Home » Buhay sa Barrio Siete

Pamahiin sa Barrio Part 2

22 June 2009 17 Comments

No. This is not a Barrio Siete regulation. Yet, it’s no denying that aside from some strict Municipality Ordinances and Barangay Rules, we still have to strictly follow all these teachings by our folks. What are they? Read on…

1. Huwag hahakbangan ang isang tao kapag nakahiga, kung sakalin mang nakahakbang na, dapat itong balikan dahil ito ay mamamatay. Madalas kaming mag-away ng mga kapatid ko noon dahil dito pero imbis na habulin ka para makaganti, hindi babangon ang hinakbangan hanggat hindi ito nababalikan.

2. Kung magwawalis sa loob ng bahay, hindi dapat palabas ang direksyon ng winawalis dahil kasama nitong maitataboy palabas ang grasya. Kung mga pinsan naming kapit-bahay sa probinsya, laging napapagalitan ng nanay nya dahil dito. Minsan nasa labas na ang kalat na walis ay pilit pa itong ipapawalis papasok ng bahay para baliktarin ang malas.

3. Huwag magbubukas ng payong sa loob ng bahay at babagsakan ka ng alakdan. Hanggang ngayon dala ko parin ito pero alam ko na kung ano ang purpose nya – para mapilitan ang bata na isara ang payong kapag hindi madaan sa simpleng salita.

4. Pag tumiktik ang butiki, sabihan ito ng “Tuloy and swerte” dahil nagtatawag daw ito ng swerte. Madalas ito gawin ng nanay ko noon at may kasabay pang tatlong katok sa kahoy pero kataka-takang hindi naman kami sinuswerte.

5. Huwag kang papatay ng ahas sa loob ng bahay, dapat palabasin muna ito ng bahay bago patayin dahil magdadala ito ng malas. Kaya kadalasan, walang napapatay na ahas dahil nawala na ito bago pa maitaboy palabas ng bahay.

6. Ang pusang naghihilamos sa pinto ay sensyales ng parating na bisita. Nung bata ako, pag nakikita kong naghihilamos ang pusa sa tapat ng pinto, sinisipa ko ito palabas dahil siguradong mauutusan lang ako ng nanay pag may bisita.

7. Kagatin ang dila kapag may nadaraanang aso para hindi ito mangagat. Madalas ko tong ginagawa noon dahil may lugar samin na ang dami talagang nanunugod na aso. Mukhang effective naman tapos sinasabayan ko pa ng pag-usal ng “San Roque, San Rogue, ilayo mo po ako sa alaga mong aso” hanggang sa makalampas ako sa lugar ng mga aso.

8. Iwasang magkasugat sa araw na “patay and Diyos” (Holy Week) dahil hindi ito gagaling hanggat hindi sumasapit ang susunod na pagkamatay ng Diyos. Panakot ko din to sa mga pinsan ko noon na nasusugatan pag lumabas. Tayo dadagdagan pa ng mga tiyuhin ko na lalabas ang tren sa sugat.

9. Huwag magtatapon ng asin dahil habang-buhay mo itong pupulutin. Palagay ko e dahil narin ito sa mahilig kami noon na kumain ng manga sa mga katabing puno at pag napaparami kami ng baon na asin, nanghihinayang ang mga nanay namin kaya sinabi wag itong itatapon dahil malas. Kami naman, sa tubig namin itatapon para hindi na namin mapulot.

10. Huwag ligpitin ang pinagkainan habang may kumakain pa dahil hindi na ito makakapag-asawa. Kasama naman nito yung house rule na ang mahuling kumain, maghuhugas ng pinggan.

11. Huwag magpapalit-palit ng pinggan o plato o lumipat ng pwesto habang kumakain dahil magpapapalit-palit ka rin ng asawa. Di ko lang alam dito kung kasabihan din na kapag marami kang platong pinagkakainan ng sabay-sabay e marami ka rin magiging asawa ng sabay-sabay.

12. Uminom ng isang basong tubig galing sa unang ulan ng Mayo upang lumakas ang katawan. Kadiri kaya ito, lalo pag tumaan pa sa atip ng bahay yung tubig. Pero sa mga pinsan ko lang naman ito uso dahil di rin ito pinapatulan ng nanay ko.

13. Huwag magbabayad ng utang kapag gabi dahil mamalasin pareho ang nagbabayad at ang binabayaran. Minsan ang nanay, pag may nagbabayad ng utang e pinapabalik nalang kinabukasan. Siguro ginagamit nya rin itong strategy para wag makapagbayad ng utang.

