Home » Chizmiz sa Parlor, Opinion

One Liter of Tears

13 June 2009 17 Comments

I rarely am a fan of soap operas on TV, but I can relate to “One Liter of Tears” which is shown on GMA 7 during late nights.

“One Liter of Tears” is a short drama based on real life memoirs of Aya Kito, a Japanese girl who was diagnosed with a degenerative disease called Spinocerebellar Degeneration which causes degeneration in the person’s motor functions while retaining the mental faculties. In short, parang kinukulong ka ng sakit na ito sa loob ng iyong katawan hanggang sa mamatay ka. Up until now, there is no known cure for this disease.

During the progression of the disease, Aya (the protagonist) had to overcome the difficulties and discrimination of becoming a disabled person in the process. It shows the reality and the hardships of what disabled people encounter everyday.

The simple task of going up and down the school’s stairs is laborious for Aya, as the school is not equipped with special means for the disabled. It also came to a point where she was blamed for the backlogs in her class.

Why I can relate?

I have a sister who is also a disabled person. She’s hearing impaired. And knowing here in our country, hindi ganun ka-sapat ang facilities para sa mga disabled persons. May mga programs man pero hindi lahat e nakaka-avail, lalo na ang mga kapos sa pera. Katakot-takot muna ang gagastusin nyo para lang maitawid sa therapies at pagbili ng mga equipment para sa kanya as well as paghahanap ng school na pupuwede siya. Not all schools have SPED (Special Education) classes kasi.

Maswerte na lang at kami ay nakakita ng school para sa kanya at nakapundar ng hearing aid para magamit nya. We are indeed lucky. But how about the ones, living in the barrio, with no access to these kind of programs?

I remember a case in our own barrio siete. She was a friend of my siblings (I wont mention her name though) and she was blind and deaf. And looking to the conditions, she and her family lived (they really lived in a nipa hut in the outskirts of our pueblo), one can’t help but think – kung yung ibang pangangailangan ng mga normal na tao e di matugunan ng gobyerno, sila pa kaya? The silent populace of disabled persons – most of them don’t have access to programs that will somehow benefit them and opportunities for them to earn a living – they should be the ones whose concerns should be taken care of.

Minsan pa nga, sa sobrang hirap ng buhay ng pamilya, ang iba sa kanila e inaabondona pa. Tingnan nyo na lang ng mabuti ang mga dinadaanan nyong kalye at may makikita kayong mga disabled na pagala-gala. Nakakalungkot di ba?

One of the things that disabled persons face is discrimination. Sadyang may mga taong pinanganak na makitid ang utak, nakukuha pang tawanan ang kapansanan ng ibang tao, nakukuha pang kutsain ang kalagayan ng tao at nakukuha pa nilang abusuhin.

I have my own share of experiences. Nakakailang sapakan at batuhan na ako sa kalye dahil sa mga naririnig kong pangungutya sa kapatid ko noon. Dumating pa nga sa point na nakipagsuguran ako dala ng dos por dos. Simple lang naman ang lagay ko noon: Sino ba ang mga taong ito para mangutya ng kapansanan ng ibang tao?

Mga ka-barrio, ito ay isa lamang sa dinarami-daming social realities ng mundo natin ngayon. Kaya ngit-ngit ako sa galit sa ating mga leche-lators (read: legislators) na sa dinarami-dami ng social concerns, (katulad lamang sa mga disabled persons) e inuuna pa ang kahunghangan nila sa pambabastos ng ating mga batas – lalo na yung ginawa nilang gang-rape sa ating Constitution. Hmpt.

Oh, by the way, here’s the real life picture of Aya Kito:

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8699 times by 1903 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

17 Comments »

  • rara says:

    have you read the real diary? ang ganda very inspiring ang story niya

  • dencios says:

    mam silver napansin ko nga na ang special schools sa pinas ay parang for mayayaman lang. ewan ko lang pero kasi parang di umaaabot sa barrio ang reach out nila e. tulad ng kwento mo nga na paano na ang mahihirap sa barrio. sa totoo lang imbes na politiko ang gumagawa nyan para makapagpapogi man lang, e napansin ko na GMA Foundation (and etc.) pa na hindi naman namumulikita o tatakbo sa politika…Ewan ko ba sa atin. dapat dagdagan ang mga schools para sa disabled.

    • Silver says:

      Naku dencios, kung primera klaseng education para sa disabled, andyan ang College of St. Benilde ng La Salle.

      Meron din dito sa rural areas pero bilang sa kamay.

  • dencios says:

    teka wala pala sa GMA Pinoy TV yang palabas na yan dito sa desyerto.

