Pustahan sa Karera
Photo Credits: Here
Kailan ka huling gumamit ng palikuran, CR, evacuation lounge, bakod o dingding?
Huwag mo itong basahin kung may banyo ka. Minsan kung pakikinggan natin ang ating kausap, ang dami nating mapupulot. Ito ang kwento ni Ley.
Nakatira lang kami sa Tondo, Ate. Noong una nga wala pa kaming kubeta. Iskwater lang talaga kami. Yung bubong namin, hindi yero. Kung makikita mo yung takip ng lumang dyip, pinitpit lang namin yon para may bubong kami. Butas butas pa ‘to. Pinapatsehan lang namin yon ng mga plastic at sinusuksukan ng mga lumang trapo para kapag umuulan di kami mabasa. Kunsabagay nga naman kapag bumabaha sa amin, abot tuhod rin lang naman yung tubig kaya di na rin kami masyadong naa-aburido sa butas butas na bubungan. Wala rin kaming paliguan. Tuwing umaga dala namin yung twalya at sabon at sa labas ng pinto kami naliligo. Syempre dobol duty na yon, libre na sa labada ang nanay ko dahil sasabunin ko na lang ito sa paliligo.
Noong edad disi-sais na ako, nag-apply akong maging waitress. Tuwing alas-sais ng umaga kumakatok ako sa tiyahin ko at nakikigamit ng palikuran at nakikiligo na rin. Dalawang piso ang bayad sa kapit-bahay naming kamag-anak kapag gagamit kami ng CR nila. Di ba naman, may sweldo na akong 150 kada araw kaya nakakagamit na ako ng banyo. Ipinasok ko yung kapatid kong lalake sa restawran kong pinag-tratrabahuhan. Tatlong araw pa lang, umayaw na siya. Kasehodo ba naman na nakatayo raw mag-hapon kaya hindi raw niya kakayanin ito. Ilang buwan naman, nakisuyo akong maipasok syang drayber ng dyip. Kasehodo daw namang naka-upong mag-hapon kaya raw masakit na ang balakang niya. Isang linggo lang tumagal. Ipinasok naman ng tiyuhin ko sa karerahan. Doon naman sya na-adik. Lahat ng isinusweldo niya ipinangtataya.
Kada sweldo ko, sa akin pa rin nangungutang ng pambili ng gatas ng anak niya. Tatlo na ang anak, yung mag-asawa parehong walang trabaho. Si Nanay naman, iyon ang masipag. Paano ba naman, kailangan namin ng makakain kaya nag-lalako iyon ng abokado at nag-dadala ng nilagang mais. Kahit na na-gugulpi ako ng nanay ko dahil sa kalye ako umeebak at umiihi, binibitbit ko pa rin noong una ang balde ng mainit na mais. Nagtitinda pa rin ang Nanay ko noong nagtrabaho na ako, kasama pa rin ako sa ilang sideline niya: labandera, kusinera, babysitter, tindera, isaw vendor at taga-bayad ng kuryente ng mga kamag-anak namin, in short katulong ng bayan.
Ang tatay ko? Buhay pa, sa awa ng Diyos. Mirakulong buhay pa iyon dahil malaman lusaw na ang atay non sa kaiinom araw araw. Umaga pa lang, alak na ang hawak. Minsan ko lang nakitang ibinaba noon ang bote. Yun ay noong nakinood ako ng TV sa kapitbahay. Eh kinse yata kami non sa bintana. Nahuli na akong makinood kaya nasa likod ako ng tumpok tumpok na bata. Yung babae sa harap ko, ang likot ng ulo. Hindi pa nag-tali ng buhok. Hindi ko tuloy makita yung palabas. Sinabunutan ko nga. “Mang Nestor, yung anak niyo ho, andon sa kanto, nakikipagsabunutan.” Ipinahatid yata nung katagay nya yung balitang nag-rarambulan na kami. Nalingat ako sa direksyon ng sari-sari store. Parang slow motion kong nakita yung lapad na kumatok sa maliit na lamesa. Tumayo ang tatay ko. Pinulot yung tsinelas niya. Mamalay malayan ko na lang na garuti ang inabot ko sa pakikipag-away.
Nakahanap na ako ng maganda gandang trabaho sa Shangri-la, receptionist. Lahat ng magagawa ko para matulungan ko ang aking pamilya ay ginawa ko. Wish ko noon na mag-kakubeta na kami. May inalok yung kaibigan ko na lupa. Sa Tondo rin, 40,000 pesos. Pwede na kako. Ibinili ko ito para sa nanay ko. Napagpatayuan ko ito ng simpleng three-story. Nakagamit ako ng computer sa pagiging receptionist ko. Noon ko nga lang nalaman yang internet internet na yan. Kaya nag-lagay ba ako ng litrato at email address. Eh maganda naman ako. Nakakilala ako ng Kano. Sabi nung mga kapatid ko sige na raw. Kasi nga naman akala nila masusustentuhan ko sila ng dolyares at maipagpapatuloy nila ang pagiging adik at tambay.
