Home » Opinion

Persona Ingrata!

6 July 2009 33 Comments

Prangkahan na! Magalit na lahat ng magagalit pero heto talaga ang aking mga saloobin tungkol sa usaping OFW at mga Bagong Bayani.

pushcarts sa NAIA 3

Kamakailan lang ay naglabas ng isang anti-OFW post ang isang nais makilalang si Mike Avenue. Hindi ko alam kung sino s’ya, kung sikat ba s’ya at ako’y huli lamang sa balita, o kung ano pa man. Sa kanyang sinulat sa kanyang blog, tila binatikos nya ang mga tinatawag nating mga bagong bayani, ang pag-kaubos ng mga propesyunal sa Pilipinas dahil sa migrasyon at pangingibang-bayan, ang pag-halik diumano ng mga dating propesyunal na ngayon ay tinatagurian nang mga Bagong Bayani o OFW. Hindi ko nabasa ng aktwal ang kanyang mga naisulat sa kanyang blog dahil nang ito ay aking mabalitaan, kasalukuyan nang naka-pribado ang kanyang blog kasama ng nasabing sulatin.

Basahin ang sipi at puna ng nasabing sulatin dito.

Bilang kontra-batikos sa nasabing sulatin, maraming OFW bloggers ang nagsipagsulat ng kani-kanilang saloobin tungkol sa kanilang kontra-opinyon at kani-kanilang mga hinanakit at saloobin. Halu-halo ang mga emosyon ngunit may isang nangingibabaw – mga galit at hinanakit ng mga nasaktang damdamin.

Isa akong dating OFW. Dalawa’t-kalahating taon din ang aking inilagi sa bansang China bilang Section Manager sa isang laptop manufacturing company. Kaya naman bilang pambungad, at hindi naman sa pagyayabang, hindi ako ni minsan humalik sa paa ng sinuman sa aking pinagtatrabahuhan. Katunayan nito, matapos ang dalawa’t-kalahating taon ng aking pamamalagi sa ibang bansa ay napagpasyahan kong bumalik ng Pilipinas dahil hindi ko na nagugustuhan ang pamamalakad sa aking dating kumpanyang pinasukan. Pero hindi rin naman ito nangangahulugan nang aking pagmamataas o pag-hihiwalay ng aking sarili sa iba pang mga OFW.

Prangkahan na, katotohanan lamang. Halos tatlong taon na ang nakakaraan ng pasyahin kong lisanin ang Pilipinas para tanggapin ang isang alok na trabaho sa bansang Tsina. Ginusto ko ‘yon hindi para tulungan ang sariling bansa na halos walang naitulong at ni wala yatang planong tulungan ang kanyang mamamayang pinaglilingkuran at nasasakupan. Kaya oo, inaamin ko na ang aking paglisan para punan ang aking pansariling mga kagustuhan. Gusto kong maging bayani para sa pamilya at mga mahal ko, hindi para magpaka-bayani para sa sariling bayan.

Kung si Reyna Elena, na bihasa sa usaping pinansyal at ekonomiya, ay kayang kalkulahin ang bawat patak ng dolyares na naipapasok ng mga OFW sa Pilipinas na sya namang tumutulong sa bansa sa kung anumang bagay na balak paglaanan ng mga namumuno dito, ako ay hindi. Kung may magkalkula man ng mga numerong ‘yon at ipaalam sa akin, salamat, ngunit hindi ako interesado. Kung nakakatulong man sa bansa at gobyerno ang aking pagpapadala ng dolyares noon sa Pilipinas, hindi ko ito ginusto. Ang aking pagiging bayani para sa bansa ay isa lamang bonus kasabay ng aking pagiging bayani para sa aking pamilya. Bonus na salamat kung meron, ayos lang kung wala.

