang habang nag-aaral, wala akong pang bili ng journal papers at ibang kailangan sa school ….ewan ko ba kung bakit ako nakatapos? Pinag tutulungan din ng iba kung kamag-anak na bigyan ako ng pera, at lahat ng aking natatanggap ay pinahahalagahan ko. Buti na lang mura ang tuition sa PUP.

Well, habang tumatanda ang ama ko ay lalong lumala, halos araw-araw ay lasing at hindi lang iyung magulo pa sya kung malasing. Sang katutak na problema at kahihiyan ang aming dinanas sa aming ama. Nang mag tagal na at naging tatlo na ang kanilang anak , natanggap ko na rin na siguro kagustuhan na rin ng dyos ang mag kahiwalay ang aking mga magulang. Pero kahit naging ganito ang aming ama, mahal namin sya. At kung matino at hindi lasing tahimik lang sya at himas lang ng himas ng kanyang sasabungin..

Ilang beses ina-take sa puso ang aking ama at na-pralyze ang kalahati nyang katawan. Pero kahit ganun ang nang yari sa kanya hindi pa rin sya tumigil sa kaiinom…….dala pa rin nya ang pag hihiwalay nila ng aking ina, kahit sya’y meron ng ibang pamilya.

Ang aking ina ay nag karoon na rin ng bagong asawa . Ang aking kapatid na napunta sa barrio bente dos ay napa-bayaan ng aking ina. Hindi napapadalhan ng pang tuition. Nabarkada sya at hindi nakatapos ng high school. Kinuha sya ng aking ama at dinala ulit sa Manila. Pinag-aral ng vocational, kaya lang dahil lalaking puno rin ng hinanakit sa pag hihiwalay ng aming mga magulang, hindi sya naging matiyaga na katulad ko. Pamasahe lang daw ang ibinibigay sa kanya ng aking ama kaya ayaw na nyang mag-aral.

Gumawa ako ng paraan para maka-punta rin ng abroad. Sabi ko sa sarili ko nuon mag-iipon ako at mag-papatuloy ulit mag-aral. ….pero hindi nangyari iyon….unang abroad ko , napunta ako sa UAE (Abu-Dhabi), umiiyak ang aking ama ng ako ay umalis, dahil ayaw nya akong mag-abroad. Pero that time gusto kung matutong mag-isa sa buhay…naging DH ako. Dito ko naranasan ang umiyak at ma homesick. Mahirap palang maging alipin ng ibang lahi. Dito ko naranasan na sigaw-sigawan ako dahil lang sa pag titimpla ng tea, minumura ko sa aking isip ang amo kung lalaki. “demonyo ka” sa isip ko. Pero mabait ako at matiyaga, bumait ang demonyo kong amo.

Mabait sa akin ang dyos, hindi ako nakatapos ng aking 2 yrs contract, sa kung anong kadahilanan gusto nila akong ibigay sa ibang employer o umuwi na lang ng Pinas sa kanila ang gastos. Pinili ko ang umuwi ng Pinas.

Ang laki ng ipinayat ko, pero naging sexy, hehehehe…. boring ang walang trabaho, lagi akong malungkot, naaawa ang aking ama sa akin… pero sya ang tipong ayaw ipakita ng lubos ang kanyang tunay na nararamdaman. Lumipas ang isa, dalawang linggo…. dumating ang aking tiyahin, kinukuha nya ulit ako para tumulong sa pag-babantayng kanyang tindahan. Pumayag ako, nag palipas ng lungkot, at sa tindahan nag karoon ako ng madaming kausap. Nadiskubre ko sa aking sarili , na magaling akong mag salita, dala siguro ng pag punta ko sa ibang bansa…parang namulat ang isip ko at nadiskubre ko na meron ibang nang-yayari at mga importanteng mga bagay ang dapat nating malaman sa ating paligid. Naging open minded ako, pero inosente pa rin.

Nainip ako sa aking buhay, pero hindi ako nag balak mag-asawa. I was 23 that time, nag-apply ulit ako sa agency para mag-abroad. Pinalad ulit ako. Inutang ko uli ang placement ko…This time sa Oman naman ako napunta. Masarap lumabas ng ibang bansa kahit sabihin pang DH lang ako. Pag mabait ka, kahit sino mamahalin ka.

Kuha ko agad ang puso ng mga amo ko. Mabait sa akin ang dyos at hindi nya ako pinababayaan. Mababait ang amo ko. Pero siguro’y hindi ako para sa bansang Arabo.