Nang makaparito na ako sa US, Ate. Dito ko nalamang mahirap rin pala ang buhay sa Amerika. Kahit na may sarili na akong CR. Mahirap rin palang mag-hanap ng maayos na trabaho. Pero sa awa ng Diyos may nakuha rin ako. Nakakapagpadala pa ako sa Nanay ko ng kaunti dahil nga nagkasakit ito at mahal ang maintenance ng kundisyon nya. Biruin mo ba namang naka labas na ang bituka niya. Di na siya makapag-trabaho. At kahit na ganito ang kundisyon ng kawawa kong ina, ano ang ginagawa ng mga mahal kong kapatid? Wala, mag-hapong pumupusta sa karera. Kahit patay na yung kabayo, yun pa rin ang pinupustahan.
May isa na akong anak, mabait na asawa at nag-iipon para sa second hand na kotse para makakuha ako ng maganda-gandang trabaho. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko. Kahit na ang rami pa ring problema sa buhay, tuloy tuloy pa rin akong nag-pupursigi. Narinig ko nga sa radyo na ang mga taong nag-pupursigi ang nanalo sa buhay. Kahit na ilang beses ka raw madapa, basta’t nakatingin ka sa iyong pupuntahan, makakarating. Ang mga taong laging makulimlim at bigo ang pagtingin sa buhay iyon ang hindi nanalo. Parang kakera rin lang naman yan, may posibilidad kang manalo, tumakbo ka lang.
Viewed 9947 times by 2311 viewers
mahalia is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.














Parang karera nga minsan ang buhay. Pero like all other races, you need to rest naman.
Otherwise, kung uber karera ang mode mo in life, you will miss the simple things in life na makakapag-pa-happy seo.
tulad rin sa pulitika yan, kung busy ang mga kabayong kumain ng damo instead na manalo para sa tumaya sa kanya. Talo rin.
Hi! touch naman ako sa entry mo, ganyan lang talaga ang buhay, parang gulong at karera, paikot ikot ang takbo ng buhay at kapag sa karera nadapa, pilit na babangon, ang buhay sa mundo puno ng pakikipagsapalaran
Naku Ate, true to life ito ni Ley. Noong makausap ko nga sya di ako makapaniwala dahil steady at mukhang content na sya sa buhay. Pagpupursigi ang natutunan kong Life Lesson sa kanya.
It’s amazing that every person we come in contact with, we can learn from them too.
Kahit na matalo tayo sa karera, ang importante ay makarating tayo sa finish line.
That’s right Mel, we try and try until we find the finish line. Ganon lang ang life, it’s the endurance and perseverance that makes it worthwhile. Amen.
Same here Mahalia & Mel, para sa akin walang sense kung wala kang natutunan sa bawat pagsubok.
ganda ng kwento true to life ba ito? naalala ko tuloy mga kwento sa libro ng hiyas ng wika nung highschool. mga kwento kapupulutan nga aral . ganyan talaga ang buhay para life… tsk. tsk.
Yes Gentle Reader, totoo po ito. Nakikain kasi ako sa kanila noong isang araw, nag-luto kami ng matamis na malagkit na kanin, nilagang baka at tinapa, napasarap ang kain, napasarap rin ang kwentuhan. Ayon talagang makabagbag damdamin ang napagkwentuhan namin. Ako rin may natutunan sa buhay niya.
Sa lahat ng kausap natin, may mapupulot na aral, talagang hinahanap ko ang mga gintong aral na ito kahit kaninong kausap ko.
maganda ka kasi maglahad ng istorya Mahalia, madali sakyan, may buhay at komedya may konti kirot sa puso at higit sa lahat puno ng pag-asa…
naku Gentle Reader, tumaba naman ang puso ko sa compliment na ito. Aatakihin yata ako sa puso at puputok ang ulo dahil sa laki. Lumilipad na ang aking mga taynga sa kagandahan ng iyong mga sinabi. Salamat ng marami. Salamat rin kay Ley na nagbukas ng kanyang puso para sa akin at sa pahintulot niyang maisulat natin ito sa B7.
nakakatuwa lang kasi ang reflection sa akin kahit na may sarile na ako CR gusto ko pa rin ito lagyan ng tub at magbabad na para wala problema. saka na ang pool sa likod bahay kung maganda ang takbo ng kabayo. more power!
narito ang maikling palabas tungkol sa kubeta. http://brownmonkeys.multiply.com/video/item/1/Ang_Kubeta_trailer
Gentle reader, natawa naman ako sa video. nag-ahit yung lalake! hahaha. lalo na nung nasa tub sya, ang cute niya, sarap pisilin ng pisngi! hehehe
maganda ang pagkalahad mo nang karera (my tagalog has really improved a lot by the way – sa kaka-blog! hahaha)
anyway, me kasabihang – if you’re not in it, you won’t be in it. meaning kelangan bumili ka muna nang tiket sa swipstik bago ka manalo.
similarly, aba, dapat me willingness kang tumakbo to be part sa karera nang buhay.
pero i feel na hindi karera talaga to vis a vis anyone. for my part, nakaka-relate ako sa story but i do my karera on my own pace.
