Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Chizmiz sa Parlor, Culture and Society, Opinion

Random Chika from your Resident Bruha

5 October 2009 49 Comments

witchphoto harbat: here

Hello mga ka-baro, este mga ka-barrio. Yes, I’m back balakubak!

It’s been a while since my last contribution dito sa Barrio Siete. Pasensiya na kayo at medyo inatake kasi ng drama ang buhay ko at naging busy din sa work. Kinabahan din ako sa latest developments here in Barrio Siete kaya medyo nag-alangan ako sa aking ability to write. But I’m okay now. Hindi lang ako assured, insured at secured pa. Hahaha!

I’ve gained enough strength and confidence to share with you again my thoughts and opinion on the many issues and the events that’s been around us lately.

Konting recap lang ito ng recent events na nangyari and what I think about them.

If you have reactions, both violent and violent, hahaha, feel free to comment. Basta’t wag niyo lang akong aawayin dahil hindi ako nakikipag-away.You know naman, I’m pro-peace. At isa pang favor, wag niyo kong inglesin ng sobrang malalim because my English vocabulary is kinda limited you know. I’m saving it for the rainy days. Hahaha!
Anyway highway, here it is.

Simulan natin sa mga nag-iinit at nagbabagang issues.

Tina Monzon-Palma on hoarding cash donations

Alam niyo, medyo biased ang opinion ko dito because I am a Kapamilya. Gusto ko sanang maging supportive sa cause ng Sagip Kapamilya and I think their efforts and what they’re doing now to the victims of Ondoy is indeed spectacular. Oh di ba “spectacular”. Hahaha! What a word.

But to tell you honestly, I was a bit disappointed to know that all of the cash donations are being “stored for future use”. I mean, haller?! Hindi naman lahat ng donations in kind eh kayang suplayan ang pangangailangan ng mga tao noh. At wag niyong sabihin na gagamitin ito sa future rehabilitation projects dahil kelan pa yan mangyayari. The future is now. Ano pa ba ang hihintayin natin, another delubyo? Huwag naman sana.

Ang nakikita ko dito ay eksena sa isang pabitin eh. All the goods are there but unfortunately nakalagay ito sa isang frame na kawayan kung saan kino-kontrol ng taong may hawak ng lubid ng pabitin at siya lang ang bahala kung kelan niya ibababa upang maabot ng mga taong pilit inaabot ang mga kending nakalambitin sa kanilang harapan.

Congress approved billion-peso budget for Concon

During the past days eh busy tayo sa panawagan at pangangalap ng mga donations para sa mga kababayan nating nabiktima ni Ondoy. Habang busy naman tayo dito ay naging busy rin pala ang mga tongressman natin sa pag-aapruba ng panibagong budget for a constitutional convention.

Traydor talaga itong kongreso natin noh? Remember nung inaprubahan nila in the middle of the night ang Con-ass, inulit na naman ng mga damuho at walanghiyang tongressman ang pag-approve ng naturang budget sa pamumuno ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr.

Kating-kati na ba talaga sila sa pagbabago ng ating constitution? Hindi man lang makapaghintay sa paghupa ng baha noh? Wish ko lang sana nauna na silang binaha at inanod patungong Pacific ocean at hindi na matagpuan.

Marahil hindi inabot ng baha ang kongreso dahil makapal ang foundation ng building. Kasing-kapal ng mga mukha ng ating mga tongressman.

Showbiz na showbiz rescue

During the Ondoy typhoon, may mga artistang naging visible sa rescue operations. Most notable na dito ang mga hunks na si Gerald Anderson, Jericho Rosales, Raymart Santiago and Richard Gutierrez. In fairness to the first three hunks, hindi naman nila brinoadcast ang ginawa nila to help their respective neighbours. It was just known to the public when their neighbours took pictures of them, shared their stories and posted it on facebook. It only shows the goodness of their hearts. Hindi lang sila gwapo physically, may puso and compassion din sila to help those in need. Walang arteng nilusong ang baha at sinakripisyo ang kanilang mga sarili upang makatulong.

