Home » Buhay sa Barrio Siete

PNR: Pupugak-pugak Na Railways

18 September 2009 38 Comments

I love Bicol.

Uragon ako eh!

But I hate the fact na we are still one the poorest of all the puritas in the world.

Hanggang fantasy lang kami. Like the Bicol International Airport na pantasya lang sya up to today.

Pero di ko mapigilan ang uber excitement reading developments in Bicol, kahit na second hand. Opo. Second hand po ang engine na ginamet sa newest but refurbished PNR trains which had its test run from Tagkawayan town in Quezon province to Naga City in Camarines Sur on Wednesday.

That’s PNR ladies and gentlemen. Pupugak-pugak Na Tren (Railways).

pic-09180708560228

Nakakatawa. An sabi, “the spirit was willing, but the diesel-fed old engines were not.” Hahaha! Ano ba!!!

But hey! Yan ang spirit of trying, di ba? Try and try until sumablay. At sa kaka-try, umalis sya nang Tagkawayan station at about 5 a.m., pumugak-pugak for 80 kilometers to Naga, and arrived in the city at 10 a.m., an hour late, to the cheers of a welcoming crowd. O, wagi, di ba?

Eto ngayon ang drama. Di-deretso nga kasi nang Ligao, Albay yang tren. Eto daw po ang nangyari:

Before it could leave the city for Ligao, its second-hand engines gave in and were sent to the shop for repair. “The engines are old so they shut down,” said locomotive operator Romeo Caucil in explaining to the Inquirer the cause of engine failure.

Yong mga makina pala nito were bought in Singapore in 1987 and would easily overheat. Kaya, instead of a Ligao run, the PNR management decided to send the commuter train after repair for another test run to Tagkawayan and bring along Peñafrancia devotees for Thursday’s inaugural run.

At 5:54 p.m. on Wednesday, the train left Naga and chugged laboriously across rice fields until it approached a rail bridge in Sampaloc, Pamplona, Camarines Sur. Its engines overheated and stopped, 20 kilometers north of the city.

Leche! Sablay na naman! Ba’t di kasi tumawag sa radyo na itulak na lang! Hahaha!

And check this out:

Andal said the rehabilitation of the PNR lines had solely depended on available government funds from the Office of the President and support from Rep. Diosdado Ignacio “Dato” Arroyo, President Gloria Macapagal-Arroyo’s son.

Hmmmmnnn….

Source including the picture: Bicol train chugs to a halt

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10993 times by 2818 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

38 Comments »

  • annie says:

    hahahaha…..ano ang ibig sabihin nyan? napunta muna sa bulsa ng anak ni Arroyo? minsan nakakatawa na lang ang mga pandurugas na ginagawa nila?

  • Rob says:

    Susmiyo naman! Tren na lang pinagtripan pa nila. Mga damuho talaga mga yan!

    Reynz, may linya din ang PNR sa Sto Tomas and yun sinasakyan namin ng nanay ko pag namimili kami sa Divisoria. Tutuban kasi landing nun ehh.

    • reynz says:

      mas maganda ata ang tren dyan sa lugar nyo. samen sa Bikol kelangan pang itulak hehehe

      • Rob says:

        Ay hindi Reynz. Huminto na rin kami sa gitna ng bukid at narinig namin ang nakakilabot na announcement..

        “Ok people, push the train..”

        • reynz says:

          hahaha! hindi lang yon noh! i experienced yong PNR from Legazpi to Manila nong panahon ni Magellan, oras na dumarating kami sa lugar ni bluep, me announcement: “pakisara na po nang mga bintana!” anak nang leche! me mga ano kasing “lumilipad” hahaha basta! di mo magusgustuhan!

          • gentle reader says:

            may nabasa ako sign sa tabi ng riles somewhere in manila natawa na lang ako “Pakiusap: bawal ang maghagis ng binalot na t**!” ewww!

