Paglisan ng Pinas at Ang Aking Thai Experience
Ang una kong paglabas sa barrio siete ay isang kahindik-hindik na karanasan as OFW…
~Lee

EKSENA SA BARRIO:
MADER: singhot (malungkot) kelangan mo ba talagang umalis? Kung kelan maayos naman na ang pwesto mo sa company e dun ka pa mag-aabroad.
AKO: ganun po talaga Ma. lumalaki na po yung bata kung dito lang ako makakaraos tayo sa pang araw araw pero yung sa future po natin ang inaalala ko.
MADER: ingat ka anak, kung my magagawa lang ako para pigilan ka pero di ako naging successful sa buhay kaya hahayaan kita sa paraan na gusto mo.
EKSENA SA THAILAND, YEAR 1995;
SA HOTEL;
Naku dapat eh di nila mahalata na perst taym ko mag travel at maghotel. Mahirap na ang daming manloloko kahit saan. Dapat alert ako.
Pero kakainip sa loob kaya naisip ko buti pa lumabas muna ko sa malapit at makahanap ng makakainan kahit hopia o siopao lang.
Naalala ko na may nakita akong mga pinoy kanina sa lobby nag-uusap. Mapagtanungan ng makakainan. Teka open ko lang muna AC para pagbalik ko malamig na.
Bibitbitin ko tong susi para walang ibang makapasok baka mamaya iwan ko sa lobby pasukin yung rum ko eh nandun pa naman yung passport ko’t mga mahahalagang gamit. Di naman ako magtatagal mabilisan lang. (that time old fashion pa mga hotel yung susi lang ng door sa rum tapos ang laki laki nung key chain nya)
Di naman ako lumayo ng husto, my katapat na LOTUS supermarket dun nalang ako bumili ng bottled water at monay. Balik kagad ako sa hotel nagmamadali pa.
Pagpasok ko sa kuwarto, naghisteria ako.
“Sinasabi ko na eh”
(dialing the phone) hello— hello— pls come, my rum have proble,…
(dumating yung room boy) nagsasalita di ko maintindihan—
Yes problem (sabay turo sa ilaw) I have no light, no AC— what happen?
I only go out short time you people come here inside?i pay already ah?
(with matching laki ng mata at nakapamewang pa)
Sumenyas sya kinukuha yung susi ko, nooo I wil not give you my key, first you fix my light.
(sabay alis ng kumag) aba aba abah at ang bastos nilayasan ako????
(dialing phone again) manager— manager come here—
Eto na yung manager, galit ang mokong nakasimangot at nagtataray di ko understand.
Itinuturo yung susi ko— no way— hawak ko yung susi tapos nilagay ko sa likod ko—
Akalain mo ang bastos hinila yung kamay ko diko nga bitiwan naghilahan kami—
Kala ko kakagatin yung kamay ko, hinampas lang naman then nabitiwan ko yung key—
Ang bastos idinut-dot sa mukha ko yung susi tapos dahan dahan nya inilapit sa may pinto kasabay ng mukha ko sabay suksok sa nakasabit na maliit na box sabay bukas ng ilaw, AC at TV—-
Isa lang naman inglis na nababi nya— “UNDERSTAND, HMMM?”
Anung isasagot ko???? Nakatirik yung mata ko di ako gumagalaw diko inalis yung mata ko sa kisame— di ako nagalaw— kunyari manequin ako that time— hanggang makaalis na sya—
Viewed 9653 times by 1898 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.














ahahaha! binuksan pa ang AC ha para pagbalik malamig na, wla rin. yan kasi e, makisama ka muna bago ka magtataray
nakakahiya, gusto kong malusaw sa kahihiyan… kaloka ang dami ko ng na miss dito sa tambayan mula ng mawala ako waaaa
Arrruuu may experience din ako sa ganyan. Palagi na lang invalid pag lumalabas ako then balik. At tuwing punta ako convenience store, dun pa ako nawawalan ng access. Sa inis ko nagreklamo ako sa manager at unang tanong sa akin eh kung may mga barya daw ako katabi ng card sa bulsa. Sabi ko oo kasi palagi ako putna convenience store. Tapos sinagot ako ng smile lang. Langya!
Malay kong allergic mga card na yun sa mga barya?
nyak, ganun? hahaha ngayon ko lang nadinig yan
HAHAHAHA!!!!
@glo, alam mo ba na after that para akong nahimasmasa tawa ko ng tawa magisa sa run at panalangin ko sana paglabas ko iang tao na ang mga naka assign sa reception
LOL may ganon pala. di kasi ako nakakapag hotel.
nyeeeh binobola mo ko mam mahalia
mamamatay ako sa katatawa dito!
naiimagine ko pano hitsura mo ate lee nakatingin sa kisame.
naiimagine ko pa rin hanggang ngayon mtoni hahaha
sori po ngakamali ata ko ng intindi.
pangalan po kasi ni ate lee ung nasa taas tas si inang pala ngkukwento. my bad.
hahah! first tym ko makacheck-in sa ganyang hotel umandar yung mcgyver instinct ko kaya experimento moi, yung key ang nagcontrol sa electricity hmmm esep-esep… try ko salpak yung cellcard it worked!pag may kasama naman ako kelangan 2 kunin key.
You got me ROFL!!!
Nung una akala ko tungkol sa pagkain ng “worm” ang isha-share mo sa amin. Pero kakaiba to Reynz! Best story teller award of the day! hehehe.
Sana lang dumating ang prince charming mo para matanggal ang pagkakaihip ng masamang hangin syo sa pamamagintan ng halik nya.
Z
duda ko parating absent yan si Lee sa klase nya in barrio siete hehehe
Baka nasa bundok pa. Hehehe..
achaka yong project nyang transistor radio nung high school, siguro tinunaw at ginawang singsing hehehe
Hilo pa yata ako nung binasa ko ang post. Sorry Lee, akala ko si Renyz ang sumulat. He he he. Sensya na po.
Z
pinalitan ko na sya DrZ nakalimutan palang i-set up si lee as contributor hehehe thanks to your comment na remind ako hehe
Thanks din Reynz! Abangan ko na lang an pagdating ni Lee dito sa post nya.
Z
@zorlone hahaha pag ako nahalikan ng prince charming magiging palaka ako hahaha.
@Rheynz, huh! kamahalan? natatandaan mo parin yung project kong transistor nung hay-skul? hahaha bilib ako sa memory mo kamahalan, eto ngayon palang ako nagbalik pero gabundok ang labahin at plantsahin ko waaaa.
bukas wala nanaman ako may date kami ng boss ko after manghuli ako ng maraming lamok at tutubi sa bundok hahaha
This is so funny…..Kaloka….hindi ko alam na ganito rin pag susi Heheheheh. Alam ko kasi kapag electronic lock, minsan kailangan mo talaga isuksok somewhere ang susi para bumukas ang ilaw.
i mean kailangan mong isuksok ang card…
mahina talaga ako hahaha, binasa ko uli, saka ko naintindihan hahaha!
oo nga naman, para tipid ang otel nang utilities hehehe
@nina, lol tama ka dyan, ngayon kasi puro electronic carda nalang swope nalang ng swipe
Ang problema, di nila maexpress ang sarili nila sa
English.
kagaya noon sa indonesia, gusto kong lumipat ng hotel room, walang makapagsalita ng English, kuntodo ako MIME. magkandabali ang buto ko kadedemnstrate.
naku mam cat madalas nga kahit mime wala rin lalo pa dito di gaya satin mwestra lang ok na