piso-piso para sa betamax sa barrio
Nabanggit ni Silver ang betamax sa barrio…naalala ko tuloy ang buhay namin noon dito sa barrio nung ako ay nasa elementary at high school pa. Hindi pa uso ang TV noon, ang player ay betamax. Ang meron lang TV at betamax ay yung mga bahay na ang asawa ay seaman o kaya nagtatrabaho sa Saudi.
A few blocks away sa bahay namin yung neighbor na ang asawa ay seaman. Gabi-gabi kahit school night, may palabas sa bahay nila. Renta sila ng betamax tape sa bayan, then ipapalabas yun sa bahay nila. Ang singil sa bawat manonood ay piso. Mula bata hanggang matanda, pupunta at manonood. Syempre ang palabas eh puro tagalog. Bihira lang ang english movie. Mga pelikula nina FPJ, Sharon at iba pa. Luma mang pelikula o bago ang palabas doon.
I remember, fully packed ang bahay ng may palabas. Pag merong umutot na bata, eh mahihilo ang lahat. Isama mo pa ang mga amoy-araw na ulo ng mga batang nanunood. Sari-saring amoy. Pero tyaga ka lang. Eh sa halagang piso, wag kang mag-expect ng aircon ano! So, tyaga kami sa maliit na TV at walang electric fan. Mainit talaga.
Nung tumagal, umasenso na yata yung may-ari ng betamax. Nagpatayo ng kamalig sa tabi ng bahay. Doon na ang ‘sinehan’. Malaki na ang TV at meron nang isang electric fan sa harap. Ang mga upuan ay mga kahoy na bench…parang simbahan nakahilera ang mga ito. Pag simula na ang palabas eh papatayin na ang ilaw. Galit ako sa mga maingay. Kung manonood eh mag-si-tahimik! Syempre dahil maraming bata, talagang maingay. Kaya dapat mauna kang dumating doon para sa unahan ka.
Lumipas ang maraming taon…maraming bahay na ang may TV. Nasasagap na bahagya ang ABS-CBN. Pero malabo yan sa ordinary antenna. Pero tyaga ang mga tao. Dumami na kasi ang seaman, ang OFW at mga nagta-trabaho sa Maynila. Ang naiwan na lang sa barrio ay ang mga bata at matatanda. Nawala sa uso ang betamax. VHS naman. Nawala sa uso ang VHS. CD-players naman. Ngayon DVD players na. Wala nang nagbabayad ng piso-piso. Lahat may TV at CD-players na. Nalugi na rin ang dalawang sinehan sa bayan. Nagsara na. Sa buong Sorsogon, sa pagkaka-alam ko eh wala kahit isang sinehan. Ewan ko kung bakit tinawag na city ito. But that is a different story…
So I guess umunlad na sa barrio. Wala nang nagti-tsismisan sa mga pondahan. Kung meron man, konti na lang. Lahat ay naka-tunganga na sa kanya kanyang TV. May sattelite TV na rin, kaya malinaw na ang signal. Lahat ng tao may cellphone. Kahit yung mga magsasaka at mga tricyle drivers. Kapitabahay ko, i-t-txt ko pa. Tamad na kami lumabas. Nabawasan din ang tambay. Pero sa gabi marami pa ring umiinom ng lapad at bilog.
In a way, nakaka-miss din yung babayad ka ng piso para makapanood ng pelikula. Exciting yan para sa mga bata. Walang madali kasi noong araw. Eh ngayon ang mga bata, mataas na ang level para sumaya sila. Noon eh maglaro ka lang ng patintero sa labas, masaya ka na. Ngayon sangkatutak ang channels sa TV eh di pa sila kuntento. Magpapabili pa ng PSP! But then that is a different story too…
Bumalik tayo sa betamax. Pati ang mga show na That’s Entertainment ay nasa betamax tapes. At pati ang ibang shows ni Kuya Germs. Kasi nga walang TV noon dito. Kaya nung nakatira na ako sa dorm nung college, isa ako sa mga regulars ng TV room. Pag pumupunta ako sa Maynila para bumisita sa mga pinsan ko…ako yung tipong hating-gabi na eh nanonood pa ng TV. Ang sabi na lang nila, pagbigyan nyo na…walang TV sa probinsya. Ha ha ha!
Nagbayad pa ako ng piso noon para mapanood ko sa betamax ng kapitabahay yung interview/audition ni Lea Salonga para sa Miss Saigon. At saka yung TV special tungkol sa buhay in Ian Flemming (baka wrong spelling?) — yung author ng James Bond. Syempre hindi mawawala ang mga pelikula ni FPJ…at ni Lito Lapid!
Viewed 12247 times by 2086 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.














