Home » Barrio Siete, Barrio Siete Blog Performance

Pasensya Na Po Sa Mga Nakaraang Pangangarpintero

23 August 2009 24 Comments

barriosiete_karpinteroKung napansin ninyo nung nakaraang mga araw, may mga nangyayaring kakaiba sa Barrio. May mga column na nag iiba ang alignment at may mga text na nagbabago ang kulay. Pasensya na po sa aming pangangarpintero.

Habang sinasawsaw ko ang pandesal sa aking kape, iniisip ko kung ano ang best time para pumukpok ng martilyo at maglagare. Nakakairita, wala kasing oras na walang bisita ang Barrio kaya bahala na si Batman. Opo, may mga binago kami sa mga baranggay hall sa Barrio at isa na rito ay ang pag promote ng RSS Feed namin.

Ano nga ba ang lecheng RSS na yan?

Ang ibig sabihin ng RSS ay Rich Site Summary or Really Simple Syndication. Ito ay isang format para sa mga blogs at iba pang website na palaging may tsismisan. Gamit ang isang RSS reader kamukha ng Google reader, pwedeng mag subscribe ang mga bisita ng Barrio para di mahuli sa mga maiinit na kwentuhan at tsismisan.

Eh paano ba gawin yan?

Kung interested kayong mag subscribe sa aming RSS, kung may Google account ka, punta ka lang sa http://www.google.com/reader.

  • Kung nasa Google reader ka na, click mo Add a Subscription at type mo http://barriosiete.com.
  • Click mo ang Add at makikita mo na RSS Feed ng Barrio.

Di lang sa Barrio ninyo magagamit ito, pati na rin sa mga iba ninyong paboritong blog. Kung mapapansin rin ninyo, may RSS invitation din kami sa katapusan ng mga article. Pansensya na po ulit at may kaunti kaming kakulitan. Ayaw lang namin na mahuli kayo sa chikahan dito sa Barrio. Maraming gumagamit ng RSS reader para mapabilis ang pag check ng mga bagong articles sa mga blog. Kung late kayo sa opis at di agad nakapag browse sa Barrio Siete at sa mga ibang blogs, buksan lang Google reader at makikita na agad mga bagong articles.

Get Updates via Email

Ngayon, kung sinusulit kayo talaga ng boss ninyo at walang panahon para bumisita sa Barrio, wag mag alala. Pwede naming ihatid sa email inbox mo ang latest article ng Barrio. Makikita ninyo ito sa taas ng aming Betamax. Di po namin ikakalat email address ninyo sa mga nagpapa 5/6 or mga nagbebenta ng Viagra.

Mga Iba pang ginamitan ng martilyo at lagare

Mga Iba Pang Kwentuhan sa Barrio – Alam din namin na minsan ay busy kayo kaya inihanda rin naming ang mga nakaraang kwentuhan namin sa katapusan ng article. Opo, ganyan namin kamahal mga readers namin.

Ginagawa po namin ang lahat upang maging komportable ang inyong pagbisita dito sa Barrio. Kung meron po kayong katanungan o kaya naman ay may mga suggestions, pwede po kayong mag iwan ng comment sa baba. Marahil pwede nating pag usapan ito habang sinasawsaw natin pandesal sa kape.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8968 times by 2318 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.

24 Comments »

  • Silver says:

    Oo nga. Natuwa ako sa mga changes lately ng barrio natin. Nakaapak pa ako ng pako last time.

    Ako din eh busy sa pagpapanday ng aking bagong bahay. Nakita din ni Reyna ang mga nagkalat na pako dun. Heheheheh.

  • Rob says:

    Aruy ko po! Sensya na LOL! Onga nakita ko rin pangangarpintero mo sa bahay mo. Ayos na ayos!

    • Silver says:

      hahahha….Si reyna naman din e nakaapak ng pako sa bahay ko. Hahahahhaha….

      • Snow says:

        Wow, Rob tuluy-tuloy na pala ang improvement sa Barrio! Si Silver naman nakalipat na sa kanyang bungalow…huhuhu..ako na lang yata ang naiwan sa aking problemadong bahay…

        @ate glow – kumusta naman yang nalipatan mong bagon bahay. maayos ba? ;)

  • Irej says:

    Nice information rob, dagdag kaalaman na naman para sa isang bubuwit na blogger tulad ko..

    4 months na rin ako sa blogging,nung una hindi ko nalalaman mga yan lalo na yung adsens and how to moneytized it, kung papaano ang mga steps and procedures.. so i just try to follow all the instruction sa google. after more than a week, ayun nakita ko may sentimo ng pumapasok.

    About Rss, ang tagal bago ko nakuha yung procedure na nakuha yung HTML code and to publicized, tanga-tanga ko kasi laging natutulog sa pansitan, at isa pa i don’t have enough time dahil sa trabaho ko.

    Sumatotal, lately ko lang natatapos ang pagkakarpintero ko sa aking Munting Kubo.

