Home » Buhay sa Barrio Siete, Kodak

Proyekto ni PGMA

23 June 2009 40 Comments

I just wasn’t able to take a picture along this road near my barrio siete that is under construction. There’s this big billboard saying “Proyekto ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo”. Including a big picture of her.  You know…like a Bench endorser. It’s just that she isn’t in her underwear. He he.

road - 2

Typical of any barrio siete right? Especially that the 2010 Election is looming ahead.

Sa totoo lang, wala namang diperensya ang road na yan. Nung March yata eh nagsimula silang mag-bakbak, patche-patche pa.

Wala namang isang kilometro pero hanggang ngayon hindi tapos.

road - 3

Marami nang traffic ang nangyari dito. May banggaan na rin. Merong tricyle na makulit, sumabit sa puwet ng dyip. Merong namang impatient na bus, bumangga sa dump truck na may kargang buhangin.

Then yung mga tao na merong hawak na red at green flags, for stop and go respectively…merong isang barangay ng bata sa likuran. May hawak na lata at humihingi ng barya sa lahat ng sasakyan na dumaan.  Ano yon, parang abuloy?

road- 5

Maganda sana ang view kung hindi panira ang road under construction. Look at the above picture, there’s this two guys carrying some kind of balde. Mainit na aspalto yun! Then behind them, may harang na naman, isang patche ng road binakbak ulit.

Ang tanong ko ngayon, kelan ba matatapos ang road under construction na yan? After 2010 Election?

Mainit na kasi sa mata eh.  ;)

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10226 times by 1482 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.

40 Comments »

  • lee says:

    juicekupuuuuuu asa pa tayo dyan kay manag glo,nakakainis,nakakagigil,nakakayamot,nakakakunsumi,nakakaburyong,nakakaburaot,nakakapraning,nakakaasar,nakakagigil,nakakabwiseeeeet ang gobyerno na to nakakasawa nah

    • lee says:

      hoy gaga, manahimik ka baka mamaya mas lalo pang demonyo ang pumalit (kunsensya po nya koh)

    • Silver says:

      Lee,

      May commercial na rin ba ng mala-safeguard na konsensya dito sa threads?

      LOL!

      • lee says:

        pare, madalas lumalabas nalang yan bigla kontrabida sa buhay ko yang litsi na yan e

      • Silver says:

        BWAHAHAHAHA….

        Confirmed na may safeguard commercial dito sa threads. hahahha.

        Teka lang, silip silip ka muna dahil baka andyan na ang amo mo sa tabi mo. Konsensya mo din daw siya. LOL!

      • lee says:

        bukas pa kami magkikita ng amuyong pare kaya bukas wala nanaman ako nyenyenye

      • Silver says:

        O tamang tama. Magtatagayan na naman tayo dito sa barrio. Hahaha.

        Ilabas mo na ang alak. Malapet na maluto ang ihaw ihaw natin. Malalagutan na ako ng hininga sa kakaihip. Hahaha.

      • lee says:

        pare, pag nandito ako at active kakasagot means wala akong raket (work) pag nawawala ako yun my trabaho– pag marami kong time dito means my nagtatrabaho para sakin nyahahaha shhhh kala nila bc lang ako di nila alam bc bchan lang

      • Silver says:

        Nyahahaha…

        Aaply ako sa iyo parekoy kahit tiga-timpla ng kape at tiga-lysol ng iyong opis. Hahaha..

      • lee says:

        nyahaha pare sabi nga ng boss ko pag ganito na di ako bc mag gym daw ako—
        eto panay panay gym ng daliri ko sa tiklado ng keybord nyahaha

      • Silver says:

        O di ba? At least nageexercise ka…

        Naeexercise ang mga daliri mo. Hehehe. Tapos analog na keyburd ang gamet mo. Hahahaha.

      • lee says:

        oo nga pre kelangan ko na ng bago yung hi-techie naman na keybord yung dina kelangan gamitan ng daliri—
        daliri naman sa paa e dina ko makapahaba ng kuko dito sa litsing keybord na to e sayang lang yung napanalunan kong libreng manicure for 6mos nakuha kong free dun sa butum-pakwan

      • Silver says:

        Litsi..di ako makamoveon sa katatawa sa comments mo pre. Hahahaha…

        Ikot pati pwet ko sa katatawa sa iyo. Hahahaha..

