Home » Chizmiz sa Barberya, Opinion

Pulitikal Ambisyon – 2010 Presidential Election Candidates

2 June 2009 37 Comments

Umeere na ngayon sa balita ang mga kandidato na gustong tumakbo sa presidential election sa 2010. Andyan si Gilbert Teodoro, Manny Villar, Chiz Escudero, Loren Legarda, Mar Roxas, Eddie Villanueva, Jejomar Binay at recently, nagpahayag na din ng pagtakbo itong si Ed Panlilio na incumbent governor ng Pampanga. Not to mention, maugong din ang usapan ang posibleng pagtakbo ni Joseph “ERAP” Estrada.

Oh may humahabol pa ata: si Brother Mike Velarde daw e nagparamdam na baka tumakbo. Hihi. :P

Isa pa ulet…tatakbo din si Bayani Fernando na metro gwafu daw with this penk chicken wires este street fences pala. Parang wala ata sa hinagap ko na maging penk ang buong Pilipins. :D

Hay naku basta, maraming nagbabalak tumakbo. Basta ako e lilipad na lang. Haha.

Iba-iba ang plataporma nila. Sa aking bubwit na palagay e pag sila ang lumalabas sa telebisyon eh nagmimistulang chopsuey ang palabas. Kanya-kanyang erehan, announcement ng plataporma at advocacy kuno etc.  pati na din ang pag-ere ng kanilang mga political commercials na tila pilit nilang pinagsisiksikan sa kamalayan ng mga Pilipino kung sino sila etc.

Sa totoo lang, ang mga nakikita kong political commercials nila e diretsahang pagbrainwash sa mga tao. Oo nga naman, napakalakas ng impluwensiya ng mass media (tulad ng TV, radyo at internet) sa mga tao. Not to mention, parang natutulog lang sa pancitan ang COMELEC dahil ni-hindi nila sinisita ang mga early political commercials ng mga politikong ito. Oh wag na umangal, totoo naman talaga. Baka hindi lang pancitan, batchoyan pa. :D

Ang iba pang kandidato e gumaya sa strategy ni Obama – ginamit ni Pres. Barack Obama ang internet, mula facebook, podcasting at twitter sa kanyang pagkampanya noong US Presidential Elections.

Ngayon, ang mga pulitiko naman natin ang gumagaya. Sus. Walang originality. Gaya gaya putomaya talaga kahit kailan.

Sabihin na natin na may plataporma sila pero bottomline nyan e may kanya-kanya silang pulitikal ambitions – nangunguna na dun ang pag-upo sa trono ng pilipinas – ang Malacanang. Seriously, tanong ko sa inyong lahat – meron na bang pulitikal lider dito sa atin na talagang inuuna ang kapakanan ng kanyang nasasakupan kesa sa kanyang ambisyon at bulsa? Meron na bang pulitikal lider na pilit magtrabaho para sa kanyang mga constituents at di mahilig sa putakan ng mga manok este mga pulitiko?

Call me idealistic pero sa totoo lang, ito ang nakikita ko sa estado ng pulitika dito sa atin. Lahat sila e nangangako ng pagbabago sa chorva here and there. Pero asan ang pagbabago? Pustahan pa tayo, kung isa man sa kanila ang makaupo sa trono ng malacanang, kagyat na dadapuan ito ng cancer ng corruption at magiiba na ang pulitikal tone nyan. Gawa ata sa asbestos ang Malacanang. Tsk.

Mga ka-barrio siete, tayo ay tumingin pa ng mas malalim kesa sa mga balitang inilalabas ng mga kandidatong ito. Matuto tayong himay-himayin ang mga track records nila – lahat ng detalye – pati ang mga isyung kanilang kinasangkutan. Tingnan natin ang kanilang mga performance sa kani-kanilang public office. Wag tayong papadala sa popularity race ng ating eleksyon. Tandaan natin na itinataya natin ang anim na taon sa bansa natin sa kada sulat ng kanilang mga pangalan sa balota.

Take note, maraming pwedeng mangyari sa 6 years noh. At hindi beauty – money contest version ang election natin. Eleksyon yan. At mas lalong hindi siya PPV (Pay Per Vote). Kaya dadagukan ko kayo pag nagpabili kayo ng boto nyo. Tseh.