Nung pumutok ang isyu ni Malu Fernandez, isa ako sa mga umalma. Hindi dahil nilapastangan nya ang mga bagong bayani na syang nagpapataas ng impok ng dolyares ng bansa, kundi dahil sa paglapastangan nya sa mga uri ng tao ng lipunan na nagsusumikap na magpaka-bayani para sa kanilang mahal sa buhay. Isang paglalapastangan ng isang taong ni minsan ay hindi nakaranas na magutom sa mga taong nagpupumilit magutom para siguruhing hindi kailanman kakalam ang mga sikmura ng mga taong kanyang pinagpapaka-bayanihan.

Nung may mga ignoranteng nilalang na nagmungkahing buwisan ang mga OFW, isa ako sa mga di sumang-ayon dahil sa isiping ang isang gobyernong nilayasan mo na nga dahil hindi ka matulungan, kikililan ka pa at balak pagkakitaan.

Kapag naririnig kong tinatawag ng gobyerno ang mga OFW na mga maka-bagong bayani, sa halip na matuwa ay parang gusto kong kumitil ng buhay. Kasuklam-suklam na marinig na habang tinatawag kang bayani ay kasalukuyan kang inaabala, inaabuso, sinasalaula at pinahihirapan ng mga mismong taong tumatawag sayong bayani.

Pero pa’no nga ba naging bayani ang mga OFW?

  • Bayani ka dahil sa loob ng eroplanong iyong sinasakyan galing sa bansang iyong pinagtrabahuhan, ganun nalang kung ikaw ay bale-walain at pag-supladuhan/pag-supladahan ng ilang mga kababayang steward at stewardess para mas mapag-silbihan ang mga dahuyang katabi mo sa economy class section.
  • Bayani ka dahil pagbaba ng eroplanong ‘yong sinasakyan, sisigawan ka ng ‘yong kababayang nagtatrabaho sa immigration habang malumanay at buong ngiting pinagsisilbihan ang mga kasabayan mong dayuhan.
  • Bayani ka dahil paglabas mo sa immigration, tutulungan ka ng nag-aagawan mong mga di kilalang kababayan habang halos ipagsigawan ang paghingi sa’yo ng tip na dolyar.
  • Bayani ka dahil pagbalik mo ng Pilipinas galing sa bansang iyong pinag-trabahuhan, kailangan mong mag-report sa OWWA at/o POEA at pumila ng buong maghapon at magbayad ng membership sa pagiging ganap mong isang maka-bagong bayani.
  • Bayani ka dahil kailangan mong umiba ng pila kumpara sa mga ordinaryong pasahero para patatakan ang ‘yong passport ng pagiging bagong bayani para singhalan ng mga tumatawag sa’yo nito dahil nakakagambala ka sa kanilang pakikipag-kwentuhan o kung anumang pinagkakaabalahan.

Si Salvacion (hindi tunay na pangalan) ay isang OFW. Iniwan nya ang kanyang anak sa pangangalaga ng kanyang mister upang kumita ng mas malaki para paghandaan ang kinabukasan ng kanyang anak. Sa minsanan nyang pag-uwi sa Pilipinas, abut-abot ang kanyang paghihinagpis dahil halos hindi sya kausapin ng kanyang anak sa kadahilanang hindi ito lumaki sa piling nya. Habang nasa ibang bansa, abut-abot din ang kanyang pag-aalala na lumaki ang kanyang anak na hindi sya kinikilalang magulang. Subalit lahat ng ito ay kanyang titiisin para mabigyan ng mas magandang bukas ang kanyang pamilya. Bayani nga ba si Salvacion?

Si Elmer (tunay na pangalan) ay binata ngunit may naiwang kasintahan sa Pilipinas. Maganda ang lugar na kanyang pinag-tatrabahuhan sa ibang bansa dahil malapit ito sa isang sikat na pook-pasyalan. Subalit sa kabila nito, mas pinipili nyang mamalagi sa loob ng kanyang tinitirhan dahil naiingit lamang sya sa mga mag-kasintahang naglalambingan sa liwasan. Mas pinipili nyang mapag-isa kaysa maghanap ng bago at pansamantalang katipan. Bayani nga ba si Elmer?