        So anong feeling ng nageexercise ng daliri sa paa? May health benefits ba?

      • lee says:

        meron pre, diba pag maputik sa pitak para dika madulas kapit pati daliri sa paa mo? medyo naka bukadkad para dika magtihaya

      • Silver says:

        Ayun oh! hahahahaha…

        Hayuufff ang sagot mo parekoy. Laglag ang panga ko sa katatawa! Hahahahaha…

        ROFL!

  • jeri says:

    Normal ng nakikita ang mga ganitong eksena nationwide pag malapit lang ang election, alam nyo na, papogi points ng mga pulitiko. last month nagbakasyon ako sa pinas, at ganitong-ganito ang nakikita ko sa aming lalawigan sa cagayan. (north luzon), ang nakaka buwisit d2 bakit kung kelan malapit ang eleksyon saka nila ginagamit yung limpak-limpak na “PORK BARREL” nila. sabay paskel pa ang mga “MACAPAL” na mukha sa billboard, ng kung sinong pulitiko diumano ang naka upo sa trono na nangangamoy dahil sa kapit tuko sa kanyang posisyon.

    • lee says:

      pareng Jeri, dina ko makagala sa site mo pre eh na blocked dito sa lugar ko ang blogspot kaya pati yung site ko diko na mapasok lol

    • Glo says:

      yes super papogi points ang ginagawa ng lahat ng polticians sa ganitong panahon. i was in dasma (Cavite) last month, ang scene along the road ay ganitong-ganito din. mas malala nga doon, dahil once matuyo na ang sement sa kalsada, bubuhusan nila ng aspalto! ;)

  • darbs says:

    Sabi pa, pag nandiyan ka sa Pilipinas sakyan mo na lang ung style nila. Dahil baka isang bala ka lang kung mag reklamo ka. Ganyan na ganyan yan noon pa man. Makikita mo lang ung mga garampingat at mga tariking politicians diyan sa atin pag nandito ka sa ibang bansa. You can see the difference.

    • lee says:

      @darbs, kaya nga pag satin lang ayoko di ako naglalalabas

      • darbs says:

        @lee, I agree. baka ganoon na rin siguro ako. may kasabihan pa noon na nag yayakyak lang daw ung iba ng kurapsyon dahil hindi nakatikim o maliit lang ang natikman sa perang ninakaw galing sa kaban ng bayan.

  • Silver says:

    Kaya nga sa election e matutulog na lang ako na nakatiwarik sa kisame.

    Hehehe.

  • Dinah says:

    utang na loob ano? pera na nga natin di pa tapusin ang serbisyo! grabedad talag ang kakapal ng muks!

  • mel beckham says:

    may ganyan din dito. abala sa byahe, mas lalong natrapik dahil pasukan na. kung sana ginawa nuong bakasyon pa. nakakalokah!

    at ang kapalmuks ng mga local officials. sadyang inilalagay ang mga litraks nila na sila ang may gawa ng project. pinapamukha ba nila na dapat magkaroon tayo ng utang na loob sa kanila dahil ginawan nila tayo ng proyeko! dammet!

    at ito pa ang mas nakakaloka. yung speaker na tongressman sa 1st dist. ng DC, ugali din maglagay ng litraks nya sa mga kalsadang projects. pero pati yung mga kalsadang matagal nang tapos at hindi pa sya ang tongressman nang ginawa ito ay inaangkin din nya.

    so kafal talaga ng fez. kaya madalas awayin yan ni mayor D eh.

  • reynz says:

    FEEL NA FEEL ko to Glo! at mas lalo kamo akong nag-iinit! hahaha!

    in my barrio, noong i was still there at ako eh sadlak sa putikan, ang {worst na mura sa mundo: insert here} meyor samen who was running for re-election eh nagpadala nang graba at aspalto sa buong baryo at bawat kanto makikita mong nakatambak.

    excited kami.

    finally, magiging 1st world na ang aming talahib highway.

    eh dahil kurakot ang [worst na mura sa mundo: insert here], natalo sa barrio.

    nung natalo ang [worst na mura sa mundo: insert here] – PINAHAKOT ULI YONG TINAMBAK SA BARRIO NAMEN!

    GLO – alam mo kung ano ang barrio ko! Go ka minsan! I swear! Kung anong aspalto nung panahon nang hapon? yon pa rin ang makikita mo! HMPT!