Minsan nangarap ako ng isang tunay na public servant para sa ating bansa. Yung tipong aakayin nya ang bansa natin tungo sa progresso at kaunlaran. Leche, ilang taon na akong bumoboto – choose the lesser evil daw, choose the less rotten among the bunch of rotten apples. Nakakapagod ang pumili ng bulok na mansanas este durian sa bigger bunch ng bulok na fruits noh.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11358 times by 2159 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

37 Comments »

  • Rob Angeles says:

    Napansin ko nga at ginagaya ng mga politiko natin si pareng Obama. Pero, mahihirapan sila. Sa mga inusisa kong may mga account sa mga social networking sites, si Roilo Golez pa lang sumagot ng matino.

    Sa ganitong klase ng eksena, di mo pwede basta basta na lang gawa ng account then paramihan ng makuhang “friends”. At least man lang ay sana authentic sila at sila rin sumasagot pero mga staff nila ang mga sumasagot

    Hindi ganun kaganda result nito dahil main stream media pa rin ang hari sa atin. Kung sino makita sa TV na naka smile, may chance manalo or kung sino bumili ng buong page sa isang pahayagan, may chance din.

  • reynz says:

    this is generally really the sentiment of those in the barrio! life is hard! life is difficult! and what pisses everyone else is that they do nothing with in your face corruption!

    the election time thats when you hear crap that they all have this shit program for the people!

    you know how it works… BUY the poeople, FOOL the people and OFF the people.

    • Silver says:

      “you know how it works… BUY the poeople, FOOL the people and OFF the people.”

      In equation, this is what we call, FOOLITIKA. hehe.

  • The Ca t says:

    nakita mo naman reynz ang survey. the people did not care about corruption as long as the candidates are helping the, which means the people no matter how short term the help is. tipo bang band-aid solution. yong pang maliit na size na band-aid.

  • Snow says:

    Ms. Cat,

    This is what I hate about Pinoy outlook in life. Pinoys literally have short term memory loss and perfectly okay as long there are short term help.

    My gulay, this country doesn’t need a short-term future. We deserve better, di po ba? :(

    • Silver says:

      Snow, di lang ata short term memory loss. Amnesia pa kamo.

    • Rob Angeles says:

      Yes Snow, we’re big fan of remedies and not solutions. Parang palagi na lang na “Pwede na Yan!”. The Pinoy outlook is a result of many factors but try to think of it eh nasa tao pa rin naman yan eh.

      If people tend to make excuses before trying to make significant actions, wala talaga mangyayari sa atin. Nakakalungkot at nakakinis marining yung “Wala naman kasi ako magagawa..”.

      • silver says:

        Nice one Rob.

        Lahat naman e kayang gawin. The difference is THE WILL. :D

      • Glo says:

        exactly. para tuluyang umunlad at mawala ang blok na sistema dito sa pilipinas eh dapat magsimula sa mismong mamamayan. eh dito kasi parang way of life na yata ang corruption.

        yang bentahan ng boto, toto yan. sa barangay level yan ibinababa. talagang sa bahay bahay nakakarating ang pera, depende kung ilan ang voters sa bahay nyo. sabi ng tatay ko tanggapin ang pera, pero isulat sa balota ang kursunada mong candidato. wala namang nakasilip habang nagsusulat ka sa balota.

        so kung bawat mamamayan eh nakatanghod sa kandidato nya, syempre si politiko eh tutulong ba ng walang kapalit? syempre hindi.

        kaya dito sa probinsya ko, mga panginoong may lupa ang nagiging politiko. eh sa tauhan pa lang nila sa farm may sure votes na. so di ba, way of life nga. parang kasama na sa kultura.

        kaya parang walang pag-asa na mabago ang sistema dito. well unless i-nuke na ang buong pilipinas. and from there eh tutubo ang bagong chapter ng buhay at politika dito. ;) o magkaron ng matinding civil war dito. all better civiliations like america arise after a war.

      • Silver says:

        LOL.

        Inuke ba ang pinas? Hahhaha. Unahin natin yung mga pasaway. LOL. :D

        I think there is no better civilization kasi lahat naman ng tao at sibilisasyon ay di perpekto.

