Refrigerator at ang iyong Electric Bill: The Barriotic Solution
Umagang-umaga binubulabog ako ng mga bumibili ng yelo. Oo may tinda kaming yelo. Pero ice candy wala kasi namatay na yung magaling magbuhol ng ice candy (yung tatay ko) sa amin.
Kasi naman…may mga refrigerator din ang mga kapitbahay ko, ayaw isaksak! Bakit? Eh kasi mahal daw ang kuryente! Eh nagsi-bili pa sila ng appliances na de-kuryente kung magre-reklamo sa electric bills?! Syempre para pagpasok mo sa bahay nila may makikita kang naka-display na refrigerator, La Germania Oven (yung may burners sa top), microwave oven, bread toaster at electric fans. Pero that’s just it, display lang sila. Minsan nga gusto ko nang hiramin yung bread toaster nila, kasi sa kawali ako nagto-toast. Yung oven din, masisira lang kung di nila gamitin. So sa akin na lang ipagamit. Wala akong pambili ng oven eh. Ha ha ha.
Meron ngang isa, yung bike ng anak nya eh nasa loob ng bahay. Kasi daw uubuhin ang anak nya pag pinagpawisan sa labas. Kawawang bata, hindi man lang mainitan sa labas at hindi man lang mapawisan. Manay, maganda sa bata ang ganyan! Besides, mapuputikan ang mga gulong nung bike! Ha ha ha. In fact yung electric fan nila eh hindi ginagamit kasi uubuhin daw ang mga anak. Nyeh! Bumili pa ng electric fan!
(Of course hindi naman lahat eh ganyan. Merong isa kaming neighbor na katulad din namin. Bumibili ng appliance para gamitin at hindi i-display!)
I’m not kidding, nakakahiya pero these are really true. Nangyayari ang mga yan dito sa barrio ko sa kasalukuyang panahon. Tanungin mo ako kung magkano ang electric bill namin monthly? 3 thousand po! Hindi ko lang alam kung mahal ba yan o mura compared sa mga siyudad like Manila. Eh kasi naman lahat ng gamit namin, umaandar ng sabay sabay. Wala pang aircon yan, kasi di pa gawa ang bahay namin. Ganyan kami kayaman, este kayabang! Ha ha ha.
Despite the presence of electricity, all houses here are lights out by 7 pm. Well I guess early in bed, early to rise up in the morning, right? I think we are the only family here suffering from insomnia. Even at 1 am, somebody is still watching TV, especially if the twins are here.
v
Well… hindi kami mayaman. Pero bumibili kami ng mga gamit sa bahay to make our lives comfortable. Tulad ng rice cooker, para kahit iwan mo eh hindi masusunog ang kanin mo. Ang refrigerator naman, hindi dahil sa kaartehan kundi for practicality’s sake. Ang layo kaya namin sa bayan. Alangan namang araw-araw kami bibili ng mga karne at isda sa palengke? Syempre weekly, thrice or twice a month lang. Tapos lagay na sa refrigerator para hindi mabulok. Eh di sa oras ng pagluto eh magluluto ka na lang, minus na ang oras ng pamalengke. And then ang washing machine naman, kasi pagod na kami sa hand-washing!
Eto yung lagi kong sinasabi sa pamilya ko: kung bibili ka ng mga gamit sa bahay eh dapat kaya mong panindigan ang consequence nyan. For example eh yung itataas ng electric bill mo. Dapat handa ka sa maintenance. Hindi yung para lang ba masabi na meron kang pambili ng gamit.
Well unfortunately…marami pang tao dito sa barrio na may ganyang mentality. Gustong sumabay sa uso, wala namang budget for the long term. Yung tipo bang, pag nag-alaga ka pala ng aso eh hindi mo na pakakainin? Lalaki na lang yung aso. Hayy…ambot.
Viewed 10213 times by 1699 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.














HAHAHAHA!!! MALEN!!! Dini-describe nya yong kusina nyo na La Germania which was for display only! HAHAHA! Nakita ko kamo ang picture sa blog mo! Hahaha!
Flangaaaanaa! HAHAHHA
sa tabi ng aming la germania, may panggatong, uling at paypay.
tita glo, yung kutson namin may plastic cover pa.
hahaha! di ba mainit higaan ang kutson na may plastic cover?
hahaha!
