Patatas, Pohtahtoe, Potato: Ano ang gagawin sa Patatas na ito?
Ilang linggo lamang ang nakakalipas, matatagpuan mo kaming mag-anak sa isang Nursery at naghahanap ng maitatanim sa aming hardinan. Sa gitna ng mga estante, sa tabi ng kaning-baka na may amoy ng bukid ay nakakuha kami ng isang bag ng buto ng patatas.
Isang kisap mata pa’y nakatanim na ang mga butong ito at lingunin man ang aming mga paa’y puno na ito ng putik na gumagapang mula talampakan hanggang mga pisngi.
Dalawang kisap mata lamang, sa gitna ng init at pagdi-dilig ng hardin, bumulaklak at bumunga na ang mga tanim na patatas.
Narito ako ngayon, sa harap ng isang tambak na patatas at nag-gugulumihanan sa pag-gamit ng pagkaing ito. Siguro may solusyon sa aking problemang: paano ba gamitin ang isang baldeng patatas para di ito mabulok.
Sa bilis at pagkamuramurang paraan ng paglago ng patatas, ito yata ang magandang solusyon kapalit ng rice-shortage sa atin. Sa makatuwid, tatlo hanggang anim na linggo lamang ay pwedeng-pwede na itong kainin mula sa spud. Kumpara sa bigas na tatlo hanggang anim na buwan pa ito bago hanguin sa pilapil, patuyuin at ipagiling. Kung matuto lamang ang bawat sambahayan na mag-tanim kahit sa paso, kahit buong taon silang di kumain ng kanin ay may pagmumulan ng pagkain. At kung mag-bubuo ang mga komunidad sa atin ng maliit na kooperatibang na pagmumulan ng sustainable food source ng isang barangay, mababawasan ang gutom, malnutrisyon at dependence sa bigas.
Dahil sa husay ng adaptasyon ng halamang ito, ay naitanim na ito sa kalawan at bumunga. Iwanan mo sa lupa ng ilang buwan ay makaka-kuha ka ng higit sampung kilong patatas sa isang bunga lang. (World Record: 18 pounds, 4 ounces) Kung sa kalawakan ay lumago ito, di kaya naman ay bagay na bagay din ito sa lagay ng panahon sa Pilipinas?
Liban sa trigo, mais at bigas, ang patatas ay kabilang sa ika-apat na anihin sa mundo. Dahil apat ang pinaka-importante sa food-group na ito, di rin lamang maiging pagtutunan ang balanseng pag-gamit ng apat na ito. Marami sa ating mga Pinoy ang hindi “mabusog” kung walang kanin. Pero kung matuto tayong mag-balanse ng ating kakainin, imposible ang magutom.
O hala, tapos na ang introduksyon ng patatas, pero andito pa rin ako sa problemang kinahaharap ko. Napadami ang ani ng patatas at ayoko namang masira ang mga ito. Kaya’t hinugasan ko ito ng husay:

Binalatan:

Ginayat:

At pinakuluan ng tatlong minuto. Hindi ko niluto ng matagal ang mga ito dahil ginamit ko lamang ang blanch technique (pakuluin ng madalian). Kung ilalagay ko sa freezer ang patatas na hindi luto, malulusaw lamang ang mga ito at di maiging kainin kapag thawed out na.

Agad ilagay sa malamig na tubig para mapigilan ang higit na pagluluto nito.

Yadyarin, kung gagawa kayo ng hashbrown. O hayaan ang mga pirasong ginayat.

Ayan, may instant hashbrown nang pwedeng iprito sa mantikilya tuwing umaga, ilagay sa torta, o gamitin sa sinangkutsang baboy.
Viewed 10067 times by 2916 viewers
mahalia is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.














