Play Online Games in Moderation

Unang beses akong nakahawak ng joystick (tawag sa controller ng video games noon, baka kasi anong stick ang isipin nyo) ng Atari nung ako’y apat na taong gulang. Sa aking murang isipan, tuwang tuwa na akong makakita ng isang bilog na kulay dilaw na kumakain ng mas maliliit pang bilog. Doon na ako nahilig sa video games.
Dahil nga’t nahilig na ako sa mga video games, sinubukan kong mag apply sa DigiPen Institute of Technology sa America bago ako magtapos ng high school. Ito yung paaralan na sikat noon na pinupuntahan ng mga taong gustong matutong gumawa ng mga video games. Nakapasa naman ako sa pagsusulit na binigay ng DigiPen ngunit may isang maliit na problema. Hindi pala ako pwedeng mag-enrol dahil noong panahon kasing iyon, hindi pa sila tumatanggap ng mga estudyante galing ibang bansa.
Kaya ayun, umuwi nalang akong luhaan at sinabi sa sarili ko, makakagawa din ako ng video game balang araw. Kaso hindi video game ang nagawa ko, website tungkol sa video games. Pwede na din, tutal andun pa din yung salitang “video games”. Hahaha! Huwag ka na umangal Reesie.

Kelan lang ay nagbigay ng mensahe si AKBAYAN Party-List Rep. Risa Hontiveros-Baraquel sa mga estudyante ng University of the Philippines Cebu College ukol sa paglalaro ng online games. Naisulat ito ng Hackenslash at medyo madaming nagalit kay Baraquel. Sinasabi ng iba na dahil sa video games, doon sila na inspire maging Computer Scientist o kung ano pa man.
“DOTA, or any role-playing game for that matter, may be fun, but it won’t be able to teach you the skills you need for your first job, or for higher education.
You may protest and extol the virtues of being Mogul the Axe for five hours, but unless you are in the brink of developing gaming software and needs the game to test your theories, then play DOTA or any RPG in moderation”
Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na ako’y natutuwa sa ating mga pulitiko. Tama si Baraquel na dapat lang talagang in moderation ang paglalaro ng mga video games at wala kang mapapala at makukuhang skills na magagamit mo sa iyong unang trabaho.
Ang nakakatawa, ang intindi ng mga nagagalit kay Baraquel na mga mahilig maglaro ng online games ay huwag na daw maglaro ng DOTA at magsports nalang. Ang layo ng intindi nila diba? ANG LAAAYOO!
Hindi na siguro kailangan ng PhD para makita nyo ang isa sa mga perpektong ehemplo ng epekto ng online games sa ating kabataan…. *turo sa taas*
Masyado na ngayong madaming kabataan ang nahihilig sa online games at tuluyan nang napapabayaan ang kanilang pag-aaral. Pakiramdam kasi nila, madami silang nakukuhang experience sa paglalaro ng mga ito at naiinspire pa kuno na gumawa ng sarili nilang video game. Ngunit dapat tayong mamulat sa katotohanan, halos lahat sa kanila ay pipiliing maglaro ng DOTA o kaya Ragnarok imbes na mag-aral o kaya gumawa ng kanilang mga takdang aralin.
Noong kabataan ko, ni minsan, hindi ako naglaro ng computer kapag may pasok. Oo mahilig ako sa video games at alam ko halos lahat ng mga sikreto ng mga sikat na laro noon pero natuto kong kontrolin ang aking sarili. Marahil na din sa gabay ng aking mga magulang, tuwing Sabado at Linggo lang ako naglalaro. Nakakabit ang aking Nintendo at SEGA sa TV, pwede akong maglaro kahit kelan ko naiisin. Pero mas pinili ko talagang mag-aral.
Sa mga nagagalit kay Baraquel, paki-untog nga yung mga ulo nyo sa pader. Yung malakas ha? Gayahin nyo yung ginagawa ni Mario kapag sinusuntok nya yung mga blocks pag kumukuha sya ng mushroom. Malay nyo makakuha talaga kayo ng mushroom para naman lumaki din yung utak nyo.