On the other hand, Richard Gutierrez also rescued someone from the baha. With the use of a speedboat, he was able to rescue his co-star from his soon to be released movie Patient-X, the beautiful Cristine Reyes. I know, parang eksena talaga sa pelikula ang nangyari. Very damsel in distress rescued by knight in shining armour talaga. Complete with up to the minute updates from Richard’s sister Ruffa on twitter, kaabang-abang talaga ang naturang rescue operation. Oh siya, direk, paki-cut na nga. Nasusuka na ako. Bad acting! Bad acting! Hahaha!

Mikey Arroyo on regulating blogs

Ito talagang si Mikey Arroyo masyadong pikon. Nagpapadala na naman sa emosyon niya at hindi na naman nag-iisip. Napiktyuran lang siyang bumibili ng “relief goods” for himself, read: alak, eh napikon agad at ang chika ay hina-harass na raw yung kumuha ng pikchur. Leave her alone noh. Ang mga tao pa nga dapat ang magalit dun sa gurl for wasting an effort to take a picture and exposing to the public an image of a very unflattering creature. Hahaha!

Ngayon pinapa-regulate mo na ang facebook and the blogs. Ano ka hilo? Haller?! Nasa Pilipinas tayo noh and as far as I’m concerned hindi pa tayo komunista dito. Alam mo, to avoid these negative things, follow these simple steps na lang from moi:

  1. Be honest. Sa mga tao, sa asawa mo, sa SALN mo. I know, mas mahirap pa ito kesa quitting smoking but you should give it a try.
  2. Do the right thing. Be charitable. Ibenta mo ang mansion mo sa Isteyts at idonate mo sa Red Cross ang sales nito. Lahat ng sales ha? Magugustuhan ka na rin sa wakas ng Vera. Hahaha!
  3. Hire a good publicist. Read: Me. Haller?! Qualified kaya ako. Nag-aral ako sa Kris Aquino School of Ka-Etchosan kaya trained akong magsalita. Mahilig ako sa shoes and bags at higit sa lahat, boobita din ako. Nyahahaha!
  4. Ano pa ba? Hmmmm…

  5. Try not to buy alak in the middle of the storm. Baka malunod ka sa alak. Kawawa ka naman.
  6. Magpakabait ka na lang kaya. Mas madali yun.

Barrio Bayanihan

I’d like to thank all the supporters and donors who made our Barrio Bayanihan very successful sa pangunguna ng ating La Kapitana. It only shows mababait pa rin ang mga tao sa mundo lalo na kung may nangangailangan. Maraming salamat for doing the right thing. Mabibiyayaan din kayo sa inyong kabutihan. Salamat for set-asiding our inner kamalditahan for a while and thinking for others muna selflessly. Sa mga nagdasal, super duper thank you at dininig ni God ang ating mga panalangin.

Sana ay magiging continuous na ang pagbuti ng panahon. Sana wala nang bagyong dumating. Kung meron man, sana dun na lang sa kung saan walang masasaktan.

Aaargh! Ang hirap palang hindi mag-maldita. Puede bang humirit ng konting kamalditahan? Hahaha!

Well, to whom it may concern:

Nasaan na ba yung ibang tao diyan who called themselves influential? Sana ginamit niyo rin ang influence niyo to raise funds. Bakit, busy na ba kayo masyado sa paggawa ng mga supposed chemically-infested blogs kaya hindi niyo nagamit ang mga influence niyo? My gosh. And don’t give me that “unlike-you-we-want-our-help-to-be-discreet-we’d-rather-be-silent-about-our-efforts ek-ek” dahil sa totoo lang it doesn’t work. Anyway, it’s not surprising at all. Diyan naman kayo magaling eh, ang tumahimik lang kahit nagkakagulo na.

Charing!

Yun na!

Bruha signing off.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12615 times by 2291 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs. Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.

49 Comments »

  • Anna says:

    Random Chika from your Resident Bruha

    I almost fell off my seat laughing with the title alone!

  • Anna says:

    Very, very insightful and sensible post, Gurl!

