Home » Barrio Siete, Education and Technology, Opinion

Penge ako ng dot com

28 August 2009 27 Comments

DOTCOM1 Photo: Dinekwat Dito
Nag enjoy naman ako basahin ang article ni Rob. Napakagandang introduction para sa mga taong gustong mag blog. Gusto ko lang ding i share sa inyo mga ka baryo ang mga natutunan ko at mga naging katangahan sa mundo ng blogging.

Sa totoo lang nag umpisa akong mag blog dahil gusto kong kumita ng pera. Ganun lang kasimple sa akin noon. Ang una kong binuksan na blog, nakiusap pa ako sa isang kabigan para ayusin ang lay out at palitan ng template. Tuwing maririnig ko ang mga salitang widget naloloka ako at nahuhulog sa upuan ko. Opo mga ka baryo, ako po ay blogspot blogger. Ayaw ko ng wordpress kase maluwag ang dashboard nya haha. Mabuti na lang ang aking mabait na kaibigan ay laging wala kaya na obliga ako na mag research at mag aral para sa aking blog.

Ang sabi nila noon, kung mag uumpisa ka pa lang, free hosting ka muna. SIgn up ka lang sa WordPress o Blogspot at meron ka ng sariling blog. Ang problema nga lang, ang mga ito ay may nakalagay na wordpress.com o blogspot.com sa dulo, hindi basta dot com lang. Ang sabi din ng karamihan kung gusto mo na magkaroon ng dot com mo o dot net o ano pang dot dot, madali na lang daw maglipat ng bahay. Iyan po ay napakalaking kasinungalingan! Marami din akong naubos na pawis, uhog, luha bago ko nailipat ng tama ang aking personal blog sa sarili nitong dot com. Kaya ang advice ko sa mga nag uumpisa pa lang mag blog, mag dot com ka na, NOW NA! Mura lang naman ang pagbili ng sarili mong domain eh.

Eto na nga, nabili ko na ang pehpot.com sa WordPress. Sabi kase ng friend ko doon daw ako bumili sa WordPress. Ito po ay umaatikabong $15 (yes mahal sya!). OK na, go na go na ang http://pehpot.com. Atat na nga ako mag post eh. Eto na ang malaking problema. Sa WP pala hindi mo din makakalikot ang blog mo na sarili mo ang domain kung wala kang hosting. Anak ng! Gastos na naman!?! Actually pede ka naman mag post, mag lagay ng anik anik sa sidebar pero limited ang mga ka inartehan na pwede mong ilagay. Anak ng! Itong arte ko na ito, lilimitahan nila. Wala naman ako magawa kase wala ng laman ang paypal ko, wala na ako pambayad hosting..waaaah!

Then, nisave ako ni Daddy, este ni godaddy pala. Pwede pala na ang domain na nabili mo sa ibang registrar (tiga benta ng domain) ay ilipat mo sa bagong registrar, bayad ka nga lang ulit. Sa makatuwid, ang aking domain na pehpot dot com ay inabot ng kulang kulang $25 dahil sa aking ka engotan.

So paano tumatakbo blog ko na walang hosting? Balik blogspot ako. Sa blogspot naman pala pwede kang gumamit ng dot com mo ng libre. Mya mge retoke ka lang na gagawin at ang mga ito ay mababasa mo naman sa help section nila. Madali lang mga ka baryo. Kaunting uhog at kaunting mura lang, ayos na.

Ang hindi naging madali para sa akin ay ang paglilipat. Ang pa isa isang pag kumpuni at ang pilit na pag gaya sa datin kong bahay. Ang hirap din magsimula. Ang hirap kumuha ng mambabasa at ang hirap mag kabit ng kurtina. At higit sa lahat ang mailap na si Mr G, ayaw pa bigyan ng numero ang bahay ko! Gusto ko sana 5 o 6.. wahaha..

In the end, ang mga ka engotan kong ito ay nagsilibing daan para magkaroon ng segment na: itanong mo kay pehpot. Jowk lang. Natutuwa din naman ako na naranasan ko ang mga ito at mayroon akong natutunan na ngayon ay ibinabahagi ko sa mga kasamang bloggers din.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8207 times by 2013 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a BS Food Tech grad of UPLB. She was on her second year when she realized she’ll do good on BS Home Econanay. And yes she did, she now hold three degrees on BS Home Econanay (major on scream) and currently on her fourth. She is a multitasker, she blog, she cooks, she breastfeed, she do the laundry. She is the mommy in front (not behind no) of Make or Break (pehpot.com), a parenting blog that focus on humor as a way to survive kids 101. Aside from maintaining her losyang figure (and make or break), she also maintain two more blogs and plan to put up some more. Blogging is her answer to her insanity, it’s cheaper than theraphy.

27 Comments »

  • promking says:

    opo mam pehpot… mura talaga ang domain name at hosting sa GoDaddy..
    tama rin ang suggestion mo na GO na kagad sa paid hosting service and paid domain name.
    mas walang hassle pag iniisip mo na yun na talaga ang blogsite mo.

    ikaklaro ko lang po sana..
    iba po ang domain name (dot com) sa hosting ng website.
    pwede ka magkaron ng website na wala kang domain name.
    pwede ka rin magkaron ng domain name na wala namang website.

    kung naguluhan kayo sa sinabi ko, pipilitin ko mag explain sa website ko. pero next time na, prepare ko pa mga tools ko..