Walang mali sa sinabi ni Baraquel, WALA. Dahil kung meron, hindi ako ang co-founder ng GameOPS at malamang ay hindi ko natapos ang aking pag-aaral.
Viewed 7550 times by 769 viewers
jepoy is the blogger behind Captain's Log and one of the founders of GameOPS - the Philippines' first website dedicated to video games. He is currently one of the site administrators of myGlobe and operates an online store with his girlfriend, Lalaine.
He hates n00bs but loves newbies, has an eidetic memory, loves Star Trek, and strongly dislikes liars like this one writer at FV.
You can follow his updates at Twitter or Plurk.













Self moderation is the best for a gamer. I used to be a freak for counterstrike and just consider gaming as something that can wait for you…
Kaya ako, wait lang… sa Diablo 3… habang nag-iipon ng pang assemble ng pc.
Ngak! Diablo 3! Ang taas ng specs nun John ah…
Baka yung PC ko e masunog pag yun ang tumakbo dun…LOL
Counterstrike freak din ako nung college. Ako naman e nababalanse ko ang studies at games. Hanggang ngayon e naglalaro pa ako ng CS, lalo pag mainit ang ulo ko. Hahahha..
i know there is this rule in manila (or in the provinces??) that your internet cafe must be x number of meters away from school or sum’tin right? kids would stay talaga sa internet cafe for hours, i should know, yong pangkin ko paos na boses ko inaabot nang alas dos playing war craft sum’tin right? hahaha!~ i’m sure this is such a challenge to parents who have kids na di mo mapigil esp pag me pc ka na sa bahay right.
Yep Reyz, that indeed correct! I remember not long ago when my bf (now husband) and I planned to setup a computer rental near a school in pasig. naku hindi pumayag ang city hall kasi daw baka magkaroon kami ng counterstrike games.
but its the same thing though, me PC ka sa bahay, taz bili naman sila nung mga Warcraft sumtin sumtin! leche! yong pankin ko di na lumabas nang kwarto nya! hahaha! ganun din!
nako hindi totoong kailangan ilang metro layo ng shop sa school… sa UST palang ang daming gaming shops na nakapaligid
Naku po! Kaya sabi ko sa nanay ko wag masyado mag DOTA. Inuubos lang nya allowance nya sa kakalaro. Ang hirap mag work dito tate tapos DOTA pa sya ng DOTA. And hirap lang pag binawalan ko mag DOTA eh disco naman inaatupag. Hayyy hirap talga pag anak na may responsibilidad
Ba’t na honorobale mention ako dine? Tama ka, aangal ako! Bwehehe
I used to play Diablo and counterstrike way back high school pero hindi naman ako naadik..iba talaga siguro pag babae ka.. I have PS3 but I don’t use it to play games anymore, gamit lang ang blue ray.
yong counterstrike ba is different sa warcraft?
opo, yung warcraft naguguluhan ako dun eh…yung counterstrike parang airsoft in pc game!
sa counterstrike nauso yung term na ‘fire in the hole!’
naglalaro ako nun before. ^_^
yup tama si snow. magka-iba counterstrike at warcrap
hindi ako naadik sa mga PC games kahit kelan.
Naglalaro din ako ng Warcraft pero hindi yung DOTA…yung RTS ang nilalaro ko kasi mas nachachallenge ako sa RTS.
