Home » Opinion

Paranoid sa Bangko

10 June 2009 15 Comments

Nabalitaan kamakailan lang ang panloloob ng Unionbank branch sa Amorsolo St. sa Makati City. Only 2 days prior to that, nadaanan ko pa ang branch na yun at nagbalak pang magtransact, pero sa pagmamadali ko para makarating sa aking ka-meeting, hindi ko na naituloy.

At eto nga, nabalitaan kong naholdap ang bangkong yun.

Isa pang kahindik hindik na detalye ng panloloob na yun: Naholdap ang bangko na yun sa loob lang ng isang minuto.

Yes, Philippines, 1 minute lang po. Nakakapanghilakbot ang bilis at ang napabalitaang lakas ng armas na dala ng mga holdaper na ito. Pagkatapos ng pangloloob, tumakas ang mga holdaper en route to South Super Highway.

Naalala ko bigla ang kahindik hindik na holdapan sa RCBC Cabuyao Branch na malapit lang sa LISP 1 (Light Industry and Science Park 1). Halos ilang bato lang mula sa main gate ng science park na iyon. At naalala kong madalas na dumadaan ang mga bus doon na punong puno ng mga empleyado na papasok sa mga kumpanya na nasa loob ng science park na yun.

Until one day, nabalitaan ko na lang ang establishment na yun e nilooban na din. Tsk.

Meron akong kakilala na nagforward pa sa akin ng mga crime scene photos dun. Hindi ko kinaya ang kahindik hindik na kinahinatnan ng mga simpleng empleyado ng bankong yun. Lahat may tama ng bala sa ulo at mala-summary execution style ang ginawa.

Ilang linggo pa ang lumipas, nabalitaan ko na lang may nahuli ang kapulisan sa kalapit na probinsya ng Batangas na may koneksyon diumano sa holdapan.

Walang sinasanto ang mga holdaper na ito. Patay kung patay. Anong laban ng mga simpleng empleyado at customer ng mga bangko?

Leche! Bitawan mo ako!!!

Aminadong, ako e sobrang paranoid pag nasa loob ng bangko. Hanggat maari, 15 minutes lang ako makipagtransaction. Ayaw kong magtagal sa loob ng bangko sa takot na anytime, possibleng may mangholdap dun. Isa pa dun sa ATM, naku po – hanggat maari na 1 minuto lang ang transaction ko sa ATM.

Mga ka-barrio, eto lang ang mga tips na gusto kong i-share sa inyo habang kayo e nasa loob ng bangko:

1. Tingnan mabuti ang mga nakakasalamuhang tao sa loob ng bangko. Tingnan kung may kahina-hinalang nilalang o engkanto na nagbabalak ng kung ano man sa bangko.Pag may nakita kayo, hampasin nyo ng kawa ni John. Hehe.

2. Ingatan ang inyong valuables at wag ipaharbat kaninoman.

3. Wag masyadong pumorma o magsuot ng alahas pag nasa loob ng bangko. Wag magsuot ng mga damit at accessories na sobrang mamahalin kung titingnan. Ako, anong sinusuot ko? Nakashort lang at t-shirt ako. Heheh. Basta be simple lang.

4. Wag buksan ang cellphone sa loob ng bangko o kung mamahaling eklat ang inyong cellphone, wag nyo na lang dalhin. Harbatin nyo na lang ang 5100 Nokia cellphone ni Inday. Hiramin nyo muna.

Kung kayo e nasa ATM naman, eto naman ang tips ko sa inyo:

1. Tingnan ang location ng ATM nyo, kung ito ba e medyo matao o tago sa kabihasnan dahil walang katao-tao. Tingnan ng mabuti ang lugar. Baka mamya may umaaligid aligid na pala dyan sa tabi nyo habang nagwiwithdraw.

2. Make sure na may kasama kayo twing nagwiwithdraw kayo. Sabihan nyo ang kasama nyo na maging alerto din sa kapaligiran ng ATM.

3. Tingnang mabuti ang ATM machine. Kung dun kayo madalas magwithdraw sa partikular na ATM machine, tingnan ng mabuti kung may kakaiba sa machine na yun.

4. Siguraduhin na kayo lang ang nakakaalam ng pin number nyo. Memoryahin at wag ibibigay kanino man. Kahit pa sa boylet or gurlet nyo. Haha.