sa lahat ng grains, pinaka labor-intemsive at expensive ang rice. ang dami kasing process na dinadaan bago makarating sa hapag kainan ng mga pilipino. hindi pa kagandahan ang ani na nakukuha every harvest season. kaya nga sa america, sosyal ka pag rice ang binibili mo. kasi mas mahal ito at nagkalat lang ang patatas sa mga grocery stores/supermarkets.
nakakatuwa naman pala ang potato ano. ka-pamilya nga ng camote (sweet potato) na kahit iwan mo lang sa lupa eh meron kang pakinabang. lalo na ang camote kasi kahit tops nito eh puedeng kainin.
kaya lang ang problema hindi sanay kumain ng potato ang mga pinoys. sabi nga ng tatay ko noon….pag tinapay or camote ang almusal nya eh…isang utot nya lang daw eh wala na yung kinain nya. kumbaga eh sanay ang tyan ng pinoys sa matagal na busog ng rice.
o baka naman, we associate camote/patatas with poverty. kasi nga naman pag wala kang makain sa bundok at mga barrio…eh di camote , cassava at kung ano-anu pang root crops ang kakainin ng mga tao. buti na nga lang, meron nang upland rice. technically rice is a weed. so dapat kahit saan mabubuhay at mamumunga sya.
kaso iba na kasi yung rice varieties na meron ngayon. besides…di na sustainable ang lupa kaya lumalaklak na ng fertilizer at pesticide ang mga palayan. otherwise, wala kang aanihin kasi mauuna pa sayo mag-harvest ang mga birds!
ano ang upland rice ateng?
rice variety na puedeng itanim sa bundok. much like planting cassava.
hindi kelangan sa putikan.
glo! i remember that rice variety, kasi kami sa Km. 22, o ayan, alam mo na! hahahaha! nagtatanim kami nang palay sa bundok!
iyon nga ang problema ng pag-introduce ng ibang food staple sa atin, dahil sanay na ang mga tao sa bigas. Aalta-presyunin ang tatay ko kapag nabasa nya itong artikol na ito dahil mag-bibigas iyon. Kaya lang sa hinaba haba ng negosyo nila sa bigas ay mas maraming low kaysa sa high.
Iyon nga ang problema sa pag-introduce ng alternative food source sa atin, di gasinong pinalulunsad ng gubyerno. Kung mag-kakaroon ng pagkakalat ng impormasyon at pagtuturo sa komunidad ng teknolohiya ng paggamit ng patatas o ibang alternatibong pagkain, maaring isa ito sa hakbang para maibsan ang rice shortage, kung nakapila na tayo sa NFA, at ubos na ang kaban, ay maiiwasan ang pangungutang–maliit o malawakang sektor.
Kasi nga naman, kahit sa palengke lamang tayo bumili ng patatas, ilagay ito sa madilim na lugar, kahit na di sa lupa, tutubo at tutubo ang ugat nito. Kasunod na lamang ang itanim siya ng husto.
Nung 2007 nang magkaroon ng rice crisis sa atin (remember yung 1 kilo ng bigas halos umabot ng P45, the government tried to tell the people na kumain nga tayo ng patatas o di kaya camote, wa epek kay juan. Di yata kaya ng sikmura nya ang mga yun. Pero ika nga nila sanayan lang yan… bakit nga ba sa ibang bansa ok na ang patatas diba?
oo nga, marami sa ibang bansa na may kahalong patatas ang kainin. Sa mga Asian cultures naman ay mahalaga talaga ang bigas.
Tanong lang: bakit kung kailan nag-kakagulo at panic na ang mga tao saka mag-encourage ng ibang food source? Ilang libong taon na ang mga Pinoy kumakain ng bigas, kailangang ilang taon rin ang gugugulin upang i-persuade ang mga Pinoy. Di naman overhaul ang punto, karagdagan lang para may supplementary food source. Mahabang pagtuturo. Malaunan ay mahihilig din ang mga tao sa mga ito.
Bakit nga ba na umoorder din tayo ng French Fries diba?
or bakit hindi sumikat ang kamoteng kahoy? dahil ba sa negative connotation, right? ano kaya gawing french fries ang kamoteng kahoy, di mas lalong tatabo. i guess people continues to buy “perception” hahaha
ay oo Reynz, may teknolihiya workshop noon sa barrio namin, paano gamitin ang kamoteng kahoy at balinghoy. Mini-entreprenuership class, kaya lang di na ito natuloy, wala raw pondo ang munisipyo. Tama rin yung perception, dahil nga naman patatas rin ang french fries pero may branding, kaya binibili.
you have a big point there reynz. alam mo sa laguna, merong cassava chips! masarap naman.