Minsan isang araw, may natanggap akong makapal na sulat. Nagulat ako kung ano ang nasa loob ng sobre….application to work….this time , papuntang Canada.

Mahigit pa lang isang taon ako sa Oman. Ang hindi ko alam inire-commend ako ng pinsan ng aking ama sa kanyang hipag na nakatira sa Canada. I grab the opportunity, ang problema, walang Canadian Embassy sa Oman so nag paalam ako sa mga amo ko at sinabi ko ang tunay na dahilan. Pinayagan nila ako at hinatian nila ako sa aking pamasahe, they even send me an employments recommendation letter later on ng nasa Pinas na ako. Attached to it ay letter na nag sasabing maninirahan sila sa London, England, kasama ang buong pamilya, they miss me at wishing me goodluck for the future. Nice eh!

Mahirap palang i-process ang papel sa Pinas. It took me 2 years…. Pero pinalad naman na habang nag hihintay akong maka-alis, pinatawag ako ng aking Ninang para mag trabaho sa kanyang 5/6 business. Nag tayo sya ng Lending company, she was a retired bank manager. Gustong maging busy ang buhay, nag tayo ng sarili nyang banko, he he he. After those experienced sa abroad, I enjoyed every moment of my life. Pamilya, trabaho kahit meron mga disfunctionality ang buhay tinanggap ko iyun ng maluwag sa aking puso. At lalong naging malawak ang aking pananaw sa buhay. Now, I never work for money alone. Dapat kasundo mo ang mga taong nag ta-trabaho sa iyo, at marunong kang sumayaw sa tugtog ng iyong customer, you have to laugh more,….after all, money can come and go, pero ang mga taong mababait at nagtitiwala, at nag mamahal sa iyo ay madalang makita.

Nakarating ako ng Canada, naka dalawang employer. Naging malayo sa magulo at ma problemang Pilipinas. Pag may humihingi ng pera at may problema ako ang daingan….hindi lahat napag-bigyan ko..I save for myself too, iyun ang sabi ng aking ama…….Ngayon, I feel like…..may kulang yata sa buhay ko. I started to go out and meet people….Well, wala pala akong B.F. for all those years, nakuntento lang ako sa pag mamahal ng aking buong pamilya, mag silbi sa pangalawang pamilya ibinigay sa akin ng dyos.

At sa aking mga panalangin ang hinihiling ko sa Poong maykapal, ay makatagpo ako ng lalaking mabait at mamahalin ako ng buong puso. At importante sa akin na mamahalin nya ang dysfunctional kung pamilya. Lumipas ang panahon naging kuntento lang ako na maging Malaya, walang sumusunod sa mga kilos ko, I can do what ever I want pero inosente pa rin sa madaming bagay. Takot pa ring maging careless at mag kamali sa aking mga desisyon. Dahil sa nakita kung pag kakamali ng aking mismong pamilya, naging takot ako na makipag relasyon.

35 years old ako, ng dumating sa aking buhay na makilala ang lalaking aking makakasama habang buhay…..isang taon kaming nag bolahan, nag lambingan sa liham at telepono…sino ang mag sasabi na parang isang fairy tale ang aming romantic affair hahahahaha…….hindi ko sya kilala ng lubusan..pero pinakinggan ko ang response ng aking mga mahal na nasa Pinas. Inobserbahan ko ang kanyang kapatid na nag pakilala sa akin. Well,I Ilike her, at kung saka-sakali isa lang syang pakikisamahan ko dito sa Canada, hehehehe……….

Gusto nya Huwes, gusto ko simbahan na maliit. Bakit Huwes?wala daw syang pang gastos. Well, ako bakit simbahan? Iyun lang ang magiging okasyon na makakasama.

Ko ang lahat ng taong sumuporta sa akin sa buong buhay ko. Hinanap ko ang aking ina na gumawa ng kanyang sariling adventure….sumama sya sa agency na sumakay ng tugboat from Palawan pumunta ng Malaysia…sa madaling kuwento natagpuan ko sya at nag ka-usap kami sa telepono. Pinadalhan ko sya ng pera para maka-uwi ng Pilipinas.

Dalawang araw na lang bago ang aming kasal ay wala pa rin ang aking ina..at sa hindi ina-asahang pag kakataon dumating ang aking ina. Tita Reynz, kumpleto ang aking buhay ng panahon na iyun……muling nag kita ang aking ama at ina …face to face…naanduon din ang aking stepmother. Ibinili ko ng yaring damit ang aking ina sa Divisoria. At naging busy kami ng sumunod na mga araw.