          • reynz says:

            hahaha! gentle reader, yan ang parusa sameng mga bikolano once na sumakay kami nang tren nun! kaya after that, nagdusa naman kami sa south road na ang kalahati earth, ang kalahati moon. ayuff na pagdurusa namen talaga oo!

  • Chi says:

    hmpt! sigurado kinurakot nanaman! hehehe.reynz, tiis na lang muna sa de tulak na tren. LOL. matawag nga si thomas, baka available sya. LOL

    • reynz says:

      sino si thomas? me agimat ba sya? kelangan nang powers ni darna sa bikol na itulak ang tren na to hahaha maawa naman sila sa mga kabarrio koooo!!!

      • Monique says:

        yang thomas ba na yan yung si thomas the train chi? hihihi.

        ateng, yang si thomas kilala din ng junakis ko, bida yan na character sa mga bulinggit. hihhihih. baka pwede nga siya ang tawagin.

        • reynz says:

          naka! otsenta anyos na talaga ako! wa ako knowing kung sino yang tomasito na yan! hehee

          • Snow says:

            Ay oo matawag nga si Thomas & Friends para tagatulak. Reynz si Thomas ay isang nagsasalitang tren na taga-England…hehehe…

            Chi at Monique favorite din yan ng anakis ko – in fact, nauubos ang sahod ni Mommy Snow at Daddy Snow kapag dinadala kami ng anakis ko sa Toy Kingdom. Ay sus, kamahal…hahaha.. ;)

  • Monique says:

    hahaha. di ko alam kung tatatwa ako o iiyak sa nababasa ko.

    pati ba naman yan pinagkakait pa ng gobyerno sa mga tao!? anak ng!

    kahapon lang kasi nakasakay ako sa isang pers class metro dito sa barrio dxb. susmarya! ang gara. how i wish…
    naisip ko lang kung ganyan ang nangyari dito. maglalakad ka sa 44C (approx 112F) under the freakin’ desert sun.

    haaay… when will this type of Metro appear in my beloved motherland?

    • reynz says:

      ei! wa biro, maganda na rin sa manila yong mrt, lrt, qrt, brt, ewan. basta puro sila ma-a-RT hahaha ang problema talagang mapipiga ka sa dami nang tao. sus dyusko! nag-try akong sumakay nun from ayala to SM north to meet salve duplito of inquirer, litsi, tabingi ang itsura ko pagbaba ko hehehe

      • Monique says:

        yes, actually nakasakay na rin ako sa mrt and yung lrt-2 yata yun, maganda naman. kung icocompare mo kaybe pareho lang sila eh. yun lang nga bago lang itong sa kanila ateng.

        Ang istasyon mare, yun ang pansinin mo… litsi! may chandelier!
        oo nga pala, wag ka lang masyadong huminga ha, tulad kasi sa mga bus dito, yung commuters eh wala sa kanila yung paliligo at pagpapalit ng damit araw araw! hahaha…

    • gentle reader says:

      gara nga ng bagong dubai metro, so convinient kumpara sa lrt at mrt ng pinas kaya lng nasira ang class ng metro dahil sa mga “pana” pasahero na super lakas ng putok! ang tindi talaga…

  • Monique says:

    oo nga pala, dati, nung si erap pa ang pangulo ng ating republic there was this idea na maglalagay ng tren sa mindanao… hahaha…pano kung nasiraan in the middle of the magulong area dun sa amin sa south?! hahaha… baka di na pupugak pugak na Rail it’ll be Patay Na Rail…

    *shaking my head, sabay kamot ulo*

  • reynz says:

    Heto ang pictures nang bagong Dubai LRT:
    aws5t2

    For the rest of the pictures: head over to this link: http://www.skyscrapercity.com/showthread.php?p=42881514

  • Mel says:

    in fairness, test run pa lang naman ito para malaman na beforehand ang mga dapat ayusin at mapalitan na ang dapat mapalitan. hopeful pa rin ako na this will be running smoothly in the next few weeks (or months).

    let’s just cross our fingers. and legs na rin. hehehe

    • reynz says:

      2nd hand pa rin sya mel and it will always make some tirik somewhere. kung ang plano is to be 1st world sa 2010, then hindi uubra ang 2nd hand engines sa 1st world strategy. hindi rin uubra yong news about funding na parang awa pa sya considering na nagtataasan ang mga net worth nang mga anak nya.