Peborit ko ang humans at orcs…hahhaha..
aba hoy kung hindi mo ginagamit PS3 mo eh ibigay mo nalang sa akin… sakto yan lalabas na Ghostbusters!
nung araw isa lang ang dahilan kaya ako nagalit kay lolo macoy kasi ipinagbawal nya ang voltesV and alikes pero ngayon ko narealize na tama sya akalain ko bang datating ang araw na magiging super duper hi-tech ang mga games, nung araw hihingi lang ako ng piso sa mader ko pambili ng lastiko at text cards e panlalakihan nako ng mata e ngayon aatakihin ako sa puso twing hihingi yung anak ko o magpapabili ng laruan libo libo halaga ( haaaay—blag—hinimatay)
VOLTES V?! hahahaha!
aba! ka-batch kita?!
gusto ko ring magwelga nuon, kasi biglang tinanggal ang voltes v
pati mga videogames pinatanggal din
ang dami pa naman naming naipon na washer, este tig-pi-piso nun!
@lee hahahaha!!! yari!
natawa ka dyan John alam ko bata kapa kasi dimo inabot yung inabot naming sama ng loob kabisado ko pa hanggang ngayon yung theme song ng voltesV hapon and tagalog version whahaha
i miss d family computer… fun times… fav game ko noon is contra…
aba! inabutan mo rin ang atari!
hindi ko gets ang computer games kaya kahit minsan eh hindi ako nalulong dyan. dito sa bayan namin eh bawal magpa-pasok ng students sa mga internet shops during school hours.
eh pagdating ng lunchtime, andun lahat ng students. merong mga bata dito, hindi na pumapasok sa school kakalaro ng games na yan sa mga shops. ang baon nila doon naubos. dapat kasi disiplina, kaso ang mga teeners walang self-control.
pag bakasyon, ka-kumpetensya ko ang mga kapatid ko sa PC kasi puro games ang ginawa nila. pati ang anak ko, nahahawa. eh marunong na mag counter-strike. ok lang kung walang pasok. kaso ayan, puro pagpupuyat ang ginagawa nila. may time inalis ko lahat ng games sa computer namin.
sigh, lahat nalang yata naaadik na games e ang mader ko pag naupo sa PC dina kami makasingit at super adik sa dx ball sira palagi ang mouse ang anak ko adik din sa games ragnarok ewan wala akong alam dun, yung sister ko adik sa pc kakanood ng mga food recepie at ako naman— wala wala akong kamalay malay walang wala at di ako adik sa pagbabasa ng blog(teka humahaba yata ilong ko)
Sa akin e hindi lang sa mga estudyante at computer shops ang moderation. Dapat pati sa magulang. Minomoderate nila. Ang dami kong nakikitang mga bata, 10 years old pababa, naadik sa Grand Theft Auto. E rated R ang game na yun. Minsan nanenermon ako sa computer shop. May mga mayayabang pang naghahamon ng CS sa akin. Headshot ko nga dun. LOL. Hahahah….
Dapat dinidisiplina ng magulang yan. Hindi lang dapat computer shop or ang mga bata ang responsible dyan. Pati magulang din.
Pag may nakikitang paslit sa computer shop. Dapat tawagin ang magulang, sabay headshot! hahahaha!
Yun naman talaga ang bottomline John eh.
Ang tanong, trabaho ba ng computer shops ang magdisiplina sa mga bata? Nope. They are business establishments. One shop can ban kids but in the next kanto e merong nag-aallow – so dun naman tatakbo ang mga bata.
Nasa magulang pa rin talaga ang pagdisiplina because its their responsibility. Kahit anong sermon ang gawin mo sa mga bata, hindi makikinig ang mga yan. Ang sasabihin pa nyan sa iyo e magulang ka ba namen?
Kaya nasabi ko na magulang pa rin ang mga role sa isyung ito. Mas malakas makapag-reinforce ang mga magulang.
Jepoy,
Tama ka. Too much of a good thing is also bad. Moderation is the way. Hehehe…
One time, laro tayo ng Counterstrike…bwahahahah…
nakow nakakaadik ang pag video game, noong unang lumabas ang xbox, namatay yung guinea pig namin, nalimutan naming mag-asawang pakainin dahil 48 hours na kami sa xbox. wahh.