        Ang mga amerikano, kung tutuusin e mas malalake ang sablay nila kesa sa Pinas. Haha. Read mo yung book ni John Tirman na 100 ways America screwed up the world (baka mali ako sa title pero something like that)

        Mukhang walang kalutasan ang problema ng pinas pero it doesnt necessarily mean na magpapakulong na lang tayo sa kahon na puro problema. Hehe.

  • dencios says:

    trapos… wala na bang bago sa kanila? mam silver, wag mo kong isama sa mga pinoy na sinsabi nila haha

  • lee says:

    ayof, ito na yata ang pinaka madugong presidential election na masasaksihan ko kasi nasanay ako dito sa labas na palaging 2 lang ang magkalaban at dito sa chikwats land e wait ka kung sinung iupo ng nagiisang partido.

    lahat na ng kademonyohan, gimik, ka litsihan at kapistihan e maglalabasan na mapansin lang ang isat isa.

    naku pare for sure di ako boboto kay bayani chicken wire alam mo naman kung anung ginawa nya sa peborit kong benetton na palda hmp! naging benetton na ribbon litsi, at itong si villar at roxas ang aangas ng dating netong mga to sa ilong ko, etong si eddie villanueve e asa pang my asim pa sya sa masa? si velarde? juice ku pu isa pa to asang asa, at si erap ewan ko kahit yata ibuhos nya isang drum na pabango dina sya babango pa, si Loren? sorry pero bias ako talaga pagdating sa mga babaeng politician lalo pat tatakbo presidente? sorry bitch na bitch ang dating sakin ng mga babaing politicians, teka— teka asan si Gordon? tagay muna pare ibalik si Gordon nawawala idol ko.

  • Glo says:

    oo silver, pagsama-samahin ang lahat ng pasaway at corrupt sa isang lugar at doon buhusan ng bomba. ;) hehehe

    oo wala namang perfect civilization, pero mas maraming mas matino kesa sa pinas, imho. sabi ko na nga hindi ugma sa 3rd world countries (esp pinas) and demokrasya. dapat dito merong iron hand na gobyerno.

    eh ang pinoy kasi generally mayabang, tamad, walang disiplina at wala nang ginawa kundi magreklamo. most of us pinoys are part of the problem and are not making any solution to solve the problem.

    so…kahit sino ang umupo dyan sa puwesto, it will the same old problem. walang pagbabago. kaya dapat bawat mamamayan ay magbago in their own little ways to make the philippines a little bit better.

    kaso yung mga nagising na sa katotohanan, suko na lahat. can’t blame them. kahit ako gusto ko nang umalis ng pilipinas dahil nawawalan na rin ako ng pag-asa. gusto ko na ng fresh start as ibang bansa.

    so far, wala akong nakikitang good future. every term lumalala eh. pinalayas si marcos dahil dikatador daw, eh matino ba ang mga pumalit? it is getting worse.

    unless siguro gawing mandatory ang family planning dito. sobrang dami ng population, mahirap nang supilin lahat. at yun nga bombahin lahat ng pasaway. ;) hahaha!

    • Silver says:

      Eeeeekkkkkk!!!!

      Glo, gusto mo atang maging China tayo! Hahah..

      Pero in fernezz ha, parang mas natitinuan pa ako sa rule ni Macoy kesa sa mga sumunod sa kanya. Hahaha.

      • lee says:

        asus oo naman pre kaya nga sinipa nya lahat ng senador para walang magulo dahil ang mga senador kahit kelan pang gulo

      • Glo says:

        hahaha! silver, eh tignan mo naman ngayon kung nasaan na ang china. halos world power na din sila. so they must be doing something right. ;) hehehehe.

        yup love ko si macoy. kung di nga lang siguro sya nagkasakit agad eh baka mas maunlad pa tayo ngayon kesa sa singapore. eh kaso nung may sakit na sya eh si imelda na pala ang nagpapatakbo ng pilipinas.

        aba eh oo nga naman patayin na lang ang mga kumokontra! ;) hahaha! pasaway lang ang mga yan. si macoy talaga ang machiavellian prince. the best!

      • Rob Angeles says:

        Silver, mas gusto ko time ni Macoy. Nagkaroon nga tayo ng kalayaan after ng martial law, inabuso naman. Pag tinggalan mo naman ng kalayaan, nagwawala. Haaayyyyy saan kaya tayo pupulutin. Kung titignan natin, para ngang mas masarap pa buhay noon ehh. Kung may land title man Pinas, hahanapin at nanakawin ko tapos benta ko na lang sa highest bidder.