Kumpleto ang buo kong pamilya nung araw ng aming kasal. Ito ang araw na ibinigay sa akin ng dyos ang aking matagal ng dalangin. Masaya ako at the same time may lungkot akong nadarama sa aking dibdib. Dahil alam kung ito ang huling sandali na makakasama ko ang aking mga magulang, mga kapatid mga tiyahin, tiyuhin na nag mahal sa akin……..pasensya ka na Tita Reynz naiiyak ako habang tumitipa ng aking liham….At alam kong ito ang simula ng pag tahak ng bago kung buhay.

Matatapos na ang aking bakasyon, may lungkot akong nararamdaman sa aking dibdib…uuwi na ako sa Canada…iiwanan ko na ang aking pamilya…may lungkot akong nakita sa mata ng aking ama pero at the same time alam kung panatag na ang kanyang loob. Ang aking mabait na asawa lang ang pinayagan kung mag hatid sa akin sa airport., dahil alam kung hindi ko mapipigilan ang luhang papatak sa aking mga mata kung makikita ko ang aking mga magulang at mga kapatid sa oras na iyun. Mabilis na paalam ang ibinigay ko sa aking asawa, hinalikan nya ako sa aking mag kabilang pisngi at tumakbo na ako sa loob ng airport.

Masyadong lungkot ang naramdaman ko sa aking pagbalik,. Pero may kahalong ligaya rin dahil ito ang simula ng aking panibagong buhay……sa bawat pag tawag ko sa Pinas nananabik akong marinig ang boses ng aking mister at the same time takot na makarinig ng malungkot na balita. Lumipas ang dalawang buwan…..sa pag sagot ng aking mister sa kabilang linya, malungkot ang kanyang boses….Ma, wala na si Daddy! …..ina- take sya kagabi ..tulo ang luha ko..parang nabinla-ukan ako…hindi ako maka-pag salita…sabi ng kapatid ko ilang araw na raw nag hihintay ang aking ama sa telepono para marinig ang boses ko….tumawag ako nung araw na iyun para batiin ng Happy birthday ang aking ama…pumanaw sya bago sya mag birthday. At kaya ako iyak ng iyak dahil alam kung mahal na mahal ako ng aking ama. Hinintay nyang maikasal ako at makapili ng tamang lalaki sa buhay ko bago sya pumanaw.

Maraming atake ang kanyang naranasan. At maraming nag sabi na nung bago ako umuwi ng Pilipinas biglang lumakas ang aking ama. Naging masaya sya, dahil after 7 years bago ako muling umuwi ng Pilipinas. Mahal ko ang aking ama dahil sya ang nagmold sa akin kung papano ko tatahakin ang buhay sa aking sariling desisyon. Lagi syang nakasunod sa akin, pero hindi nya ipinapakita ng diretcho, may mali, dahil hindi sya malambing at hindi sya naging responsableng ama later in his life. Pero alam kung mahal nya kaming kanyang mga anak.Hindi ako umuwi, dahil ang bilin nya nuon sa akin kung ano man ang mang yari wag na akong umuwi…

Lumipas ang panahon, nakarating na rin ang aking Mister dito sa Canada, sa simula talagang mag-aadjust kayong mag asawa sa isa’t isa…unang una kung papano ka makakatulog sa gabi sa lakas nyang mag-hilik…kung papano mo masusuheto ang kanyang itinatagong pag ka-humaling sa alak…well, well, well…iyun lang naman ang aking naging pala-isipan sa aking natag puang asawa. Madali ko lang na solve ang problema, ang unang problema, matapos naming mag romansa kickout sya sa kwarto (hehehe) duon sya matulog sa labas, pangalawang problema, pinamili ko sya , alak o kami ng kanyang mga anak? He he he …….tama ka sa iyung iniisip Tita Reynz, pinili nya kami !!!

Hindi ako nag sisisi sa aking naging desisyon, isang napaka-lambing, mabait, responsableng asawa ang nakuha ko, bagama’t napaka-kupad eh nakaka-habol na rin sya sa takbo ng buhay dito sa Canada.Dahil sa aking gabay malaki na ang kanyang ipinag bago. Ako? Pinili kung maging isang mabuting may bahay, gabay ng aking mga anak at asawa, and we are trying to have a happy family kulang man sa pera pero Masaya dahil nakikita kong malulusog ang aking mga anak sama sama kami sa hirap, sa hirap ulit at sanay dumating ang araw ng aming masaganang pamumuhay.Sa ngayon nakakaraos pa rin.