    Agree ako sa sinabi mong lahat. (Peksman) Nainis lang ako ng mabasa ko na naman ang biik na Pidal na yan. Instead of just biting his tounge, ilinabas na naman. Baka sa pagka-emosyon niya, magyabang at sabihin niya bibilhin na niya ang facebook. Hahah! Gigil talaga ako sa demonyong pamilya na yan.

    Cheers!

  • reynz says:

    heheh anlutong ana!

    hehehe enjoyfulness ang post na to! impakto talaga yang mga fly-by-night legislations! instead na sagipin yung mga nalulunod, iba naman ang mga objectives nang mga tifaklong! like amending the constitution in the middle of delubyo will make hupa da tubig down below

    sana nga pinabayaan na lang si mikey na malunod sa alak nya! hey! the more sales, the more products in the market and hopefully more employment sa mga kababayan naten. ganun na lang.

    hmmm…. interested ako dun sa SHOWBIZ DRAMA ala DOBOL OH SIVIN! HAHAHA! Pwedeng mag-investigate ako and make my report later kahit huli na? hahaha!

    • Mel says:

      Sana nga inanod na silang lahat Ate Reynz, tapos habang inaanod na si Speaker Nograles ay hindi salbabida ang itatapon sa kanya kundi anvil nang tuluyan nang lumubog. LOL

  • pusa says:

    galing mo talaga mel, swabe sa mga hirit lalo na sa anak ng unanong denunal!!! at matagal ko na rin wish mawala na lahat ng mga tongressman na yan!!! sana yun mga dasal nating lahat matupad rin no, kc para rin namang bagyo yan mga tongressman mapinsala sa pilipinas… lets all pray together mawala na lahat ng tongressman!!!!

  • Anna says:

    I like the list of suggestions/advice to biik… Wonderfully funny and spot on!

  • Reesie says:

    Inis na inis din ako kay Richard Gutierrez na iyan. Graveh!!!

    Agree ako sa lahat ng sinabi mo Mel. Kahit nakakainis yung mga topics mo, pero katawa-tawa ang pagkasulat mo. Bravo!!!

  • promking says:

    parang hindi naman random yung chika mo.. parang lahat backed up by proofs and articles.. ahaha.

  • chuva says:

    Hahaha! Naloloka ko sa mga punchline mo Mel!! Ang galing ng delivery.. Brava senorita!!!

  • chef macky says:

    Nasaan na nga ba yung mga nanalo sa EIB.. baka namatay na sa gutom yung mga Hampas lupa na patay gutom.

    o baka naisama sa mga naaanod sa ilog pasig at marikina river.

    • Mel says:

      Naku chef macky, huwag naman sana. I wish they’re okay pa rin.

    • darbs says:

      Nasaan na nga ba yung mga nanalo sa EIB.. baka namatay na sa gutom yung mga Hampas lupa na patay gutom.

      A curse of DEATH?

      By the way, I joined and voted the EIB and presumed that my vote was counted. They won because of my vote. I learned to respect the decision.

      • darbs says:

        Forgot to mention the name…

        Chef Macky that is.

        • darbs says:

          Next time isali mo sa putahe mo ang dinuguan.

          Gamitin mo na rin ang aking dugo, ang aking bituka at laman loob sa iyong lulutuin para may ipakain sa mga kababayan kong patay gutom.

          • darbs says:

            @Chef Mackey here is the suggested Recipe Name

            “Dinuguang Darbs para sa patay gutom kong kababayan”

            Tip sa pagkatay:

            Ang dinuguan pala mas maraming dugo mas masarap. Alam mo na kung saang parti ng katawan sasaksakin para makakuha ng maraming dugo di ba?

          • darbs says:

            One more thing, wag mong kalimutang bigkasin bago mo idiin ang talim ng punyal sa tamang lugar… walang takot… walang kaba…

            bigkasin mo: Ito ang dugo na “iula” kaninyo at sa lahat ng mga kababayang gutom, inaapi, pinagsasamantalahan… upang ang recipe ko, state the name [Chef Mackey]… ay sasarap, katakam takam…

            Sabay sak-sak.