  • Ely says:

    Naawa naman ako sa Pilipinas…ang sarap layasan!

  • Snow says:

    Never pa ako nakasakay sa train natin. Natatakot ako kasi parang feeling ko hindi ako makakarating sa paroroonan.

  • Lani says:

    Namputsa naman talaga, oo at utang na loob na naman nating lahat iyan sa OP at sa congressman? Ang masabing may tren na ulit kahit pupugak pugak? Tiga tagkawayan ang tatay ko, at tiga sorsogon ang nanay ko, nung maliit pa ko, tren ang sinasakyan namin going to those two places. Pero sobrang tagal na nun. And in fernes, nakakarating naman kami sa dapat puntahan, at di naranasang matirik ang tren..

    • reynz says:

      this is not consistent kasi sa programa ni gloria about making the country 1st world sa 2010 yon ang drama nya when trains running are 2nd hand engines 1987 pa sya considering na mass transit to nang mga puritas sa bikol sama nang aking mga kabarrio. this i don’t understand.

  • nina says:

    Kala ko may bago silang tren…yong nalubaklubak pa nga kasi nga lam mo na yong riles, naporkilo na…

    • reynz says:

      you mean, tinabas ang ibang riles at pinakilo?! haha di ba ang hirap lagariin nun? ang alam kong mga pinakilo are those rails sa overpass bridges sa manila. gaya nung nasa ortigas, litsi, hubad na hubad na kamo sya, siguro yon na yong mga singsing na binebenta sa St. francis square hehehe

  • promking says:

    nakakainis naman, infrastructure na nga lang, tinitipid pa.

    yan nga ang magpapaboom sa tourism ng bicol region, tapos, tinitipid pa nila.. sana naman wag ganyan.

    pangarap ko pa naman makapag Bicol Tour next year.

    gawin nila ng tama kasi..

    ido-donate ko na lang yung Tamiya engine ko.. madali pa paandarin.

    • reynz says:

      isa sa mga pangarap ko na gawin nang mga pulitiko sa rehiyon ko Promking is to build an expressway that will span from South Superhighway hanggang Matnog, Sorgogon. Ang problema, kurakot. Kaya to this day, nag-gagandahan ang mga highways sa Malaysia, Indonesia, Thailand at Singapore, samantalang ang Bicol Region which serves the rest nang mga travellers sa Mindanao eh wala. yang maharlikang lecheng highway na yan eh me mga kalabaw at traysikel pa sa gitna because everybody is depending on that piece of road.

      how could commerce flow freely kung ganun? kaya wag magtaka kung bat andaming puritas na mga kabarrio ko kahit na andaming magagandang lugar na madedevelop for tourism sa bayan namen

  • dencios says:

    kailan kaya magiging otomatic ang tren sa bicol tulad ng link sa baba,

    http://hisnameisdencios.wordpress.com/2009/09/19/141-dubai-metro/

    (sabay promote nyahahaha)

  • mumbaki says:

    dag-om baga ang life sa pinas it feels so annoying to live here especially with those with colonial mentality….

  • malensky says:

    it’s amazing what they’re doing sa camsur. bonggang bonggang tourism talaga. forenger galore! so i hope, matupad yang bicol international airport

    re PNR, mamatay na ang lahat ng kurakot!!!

  • [...] if there is a train service like this from Manila to my country, Republic of Bicol, instead of the Pupugak-pugak National Railways? The distance from Manila to Matnog, Sorsogon is ( i don’t know) 700 km? So at 350km per [...]

  • Brad says:

    I love how the breakdowns are blamed on old engines.
    What a cop out that is. Its due to lack of investment and maintenence.
    Locomotives twice as old work 50 times harder every single day.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.