Si Armando (di tunay na pangalan) ay nagtyatyaga na lamang na kausap ang kanyang asawa’t anak sa internet kapag mga araw ng Pasko at Bagong Taon kung kailan, sa halos buong mundo, ang mga pamilya ay sama-samang nagkakasiyahan at nagsasalu-salo. Mas gugustuhin nya ang ganito kapalit ng di pagtatapos ng kanyang mga anak sa kolehiyo. Bayani nga ba si Armando?

Si Florencio (di tunay na pangalan) ay labis-labis ang pagkasabik sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Maraming kasamahang Pilipino si Flerencio pero sa halip na makisama ito sa kanilang pagpapakaligaya at pagkikipag-sayahan, mas pinipili ni Florencio na maiwang mag-isa sa kanayang silid dahil natatakot sya na sa kanyang pagsasaya ay makalimutan nya ang kanyang pamilya at ganito rin ang mga ito sa kanya. Bayani nga ba si Florencio?

Isa akong dating OFW na nagpasyang umuwi sa Pilipinas para mas makasama ang mga aking mga mahal sa buhay. Subalit sa kabila nito, hindi ko sinasabi hindi na ako muli pag aalis nang bansa para tugunan ang tawag ng kabayanihan para sa aking pamilya. Kung parangalan man ako bilang isang makabagong bayani ng bansa at gobyerno sa mga dolyar na muli kong ipapadala sa Pilipinas sa muli kong paglisan, wala akong pakialam. Ako’y isang sakim at ganid na OFW na walang ibang inisip kundi maitaguyod ang kinabukasan ng aking pamilya. Bonus nalang kung maisasalba ko din pala ang buong bayan.

Bilang dating OFW, bayani ang turing sa aking ng pamilya at bayan ko. Pinaninindigan ng pamilya ko ang turing nila sa akin bilang isang bayani, sana panindigan din ito ng gobyernong nagpasimula ng turing na ito.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12498 times by 2160 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a native of Nueva Ecija, lived most of his life in Manila but is currently staying with his wife and daughter in Tagaytay. If not busy looking after his family, he could either be found blogging, tweaking his blog or other people's blogs (their lives included) just so he could fund their next food trip or family outing. Pester him on his blogs Chronicles of Kotsengkuba and Adobong Starfish

33 Comments »

  • darbs says:

    bwahahaha! base!

  • I would like to congratulate Barrio Siete for its continuous increase in its Alexa Ranking. Congrats Reynz!

    • reynz says:

      thanks Tyrone! i think ang latest is that nasa 700+ na kami and continuing hahaha! baka lagpasan na namen ang grupo nyo hehehe!

  • reynz says:

    About 10% or more of the Philippine population is outside of the country and is working as OFW (Overseas Filipino Workers). Unfortunately, the number is a magnet to politicians dahil, pagdating sa botohan ang 10% na yan if you count the influence nung OFW’s sa pamilya and friends nya in the Philippines, magnetized masyado ang mga pulitiko which is why you see them swarming OFW’s for a lot of photo opps. Me nakita akong website by one pulitiko na puno nang litrato with OFW’s from all over the place. If you read about the problems of these OFW’s di mo makita ang pangalan nya.

  • Dinah says:

    hindi ko maimadyin ang sakripisyong ginagawa ng mga ofw natin dahil hindo ko din maimadyin na iwan ang aking mga anak. mapalad ako at hindi pa ako kinakailangang mangibang byan para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. at nakikiisa ako sa kanila na hindi mo dapat tawaran ang personal na sakripisyo nila para sa pamilya (at maski pa sabihing secondary na lang ang para sa bayan). hindi namam sila lalabas ng bansa kung may oportunidad dito ah.

