Pulitika sa mata ng isang Pa-Girl
Nagtataka ako sa mga super friends ko.
We only see each other kapag weekends at everytime nagkikita kami ay madalas sa isang kapihan. Mahilig kasi kaming lahat sa kape. Lima kami dati sa grupo pero yung dalawa ay lumipad na sa Gitnang Silangan upang makahanap ng greener pastures kaya tatlo na lang kaming natitira at nagtiya-tiyaga dito sa maliit na barrio siete down south.
Madalas namin pag-usapan ay
work,
boys,
fashion,
showbiz,
boys,
music,
food,
boys,
travel,
and did I mention boys?
Hahaha!
Kung meron mang topic na hindi namin nahihipo (ay, hipo talaga?), ito ay tungkol sa
Pulitika.
Ewan ko ba sa mga friends ko. They don’t want to talk about it. Sabi nila boring daw. Hindi interesting. Ho-hum. Ampapanget pa ng mga pulitiko. Karamihan DOM. Kurakot.
Gosh. I’m so appalled sa kanilang reaksiyon. Charing! Appalled daw oh? Hahaha!
I mean, what’s wrong with politics? Philippine politics that is. Hindi naman boring pag-usapan ang pulitika. It’s way better than showbiz noh. Mas colorful ang personalities. Interesting ang drama. So non-traditional. Anong panama nito sa mga teleserye at tv series na napapanuod natin.
Kailangan natin itong i-discuss kasi bilang mamamayan, responsibilidad natin ang makialam sa mga nangyayari sa ating bansa. Kailangan natin punahin ang mga pinag-gagagawa ng ating mga supposed leaders, kung angkop pa ba ito or pag-aaksaya lang ng taxpayer’s money.
Gusto kong i-point out sa mga friends ko kung bakit importante at mas interesting pag-usapan ang pulitika rather than those topics we usually talk about.
Break na muna sa mga boys. Nandiyan lang naman yan sa tabi-tabi. Hihihi.
Sabi ko, mas bonggang pag-usapan ang pulitika ng Pilipinas at kung bakit ito mas interesting.
Saan ka ba nakakakita ng senate hearing about a sex video?
Saan ka ba nakakakita ng political party na kung saan ang ine-endorse na presidentiable ay hindi nila kapartido?
Saan ka ba nakakakita ng star witness/whistleblower sa isang scam involving big names including the first family pero nakakulong for telling the truth?
Saan ka ba nakakakita ng presidente na harap-harapan ang pangungurakot pero nakaupo pa rin sa pwesto?
Dito lang yan sa mundo ng pulitika sa Pilipinas.
Juice ko, marami pang bagay na unique sa Philippine politics. Kung iisa-isahin natin ay malamang abutin tayo ng 48 years.
Kahit yung ibang pa-girl friends ko, I seldom find them talking about pulitika and everything. Maliban na lang siguro nung time na kumandidato si Chiz Escudero. Juice ko, parang nagkaroon ng milagro, nagka-interes bigla ang mga hitad sa pulitika at kinampanya si Chiz. Umattend ng political rallies and campaigns. Palibhasa, good-looking kasi si senator. Hihihi.
Anyway highway, I am encouraging my dear sisterettes to take part now. Huwag na natin hintaying lalong pumangit ang mundong ito by caring less about certain things. Let us scrutinize our political leaders.
Politics is not always something serious.
Katulad ng isang shandy, it can be light and bubbly.
Viewed 9769 times by 1774 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.














dapat noon pa ninyo pinakialaman ang hindi nyo hinihipong topic sa kwentuhan nyo, sa mga naubos nyong kape habang pulitika ang pinag uusapan nyo malay nyo nagkaroon pa kayo ng idea ng pagbabago.
yeah, kaya nga ako’y nananawagan di ba? mahirap din kasi kung ang mga kausap ko ay hindi interesadong pag-usapan ang nais kong pag-usapan.
better late than never, right? hihi
politics to me is really nothing more than showbiz chizmis – walang pinagkaiba. agree?
kaya nga taka ako dahil dun sa kaVilang Varrio, they seem to think na porque political bloggers sila eh they feel like they were the chosen kinds! haller!
Feeling chosen kinds ang mga nasa kaVilang Varrio..
lols.
E lahat naman e may karapatan sa diskurso ng pulitika because it is a part of our citizenry. E yung iva kasi, porque honoris causated juris doctoris chuva e feeling sila lang ang may karapatan magsalita about foolitika.
kaya masarap pag-usapan ang politika sa atin kasi madami kang puedeng sabihin kahit hindi ka updated may masasabi ka pa din. Yun nga lang, yung iba alam nila na ganun na nga ang sistema kaya siguro ayaw ng pagusapan, nauumay na siguro.