Salamat Reynz, mabuti naman at na-impluwensyahan ka naming mga tagalugin na umigi ang iyong bokubolaryo sa wika natin.
Marami kasing taong kapag nakakita ng hadlang sa tinahahak niya, aayaw na kaagad. Hindi naman sa pagiging kritiko, marami rin sa ating mga Pinoy ang malimit na iisipin na makarating sila sa ibang bansa ay iigi na ang buhay nila.
Tumawag daw yung kapatid niya: “Ley, ihanap mo naman ako ng trabaho dyan at ipasok sa pabrika.”
Sagot ni Ley: “Teka, eh sa Pilipinas nga ang raming pwedeng pagkakitaan at ma-sideline, di pa magawa.”
Kaya kako, kahit nasaang parte tayo ng mundo, kahit anong sitwasyon natin, sige lang ng sige. Kasi giginhawa rin tayo. Sipag at tyaga rin lang yan. Yun ngang matagalan nang OFW, aba ay dami ng sakripisyo ng mga ito, di lang nailalathala lahat ng mga pahayagan.
Sa karera naman ng buhay, agree ako sa iyo na may sari-sarili tayong pace. Dahil iba’t iba naman ang level of maturity and passion natin. Pero ang mahalaga, kahit na anong balakid ang dumating, go lang ng go. Takbo lang ng takbo, kahit minsan jogging lang ang kaya natin.
Endurance is the key that opens the doors of opportunities.
oo nga lahat tayo ay may sari-sariling problema, kalungkutan na dinanas sa buhay…pero meron ding kaligayahan na nakakamtan in the middle of our life…talagang ganyan ang buhay hindi naman lahat puro problema lang meron ding ligaya at pag-asa kahit kaunti or kung maswerte ka pa… forever ang ligayang iyung madarama!
true annie, true! what i’m getting from this entry is that – wag kang mag-gi-give up kahit na nga there could be times na feel mong talunan ka na talaga. ilang beses ko na bang na-feel yan. juice koooo!!!
wag mong isipin yan mader, feeling mo lang yon at least you give your best, at sa bawat wrinkle na gumuguhit sa ating mukha ay katumbas ng isang kuwento ng buhay
naku ate 2nette, magandang illustration ito. ilan na kaya ang wrinkle ko, teka maka-pag eskinol muna at dumarami na. hehehe
Naku Renyz, I am an avid follower of your blog and I have witnessed through your entries the difficulties you’ve faced: online or offline. Thanks for sharing.
Natutunan ko kay Ley: Don’t give up. Life is a wonderful journey, enjoy and be thankful for every minute.
hi REYNZ [hindi nila kilala yong name na giname mo hehehe], we are glad na nakarating ka na ng maayos dyan sa philly, kahit nawala ang iyung camera.Well..ibig sabihin lang nun kalimutan mo na ang nakaraan….may darating na ibang bulaklak sa buhay mo! goodluck! isa ka sa mga taong may ginintuang puso!
NGAK! wag mo akong gagatungan! mabilis akong maniwala, baka mamaya isanla ko ang aking gintong puso hahaha
Annie, that’s right. Kung wala tayong problema sa buhay, absolutely none, how can we appreciate the good things that come our way, diba? Pinararanas tayo ng downs so that we get exhilarated with the ups. Kung lahat lang ay ups of life, boring.
tama ka dyan mahalia! kaya nga kung ano ang biyayang tinatanggap mo ngayon ingatan mo rin at mahalin at ‘wag abusuhin…at tungkol naman sa mga abusadong mga kaanak..bigyan din ng lesson, tiisin na ‘wag bigay ng bigay. Kahit masakit sa loob di ba? anyway dyos lang ang nakaka-alam kung may ginintuan kang puso.
Di naman masama ang tumulong. Dahil kung tayo ay tinutulungan din minsan, maganda namang ibalik rin ito sa mga pwedeng tulungan. Kaya lang iba’t iba rin ang porma ng pagtulong. Minsan kung lagi nating kinukunsinti ang mga bisyo nila, parang hindi tulong iyon. Masakit man minsan sa kalooban, pagtulong rin masasabi kung tuturuan natin silang lumakad sa sariling mga paa. diba?
iyun na nga ang ibig kong sabihin…maganda ang paliwanag mo.
if it’s from mahalia, it must be good!!!
reminds me so much of that time na nakikinood lang din kami ng TV sa kapitbahay, sa bintana din, ang dadamot….pinapatay ba naman hahah
many years later, 5 na ang TV sa bahay
ang sarap alalahanin, kase it makes you realize na ANG BUHAY PA-GANDA ng PA-GANDA talaga!!!
Wow dami nyong TV, pahingi naman ng isa. hehehe. Paganda ng paganda lalo na kung mag-paparlor at magpapakulot tayo ‘day!
nakakatuwa talaga mga kwento ng buhay..
Oo nga PromKing, may drama, comedy at teleserye…