            Isip isipin mo Chef Mackey which you already know by now… na ang bawat patak ng dugo, ay patak ng silakbo nitong puso, atay, large intestine, small intestine…na pang dinuguan.
            Reciping Dinuguan ni Chef Mackey doon sa kanyang restaurant.
            Dito na lang po. Thanks for knowing you CHEF MACKEY ang tunay na MANGLUTUAY.

  • Silver says:

    Amen Mel.

    Di ko type ang kalansahan ni Richard. Ugh.

    ~binalibag ang tilapia at talakitok~

    • reynz says:

      as far as Richard is concerned,

      i heard na he only borrowed the speedboat. ba’t si Cristine lang ang sinagip?

      ma check nga uung video at makapag imbesitga hhehehe

      • Silver says:

        ~tinapon ang lapulapu at tuna~

        Oo nga mudraness! And mega media coverage pa ang lolo mo! Hmpt!

        • promking says:

          sus. wag ka maniwala sa story nila..

          ang totoo nyan, kaya kasama si Richard Gutierrez sa rescue team ay – ni rescue lang din daw siya. Hindi siya ang nangrescue. At kung ako ang AFP, bat ko ipapahiram sa kanya ang speedboat e hindi naman yun kasama sa protocol.

          yun ang sabi ng nagtitinda ng taho sa amin. ewan ko kung san niya nasagap ang balita.

          ang theory ko, kaya siya kasama dun kasi alam niya ang bahay ni Cristine. para madaling puntahan, sinabit lang siya.

  • mahalia says:

    Totoo ba yon? Bibilhin niya Facebook? Baka Friendster eh di pa nya carry!

  • malensky says:

    one spectacular blog post!!!!

  • glorien says:

    nice work.
    super galing ng pagkacompose. oo nga.. asan na pala yung mga chemical whatever na yun? baka busy sila sa pagreresearch kung pano nila gagawin yung ginawa nila dun sa awards.

    • Mel says:

      Thanks Glorien. Busy na ang mga yun sa paghahanda for next year. Huwag na tayong magulat kung may mga lumabas na biology, geometry, at physics blogs. LOL

    • darbs says:

      asan na pala yung mga chemical whatever na yun?

      Hindi ako naka-enroll sa chemistry pero alam kong naka enroll ako noon sa klase ni Reyna Elena sa social climbing. Sinuportahan ko ang sa listahan nya.

      What is the difference me and the chemistry students?

      Please kung binababoy ninyo ang mga chemical students isali nyu na rin ako.

      Fair enough for me.

      I FOLLOWED THE BLOCK VOTING! SO IAM GUILTY OF STUPIDITY! MANG MANG, WALANG UTAK – - TELL ME MORE!

      • Mel says:

        Darbs, review the past posts about this issue. They’re all on the most commented posts. You’ll find all the answers there and you’ll know why.
        Masyado kang high-blood. Ang puso mo.

  • an2nette says:

    Hi mel, isa kang creative writer you know, very specific ang pagkakasulat mo, my english is also very limited, ang isang sakong english kong baon dito sa alemanya naging supot ng pandesal, ngayon plastik na lang ng ice candy nabutas pa

  • antuken says:

    hahaha. enjoyed reading this post. loved the pieces of advice kay mikey. i didn’t catch his guesting dun sa unang hirit kung saan na-murder sya ni winnie monsod. saw it on fb a few days ago. tawa ako ng tawa. kse mukhang napipikon. hahaha.

  • Rosa says:

    I agree with all your comments especially about Mikey Arroyo. Instead of trying to buy relief goods for the Ondoy victims, here he is buying alcohol. Just goes to show what his priorities are and where his sense of propriety is (this runs in the family apparently). Good blog at napatawa mo pa ako at I like you when you are maldita since you are just telling it like it is.

  • darbs says:

    @Mel, as always taga subaybay. thumbs up ang isinulat. sensya na sa putahi at ang pag chemistry. go! go! mel…go! sign off for the night.

  • [...] that was approved unanimously nang mga present hahaha! Baket?! Tongressmen lang ba ang marunong mag-hijack nang legislations in the middle of a storm?! [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.