  • darbs says:

    Hello, sa Barrio Siete New York City, pinagmamayabang po ni Meyor Blomberg (ilokano pronounciation, parang ilokano na rin ang dating) bilyonaryo ni meyor blumberrrg. (Don’t worry, may dugong Ifugao/ilokano din tayo kaya, this is not bigotry)

    Test done: DNA

    In other words, ang city of new york is disabled friendly city. ready po kami sa inyong mga disabled, hindi lang sa mga poor, deprived and sick…hungry… citizens… not really sure kung yan ung sinabi ni Lady Liberty or gawa gawa ko na naman yan.

    • Silver says:

      Hehehe….Darbs,

      Ang alam ko sa US e talagang may facilities sila para sa disabled. Even employement opportunities, tama ba?

      • The Cat says:

        Dito pati sa mga buildings ay may provisions para sa mga disabled. mering braille sa mga number at signage.

        Ang mga building establishments ay dapat may entrance na puwedeng magaccommodate ng wheel chairs.

        Sa mga hearing impaired naman ay mayroon silang linya sa telepono. Ito ang TTY.

        ang mga phone company o kaya utilities ay nagpoprovide ng mga special phones para sa mga hard of hearing.

        ang mayroon ng disability mula sa pagkabata ay binibigyan ng benefit ng social security.

        Ang mga nadisable naman sa trabaho at hindi na pwedeng magtrabaho ay binibigyan ng disability benefit, medicate benefits kung sila ay nakapagbayad ng mahigit ng sampung taon,

      • darbs says:

        Amen.there is.

        I know, by heart.

        pero ito ang hint.

        Pag may disabled kasi may programs yan, may funding yan.

        Clients: Person with disability

        Social Services: Programs must/should be implemented with fund allocation as Mandated by law. (state, federal)

        Job Creation:
        may mga nagtatrabaho. may bisor din. may mga managers din. may mga sekritaris day din.

        may mga Executive din. may executive of the executives of the executives to the executive.

        yan naging serbisyo factory na rin for the disabled.

        Trabaho lang walang personalan.

        In other words, ang mga disabled dihins talaga na disabled ang feeling nila.

        minsan masira ung elevator for the disabled, nagmumura din sila.

        tapos may unfriendly entertainment for the disable dito sa may kanto. nagrereklamo din. protesta din sila.

        Reklamo na ang isang disable. Contact sa mga disabled organizations… un isang araw nag rally ang mga disabled.

        harang na ang mga disabled para walang makapanood. boycott na ang panawagan kung walang pagbabago.

        after few weeks ung entertainment place naging friendly na sa disabled.

        Yeeh, sabi pa nung isang disable na ngayon ay walang problema using the facility. nag-enjoy syang…just like everyone else. equality daw among men and women.

      • Silver says:

        Oh, that’s really nice to know. Salamat sa info ms. cath and darbs.

  • reyna elena says:

    we in the philipines are soooo way far from being literate on how to best serve disabled people.

    in my condo alone! anak nang bulalakaw oo! we have nothing! even the streets! nada!

    every sunday, i see one disabled person sa condo, he is on his wheelchair. now, pano kaya nila ina-akyat yung mama sa 2nd floor when the place was not disabled friendly?

    sorry but this is reality sa Pinas. if you are disabled, DISABLED ka talaga

    • Silver says:

      Oo nga mudra. Tama ka dyan.

      Ang aking Inay, lampas isang litrong luha ang nailuha nya dun sa kapatid ko.

      Sama pa ang pangungutya ng mismong mga kamag-anak pa namen. Hmpt.

  • The Cat says:

    To add, ang mga program dito ay may mga close-captioned para sa mga deaf, hearing impaired
    at hard-of hearing funded by the department of Education.

    • Silver says:

      Sa pinas naman, pwedeng magpasponsor ng hearing aid sa PCSO. My sister got her pair from PCSO.

      Sa mahal ba naman ng hearing aid. 38,000 pesos ang isang pares.

      Yung earmold pa lang, magpagawa ka, abot na ng 1,300 plus pesos.

  • lee says:

    ayoko po, ayokooo manood ng mga ganyan o magbasa mababaw kasi ang luha ko madali akong umiyak at pag ako naiyak sisipunin na ko kagad at pag ako sinipon na kelangan ko na ng neosep alang neosep dito lol… kaya nga di ako nanonood ng mga soap opera kasi nga yun palang storya ni anne frank dati maubos ubos na ang luha ko e lalo pa yang ganyang my kapansanan.
    nakakarelate ako kasi ako din my kapansanan hahahahaha ooops sarili kolang pong kapansanan ang pinagtatawanan ko sorry po

    • Silver says:

      Hahahha…..luka ka talaga Lee. Ano ba! hahahha…

      Pero tunay nga, ang story ni Anne Frank e nakakaiyak, lalo nung nakulong siya sa concentration camps noong World War 2.

      Hay. Wish ko lang na sana si Hitler na lang ang di nabuhay o pinanganak sa mundong ito. Para wala ng namatay na Anne Frank at 6 million jews. Tsk.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.