So yun lang mga ka-barrio. Ingat tayo sa mga panahon ngayon. Dahil andyan ang mga halang ang kaluluwa na di sasantuhin kahit sinong tao para lang makapagkamal ng pera sa maruming paraan kesa magbanat ng buto para kumita ng pera sa malinis na paraan. Mga tamad! Hmpt!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8121 times by 1529 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

15 Comments »

  • mel beckham says:

    Two banks dito sa bukid ang hinolap within the last 7 days. Niratrat ang armoured van. Mabuti na lang at totoong armoured van ang gamit ng mga naturang bangko at hindi katulad nung sa UP ba yun?

    Anyway, super scary ang maholdap. I was a victim twice.

    Mas delikado at rampant ngayon ang mga ganitong incident due to taghirap and a very important event nex year: ELECTIONS.

    Dobleng ingat lang mga kabarrio.

  • DENCIOS says:

    Nako at naalala ko na naman ang RCBC Cabuyao Branch na yan. nakakagimbal talaga yun. tingin ko din iba ibahin ang pinagwwithdrahan para di matiktikan.

    pero alam mo ba mam silver na dito sa dubai uso din iyan. meron din nag withdraw sa ATM ng madaling araw na OFW pinoy – lalaki. ngayon may isang sasakyan na may ilang lalaking parang mga caucasian ang itsura daw ang laman at nagpanggap na CDI na parang mas makapangyarihan sila sa pangkaraniwang pulis dito sa Dubai. sapilitang pinasok sa loob ng sasakyan pinilit kuhain ang laman ng atm nya pina withdraw lahat. e kakasahod lang. tas ayon sa kanya parang naramdaman nya na pinaguusapan daw siyang patayin pero nakiusap lang daw sya na huwag na kasi may anak daw syang bata pa sa Pinas. ayun pinakawalan sya pero said lahat ng pera nya.

    naawa lang ako sa pinoy pero buti at di sya napatay dito..

    • Silver says:

      Dencios,

      Maraming klase ng modus operandi ng mga holdaper ngayon.

      Grabe.

      • dencios says:

        merong modus na magpapahula ka tas pag alam ng manghuhula na mayaman ka sasabihin ng manghuhula na ingat sa holdup tas presto! mahoholdap ka nga paguwi mo. yun pala kasabwat nya si manong holdaper. hehe

        teka OT parang may napansin ako sa emotikon *evil grin* LOL

  • nina says:

    naalala ko dati noong na-hold-up ang PCI bank sa Taft (tagal na noh, PCI pasila?). Palabas kami to have lunch buti na lang di pa kami nakakalabas kasi halos katpat ng gate school yong PCI eh. Bigla na lang may putukan ang dami sunud-sunod. Tapos yong isang teacher ko nasa loob pala – grabe, na-trauma sya….

  • reyna elena says:

    which the more pisses me off because, not only are these tongressmen and sin-atores are raking in money sa kaban nang bayan, yet they do nothing positively to control and fix the problem. they’d rather forever make sure that they fkin sit in power! what with what they have done with 1109 recently? they’d rather see pinoys in desperate position basta wag sila! hmpt!

  • mtoni says:

    sana lang kung makuha nila pera wag na lang galawin mga tao, nakakaawa mga pinapatay.
    ung nanay ko din dati pag napunta ng banko madalas kupasin suot tas ayaw nya inaabot ng tanghalian hanggang alas dos kasi yon daw ang mga oras na delikado.

  • fatherlyours says:

    Naku po, sinabi mo pa. Muntik na kami kahapon. Nasa office ako at ni watch ang technician namin habang nikumpuni ang computer ko. Naforgot gamitin ng kahera namin ang buzzer, alert button namin. hehehe.Thanks God at hindi natuloy.

  • Glo says:

    okay lang maholdap ang banks. basta bilisan nila at wag silang papatay ng kahit sino sa bank. client man o bank employee!

  • darbs says:

    Ah, saan ang mga kapulisan? Saan na ang guardia civil?

    Sagot: Nasa rally po. hinaharangan ung mga raliyista na hindi makapasok sa Malakanyang.

    kung wala namang sa rally ayon nagpapraktis kung paano paghahambausin ung mga raliyista.

  • Snow says:

    Hindi ko lubos maisip kung bakit wala agad pulis sumaklolo dahil matao sa Makati. Pero anyway, mabuti na nga lang at walang nasaktan…

  • lee says:

    yung sa RCBC Cabuyao kagimbal gimbal talaga yun—
    alam mo pre natatandaan ko nung panahon ni macoy walang holdapan sa bangko na nagtagumpay e lahat huli at patay sa pulis.
    ngayon lahat ng holdapan sa bangko successful at walang pulis—- ay meron pala— ayokong sabihin kung nasan yung pulis hehehe

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.