Nag laho na rin ang aking ina 3 years ago matapos kong isilang ang aking bunso. Napatawad ko at naka-usap ko sya sa aking panaginip. Dinalaw nya kami dito at nag pakita sya aking panganay at nag iwan sya ng bakas ng paa sa aming kisame. Sayang hindi kami nag kasama ng matagal ng aking ina. Nuong sya ay nabubuhay pa, dinadalaw namin sya ng aking kapatid at kasundo ko rin ang kanyang naging asawa….bagama’t lihim sa aking ama. Mabait ang aking ina, malambing na natural sa isang bicolana. Actually, sya ang nag bilin sa akin na kung ako raw ay mag aasawa piliin ko ay isang Bicolano, alam mo siguro kung bakit Tita Reynz hehehe…

Ang aking mahal at makulit na kapatid ay pumanaw narin nitong nakaraang Pebrero. Biglaan ang kanyang pag panaw. Atake rin ang dahilan, may luha na pumatak sa kanyang mata ng tawagin nya ako, na-comma sya ng isang gabi , at ibinilin ko sa aking kapatid na ibulong nalang sa kanya na mahal ko sya, duon pumatak ang kanyang luha at binawian sya ng buhay.Hinihintay nyang makita kaming muli, panay ang tanong nya kung kelan kami uuwi. Sa hindi masabing pag kakataon, dahil sa internet nag kita kami sa web cam nuong new year…..sasabihin mo bang iyun ang huli nyong pag-uusap? Napaka-saya nya nun dahil nakita nya ang kanyang mga pamangkin, na simula ng isilang ko ay hindi nya nakita. Bumabaha na ng luha dito sa harapan ng computer ko. At dito ko na rin tatapusin ang napaka-haba kung sulat.

Tita Charing, malapit na ang Father’s day, gusto kong batiin ang aking makulit, malambing,mabait, mapag-mahal, bagamat makupad na asawa ng Happy Father’s Day!

Pa, ikaw ang nag bigay ng katuparan sa aking mga panalangin.

Alam kung minsan nasasaktan ko ang loob mo, pero iyun

Ay tanda lang na ….I care for you…at gusto kung mag ka-roon

Ka ng mataas na confidence sa sarili mo…

I love how you kiss me before and after you go to work

Kahit tulog ako at hindi kita naaasikaso sa umaga,

You never bother to say something.

At kahit mahirap kong aminin sa sarili ko,

I LOVE YOU the way you are.

And I will kiss and make love to you if…..

Tita Charing will let you read this to his blog.

He he he he si Bebot ang aking nag-iisa

Mister na makulit.

Lot’s of love at maraming thank you,

Annie

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11858 times by 2111 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.

36 Comments »

  • Emmeline Pet says:

    Reynz, ang saya naman dito sa barrio siete. Dami kwento. Dapat copyrighted ang mga materials dito baka kac copyahin ng mga tv/radio networks.

    • reynz says:

      nakuuuuu!!! subukan lang nila kung pano ko sila sasabunutan at hahambalusin nang aking high heels na halos dos por dos ang takong! hahaha! me bola ata ang babaeng to! hahaha!

      • mel beckham says:

        ay, ang taray.. hehehe. oo nga ate reynz, baka mapirata. magulat na lang tayo at naka display na sa ibang barrio. you know. hahaha

      • Mahalia says:

        habang naghuhugas ako ng pinggan at nagluluto ng tanghalian, napaisip ako ng mga posts dito sa Barrio. Pwedeng pwede na ito na published subcription tabloid/newsletter sa mga OFW. Daming mga OFW ang makaka-relate. Yun bang twice a month na dumarating sa mailbox ng mga kababayan natin, naku sulit ito! Idea lang.

      • reynz says:

        mahalia, eto nga yong entry ni Chi hahaha hirap hanapan nang schedule! hopefully dumating tayo sa point na yan you know! and that’s not a bad idea after all!

      • Chi says:

        mahalia, yan ginawa ko yong payo mo ha. hahaha. di ko akalain ipost! thanks a heap! ngawa mo na ba yong tungkol sa opli? :-) / ganda ngang idea yan!

        reynz, gulat nga ako ng ipost mo knowing ang dami dami nkapila. next time pangungulam nman! LOL! joke.