  • N!ckph says:

    Minsan may taong masarap paliguan ng tsokolate at igapos malapit sa bahay ng mga lamgam. I left the country as an OFW not because of the title but because the gov’t cannot provide me a job. Mga bagong bayani (read: milking cow) sabi ng mga politiko, masarap pakinggan, pangpalubag loob ikanga pero hindi naman p’wedeng iulam. I don’t need to go out the country to become a hero, pukpukin ko lang sa ulo itong mga korap hanggang sa humiwalay sa kanilang katawan and i will become one. Lechee hindi ako hiyang sa white flower, i preferred tiger balm…

    FILIPINO AND DOGS ARE NOT ALLOWED IN THIS ELEVATOR

    How will you feel kung ito ang bubulaga sayo pagpunta mo sa ibang bansa ????

    • jeri says:

      Puputulin ko yung kable ng Elevator… o di kaya pasasabugin ko na lang para wag ng pakinabangan…

      Kahit saan bansa, hindi nawawala yung Discrimination para sa ating mga pinoy…

      I still remember when i was in KSA, meron akong dating boss na Bitoy, masyado nyang dinidiscriminate ang mga Pinoy, na parang Aso nga kung ituring.. minsan hindi ako nakapag-pigil medyo nagtaas na rin ako ng boses.. then, sinabihan ako ng ” I don’t want and I don’t like you here”. So, sinagot ko siya ng..” well, if you don’t like me then YOU resign from this company”…. bakit nga naman ako ang magre-resign, siya na naman pala ang may ayaw sa akin eh!

      • darbs says:

        Puputulin ko yung kable ng Elevator… o di kaya pasasabugin ko na lang para wag ng pakinabangan…

        Sa 2009 ang tawag nyan dito sa Amerika is “ACT OF TERRORISM”. Hatol nyan torture o di kaya firing squad.

        Sa Amerika noong kapanahunan may karatula hindi lang sa Elevator kundi sa entrance talaga ng movie houses, parks, delis, restaurant na

        “NO COLORED PEOPLE AND DOGS ALLOWED”

  • reynz says:

    @n!ckph,

    eto is first hand experience ko in Philadelphia. we were having lunch in a really nice restaurant sa Philadelphia with our external auditors taz yong visiting GM sa Midwest and the whole conversation shifted saken. at that time, i was just one lowly manager. natatawa ako dahil wala akong tao. eto yong kinu-kwento ko na mahirap maging manager, esp pag wala kang tao, dahil minsan tinatamad ako’t matigas ulo ko.

    anyway, during the lunch, chika and everything, expected kong ma-promote ako sa opis with all my major accomplishments, alam mo naman mga kano, ang hanap solid accomplishments, indi yong basta ba’t korenta anyos ka na sa opis hindi yun ubra sa kanila.

    etong VP, hudyo, biglang sumabad. sabi ba naman “Reynz, could not be promotoble because he does not even speak good english and he doesnt look like us!” yan na yan ang statement nung gagong un! tigil ang kain, tinginan kami. merong biglang nag-biro para kunyari di pansin. nag-pa-aalam ako sa table. di ko na-carry. eh bago pa lang ako sa amerika nun. balikwang balikwa pa ang english ko. yan ang dinanas ko nun sa unang opis ko.

    • N!ckph says:

      Mahal na reyna, English is good but we need cash… tama ba yon???

      • reynz says:

        tama yon! i was looking for this article about serving non-english speaking customers in California, di ko na makita hehehe

      • darbs says:

        English is good but we need cash… tama ba yon???

        Wrong!

        Kung nasa Amerika ka it is a FACT NA kung hindi ka makapag English paano ka makakita ng trabaho kahit waiter man lang?

        Kung hind ka maka pag English how can you pass an interview na kahit tagawalis sa PARK ang interview is in English?

        ENGLISH MEANS CASH!

        Kung may reklamo kayo then hello! We have ADULT BASIC EDUCATION or ENGLISH AS A SECOND LANGUAGE DITO para matuto ang bagong saltang immigrants na hindi marunong mag english. Tinutulungan ang di makapag English hindi NILALAIT.

