Home » Chizmiz sa Barberya

Pulitikal Silip sa Katrina Halili – Hayden Kho Sex Scandal

21 May 2009 76 Comments
Lakas saltik ng isang ito...tseeehhhh

Lakas saltik ng isang ito...tseeehhhh

Okay fine! Maugong na maugong at mausok na mausok ang usapin ukol sa mga sex videos ni Hayden Kho. Sa sobrang ugong ng isyu na ito e pati mga politicians natin e nagsalita na. Pati ang mga kaibigan ni Katrina Halili e nagsalita na din. With all due honesty, noong nakita ko ang “Careless Whisper” video nila sa Youtube, nainis ako kay Katrina. Pero noong narinig kong may aktwal na sex video, mas umusok ang tenga ko kay Hayden Kho at sa mga nag-upload daw at nagtangkang magbenta ng sex videos na ito for 2 million pesos. Leche, oo, 2 million pesos para sa puri ng kababaihan!

You know what mga ka-barrio, hinde lang simpleng celebrity sex scandal lang ito – eto ay isang issue na maraming mukha, particularly sa politikal at socio-economic chorvalais. Ipinapakita lang ng issue na ito ang estado ng mga kababaihan ngayon – na ang iba ay sinasamantala ang mga kababaihan sa pamamagitan ng malalaswang videos na itetch. Not only that, kung hindi pa isang artista ang nabiktima e malamang, walang gagalaw sa mga nakaupo (at nanunuod ng boxing) sa kamara at senado.

Sex Videos Laganap na Din Noon Noh!

Seriously, maniniwala ba kayong may mga sex videos ng kumakalat nung panahon pa ng betamax? 1980′s pa yun ha. Pero nakakatawa, nitong mga nakaraang taon lang nagkaroon ng batas na kokontra sa mga ganitong videos. Sa palagay nyo, ilan na bang common juana ang nabiktima ng mga sex videos na ito? Si Katrina Halili e maswerti pa. Baket? Kasi siya e artista at may laban pa. E paano naman ang ating mga lakambini na nalapastangan din ang mga puri? Na walang kalaban-laban? Hindi ba kaya ang hustisya e parang biased ata papunta sa mga taong nakakariwasa o taong kilala sa lipunan?

Asan Po Ang Batasan?

Hihintayin pa ba nating lumala ang mga ganitong kalakaran bago magfile ng batas? Kung magfile man ng bills, mga walang pangil. Paano kaya magkakaroon ng laban ang mga walang laban kung mismong ang mga batas natin e walang pangil? Ilang taon na ang may internet, nagsikalatan na ang mga sex videos sa internet, at garapalang paglako o pagbenta ng mga sex videos, hindi lang ng mga artista kundi ng mga ordinaryong juana?

E mas busy pa ata silang manuod ng boxing ni Pacquiao eh! Nakakita na ba kayo ng kongreso na full ang attendance? Na puno ang mga upuan sa kamara? Leche, puro bakanteng upuan ang nakikita ko! No wonder na ang supposedly batas na lalaban sa mga ganitong paglapastangan e nasa second reading pa lang! Aminado naman ang mga authoridad na hanggang sa ngayon e wala pang batas na kokontrol sa mga ganitong videos. So ibig sabihin ba e hihintayin nating dumami pa ang mabibiktima ng videos bago gumawa ng aksyon?

Aba dapat hinde noh! Alangan namang hintayin nating may ma-rape pang jokla sa tabi-tabi. Hallerness, kahit ang pet dog kong si Chin-chin e ayaw kong mabiktima ng ganito. (May sex scandals ba ang mga aso? haha)

~lagok kape habang nagsusulat~

Mainit ang Ulo at Mainit na Scandal

Mainit na naman ang ulo ng lola nyo kasi nakikita kong ka-eklatan ngayon. Simple lang ang pinupunto ko eh. Pararamihin pa ba natin ang mga ka-barrio natin na mabiktima ng mga ulol na sexaholics na ito?  O davah. So anong dapat gawin ng mga mambabatas na ito? Aba syempre, magtrabaho bilang kapalit sa mga taxes na pinangsusuweldo natin sa kanila. At purrleeessshhhh…wag na silang gumawa ng mga batas na bungal (read: toothless bills) na tipong kailangan mo pang pakainin ng gerber dahil hindi maka-digest ng solid food. Not to mention, bibigyan mo pa ng beberon para lang makadede.Susmio Marimar!

~lagok kape ulet sabay plantsa ng kulubot na noo~

Nilabag na Batas, Mahaba Pa Kesa Sa Palista

At dahil sa kalibogan ni Hayden Kho, sangkatutak na batas ang nilabag nya. Andyan ang R.A. 9262 Anti Violence Against Women and Children Act of 2004, Anti-Wiretapping law at pati na rin ang Code of Ethics ng mga doctor. Mas masarap sanang isaksak sa cabinet at ipit-ipitin ang *tut* ni Hayden kung meron sanang batas na magpaparusa sa kalibogan niya. Bonus pang bigyan ko siya ng metal straightjacket at busalan ang bibig para di na siya makasayaw at makakanta ng Charless Whisper.

As I have said sa aking previous post, lahat ng tao e may sexual inclination (wag nyo sabihing hindi dahil alam kong hindi kayo frigid..LOL) pero sana ang mga ganung pribadong bagay e hanggang sa loob lang ng kwarto. Dapat ang unan at kumot lang ang nakakaalam ng Charless Whisper nyo.

Huwat?!? Freedom of Espetz?!

At isa pa, may humahabol… wag sanang abusuhin ang freedom-ness ever ng internet. Ang mga nagpapakalat ng sex videos na yan e abusado sa kalayaan ng internet. At wag silang magpaumpisa ng debate about fweedom of espetz (read: speech). Freedom of espetz ba ang kinukunan ang ari ng nanay o kapatid mo sa isang sex video? Inabuso nyo na din ang fweedom of espetz nyan.

Hahabulin ko kayo ng aking padyak with matching wang wang at laser guided missiles kung kayo e magsasabing “kaya namen inupload ang videos dahil may fweedom of espetz din kame weather you appreciate it or not.” Lecheness nyo. Wag nyo gawing bastos at buktot ang fweedom of espetz. At wag nyo din sisihin ang internet sa issue na ito – ang may kasalanan dito e ang tao at ang pag-abuso nya sa fweedom ng internet.

Hindi din fweedom of espetz ang usapan dito kundi invasion of privacy at kahunghangan sa kalibogan ang usapan dito.

~lagok gamot sa highblood taz kape ulet~

Huwat?! Isyu Lang ng Artista Etetch?

Isa pang fried chicken joy ulet. Wag nyo din sasabihin na maliit na isyu lang ito – na ang issue na ito e tungkol sa isang sex video ng isang artista. Haller nyo. Usapan din dito ang commercialization ng sexy videos at yes, hallerness! women’s rights chorvalais!

Wurd of Adbays Para Sa Mga Juana!

Yung ibang juana dyan, mag-ingat palage. Alam naman natin na sa bagong technology today e madali nang makunan ng litrato. Baka the moment na bumekangkang kayo e shoot agad ang polaroid cellphone ng inyong kasama. Tsk.

O siya sige, magtitimpla pa ako ulet ng kape….teka, pakitawag si John at Lee nang maisalang na ang isang ito sa kawa! Hahaha…

Babuusshhh…

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13402 times by 2989 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

76 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.