  • Mel says:

    miss annie, thank you for sharing your story. naluluha but happy for you. take care na lang po kayo diyan…

  • Mahalia says:

    *singhot *pahid *singhot *bahing

    daig pa ang nagbabasa ng tagalog pocketbook. Dapat ay isulat mo ito Annie at i sumite sa my Favorite Valentine. Bestseller talaga!

    Napaiyak ako. Ngayon lang ako napaiyak habang nagbabasa ng mga blogs. :)

  • Silver says:

    Pahinge pong tisyu!!!!!!

  • [...] Dayong Baryos) at sa lahatttttttttttt nang avid and rabid readers namen all over the world! (Pssst! Basahin nyo ang kwento ni Annie! Tearjerker sya! Hahaha! Get a napkin! [...]

  • Reesie says:

    pahingi ng t-shirts, ang basa basa ng t-shirt ko.. huhhuhuhu..

    ganda ng story…pang mmk nga.

  • reynz says:

    Bakit tila yata wala sa story na to yong kinausap mo yong kapatid at mga pinsan ni Bebot na binabalik mo na sya sa pamilya nya dahil defective and na-import mong asawa??? hahaha! paki-iksplika nga bago ako umiyak?! hahahaha

  • yami says:

    Ms. Annie,

    Napaiyak ako sa story mo hindi lang dahil sa lungkot ng pinagdaanan mo. actually hindi ko tinapos ang pagbabasa nito…iniwan ko lang sandali ang paglalaba ko (totoo yan). umiiyak pa rin ako habang tinitipa ko ito, dahil naisip ko na maswerte ka pa rin dahil napag-ukulan ka ng pagmamahal ng iyong ama. Ako, Ms. Anne, sa tiyan pa lang ng nanay ko itinakwil na ako ng tatay ko. Lumaki ako kapitbahay ko lang ang tatay ko. ni hindi niya ako binati kahit kailan. nakikita ko sila ng pamilya niya, mga anak niya, masaya sila. Maski ang ina ng ama (lola ko) ko galit sa akin sa hindi ko mawaring dahilan. Nakikiligo ako sa poso nila bata pa ako noon, ang ginawa noong matanda, itinapon ang damit ko na nakasampay malapit sa poso. minumura ako. Kinibo lang ako ng tatay ko noong mag-kolehiyo na ako (sa PUP rin ako graduate, Ms Annie).
    Sabi nila Ms. kalimutan ang nakaraan dahil nakaraan na. Pero ang masakit pa rin. Ang karanasang ito marahil ang sanhi kung bakit naging malakas ang insecurity ko, pagiging matampuhin, at mababang tiwala sa sarili. Ayaw ko ‘yung pakiramdam ng being rejected. Hay, pasensya na ayaw kong agawin ang moment na ito kay Ms. Annie. Hindi ko lang matiis ibahagi ang karanasan ko sa aking ama na kailan man ay hindi naging ama sa akin. sperm donor lang siya.’yun lang. Magandang araw po. Balik labada na muli ako. Pasensya na Reynz, ‘di ko madalaw ang ibang akda, busy po ako sa bahay.

    • annie says:

      hi yami,
      you must be proud of yourself dahil kahit walang ama na kumalinga sa iyo ay napatunayan mong….may karapatan ka ring mabuhay sa mundong ibabaw.
      At para sa akin …hinangaan ka ng iyung ama kung papano mo itinaguyod ang iyung buhay.At alam kung he is very proud of you sa iyung kina-lalagyan sa ngayon. Iyun nga lang talagang ang dyos ay may itinakdang kapalaran para sa atin.Kailangan mong patawarin sya sa iyung puso ng sa ganun ay ma wala ang bigat ng dibdib mo. Magandang araw yami!

  • malensky says:

    huhuhu nakakaiyak!!!!

    all the best to you annie and bebot

  • Rosa says:

    Wishing you the best here in Canada. Suwerte nga tayo dahil maganda and retirement pension dito at marami ang benefits sa mga anak. I think you are where you are now because despite all the hardships, you maintained a positive outlook in life and treated everyone with respect. I too was touched by your story.

    • annie says:

      thank you rosa. totoo ang sinabi mo, buti na lang itong Canada ang aming naging pangalawang barrio siete. iyun nga lang malungkot din minsan dahil hindi nakikilala ng mga anak namin ang mga pamilya nila sa Pinas.Sa mga kwento na lang nila naririnig at paminsan minsan sa pagcha-chatting sa internet. magandang araw rosa!