    • darbs says:

      etong VP, hudyo, biglang sumabad. sabi ba naman “Reynz, could not be promotoble because he does not even speak good english and he doesnt look like us!”

      Malaking kaso na sana yan reynz kung ipaabot mo sa The U.S. Equal Employment Opportunity Commission

      Heto ung link: http://www.eeoc.gov/abouteeo/overview_practices.html

      • reynz says:

        eh kaso “at will employment” pa rin ang Pennsylvania at wala akong panahon at pera na igagasta sa kaso besides ang hirap i prove and job discrimination sa pennsylvania, in my mind, ok lang. iba na ang narating ko ngayon. yong company na yon, kung ano anong kamalasan ang inabot.

    • darbs says:

      yong VP na hudyo should know better.

      hello! minsan pag sobra sobra na ang power at FEELING POWERFUL, hindi na kasi sila maniniwala sa batas o naging maangmaangan sa batas maliban na lang kung aatakihin mo sila at ikaw pa ngayon ang anti-Semites.

  • Jeri says:

    Alam nyo naman siguro na ako isang OFW ng mahigit ng 16 years..
    Kung maituturing man na isa ako sa mga tinatawag na Bagong bayani, ako’y nagpapasalamat.. ngunit ako’y nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa para maitaguyod ko ang aking pamilya at mai-ahon sa kahirapan, dahil nga ipinanganak lamang ako na mahirap lang.
    Alam ko na isang pang-uuto lamang ng Gobyerno na tinawag na bagong bayani ang mga OFW.. Ako’y Tudo suporta at sang-ayon ako sa mga sinasabi ni KK.. Nagpapakahirap ang mga OFW, matinding sakripisyo sa bawat araw na inilalagi sa ibang bansa, matinding pangungulila sa mga mahal sa buhay..
    Napakabigat ang Bawat Hakbang ko sa airport sa tuwing ako’y umaalis, kung maari ay wag na lamang mangibang-bansa… ngunit kelangan…,Ano ang mapapala ko kung sa Pinas ako mag-trabaho?,matutumbasan ba ng mga kumpanya sa pinas ang kinikita ko sa abroad?…sinasabi ko lamang po ang aking saloobin at tunay na pakay kung bakit hanngang ngayon nawawalay pa rin sa aking pamilya.
    Ngunit ang mas mabigat sa lahat, bukod sa nababale wala ang mga Sarkipisypo na ito ng mga Kapwa ko OFW, nagawa pang inaalipusta, niyuyurakan,at kung ano-ano pang pang-uuto.
    Sa tuwing punta ko sa POEA para kumuha ng OEC, hindi ko masikmura ang trato nila sa mga kapwa ko OFW,..maging sa immigration, katakot takot na harang at tanong.. Bakit maiibigay ba nila ang pangangailan ko at ang aking pamilya, matutulungan ba nila ako sa aking mga pangarap..
    Kelan man hindi ko naramdaman na ako nga isang bagong bayani..

    Mabuti pa si Bayani Agbayani,.. kahit hindi sya OFW, Lagi siyang tinatawag na BAYANI.

  • jeri says:

    Eto ang isang linya ni Mike Avenue:
    Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA.

    Lintek! palagay ko isang Buang ang kolokoy na ito…hindi nya naiintindihan ang kanyang sinasabi….Bawat tao me kanya-kanyang pananaw sa buhay, kung papano mo i-mando ang iyong sarili.. kumbaga, ikaw rin ang driver sa sarili mong sasakyan..

    Sino ba ang higit na makakatulong sa iyong sarili?? hindi ba ang sarili mo rin?..

    Hindi makatuwiran ang kanyang pahayag na ang mga OFW ay humahalik sa paa ng mga amo…Naniniwala ko na kelan man walang OFW na humimod sa mga Paa ng pinagsisilbihan. napakatinding akusasyon naman ito.. baka pagnakita ko ang kolokoy na ito, baka ipahimod ko pa sa kanya ang Tumbong ko.