14. Huwag idadaan sa bintana ang pera dahil ito ay malas. Madalas kaming mapagalitan ng nanay noon kapag nagpapabili kami ng chichiriya sa tindahan tapos inaabot nalang sa taong nasa labas na kaya napipilitan pa kaming lumabas ng bahay para lang ipaabot ang pera.

15. Huwag mananahi kapag gabi, lalabo ang mata. Kase naman noon gasera lang ang ilaw pag gabi kaya talaga namang ikakalabo ng mata mo ‘to.

16. Huwag matutulog ng basa ang buhok, mabubulag.

17. Huwag maliligo kapag may patay. Di ko alam ang eksplanasyon ng matatanda dito pero pagka ganon, kailangan pa namin pumunta sa bahay ng mga pinsan sa hulo para makipaligo.

18. Mag-iwan ng kahit isang butil ng kanin sa plato kapag kumakain, wag itong iiwanang malinis at walang laman para may kakainin ka pa bukas. Kaya naman sa pamilya namin, hindi pwedeng parang hinimuran ng pusa ang plato pagkatapos kumain, dapat kahit konting mumo ay may matitira or else, lagot ka kay nanay.

19. Huwag hahawak sa pagong, dahil magiging mabagal ang pag-asenso. Kawawang pagong, dahil sa bagal lumakad e nadamay pa sa sisihan sa di pag-unlad ng isang pamilya.

At eto ang aking all-time favorite at hinding-hindi ko malilimutan…

20. Huwag paiinitan o pakukuluan ang ihi dahil babalisawsawin ka at mag-iihi sa pagtulog. Madalas may nagsisiga ng mga basura at tuyong dahon sa Barrio namin nood kaya naman kaming mga walang magawang magpipinsan e kundi mapagtripang ihian ang siga, ey iihian namin ang bukas na lata ng sardinas at isasalang namin sa naglalagablab na apoy ng siga. Nung minsan gawin namin ito e biglang dumating si lola (lola ng mga pinsan ko) at galit na galit. Bakit daw namin pinapakuluan sa siga ang aming ihi e babalisawsawin daw kami. Sa kanyang galit, gamit ang patpat, ay itinapon nya ang latang may ihi sa siga mismo. Tawa ko nang tawa dahil ano kako ang kaibahan kung itaon nya yung ihi sa apoy e ganun din naman ang epekto nun – masusunog din ang ihi. Nagalit ang matanda at minura nalang ako kaysa ipaliwanag ang paniniwala nya.

Ako ko noon ay kumpleto na kami sa Barrio namin sa aklat ng mga pamahiin pero hindi pala. Nung ako’y makapag-asawa, may mga kamag-anak silang taga-Batangas naman. Isang araw ay bigla daw nitong pinagpuputol ang mga puno ng papaya sa bakuran. Takang-taka ang mga kamag-anak ng asawa ko kaya tinanong daw nila kung bakit pinagpuputol ang mga walang kamalay-malay na puno ng papaya. Ang sagot daw ay “dahil madagta ang punong papaya. Yan ang dahilan kung bakit may namamatay sa isang bahay.”

Panalo di ba? Kayo, may mga kakatwang pamahiin din ba sa bayan nyo?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13920 times by 2427 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a native of Nueva Ecija, lived most of his life in Manila but is currently staying with his wife and daughter in Tagaytay. If not busy looking after his family, he could either be found blogging, tweaking his blog or other people's blogs (their lives included) just so he could fund their next food trip or family outing. Pester him on his blogs Chronicles of Kotsengkuba and Adobong Starfish

17 Comments »

  • reynz says:

    Sa barrio ko sa Philadelphia meron. Eto ang tungkol sa bulaklak na tinatawag na “mums”.

    Maganda ang mums. Me kulay pula, yellow, orange at brown. Ginawa ko syang border nang aking driveway pati harap nang bahay, sama ibang bulaklak. Alam mo na ang reyna bulaklaken. Hehehe!

    Me kebigan ako – bespren. Tiga Belgium, bagong salta sa America. Nag-visit sa balay ko. Pagdating, pinapasok ko, namumutla.

    Bunutin ko daw lahat nung bulaklak sa tapat nang bahay ko.

    Sabi ko.. bakit?

    Bulaklak daw nang patay yon.