Wow! Another sad episode of mangmang in the barrio, hahaha… and for the reasons na educational failure ang pinagmulan ng mga ganyang paniniwala… hahaha… I’m loving this post!
Anyway, sa mga pangkaraniwang mga tao dito sa US maraming ring tao ang mahilig gumastos sa kung anu-anong mga bagay or gawain… they usually end up broke or super-tight.
Ang concept ng kasaganahan dito ay wala sa laki ng financial savings mo or material gains… Ang usapan dito eh, kaya mo bang sumabay sa mga bayarin tulad ng mga bills, insurance at taxes?
Hahaha… Glo, nanliliit talaga ako sa mga ideas mo! hahaha… in short — Excellent.
I agree with Glo, this story is sooooo real! Hahaha! Our neighbor nun sa barrio na iritang irita ako has a pridyidir and we have one too. Ngayon, akala mo ba, they would go on buying stuff taz di daw mag-kasya sa pridyidir nila and makikisalpak daw sa pridyidir namen, right.
Eh etong bradir ko sa inis, niluto ba yong karneng ipinaki-salpak lang hahaha! Akalain mong sinimulan yon nang away namen? Kesyo patay gutom kami? Honestly, we were not kasi busog na busog kami nung ipinakisalpak nila hehehe
Dala to kasi nang hirap sa barrio and really wanting to have a good life nang mabilisan hehehe – that is, for display bah hahaha
Hahaha!!! Tama lang na iluto yung mga ipanapasalpak. Pagkain yun ano? Sayang naman kung magiging antigo yan sa ref nyo.
hahaha! okay yan ah. hmmm…magawa nga sa mga nakikisalpak ng karne sa ref amin.
hehehe. hayy naku sabi ko sa nanay ko sa bawat gamit na binili ko sa kanya aba eh kung hindi nya gagamitin ipagbabalibag ko ang mga yan sa bangin. eh sa likod namin merong mababaw na bangin.
hahaha! sunod naman ang nanay ko.
nyahahahaha!!!
john salamat. gusto ko lang kasi ikwento ang kalagayan ngayon sa barrio. eh andito pa naman ako ngayon.
Naalala ko daw yung lola ko, huwag ko daw inumin masyado yung juice… pambisita daw yun… at yung sala set namin laging may taklob para hindi masira…
Hahaha! Not only that John, what about the typical iskaparate? I remember all these platos and kubyertos na buy nang sister ko siguro sa Kyapu and den nakadisplay sya at di namen pedeng galawen hehehe order ni madir hehehe
Den, medyo nag-imprub ang kubyertos namen, we were soon getting all these stuff na galing Amerika, so ginawang pulbura yong mga domestic platos at tazas hahaha dahil napalitan nang galing States, leche, di pa rin namen magamet – puro pa rin pan-display! Leche oo! And it seemed to me na di nawala yong culture na yan at buhay pa rin hahaha
reynz, yan yung platera. lagayan ng mga pinggan at kubyertos na hindi puede gamitin! hahaha. wala kami nyan eh. yes buhay pa rin ang culture na yan reynz. by the way, happy memorial day weekend!
you’re right! that was platera hehe
Sa amin naman yung mga Tupperware di pwede galawin. Sa fiesta lang daw dapat ilabas yun. Pati yung punch bowl, di pwede sa ordinary kainan dapat fiesta lang.
dati yung platera ni madir, nakadispley ang mga china (4 show only bawal gamiten)tapos lumindol ng malakas sa barrio namen hayun nagmultiply silang lahat. ni hindi namin nagamit.
ngayon pag bumibili ako ng gamit para sa bahay sabi ko bawal idispley…hehehe
At isa pang classic setup, TV sa cabinet then sa taas component na malalaking speaker at sa baba ng TV DVD player. At naka display din water dispenser.
hahaha! yes. lintek na fiesta yan. yung mga nakatago saka ilalabas para sa mga bwisita! hayy…pinoy talaga.
Tapos sabi tabi nung mga tupperware sa cabinet makikita rin amy naka dispaly na fruit cocktail, taster’s choice, yung malaking lata ng Tang at kung ano ano pang state side na dilata. Tatandaan ko yung Nesquick nga nun para nga kaming magnanakaw kung magtimpla. Dapat patago.