    Aba! pati mga Tsokolate na pasalubong ay pinagdidiskitahan……. Pasalubungan ko kaya ng “Granada” ang topak na ito pag uwi ko.

    Pinapalabas na Mukhang Pera ang mga OFW.!!! hindi nga nya lubos maunawaan na ang mga remitances ng mga OFW ang syang Nagsasalba sa Naghihingalong ekonomiya ng bansa..

    Pasensya na po mga kabaryo,.. Tumaas lamang ang highblood ko dahil sa lintek na mikekoliling na ito.

    litseng kutong-lupa na ito.

    • alex says:

      kuya jeri namumula ka na naman, konting lamig lang, ano tutubuhin ko na,

      siguro isa ito sa mga taong ‘di pinalad “mag abroad”, baka ‘di kinaya ng “credentials”, kaya tinitira ang mga taong nakalabas ng bansa.

      • jeri says:

        Alex nandyan ka pala,… musta yung Birds flu mo? he he he..
        Ipaubaya mo na sa akin ito kapatid, wag mo ng ilagay ang batas sa iyong mga kamay… ireserba mo na lang yan.. kinakalyo na yan.

  • Kotsengkuba says:

    Si Mike Avenue kase e ipinanganak naman yata na mayaman. Kung nagkataon ipinanganak akong mas mayaman sa kanya, bata hindi lang mukhang pera ang itawag ko sa mga OFW.

    Marahil naiintindihan ko sya kung bakit nya nasabi ‘yung mga ‘yon kase that’s how he see things on his perspective. Pangit naman kase tingnan ang pagiging OFW kung hindi ikaw mismo ang isang OFW. Kase if you’re not, hindi mo maiintidihan ang reasons kung bakit may mga kailangan umalis nang bansa at iwanan ang mga anak at pamilya sa kalinga ng iba dahil di ka naman nalagay sa point na kinailangan mo ring umalis ng bansa kase hindi ka naman nagutom.

    • Kotsengkuba says:

      Ngayon, kung si Mike Avenue pala e isa lang namang patay-gutom blogger o umangat mula sa pagiging patay-gutom blogger, e hindi ko na alam kung anong mga pinagsasasabi nya.

      • alex says:

        pwede nga po ‘di siya nakapag abroad, so nag blogging nalang, ganda ng topic nya bigla tumaas ang rating ng blogsite nya… so may kita sya… heheh

        peace!!!

        ps: nueva ecija po pala kayo?

  • kiko says:

    Malamang itong mike avenue na ito naloko ng recruiter nung nag-aaply papuntang abroad kaya tinitira ofw. Apply ka na lang ulit, maraming opening ngayon. Hehehe!

  • jeri says:

    Siguro, Itong si “Mikekoliling” ay isa ring Bulag.. bulag sa katotohanang hindi nya nakikita na napakarami ang mga unemployed professionals sa ating bansa, dahil din sa kawalan ng maayos na trabaho na maibigay sa mga manggagawang pinoy, lalo na yung mga bagong Gradute at newly board passers. sayang naman ang pinag-hirapan mo sa eskwelahan kung magiging kobrador ka lang sa huweteng.
    Isa lamang yan sa hindi nakikita ni “Mikekoliling”…
    Kung may mga magagandang job opportunities sa ibang bansa, bakit hindi i-grab di ba? lalo na kung maayos naman yung kumpanya, na papasukan lalo na pag maayos din ang sueldo.