  • Monique says:

    Sa aming Barrio Siete, sa dakong timog ng mindanao kung san nanggaling ang ating butihing ispiker op da haws (kilala agad diba?), lahat ng proyekta niya ay may nakasulat na “from the initiative of….)” Mula sa kalsada, Basketbol court, paglalagay ng waiting shed, fire trucks, name it!

    Eh noon tumakbo siya ng Mayor sa amin at natalo si mr ispiker (ngayon), sabi ng kapatid ko sa mama ko, “mama, ngayon bang natalo na si ispiker eh babawiin niya lahat ng initiative niya?” (mamamatay ng tawa ang nanay ko).

  • darbs says:

    Ito ang tanong ko sa namamahala ng pilipinas, nagbabayad ba ng tax ang mga tao dyan?

    Saan ba galing ang perang ginastos ng mga proyekto ninyo?

    Dapat ang nakasulat sa mga billboard ng mga proyekto is “This project is from the FILIPINO PEOPLE’S TAXES!”

  • darbs says:

    Ano kaya isulat nalang nila sa billboard saying, This project is taken from the KINURAKOT NG MGA POLITISYAN MULA SA KABAN NG BAYAN!”

  • Mahalia says:

    Sabi ng puti kong asawa noong una syang dumating sa atin na parang combinasyon raw ng horror ride at roller coaster ang byaheng Quezon Province.

    Pinaupo ko kasi sa harapan ng dyip, ala-una ng madaling araw. May mga kalyeng walang poste ng ilaw at trysikad na walang safety light na lang ang bubulaga. At ang alikabok na babalot sa iyo ay make-up ng white lady. Minsan na sasalba ang mga slow moving vehicle at mga tao dahil di nakikita ng driber ang mga bako sa daan.

    Yun namang nasa liblib na ng bayan namin, ilang taon na yatang pinagawa yung daan pero isang kilometro lang, yung all the way raw ay nadala na nung Meyora sa pagka-casino sa Las Vegas.

    Mayron ngang isang mala-Bagiuo na road papunta sa inyo sa Bicol, ilang bus na ang nag-sitalon sa tabi ng bundok at ilang buhay na ang nawala, kailan lang ginawa ang side road na may pondo noong panahon pa ni Cory. Nakakalungkot ‘day.

    Kurapsyon pa rin ang tema. Meaning kapag kumurap ka habang ginagawa ang daan, a-alta presyonin ka dahil mabilis na magugunaw ang pondo.

  • malensky says:

    manay glo, i can so relate to you, nun umuwi ako andaming ganyan along the hi-way, kairita, yun yong naka helmet si madam president ano?

  • jeri says:

    Talamak na kasi ang corruption sa ating gobyerno, at talagang makakapal ang mukha ang karamihan ng pulitiko lalo na pagmalapit na ang eleksyon, panay pa-pogi sa publiko , pero ang tunay na mukha pala ay mas pangit pa sa bakulaw na buwaya…kaya,hindi na ako bumoboto pa sa pinas, sayang lang ang panahon ko. huli yata ako bumoto sa pinas ay 1988 pa yata.. he he he he.

  • jeri says:

    Kaya hanngang ngayon, puro kahirapan pa rin ang nakuwang ng bawat pilipino sa araw-araw dahil sa korapsyon.
    sabi nga sa huling survey, bawat sanggol yata na ipapanganak sa pinas baon na agad sa utang.Ang masaklap nito, Si ate lang ang nagpapakasasa, at buong sambayanan ang nagdudusa..
    Makagawa ka ng blog about corruption and poverty.

  • Glo says:

    eh meron namang pampalubag loob. merong karatula…sabi: SORRY FOR THE INCONVENIENCE. YOUR TAXES ARE WORKING FOR YOU.

    ano daw??? eh bakit ngayon lang nagtrabaho ang taxes for us? kung kelan malapit na eleksyon di ba. hayyy.

    buti na lang, i am not a tax-payer. ;) hehehe.

  • [...] of us, seem to be way too shallow with those billboards. I’m talking about what Gloria (the Barrio Siete blogger) is talking about here, or similar billboarded up government projects. One politico comes up one square meter of road [...]

  • [...] I’m having blackheads in my face and sty inside my eyelid. It is becasue of this dusty road project that can’t seem to wrap [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.