Eto pa, mostly sa mga sinaunang OFW (not necessary na sila lang)…
Kung mapupunta ka sa bahay nila pag fiesta. May makikita kang mga display sa sala nila… ito ang mga sumusunod:
1. Mga basyo at karton ng Johnny Walker at Chivas Regal.
2. Nakasabit na giant wooden spoon and fork.
3. Last Supper image.
4. Wall carpet na may asong nagbibilyar, nagbabaraha, naninigarilyo at nag-iinom.
5. Wall carpet ng Mecca.
Hahaha!
Atsaka mga small figurine ng mga camel or yung stainless na coat of arms ng Saudi (if galing saudi) na may dalawang itak at gitna ay buko ba yun?
You forgot sum’tin mah friend John! hahah! Yong bayaw ko have friends that work in Saudi, nung umuwi dahil nga fiesta, iba naman ang naka-display, I mean, typical na ang mga boombox at palakasan pa nang tugtug, sigawan na sila sa bahay noh?
Now, alam mo bang, lahat yan nag-iinuman at paramihan nang….. TADANGGGG…. BLING-BLING!!! hahahaha!! Agree??? hahaha!
Ah oo naman! Yung typical “Tonyo” ng Saudi.
Pagdating ng MIA, malalaman mo kung galing siyang Saudi kapag kanito ang get-up”
1. Naka Aviator Ray-Ban glasses.
2. Medyo bigotilyo.
3. Naka Levi’s 501.
4. Top – naka sando na puti at maong na jacket.
5. Cap.
6. Kung medyo hardcore ang dating… kailangan may mullet!
7. Sandals.
8. Makapal na alahas (sing-sing, bracele. kuwintas or all of the above).
9. At may pasalubong sa iyong Jovan or Charlie na pabango…
Eps, nakalimutan ang Brut at Aramis..
hak hak hak hak! ganyan na ganyan yong mga naka-inuman namen hehehe! an tawag saken, “‘Pare!” hahaha! kung alam lang nila na tinupi ko muna ang high heels ko hehehe
YES. ganyan na ganyan ang get-up ng mga uncles ko na nag saudi noon. hayyy grabe ang kuwintas na mga yan, ang kakapal na gold!
hahaha! jovan lagi ang pasalubong nila sa tatay ko. ang tindi!
Oo nga pala! Brut and Aramis…
Noong panahon ko naman sa OFW sa Middle East ang mga usong pauwi ng mga friends kong mga pabango… ay: ADIDAS at Benetton Hot and Cold… hahaha…
Gosh, I can so relate. Noong araw uso yong naka display ang appliances kahit mama ko minsan di niya ginagamit pero that is because hindi alam pano gamitin at ayaw naman kalikutin. And I know, hanggang ngayon, there are people whose appliances are FDO – for display only. Kaya ako? I only buy what I will use. Yong doble-doble na gift ko noong wedding ko at yong di ko madadala sa Qatar, ni-recycle ko kasi sayang naman at di magagamit.
Sa akin naman in fwerness, gusto ko yong luto sa kahoy at nasa palayok pag bumibisita ako sa probins. hitsura kung ang la gernmania ay merong nakapatong na bulaklak.tapos yong inihaw ay sa baga, wow.
sa siyudad may ganiyan. yong asawa ng aking boss na doctora, noong unang labas ng microwave, di rin niya ginagamit. pang displey lang daw niya. kaya noong dumalaw sila sa akin dito sa US, ayaw niyang gumamit ng microwave. *heh*
natatawa ako kasi parang kame ganito. bumili ng aplayanses para idisplay tas bumaha, sira. tas sabi pa ng nanay ko, sayang ang karton, matibay daw yun! hahaha
may panahon po na gumana ang mga aplayanses na ito… nung natutong mag magic ng kuryente at kuntador!
grabeh, parang bahay ng kapitbahay namin to a! pero sila naman nanonood ng tv, tapos parang sine sa tanghali pag mga Batang Yagit.