  • Chi says:

    ms annie, npaiyak mo ko, npakabagbag damdamin naman ng buhay mo. nakakapahanga ang attitude mo.

  • roni says:

    matagal ko na na-iispatan tong post na ito, pero kinailangan kong mag lagay ng tamang oras, yung hindi ako masyadong bisi, hehehe.

    pagpalain ka ng Bathala, Annie, dahil likas kang matiisin, ikaw ay ginantimpalaan. Mabait talaga ang Diyos, mahabagin sa matiisin. Pinahanga mo ako sa istilo ng iyong paglalahad, para kang dalubhasang manunulat. Muli, ang aking pagbati.

    • annie says:

      Thank you roni,
      siguro’y dala ng tunay at tototong damdamin kaya ko nailahad ng ganito ka-ganda ang aking malungkot na kahapon.
      salamat muli sa iyung papuri.

  • annie says:

    pasensya na at ngayun lang ako naka-dalaw dito sa barrio siete. Naging maramot na kasing mag bigay ng libreng internet itong aking kabit bahay. hehehehe
    naisipan kung isalaysay itong aking buhay dahil maraming kapupulutang aral ang aking nakaraan.Tama ang kasabihang kung may tyaga ay may nilaga di ba? At sasabihin nating halos ng nangarap at may malungkot na karanasan ay syang nag sisikap makarating sa kanilang patutunguhan.

    • reynz says:

      ang galing mo nga! nadisiplina mo yong dah’ling mo! pinag-lalaba mo pa rin ba? haha! ang problema nito baka magising yan dahil baka maubos na yong bisa nang pinainom mo hahaha

  • bebot says:

    naku insan ‘wag mo ng itanong yan, at baka mauntog ulit ang aking mahal at maalala nya na isinasa- uli nya ako kay Daddy koy! hahahaha
    nag tino na ako dito sa canada Noy! hindi na gin ang iniinom ko….isang kahon na beer na lang….hahahahaha

  • bebot says:

    naku insan …mag hapon akong pinag silbihan ng mahal ko…may swine flu ako…hindi ako pumasok….tinatablan din pala ang balat kalabaw ano? hahahahaha

  • annie says:

    at sa lahat nang nag babasa dito sa barrio siete…abangan ang kwento ni bebot …hahagalpak kayo sa kanyang kwentong barrio siete. At makiki- ride na rin ang kanyang kapatid na si Donya Fatty!

  • bebe says:

    annie,
    kakaiyak naman, para akong nagbasa ang mmk.
    pwede ba makahingi ng tip kung paano ko gawin yan sa kay hubby?
    kapitbahay mo lang ako dito sa may square one.
    thanks!

  • annie says:

    hi bebe,
    actually ang aking hipag ang malapit dyan sa square one. anong tip ang gusto mong hingin? ang patulugin sa sarap ang iyung asawa mag-damag? hahahahaha

    • bebe says:

      yun na nga……at iba pa!
      well, yung iba pa….
      paano patitigilin sa paghihilik at paglaklak ng alak ang aking mister hehehe
      thanks!

      • annie says:

        Hi Bebe,
        Iyan din ang mabigat kung problema,kung paano makaka-tulog sa hilik ng mister. Kaya ang solusyon…sipain sa labas ng kwarto..pero, para pumayag paligayahin mo muna ng ilang minuto. hahahaha…..bistado si bebot.
        Tungkol sa pag inom? ang sagot dyan…ilayo sa mga kainuman!hahaha baka umbagin ako ng mister mo.

    • bebe says:

      naku bebot bistado ka na talaga. wala ka nang maitatago pa! teka, asan na pala yung istori nya?

      annie, don’t worry, atin atin lang to. di kita isusumbong.
      tenk u!

  • darbs says:

    Itinatapon ng aking ama ang mga damit ng aking ina. Nagigising akong basag basag ang aming mga pinggan, tokador at kung anu-ano pa…… Dalawa lang kaming mag-kapatid at ako ang panganay.

    Kung dito sa New York nangyari tu BILANGGO NA SANA YANG AMA MO! Sexual assault – Sexual Harassment …

    Tapos kayong dalawang magkakapatid baka nasa Foster Home na kayo.

    Disclaimer: I am not a lawyer. Please consult a lawyer regarding women rights. Contact the top notched lawyer from Mindanao.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.