      • Glo says:

        ganyan nga. SALA SA INIT, SALA SA LAMIG ang mga pinoys! can’t make up their minds. ano ba talaga…kuya?? ;) eh dito nga sa aking barrio pag panay ang ulan, galit ang mga tao. anu ba yan, dapat umaraw na. pag tuloy tuloy ang sikat ng araw, anu ba yan, ang init naman! sana umulan na para malamig. hayyyy…pati ang mother nature eh tuluyan nang nalito.

      • silver says:

        In fernezz to Macoy, may mga nagawa siya na di nagagawa ng mga sumunod sa kanya.

        Heheh.

        Ang problema, nasira siya sa mga taong pinagkakatiwalaan nya like Gen. Ver at other cohorts.

    • Silver says:

      Lol.

      Lee, astig si Macoy. Fatay kung fatay talaga. hahaha.

      • Rob Angeles says:

        Si Makoy lang ata nakita kong president natin na wala binabasa habang speech. The Strong Man! Tapos pinalitan ng mga trapo. One didn’t even went to college. Yung iba matalino nga pero trapo naman. Tinuloy lang nila yung bulok na pinaglaban natin but in their own terms and style.

      • Silver says:

        @Rob,

        Kwento sa akin ng aking tatay: Walang binabasang speech si Macoy. Kaya nyang magspeech from the top of his head. And he is damn fluent with Ilokano, English and Filipino. Heck, he always do speeches in those languages.

        Another fact about him is that he is one heck of bar exam top notcher noong 1930s.

      • Glo says:

        yes walang speech kodigo si marcos. ang balita noon eh meron daw itong photographic memory. ang galing. wala pa syang katulad sa mga naging presidente na. (well wag na gayahin yung ginawa ng mga cronies nya)

        ewan ko lang kung may gumaya sa mga anak nya. ;)

      • Silver says:

        Glo,

        Tingin ko si Bong Bong ata ang nakakuha. Kasi parang di ko ata nakikitang may kodigo ang isang yun.

        Lumalabas na ang mga pro-macoy sa barrio siete! Hahaha…

      • Rob Angeles says:

        Macoy Rulezzz!!! LOL! Kaya pag ako naging presidente, martial law agad! Tapos pa tapon ko sa isang remote na isla mga trapong politiko. Sino kaya una kong pakain sa mga pating? Yung bitch?

      • Silver says:

        Haha.

        Unahin mo sila parehas na mag-asawa. lols.

      • lee says:

        oo isa lang naman ang itinampo ko sa kanya pero tama nga rin naman sya sa ginawa nya kasi nga naman nakakasira ng pagaaral, yung tanggalin yung VoltesV parang gusto ko ng magpakamatay nun sa sama ng loob waaaa

      • Silver says:

        Lee,

        hahahha….malamang kung ako ang nasa posisyon mo that time, ganyan din ang reaction ko. Leche, ang ganda kaya ng Voltes V. Hahah.

  • Glo says:

    Rob palagay ko marami nang nauna sayo sa pagbenta ng ‘land title’ ng pinas sa iba. ;) hahaha!

    • darbs says:

      Here is the Marcos Era
      Sa Ika uunlad ng Pilipinas Disiplina ang kailangan
      Awitin: Ang Bagoong Lipunan
      May Bagoong Buhay
      May Bagoong nang bukas
      May Bagoong Bansa
      At Bagoong Lipunan
      Nag babagoong ang lahat
      Tungo sa pag-ulan
      At ating itanghal
      BAGOONG LIPUNAN!

      Sabay sigaw, IBAGSAK ANG BAGOONG LIPUNAN

      Resulta?
      Naging BAGOONG ANG LAHAT

      • lee says:

        tama ka @darbs,kung ka edad kita maaalala mo nung pinagbisikleta maghapon ni macoy si ariel oreta dahil sabi nya sa show nya “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kelangan” ayun pala e di pinagbisikleta sya maghapon.

        si ricoJ, niliko yung lyrics ng lupang hinirang, ayun pinag bayang magiliw sya maghapon sa malacanang.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.