Importante ang may diskusyunan tungkol sa pulitika para maging aware ang lahat at maiwasang mauto ng mga kandidato sa eleksyon.
Nice post Mel! Ganda ng perspective na pinapakita mo dyan sa article mo.
Thanks silver! sana nga lang magkatotoo ang wish ko. hihi
hahaha! that’s what we are diversified hehehe! i don’t blog and/or like fashion or the abunda kris matters although i touch funny stuff pero most of my friends isama would rather not talk about politics kaya nag-iisa ako sa larangan na to and i like the fact that mel is around hehehe i got company hahaha
me too ate reynz! ikaw ang reyna, ako ang princess. lol
I do not like politics. I don’t know anything about politic. I chose not to touch politics pero isa lang alam ko, leche politics sa atin LOL!
Naku, adik din ako sa kape. Nung nasa Pinas ako, gawain din naming tumambay ng mga kaibigan ko sa kapihan – hanggang magsara at ang bukas na lang at only choice namin ay lumipat sa 7/11 o kaya ay gasolinahan, hehe. Pero ngayon nga, nasa iba-t-ibang bahagi na ng mundo.
Anyway, tama ka dyan, hindi naman kailangang magkaroon tayo ng strong political opinions sa palagay ko, pero dapat rin alam natin ang nangyayari sa paligid natin at hindi tayo apathetic.
AMEN.
Still wondering… how did that forsaken country get into this mess.
I was growing disciplined in a way that stealing is really bad. It was hell to steal maski 5 cents sa pitaka. Hatol – - Sinturon yan, pagkatapos may paluhod luhod pa ng mongo sa harap ng altar, nakadipa na may hawak na Old and New Testament.
May example din akong nakita pag ikaw ay adult na magnanakaw, dahil doon po sa barrio namin na malapit lang sa MUNISIPYO, kung ikaw ay magnanakaw ng manok O kalabaw, ipaparada ka sa buong madla at sabay sigaw “Ako kawatan ug manok!” “Ako kawatan ug kalabaw!” all day and all night, hanggang magdamag na yan sa kasisigaw.
In the morning pag wala nang boses un mag-umpisa nga maghukay sa may sementeryo upang ilibing na ang sarili. Oh! ung hatol pala na un para lang sa mga pulubi.
The Phil. politicians were once kids too. They went to schools most likely Catholic schools… most probably elementary valedictorians pa siguro and probably high school ganoon din, matatalino with NCEE result around 99.99% with A+ GPAs.
Nag college din. Economics pa ang kinuha. most likely Catholic school din. most probably number 1 sa class baka nakisali pa sa “LET’S MAKE BAKA, DON’T BE TAKOT! Aktibista kuno sa kapanahunan ni Apong Macoy. Now what?
Again I am wondering is it really hard to understand “thou shall not steal?” especially sa KABAN AT YAMAN ng bayan? Is really hard to understand “thou shall not kill?”
Darbs, kaya ata pumasok ng politics mga yan dahil ayaw nila yung mga batas na sinabi mo. Mas gusto nila na sila gumawa ng mga batas na gusto nilang sundin and to justify their actions.
Wow… i did not see that. tama ano.
Oh, I forgot… everything can be justified even mass murder/genocide if you are defending a CERTAIN INTEREST.
I am aware of what is happening around Philippine politics but I opt not to discuss it..nakaka depress kaya!
Depress or highblood fwend?
Eto, limang banig ng aprovel. Haha.
politics is the number one business in the Philippine!!!!!
“THOU SHALT NOT STEAL”
government hates competition…
onli in da pilipin!!!!
ang saya kaya pag-usapan ang politics.
Pao, i know right? hihihi
exactly my point bluep. worried lang kasi ako kasi my friends don’t talk about it and if i ask them something, aba, iikot lang ang mga mata ng mga bruha. lol
about the question kung may saysay pa ba ang pagboto, well let’s just be hopeful na lang. you know, pasasaan ba’t may matino din naman sigurong darating someday. sana, within our lifetime.
“Politics is not always something serious.”
On the contrary, ang ating nakikita sa pangkasalukuyang taya ng pulitika sa Pilipinas ay:
KOMEDYA
I agree to disagree.
Hindi na po komedya kung ni-rape, nilapastangan at kinurakot ang YAMAN NG BAYAN.
Hindi po komedya kung pinapatay, kinukulong ang mga mamamayang nagsasabi ng katutuhanan.
Hindi po komedya kung ang mga ibinutong politician ay naging kenkoy at nagpapatawa sa kanilang kabulastugan.
Hindi po komedya kung tayoy patuloy na tumatawa at walang ginagawa.
Komedya sa kanila dahil mas masaya sila kung tayo ay tatawa na lamang at dito patuloy silang magpapatawa.
Komedya, oo komedyang talaga…
kaya mag kape muna.
Cheers