Tama ka Mahalia! Ang mga kabataan, isama mo na tayo (di na kasi yata ako kasama sa kabataan ngayon eh
) eh ang hilig hilig sa prench prays na yan… Na akala ng maraming pinoy sa atin dati eh di talaga patatas dahil sa haba at laki ng iba.. hindi yan ang point ko… Tanong nga sa akin ng isang Bangladeshi na office boy namin, ano daw nangyari sa Pinas, dati dati tayo ang nangunguna sa pagtanim at anihan ng bigas sa SE Asia.. ngayon daw nawala na taoyo sa picture… Haay naku talaga.
well, me kasalanan den ang gobyerness, yong development, walang puknat, yang kahabaan nang SLEX, dati palayan yan, ngayon puro na mga bahay, kahit na sa bikol, an daming nawawalang palayan, dahil nga hindi naman nag-imprub ang planting, lahat nang makinarya ang mahal, and then ang lecheng WTO, me mga rules na hindi pantay, ba’t sa amerika subsidized pa ang ibang agriculture, saten indi matulungan farmers… naku… alam nyo na siguro kung saan papunta ang CARPANG to… ayoko sanang i-touch… magulo. *hikbi*
anyway, ba’t ang japan, ang galing nang planting rice hu hu hu
oo nga no Reynz? daming subsidy ng mga farmers dito. Kung farmer ka pati, may pagkakataong ikaw na ang may-ari ng lupa, kahit na may bayarin ka pa rin sa mortgage company.
huwat Buraot? may connection yun sa dami ng anak? naku di na ako magtatanim!
pagkapati magsasaka ang life goal mo sa atin, nakupow parang mababa ang tingin sa iyo. Dito kapag farmer ka, maraming mag-sasabing mayaman ka.
oo mahirap ang rice farmers sa pilipinas. sila ang pinakamahirap. eh pano naman, anong laban mo doon sa mga hacienda! at saka tama, na-convert na ang malalaking lupa into industrial estates at subdivisions.
naalala ko tatay ko. kung anu ano kasi ang itinatanim non. naging dose tuloy kami.
Monique, noong una akong makatikim ng French fries na iyan akala ko talaga di ito patatas. Sabi ko nga sa nanay ko kung gawa yata ito sa binilong harina. hehehe
Hindi lang yan, ang irony, nasa UP Los Banos ang IRRI. Nasa atin ang technology pero ibang bansa ang nagsisiaral. Sa atin ang magsasaka ang isa sa pinakamahihirap, kalabaw pa din ang gamit, animal cruelty un diba? look at Thailand, ang mga magsasaka nila, tractors ang gamint, maginhawa ang buhay, dahil may suporta ng gobyerno nila. Sus, eh dito sa atin, ang binibigyan ng fertilizer eh mga representathieves ng metro manila, remember JOKE JOKE BOLANTE?
anong gagawin ng mga opisyales ng munisipyo sa fertilizer?
hahahaha!
Lani: i worked at irri for more than 10 years. nasa government natin talaga ang problema, bakit di ma-i-implement ang rice science down to the small farmers? di ba dyan pa lang, may mali na.
yung mga vietnamese and thais, pinadala sila sa uplb at irri para mag-aral. pagbalik nila sa bansa nila? eh di mega-implement sila ng natutunan nila.
kaya ayun, rice giants na ang vietnam at thailand! and pilipinas? wala…nasa kangkukan pa rin!
naglagay na nga ng PhilRice pala sila ang local counterpart ng irri….ayun sa nueva ecija lang sila active. ewan sa iba. eh dito nga sa bicol ni wala akong makitang anino nila dito.
I read this last year from Doc Martin Bautista’s blog. He is based in Guymon, Oklahoma. He visited a town named Kremlin and then blogged about “a seeder that can easily scatter palay at a rate of 2500 hectares per day.” Here’s his take also: (he’s a very good writer by the way.)
“My next door neighbor, who farmed until he was 82 years old single-handedly managed 5 sections (or 1294 hectares) of land. This is how productive American farmers are, compared to their counterparts in the Philippines who manage an average of 2 hectares of land with the assistance of a water buffalo. The tractor shown above has a sticker price of $250,000 while the Combine lists at $340,000. Our government officials almost succeeded in skimming off $340 million with one broadband deal. This pathetically illustrates why we are so far behind in productivity.”
You can visit his blog at http://mbautistamd.blogspot.com.