mam glo nung nasa dumaguete pa ako noon inabot ko pa yung betamax nagbabayad din kame dati makapanood lang ng robocop. haha. pero ngayon sideline naman iyan ng tita ko sa camarines norte naman pero cd na sila ngayon at 20 pesos na, sa ibaba kasi ng bundok ang pwesto nila kaya walang sine pa at talagang nasa liblib kaya 20 pesos daw
hindi ko sasabihing inabot ko ang betamax at baka mabulgar na hindi ako 17. lol
yung pinsan ko dati nagtatrabaho sa isang video rental kaya yung new releases na videos on betamax napapanuod agad namin. yun nga lang, mataray yung kapatid nya, tinataon ang pagmamaldita kapag nandun kami sa bahay nila at nakikipanuod. bruha kasi. hahaha
Ang natatandaan ko noon, may TV ang lola ko na black and white tapos dial ang pihitan. Tapos pag sira, nakikipanood kami ng analisa sa kapitbahay pero wala naman bayad. Yong isa ko namang lola, may cabinet ang TV – amaze ako doon kasi yong sa isa kong lola walang cabinet. Noong napunta sa Saudi ang papa ko, naging 21 inch TV namin tapos colored na at may remote control. Siyempre may kasamang betamax. I’m one of those people na naka-experience ng katas ng Saudi nong 80s – colored TV, betamax, stereo at kung anu-ano pa.
Alam mo Glo, I have nevah evah been to Sorsogon since the 80′s! Yong nag-stay sa Sorsogon overnite bah! Hahahaha! I did not even know na city na pala sya. Nalaman ko lang ki Sonia, kasama sa Cocofed from Bacon who said, wala na yong town nang Bacon. Akala ko natunaw! hahaha!
Bumalik ako in Sorsogon for a few hours kasi nag-stop lang to see cousin who owned Botica Paras (familiar ka ‘day?) hahaha kasi nga nung nabalitaan namen na nasunog and we happen to be in Legazpi then umuwi.
Medyo nag-emote ako reading your entry hehehe nina-nam-nam ko and trying to picture out Sorsogon, i remember me sinehan na sosyal dyan sa kanto nang Magsaysay where Mercury Drug used to be as I recall
wala akong nakikitang botica paras sa balogo. ang meron eh yung erl pharma. 2 sya sa balogo. then recently eh meron na silang branch sa sorsogon city.
yung sinehan dati eh yung jomil’s. malaking department store na sya ngayon. called Centro.
manay…umuwi ko dito. dami nang hotels!
Also, nga pala – tell me – di ko masyadong naintindihan yong story nang Bacon? Anong nangyari sa politics dun? Or was it politics ba’t sumama ang Bacon sa Sorsogon para maging City’s sake? Kasi just like what you said, tipo bang ok, medyo an layo yatang naging City ang Sorsogon hahah not na dina-down ko ang lugar ko noh?
I can relate dyan sa betamaks na yan. Sa barrio namen, we have a couple of seaman and they were the super bida sa barrio siempre pag uwi daming boombox na bitbit and all these betamaks and they were the first na gumanda ang bahay and everything kaya naging sort of role model sa barrio
Anyway, really nice story glo! love it!
i guess for the sake of cityhood kaya naging district na lang of sorsogon city ang bacon. mala-district of columbia ba ang dating? hehehe. well…yung mayor ng bacon dati eh sya nang mayor ng sorsogon.
black & white po ba yung tv? kase ang inabutan ko B&W pa, pero nakakasagap naman na ng 2 at 9 yata yun…
pero naabutan ko din po yung sine sa plaza… yung truck/van cya na bumubukas yung gilid tapos nandun ang tilon… kasama nito yung milo, ovaltine, mga zesto na libre(patikim ba) habang si congressman namin may paultry kaya ayun may papamigay na nilagang itlog…
ang palabas na naalala ko si Lito Lapid…
memorable scene: isa nalang ang bala nya, dalawa pa ang kalaban, so nilabas ang kutsilyo, tinapat sa butas na baril, pagputok ayun, nahati ang bala at tinamaan yung dalawang kalaban!!!
ikaw naman alex! eh nung panahon ng betamax dito eh colored na ang mga TV.
but of course inabutan ko yang black ang white. yung may sara pa. ang case nya eh kahoy. eto nung maliit pa ako at sa manila kami nakatira.
weeee….
betamax!! bring back the memories ng knots landing! hahahaha…
I remember that knots landing! favorite yan ng mga teacher ko nung elementary days…hmmm, samahan din daw ng tv series na Dallas. ^_^
at ang peborit kong mc gyver hahaha
@snow
lola ko ang daming knots landing na betamax tapes… nagrerent din kami ng ibat ibang betamax tapes noong unang panahon sa barrio namin.
weee! sharon din ang pinapanood ko noon! hahaha.
ngayon hi-tech na. ang anak ko nakasubsob na ang mukha sa tv. kung hindi sa tv, eh sa isang website na merong mga tv series na “now showing”.
dati dati sa probinsya namin 1 week delayed ang mga tv shows! hahahaha
ask ko lang po may alam ba kau na meron pa betamax kaya nya i copy ang betamax tapes ko sa cd…. may mga betamax tapes kasi ako lyk kasal ng father at mother ko na lyk ko pa transfer sa cd…ty