    Kaya mga kapatid, ako’y tiklop tuhod na nagsusumamo, baka gusto niyo lang naman na dalawin yung kubo ko at pananim, at makapag bigay ng kahit anong komento kung nasa ayos ba ang pagkakayari ng aking site. baka sakaling hindi tuluyan na langawin.

    Wala na rin akong maisip na maisulat, pero ang kainaman lang yun lang ang tanging paraan para maipahayag ko ang sama ng loob ko sa gobyernong arroyo. I really hate politics but i love to criticize.. sa pulitika kasi nasira ng reputasyon ng yumao kong Ama.

    Balak ko na nga isarado ang blogsite ko at tuluyan ko ng iwanan ng blogging, pero napag isip-isip ko, sayang naman ang aking nasimulan.

    At isa pa ito lang ang aking libangan pag ako’y nakakaramdam ng pangungulila.

    • Silver says:

      Ay Jeri, isasama ko pala sa blogroll ko ang bahay mo. Maguupdate kasi ako ulet. Wait ka lang ang maipapako ko rin ang bahay mo sa listahan ko. Hehehhe.

    • Rob says:

      Hayaan mo tol at magsusulat tayo ng mga related articles para matulungan mga bloggers pagandahin mga bahay nila at kung paano nila ma monetize ito. Adsense and pina easy gawin. Marami pang mas exciting gawin.

      • Irej says:

        Thanks rob,

        Actually tulad ng sabi ko, lately ko lang naayos yung kubo ko, sa adsense walang problema, ang diko alam nung una ay ung about rss, kung paano makuha yung HTML code to add sa widget. and other than that yung how the readers can subscribe via email.. so by trial and error at ka tyatyaga ko, natapos ko rin yung bubong ng kubo.

        But anyway, i do hope that you can help not only me but all peeps here in barrio na wala pang sapat na kaalaman sa ganitong bagay.

        Bale April 14 lang kasi ako nagsimula sa blogging and i don’t have enough knowledge about computer except using softwares like yung Auto Cadd na araw araw kong ginagawa, microsoft, etc.

        Again thank you, i really appreciate your help. Job well to barrio page.

        • Rob says:

          Cge tol, hayaan mo at mag post tayo ng mga ganyang article dito sa Barrio. Mga tips at mga latest na ek ek sa blogging.

  • dencios says:

    sana pati pag loading ng barrio mapabilis.

    kasi ang laptap ko naman high speed at ang pc ko sa ofis pero tila napakabagal pa din ng barrio. bukod tangi sa lahat ng mga inaaccess ko. hehe

    • Rob says:

      Tol, yun ang monitor ko ngayon. Minsan kasi nasa host din yun. Gamit na nga natin WP Super Cache para mag serve ng static pages ang barrio kaya monitor ko lang ang tignan ko kung ano ma recommend ko kay La Kapitana

  • Irej says:

    Rob
    Pansin ko kasi mula nung nag upload ako ng feejit bumagal ang loading.

    I’ sure expertized mo na mga ito.. how to make your site more easier to open, and other thing about page impression etc., can you give us some advise to develop a certain web page.

    sensya na, konti lang ang knowledge ko about this, puro trial and error nga ako parati.

    • Rob says:

      Kasi ganito behavior ng mga widgets, most of them kasi gamit ng Javascript at nag aaccess pa ito mula sa main site nila so, hinihila muna information bago tuluyan ma load. Mostly kasi sa javascript, by practice sa programming eh dapat nasa taas lahat sa header.

  • reynz says:

    job well done Rob! i like the re-organized stuff and of course, hopefully tumaas ang ating rss which should be our next goal!

  • Mon says:

    Great job with the layout! i’m so jealous. hehe.. hmm maybe it’s time to change my blog layout na din. lol

  • Chi says:

    very nice indeed. i must agree na walang time na walang kumakatok sa barrio especially international po tyo. :-)

    • Rob says:

      Nkakapraning nga ehh..Oras oras ata na tignan ko Barrio may mga nagbabasa. Kaya kamot ulo na lang habang nagkakape. Cguro magpalabas na lang muna ng betamax sa susunod habang nangangarpintero.

      • Chi says:

        OR SIGURO MAG LAGAY NG BANNER APOLOGISING FOR THE INTERUPTION THEN THE READERS WILL UNDERSTAND… :-) GOODLUCK. SIGURADO GAGANDA LALO ANG BARRIO.

  • promking says:

    nice.. maganda nga ang RSS feed ninyo e.. Pinoy na pinoy/

  • bebe says:

    kaya pala hindi ko na makita ang “recent posts” section….pwede po bang magrequest na pakibalik yun. tenk u!

  • ark says:

    Isa sa basis ng popularity ng isang site ang dami ng subscribers nia at hindi ung puro alexa rank lang. Medyo skewed kasi un eh. It’s nice na dinagdag nio ang RSS button.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.