The link to the post here: http://mbautistamd.blogspot.com/2008/07/why-we-have-been-left-behind.html
And biggest rice importer pa.
Lani, yan eggsakli ang punto nang pasaring ko about Japan… wala pa akong nakikitang pumapalet sa kalabaw… wala pa… *hikbi*
Lani, kung sa taniman lang, mas malaki yata ang taniman natin diba?
Reynz, napansin ko lang, may kalabaw pala tayo rito sa barrio. Pahiram ba ito mula sa annalyn.net?
hinarbat ko lang yan ki annalyn hehehe PAHIRAM daw hahaha swak na swak kasi hehehe
oo sanayan lang. kaso nga hindi sanay ang pinoy sa patatas.;) hehehehe.
sanay sila sa french fries hehehe
Kung ako yan, fried. Favorite ko home made french fries ko. Nagsawa ako sa ganyan nung nasa Baguio ako. hehe
oo nga pala, maraming taniman ng patatas sa Baguio. Ilang resipi na ang kabisado mo sa patatas Ely? pashare naman!
Miss Mahalia, yan din ang tanong ng lahat, anung gagawing ng mga tongressmen ng metro manila sa fertilizer? Ang sagot diyan ay maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat.Eto ang entry ng Wikipedia sa bagay na yan.
March 2004, the Philippine Daily Inquirer reported that Senator Panfilo Lacson accused President Arroyo of vote-buying by authorizing the release of 728 million pesos.[1] The money was supposedly to be used for the purchase of fertilizers which would be distributed to the local officials.
After a year, an episode of the Probe Team reported that some farmers claimed that they did not receive fertilizers from the funds released by the Department of Agriculture. A PCIJ special report was released later saying that billions of farm funds were used to fund the presidential campaign of Arroyo.[1]
[edit] Jocelyn Bolante
Jocelyn “Joc-Joc” Bolante was the Agriculture Undersecretary when the fertilizer fund scam erupted. He is accused of diverting at least 728 million pesos in fertilizer funds to President Arroyo’s 2004 election campaign.[2]
When the controversy broke out in 2006, Bolante fled to the US and sought asylum, but his petition was denied by the US courts and he was eventually deported. Bolante arrived in the Philippines on 28 October 2008. Upon his arrival, the Senate effected the warrant on Bolante, initially holding him under hospital arrest. After a month, Bolante appeared on the Senate for the first time. He denies that the money was misused stating that there was no fertilizer scam despite the findings of the Commission on Audit that there was ‘excessive overpricing’ of the liquid fertilizer purchased by Bolante’s proponents.[3] He cleared President Arroyo from any direct involvement. He also cleared the congressmen and other local officials implicated in the fertilizer fund scam.
Alam mo Lani, gusto kong talupan ng buhay yang lecheng Jocjoc Bolante na yan.
Naku Madam Silver., alam mo bang tatakbo daw yang joke joke na yan as tongressman ng bayan nya? Me nakita nga ako sa newspaper, nakabalandra ang muka nya, as usual, sa tarpaulin dun sa bayan nya! The guts! Ang kakakakakakapaaaaaaaaaaaaal!!!!!!!!
Namfutang yan! Hindi nga??
Ang kaaaapppaaaallllll naman nya! Leche!
I-share ko lang about the pohtahtoe topic. One may nagbigay ng binhi sa tatay ko ng patatas na yan, pero hindi sya root crop, vine sya. At nagulat kami ng tumubo, ang daming bunga, umabot na nga iyong iba sa bubong ng bahay namin, ang lalaki pa ng bunga. Sabi nung nagbigay, iyon ang ginagamit pang french fries ng food chain, pero may lason daw iyon pag hindi maalam mag prepare before iluto. Pinatay na lang namin tuloy. Baka may manguhang kapitbahay at iluto lang basta-basta, ksalanan pa namin pag nagkataon.
ngayon lang ako nakarinig ng potato vine, napagoogle toolooy akow. Iyon ba yung tawag na Devil Potato? nakakatakot naman ang pangalan, baka masapian ang kakain nyan. hehehe
napatawa ako dito, ano kaya mangyayari kung masapian ng devil potato ang makakain nito?…laughing trip siguro? bwahahaha!
o di kaya ng ala jack in d beanstalk at inakyat ang vine ng potato at may hawak na palakol at gusto na putulin ang puno dahil may humahabol daw na giant potatoes. bwahahaha!
interesting huh! matanong nga si pareng google. yahoo!
