Paalam, Tita Cory at Maraming Salamat!
Napakabilis ng mga pangyayari. Kung ating titignan, parang kailan lang nung umakyat sa pagiging Presidente si Tita Cory. Nung natapos ang kanyang termino, andyan pa rin sya kasama ang ating mga kababayang lumalaban para mapreserba ang ating kalayaan. Sa abot ng kanyang makakaya, pinagpatuloy nya ang laban.
Nung bata pa ako, nakatanggap ako ng ilang pribilehiyo upang makita ng personal si Tita Cory. Ako’y alagad ng simbahan nung mga panahon yun (ehem! Ehheeemmm!) at alam naman natin ang suporta at debosyon ni Tita Cory sa simbahang Katoliko ay walang bahid, walang kupas. Di ko makakalimutan ang kabaitang nakita ko sa kanya.
Ang Aking Pag Iyak
Dahil sa wala akong TFC dito sa desyertong barrio ko, hinanap ko sa YouTube ang interview ni Kris Aquino. Pinakinggan ko ang buong pagsasalaysay niya mula sa pagpasok sa Makati Medical Center at nung nasa Heritage na sila. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni Kris at di ko maiwasang mapaluha.
Naiyak ako dahil sa gitna ng sakit, lumaban si Tita at bagkus alam niyang malapit na ang oras nya, inaalala pa rin nya mga mahal nya sa buhay. Lalo na ang dalawang bodyguard nya. Nagawa pa nyang mag alala sa kanilang allowance. Sino ba naman ang di maiiyak? Nadagdagan pa ang luha ko nung itanong ko sa sarili ko ang “Ikaw? Lumaban ka ba?”.>
Gising na anak, gising…
Nung tayo’y mga bata pa, mga panahon nung nag aaral pa tayo, ginigising tao ng ating mga ina para maligo, magbihis at mag almusal. Halos araw araw ata eh hinihila ng aking ina ang king patilya para magising. Walang patid, walang sawa.
Sa aking pananaw, ginigising tayo ni Tita Cory. Bakit? Pagod na sya at nagpahinga na. Oras na natin para tayo naman ang tumayo at lumaban. Mainit din dati ulo ko sa politika at nagsasalaysay din ako palagi ng aking saloobin sa mga nangyayari sa ating bansa. Nagbabasa din ako dati ng mga ibang blogs pero nairita lang ako. Masakit na nga sa ulo ang pag intindi sa politka, sakit pa sa ulo ang pagbasa ng mga komentayo ng mga taong masyadong matalino.
At dahil sa lumala lang ng lumala. Tumahimik na lang ako at sinabi ko sa sarili ko na wala na akong pakialam. Di ako proud sa sistema ng bansa natin. Salamat sa podcast ni Bluep at naalala ko paano lumaban ulit. Pinoy style! At salamat sa Barrio Siete sa pagkakaroon ng simpleng chismisan, at home ako dito. At di ko na problema kung di type ng ibang tao ang chismisan dito, problema na nila yun. Sosyal din naman kami, di lang halata.
Juan, saan ka pupunta?
Instrumento si Tita Cory sa pagbalik ng demokrasya sa atin bansa. Sa gitna ng mga batikos, chismis mula sa kaliwa at kanan, eh ginawa nya ang lahat upang mapreserba ang ating kalayaan at nawa’y manatili ang demokrasya sa mga Pinoy. Lumaban siya. Ngayong sya’y nagpahinga na, Juan, saan ka pupunta?
Ang laban ni Ninoy at ni Tita Cory ay laban na natin ngayon…The spirit of EDSA will always live…Lalaban ka ba?
Maraming salamat Tita Cory! Di namin malilimutan ang lahat ng kabutihang ginawa mo sa sambayanang Pilipino. At huwag kang mag alala, kami naman ngayon…Pinoy Style! Paalam…
This entry was written by Rob Angeles.
“My name is Rob Angeles. I have a bachelor’s degree in computer science and currently working as a software and database architect here in Lebron’s home court. I’m a self-proclaimed shutterbug who enjoys nature, night and portrait photography during the weekend. I’ve worked with various multi-national companies and government agencies in the United States carrying different roles from project management, database architecture and software development. During the beginning of my career back home, I was mentored and trained in the area of supply chain management by some prominent names in the local retail industry and developed retail applications to monitor sales, replenishment and consumer spending.”
Visit Rob Angeles at Social Media Philippines.
Viewed 15202 times by 3337 viewers
Rob is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.















Base!
Rob! welcome sa barrio siete! Rock on dude!
Salamat Silver! Sa wakas, nakapagsualt din para sa Barrio! Woohhhooo!
very true! we must continue the fight! kelangan talaga ituloy naten ang laban! we’re still not there dahil it’s total chaos of personal interest right now and this is not what ninoy and cory wants for pinoys!
La Kapitana, maraming salamat pala sa invitation mo noon. Anyway, kailangan nga tayo naman ang tumayo. Marahil ang iba ay naghahanap ng resulta sa mga pangyayaring ito. Kung walang gagalaw sa atin, wala nga magiging resulta.
Bring it on Rob…Group hug…
*HUG*
The national “debate” will always revolve around personal interests, personalities, and political “parties” that stand for nothing unless we move the goal posts and focus our sights on what our politicians stand for.
This means focusing our attentions on our candidates campaign PLATFORMS.
Take stock of what our current crop of presidential candidates articulate on various relevant positions here and appreciate (as evident in the amount of blank spaces there) just how LITTLE in the way of SUBSTANCE these bozos actually present to the electorate.
It’s up to the electorate to decide how much longer their politicians insult their intelligence by dishing out meaningless slogans and platitudes whenever they make a campaign pitch.
Platform, plez!!
Kuya Rob, welcome! May hope pa naman tayo sa ating bansa. Yun ang always good news.
carry on ser rob!
nakakalungkot ang lahat ng nagyari pero
naniniwala akong may pag-asa pa.
uy! rob, may entry ka na rin kapatid.. harinawa’y marami ka pang darating na biyaya… he he he
I was in the jungle nung pumanaw si Tita Cory, i was just informed tru celpone kasi walng internet sa gubat. ngayon lang ako na update sa mga news. WElcome to barrio siete bro…
ABA?! Jeri?! Istatue?! hahaha! buti nakabalik kang buhay! hehehe welcome bak!
nagkakape(higop)… buhay na buhay kapitana.. he he he nakipagpatintero ng bomba sa kagubataban.
na send ko na yung entry ko about my reports sa bombahan na pinuntahan ko. just waiting for your reply. it’s really nice to be back here in our barrio.