    Imbes na mga OFW ang kanyang pagdiskitahan, dapat yung mga opisyales sa gobyerno na walang ibang ginawa kundi mangurakot ng mangurakot, na tila isang dambuhalang buwaya na walang kabusugan… kung maayos ang systema ng Gobyerno para sa mga manggawgawang Pinoy, matagal na sanang umunlad ang bansang pilipinas… Alalanin dapat ni Mikekoliling na pinakamalaking bahagi ang nai-aambag ng mga “remitance” ng mga OFW ang siyang nagsasalba sa naghihingalong Ekonomiya ng bansa….
    Baka ipa-spelling mo ke Mikekoliling ang Remitance ang isasagot ay “kapital LBC”.
    Isa lamang ang tumugma sa kanyang sinabi.. Ang ibang OFW daw ay mahilig sa “Piso Tamang Barko”….. Kung hindi ba naman Buang talaga itong si mike, pupusta ka ba naman sa “Piso-Tamang Palito?”.

    Ito ang masasabi ko ke Mikekoliling….”HIndi kita tatantanan”.

  • jeri says:

    Mabuti at meron isang Kapwa OFW na nag react at sumagot sa kanyang Blog..
    napaganda nga naman ang sagot ni Bizjoker of the Philippines;

    (Reaksyon ni Bizjoker) : Ito ba ay freedom of expression pa?

    Hindi po kami humihimod ng paa ng mga banyagang amo, bagkus kaming mga OFWs ang inaasahan nila ng kanilang buhay, kalusugan, teknolohiya, pagtatayo ng bahay, gusali, tulay, entertainment, at mga paglalakbay sa dagat o sa himpapawid. Kung anuman ang dahilan ng aming pag-alis yun ay hindi dahil sa white flower.

    Ito ay marangal at malinis na gawain.

    • darbs says:

      OFW ang Bagong Bayani ng Bayan

      Ano kaya kung i-accept na lang natin na kunswelo de bobo na lang yan para ma justify ng mga kinauukulan na ang pangibang bansa ay syang Sagot ng Kahirapan…

  • jeri says:

    Gumawa ako ng blog ko bilang sagot ko sa kanyang patutsada sa mga OFW.. you can click my name then you can my answers to him.

  • jeri says:

    Gumawa ako ng blog ko bilang sagot ko sa kanyang patutsada sa mga OFW.. you can click my name then you can read my answers to him.

  • lee says:

    sigh, oo bayani ako— bayani ako sa pamilya ko kasi nagsasakripisyo ako malayo sa kanila para lang maayos ang buhay nila— diba ang bayani binabaril— ngayon ang makabagong bayani binabastos lalo na sa POEA kaya ako twing lalabas ng bansa ayoko ng mag POEA sumasakit lang ang loob ko.
    maswerte pa nga ako kumpara dun sa iba nating mga kababayang OFW kasi kahit naman pano diko naranasang api-apihin at madiskrimineyt ng mga locals,siguro dahil na rin sa todong suporta ng company at power na ipinagkaloob sakin.
    diko masyadong nararanasan yung nababastos kasi di ako naglalalabas masyado bukod nalang kung magsa shopping pero not in a crowded places,sana nga lang pangatawanan naman ng gobyerno yung sinabi nilang makabagong bayani ang mga OFW di puro dada lang

  • auee says:

    Hey kababayan ko pala ang Kotseng Kuba, not only by “name” :-D

    Di ko alam tong (non-)issue na ito a. I agree with you, being an OFW talagang you chose yourself & family first. It so happens na walang ginawang mabuti gobyerno kaya OFW remittances ang nagb-bouy nang economy natin.

    I think I remember blogging about this fact when there was this call to boycott the remittances last year or two years ago…

  • mannyg says:

    ofw din po ako. pero sa totoo lang, wala akong nakikitang masama sa tinuran ni mr. mike avenue. medyo hindi lang maganda ang choice of words, pero pakiramdam ko naman, ginamit lang nya yon to drive a certain point. syempre, may kanya kanya tayong rason kung bkit tayo nangingibang bayan. at dapat lang na irespeto ninuman kung anuman ang ating mga dahilan. marahil, don sya nagkulang. pero minsan lang talaga, ano nga ang tawag don….truth hurts!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.