Ready ka na ba?
Dalawang buwan na lang.
May napili ka na bang kandidato? If yes, good for you. Pero sure ka na ba?
If wala pa, pwes piliin mo ang manok ko. Si Atcheng Jamby. Charing! Hahaha! Mag-isip ka friend kung sino ba ang karapat-dapat na maging pangulo natin. Be informed, and most of all, choose Jamby. Hahaha!
Anyway, ito na ang kauna-unahang automated elections sa Pilipinas. Mabuhay! Pero teka, ang tanong, matutuloy nga ba ang naturang automated elections? Dahil kung ibabase ko sa aking mga nakalap na impormasyon sa tv, radio, tsismisan sa kanto at maging sa internet, mukhang hindi pa totally ready ang Comelec.
Scared much?
You should.
Juice ko ha, bakit ba palaging last minute ang preparations na ginagawa nila. Kaya tuloy lalong lumalakas ang aking vibration na may planong hindi maganda ang kasalukuyang administration na obviously ay hayok na hayok sa kapangyarihan at wala yatang planong umalis sa pwesto.
Mas lalong tumindi ang aking kutob nang magpalit ng kapangyarihan ang leadership ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Gen. Delfin Bangit na dating lider ng PSG at matunog na BFF ni Gloria Arroyo. Sangkap ba ito ng mas matinding recipe na kasalukuyang niluluto ng Malakanyang?
Bakit sobrang delayed at mabagal pa rin ang kilos ng Comelec? Not enough vitamins, or not enough pondo?
Masyado tayong focus sa pangangampanya ng ating mga presidential bets. Nagsasagutan sa mga issues na ibinabato sa ating mga manok. Sana huwag nating kalimutan na walang eleksiyong magaganap kung hindi pa rin final at maayos ang lahat ng dapat matapos pagdating ng panahon.
I suggest the presidentiables put a pressure on Comelec para masigurado ang success ng full automated elections (not partial automation like some are suggesting) dahil ayoko nang bumalik sa primitive way na madaling nadadaya ang resulta. Hanggang ngayon ang mukhang munggo na si Garcillano ay pakalat-kalat pa rin at malamang busy na naman sa panahon ng election.
Juice ko, I can only imagine the events pag nagkaroon ng failure or no election. Mananatili sa puwesto ang nunal na tinubuan ng tao.
Total chaos.
Huwag naman sana.
Viewed 9864 times by 2277 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.















I think at this point, people are ready who to vote for sa presidential and vp level. ang problema: SENATORIABLES.
Pour moi:
1.) Brenda. I know, luka-luka sya, umiwas pa sya sa alibi nya sa Senate on voting dun sa Villar C5 issue – pero dapat ibalik sya.
2.) Risa Hontiveros. I expect more from her given her accomplishments atsaka, dapat talaga palayasin na ang mga panget sa senado! Hahaha!
3.) ~nag-iisip pa ako~
Silang dalawa din ang sure na sa listahan ko Ate Reynz. Miriam because she’s insanely a diva. And Risa because she’s a diva-in-the making. Hahaha
Sayang talaga si Adel, gwapo pa naman. Hahaha
sino si adel?
si Adel Tamano. ang dimples na tinubuan ng tao. hehehe
@Reynz/Mel – Risa Hontiveros will surely make waves kapag SONA dahil she could be interesting to see in designer gowns like Pia Cayetano and Loren Legarda…hehehe…
Pero seriously, I think Risa will be a good senator given the chance because you can see that her passion to serve the people is there.
Until now di ko pa rin magets kung anong klaseng automation ang mangyayari, ibig sabihin ba nyan ey the result will come out before 12mn on the same day since 1 time zone lang naman ang bayang magiliw? ~~ confused~~
Maxi if that happens, bongga talaga. It’ll be a breakthrough. Unfortunately, kung totoong may masamang plano si ‘you know who’ to manipulate it, I’m sure tatagal pa sa expected time ng paglabas ng resulta.
Dito kasi sa B7 namin ni Ateng Reynz, before midnight alam na namin kung sino nanalo lalo pag local election, if presidential naman bago mag 24 hrs malalaman na rin ang results. Sana ganun ano? Para masaya!
Sana ganyan na rin dito sa Pinas. Let’s cross our fingers.
wag sanang magkaroon ng brownout during election, lets cross our legs too, basta ako nakaboto na, yung sa pangkin ko binalik yung balota niya kasi daw walang voters registration number sa labas ng envelope, eh wala naman kasi sa instruction, ano ba yan
Asa pa kayo…. give it mga one week, big improvement na rin yan, hehehehe! Saka sana wala ng guro na magbubuwis ng buhay this time…
Dati rati, one week nasa munisipyo pa lang ang mga balota, mega tally ng mga election returns na pinaghirapang bilangin at i fill out ng mga dakilang guro. Week 2 nasa regional comelec office bago ipapadala sa Manila to be certified by the comelec commisioner. After a month pag sinuwerte, mapoproclaim ang mga national officials, zingggg!!!!