    • pehpot says:

      korek hehe.. medyo magulo nga pero na gets ko naman ang ibig mong sabihin. iyong pehpot.com ko ang tagal din naka park dahil nga kinakain ako ng dashboard ng Wp heh

  • Mel says:

    ate pehpot, thanks. marami na akong natututunan. mahirap din pala maglipat-bahay noh? tamad pa naman akong magkarga at baka masira ang aking french manicure na pinaghirapan ni baklang kokey sa parlor diyan sa kanto. hahaha!

    mas gusto ko sana mag-hire na lang ng mga karpintero at kargador. hahaha!

  • Monique says:

    ayos talaga kung meron kang mga kaibigan na likas na naiintindihan ang kalakaran dito sa web… nung bumili ako eh mga kaibigan ko lang ang nagbigay sa akin ng tips/ideas… kaya lang nga, the blog remains to be a personal journal of everything and anything… hehhe…

    yes mel, buy ka na para talagang sushal ka na…. btw, 900 pesosesoses yung dat com ko. taon taon lang ang bayad. hihihih….

  • Irej says:

    Mahirap talaga ang maglipat bahay lalo na kung wala kang makakasama na na higit na mas nakaka-alam ng lipat-bahay.. madalas kasi ako natutulog sa Pansitan kaya napag-iiwanan ng makabagong teknolohiya.

    Malapit ng matapos ang bago kong balay, saka ko na lng kayo imbitahan dun pag kumpletos rekados na siya.. gingawa pa kasi yung Land scaping.. naks! ha ha ha..

    At pag handa na lahat, mayroon tayong salo-salo dahil may engrandeng house blessing..

    Pansamantala, nakikitira muna ako sa aking “Tiyo Paeng” ko, sa kanyang videoke bar.. pansamantala muna ako makikitira sa kanya dahil marami akong gustong tirahin na G.R.O. dun.. he he he jowk!

    Tiyo Paeng’s Videoke bar.

    Matatagpuan sa:

    #69 kalye peligro
    barrio Mandadakma
    Pinukpukan, Tinakloban City
    http://kantatero.gameops.net

  • Glo says:

    kala ko si mel ang writer! ;) hahahha.

  • BURAOT says:

    nyeks. honga pala, kababaryo ka na pehpots. hehhe. lagi kasi akong absent. absent-minded.

    sa mga kababaryong bagong salta na di ko pa nawewelkam, eto sa inyo..

    toingks!

  • Mahalia says:

    sa una talaga parang lost in atlantic ang mangyayari sa iyo sa pagsisimula ng blogging. Buti na lang tinulungan ako ni Bluepanjeet. Pero alam kong busy rin siya kaya ilang timbang kape at walang tulugan ang ginawa ko sa aking blog. Naka-tatlo o limang template na akong nagpapalit. Pero maigi rin iyon dahil natuto akong mag CSS at kung anik anik na kutkutin sa mga dot dot blog. Profitable naman ang mag-blog, maraming nakikilala, maraming opportunities na kumita, nasisipa ni Gurrgle Ads. Opo nasipa ako ni Gurrgle Ads. Di raw bagay yung mga sinusulat ko sa kanilang Ads. Pero sa mga nakadepende lang sa G Ads, at nasipa rin kayo, mag email lang kayo at marami akong mga affiliate programs alam na parang G Ads din ang dating.

    Sa mga baguhan na gustong mag-blog at mag-sulat may maliit po tayong bahay ng How to Traverse the Blogging World: Blogging for Beginners sa

    Welcome po kayo roon. Kung may mga topics kayong gustong makita at wala doon, message niyo lang ako dito sa B7, sa Chocolateword.net at sa Email icon sa aking blog.

    Naku parang advertisement na ito ah.

  • Mars says:

    gusto ko ang topic mo, tama lang talaga na kailangang may hosting kang sarili, lalo na kung ang plano mo e pangmatagalang pagblog, kaya kung ikaw ay nakakabit pa sa blogger or wordpress mag isip isip kayo, mahirap maglipat ng maraming post. dahil mas maraming post mas malaking size ng wxr nyo.

  • Rob Angeles says:

    Tip: Wag lang mag focus sa .COM though ito ang pinaka famous. .COM, .NET, .ORG, .BIZ, at kung ano pang dot dot yan, tawag ay TLD or top level domain. Pwede rin kasing maging creative sa domain name para may dating or mabilis tandaan. Sample .US is a TLD so try ninyo hanapin kung available pa BOGACIO.US. Dito na conceptualize and DELICIO.US. Maraming TLD na available sa mga registrar.

  • Chi says:

    pehpot, nkita ko nga sa blogspot pd rin mag add ng adsense samantalang sa wordpress. hindi. tma ba? inato kong mgalipat bahay kya lng nkakaiyak sa dmi ng kumpuni at pangangarpenterong gagawin. hihihi. kya ako sa free wp na muna…

  • Mel says:

    In fairness mura lang ang dot com ko. Isang labada lang kina Donya Auring at binili ko kaagad ang dot com na yan. Hahaha! Yun nga lang nawala ang links at google followers ko. Tsk! Kainez!

  • dFish says:

    Pehps – hapi na ako sa pagiging WordPress-dista hahaha..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.