    ANG LECHENG YON!?!

  • Mahalia says:

    sa pagkain sa lamesa: kung may aalis at nakain pa kayo, iikot raw ang pinggan para di maaksidente ang aalis.

    Habang kumakain, at nahulog ang kutsara, babae ang darating na bisita. Kung tinidor, lalake naman raw. Di ko lang alam ang kutsilyo, at tootpik. hehehe :)

  • reynz says:

    Hehehe natawa ako dun sa kutsilyo ni Mahalia haha!

    ETO PA:

    Pag oras na nag-hain na daw nang pagkain taz ikaw eh bwisita este visita, wag ka raw mag-papa-alam.

    Meaning, either na umalis ka bago maghain nang pagkain OR maghain kayo nang pagkain paka-alis nang bisita.

    HINDI ko alam kung ano ang ibig sabihin but I hear this everytime pag nauwi ako nang Bicol.

  • N!ckph says:

    PARODY….

    = Pag tumiktik ang butiki, ibig sabihin muntik na siyang mahulog sa kisame.

    =11. Huwag magpapalit-palit ng pinggan o plato o lumipat ng pwesto habang kumakain dahil magpapapalit-palit ka rin ng asawa. Ngayon kung talagang hindi mo na kaya ang pagmamalupit ni mister, pati kutsara at tinidor pagpalit-palitin mo na rin…

    = Habang kumakain kayo at may nahulog na kutsara(lalaki) o tinidor(babae) sa sahig, may bisitang darating. Sa mga ayaw ng bisita pwes!!! mag-chopstick kayo.

    = 16. Huwag matutulog ng basa ang buhok, mabubulag. Not applicable sa mga kalbo, no hair low risk….

    = Kung lalabas ng bahay, huwag dadaan ng bintana, unless magtatanan ka.

    = Kung may itim na pusa sa daraanan mo, huwag mo nang ituloy ang lakad mo. Pero dahil nga sa miss mo na ang boylet mo, sabuyan mo ng kumukulong tubig ang itim na pusa para pumuti…

  • roni says:

    Pero kapansin pansin din na kabutihang asal or good manners ang suma-tutal ng mga pamahiin na yan. I found them sensible.

  • lee says:

    ok sa olrayt daming pamahiin talaga ng matatanda buti nalang sa pamilya namin walang pama-pamahiin kaming kinalakhan bukod dun sa pag dipa tapos kumain lahat wag pag patungin ang plato at di makakapag asawa yung wala pang asawa—
    ang nakakatawa lahat nag rere act kahit yung may mga asawa na—
    means lahat sila gustong makarami ng asawa hahahaha

  • dencios says:

    da bes boss kotsengkuba.

    sa bahay namen masama daw mag nel kater pag gabi. ewan ko ba naman kung san nakuha ng erpat ko yun.

  • darbs says:

    @dencios, second da motion. PAMAHIIN din sa amin without explanation. basta sabi “malas!”

    • lee says:

      @dencios
      @darbs
      talagang malas ah, e kung ma nail cutter nyo yung daliri nyo sa gabi bukod sa madilim mahirap maghanap ng bukas na ospital sa barrio

  • mel beckham says:

    Eto pa, sa isang lamay, bawal ang magsuklay lalo na kapag family member ng namatayan. Bawal din magwalis sa location ng lamay. Dahil baka may mamatay na naman daw sa pamilya. Scary.

    At ang pinaka-weird, nung namatay ang uncle ko. Humatsing ako malapit sa kabaong nya, biglang lumapit si mother at nilapirot ang aking tenga sabay sabi ‘huwag kang sumunod sa tiyuhin mo!’. Next time pigilin daw namin ang pag-hatsing. You know, sneeze. Hahaha! Gosh!

  • reynz says:

    i was trying to remember yong matutulog ka na either ang ulo is facing or una sa door or either ang paa mo ang una sa door – nakalimutan ko which is which pero basta ang isa dito eh masama.

    kaya sa apartment tuloy, nakatago ako sa door matulog hahahaha lecheng mga yan oo!

  • Dinah says:

    @reynz, dapat daw yung paa mo hindi facing the door kasi daw ganun nilalabas ng bahay ang patay.

  • darbs says:

    pamahiin ay likas na sa atin no matter what. minsan ung nawala kami sa kagubatan dahil di makita ang tagpuan… ung guide nag suggest na huhubarin daw namin ang aming mga damit at isuot pabaliktad.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.