Favorite ko ang patatas. Lalo na pag french fries at mashed potato.
yan din peborit ko pare, yung jacket potato ok syang pakner sa steak pero nahulab ang tiyan ko pag kumain ako ng patatas pero di kasing lala ng kamote na talagang super hahaha
Gusto ko ang French fries pero hindi ko gusto ang price hahaha
masarap naman ang homemade, gayatin ng maliliit at i-soak sa asin, tapos tanggalin sa tubig. Patuyuin sa ilalim ng araw ng mga 4-6 hours. Tapos pwede na yang deep fry. Kasama ng Banana Ketchup swak na swak na.
@mahalia, masarap yung malilit pino sya tapos gagawin na parang okoy, yung mga germans din daming ekperimento sa patatas pero masarap yung medyo manamis namis na parang inokoy
oo nga no? makapag okoy pala bukas, nagutom ako. Nung nag-okoy ako imbes na bean sprouts ang gamit ko, nilagyan ko ng niyadyad na cabbage. sarap rin. Masarap rin siguro ang patatas ron.
try mo, 2 klase yang natikman kong parang okoy na yan e yung isa parang medyo matamis ng konti at yung isa maala alat na medyo maanghang ng konti pera walang ibang lahok ng gulay,ang pinaka ulam nya e yung sausage
Ako, okay lang sa akin kung isusubstitute ang patatas sa bigas. Hahaha.
E kasi need ko na magdiet eh. Lumolobo na ako. Pano ba naman, average of 2 cups per meal ang konsumo ko. Nyahahahha.
nilalagyan mo ba ng evap ang homemade mashed potatoes? konting evap, konting margarin, asin, pwede na. Tapos kung pork chop ang ka-ulam yung pinagprituhan ng baboy, tanggalin mo ng kaunti ang langis. Tirhan mo ng mga isang kutsara, tapos lagyan mo ng isang kutsarang harina. Hintay na maging brown ito, tapos lagyan mo ng konting tubig, pinitpit na garlic, konting asin at VETSIN! Pwede na yan sa gravy. Kung Fried Chicken naman, ganon din ang style, wag lang hayaan na maraming langis, baka atakihin tayo nyan sa kolesterol.
Salamat Mahalia sa tip. Sabihin ko nga kay mamey yan. Hahaha.
pasasan bat pag naumpisahang yan ang substitute na tin sa rice e makakasanayan din yan
sa totoo lang mas matagal ang itinatagl ng papatas sa tyan, matagal bago ka magutom ulit di gaya ng kanin na mayat maya gutom ka kahit ang dami mo ng kinain,kaso my problema ako sa patatas gaya din ng kamote…. pag kumain ako kinakabagan ako ng husto at makakadagdag pa ko sa pollution hahahahahahahahaha
LOL, mag-bit bit ng air freshener ang solusyon dyan ateng. kapag nag-proooooottttt, sabay spray sa likod. hehehe
madali nga po itanim patatas at nde kailangan ng alaga basta diligan lang araw araw at pagtapos ng 4 na buwan maari na anihin.
ate mahal gumagawa din ako minsan soup, sa halip na macaroni shell eh patatas nilalagay ko kahit mga buto buto lng halo malasa na.
oo nga pwedeng magprito ng langgonisa, tapos sasabawan, konting onion at garlic at ginayatan ng patatas, para sa thickener. sarap!
parang nanakam ako sa patatas. yum!
Tara kain na Dencio.
mam mahalia, san mo tinanim yan? dito sa dubai o sa Pinas pa yan? naisip ko kasi kung tumutubo ang patatas sa dubai.. hmmm
Nyahahha…
dencios,
meron kayang patatas dyan sa inyo sa dubai na hugis cactus?
pwede rin ang tanim kahit sa Dubai, basta may malaki kang paso, grow light (wag yung may flourescent, yung UV enhanced) tapos ilagay lang sa bahay parang ornamental plant, tutubo yan, basta diligan mo ng tubig.
patatas ang staple food dito sa min. masrap nman a! kya lng kaka mis ang rice. mahal have you tried jacket potato? very crunchy yong skin!
share naman ng recipe chi! at marami pa akong tanim at aanihin na patatas.