EEEEKKKK! taga saudi ako, hahaha! pero wala nyan lahat sa bahay namin, ni wala nga ako kahit tansong singsing, ayoko naman mag-relo, at ang dala ko nung unang uwi ko sa pinas eh isang computer at isang set ng encyclopedia.
pero talagang mahal ang kuryente sa atin, naiisip ko na ngang gawing solar panel yung bubungan namin.
mahal talaga dahil many of our power plants ay powered by fossil fuel and we are at the mercy of fossil fuel suppliers. Napagusapan namin yan ng kasama kong itik – mas mura daw kuryente sa india kesa dito sa Qatar kaya nagulat ako. namumurahan na nga sa kuryente dito sahil subsidized ng gov’t pero mas mura pa pala sa india kaya talagang super duper mahal ng sa atin.
Good idea ang solar panels – problem lang kasi mahal ang solar cells. Pero kung maging afordable ang solar cells siguro marami ang magcoconsider nyan.
nina @ roni,
i like the idea of solar cells na idevelop sa pinas para maging affordable sa karamihan and then mag-inject nang alternative sa meralco.
question is; hawak ba to nang mga mafia dahil tipong walang gumagalaw sa solar cell development?
we don’t hear any affordable housing, except loan nang pag-ibig na pagkaliit liit nang bahay, but i think, kung di na pedeng palitan ang liit nang bahay, i believe they (the govt) need to focus on lowering down utilities at isa na nga nito ang koryente.
sa init ba naman sa Pinas, it’s unbelievable why di pa na-haharvest ang init or solar energy. kelan ko kaya maririnig na magkaron nang Green Program ang gobyerness naten or hindi pa alam nang ateng mga tongresista at senatress ang mga bagay na to?
can someone clear me up? hahaha!
roni, may nakita ako sa tv ginawang taniman ang bubong – baka pwede yon kesa bumili ka ng farm
pwede kaya mga ostrich sa bubungan namin?,hehehe.
mag-tatanung tanong din ako, baka nga mas praktikal na investment ang solar panels kesa… let’s say five years time of paying monthly electric bills.
surprised ako sa presyo ng kuryente sa india ah.
roni,
dito samen sa US, dahil nga nasa real estate/housing chorva ang lola, ang mga bagong developments ngayon is being encouraged to go green. if you do, malaking mga tax credits ang ibibigay sayo nang gobyerness, of course, susundin mo ang mga requirements at expected deliveries mo, but so far, ang gagaling nanng mga bagong developments na solar panel ang gamet. ang electric expenses eh tipid nang todo.
i think, matalino ang mga pinoy at kung totoong for service sa madla ang mga tongresista and senatress saten, they would look into this area para sa mamamayan divanetch? sa laki nang budget nila sa mga pork bariles nila, what about budget on greens like solar energy?
@rheynz
marami sanang pilantropo sa international community ang gustong tumulong, kaso, iritado sila sa mga proseso ng gobyerno, sa aking pagkaka-alam. (baka mali ako)
sana nga, one sweet day, magkaroon ng mga ganyan sa ating bayang pinakamamahal.
May mga pinoy talaga na showy, display lahat pati mga diploma na nakalaminate, pati medal na mga best in sumtin sumtin at mga trophy na napanalunan sa basketbol nasa platera din, yung neighbor namin non pag mag birthday sa anak nya, pagkaihip ng may birthday don sa cake tinatago na di pinakakain sa bisita, para ka lang tinakaw
ganyan ang auntie ko dati, hindi hinihiwa yong cake. hahahahahhaha…tapos recently nag-birthday niece ko. Ayaw ipahiwa ang cake nya dinadasalan yata kaya yong auntie ko hindi nakapagbalot….hehehehheheheh I guess there’s really karma…
ang saya2 naman dito sa barrio siete!haha
Bwahahaha….
mayron din nakikisalpak dati sa fridyidir namen! Hahahaha…
parang isa sa mga kapitbahay mo ang nanay ko hehe. sabi ko nga dun sa post ni malen, just 4 show lang ang mga gas range, rice cooker, oven, microwave at pridyidir. in fairness, nakasaksak naman ang fridge pero tubig lang ang laman.
pero di naman na sya naggagatong ng sinaing, meron na sang kalan na de gasul, kaya lang talagang ayaw pagamit ang la germania hehe
korek ka din kasi sabi nya mahal ang kuryente kaya ayaw nya pagamit sa tatay ko. sayang daw kasi dadalawa lang sila sa bahay.
pero pag umuuwi naman kaming magkakapatid eh okey lang na gamitin namin kasi syempre marami na kami. at saka wala na syang magawa. di sya pwedeng pumalag kasi sesermonan namin sya hehehe.