Home » 5/6 at mga raket

Yes, Reyna was a victim of this pyramid scheme they call multi-level marketing

8 June 2009 64 Comments

Ano ba talaga tong multilevel or “network” marketing plans? Well, isa syang way to sell goods or services through distributors. Typically, etong mga plans na to is promising you na pag nag sign up kayo as distributor, kikita kayo nang commissions – sa mga benta ninyo at sa mga mahahakot mong bagong miembro na magiging distributors also. Etong mga recruits nato eh tinatawag na “downline” mo, kasi, nasa baba mo sya eh.

pera

Me mga ibang multilevel marketing plans dyan na legit. Pero, yong iba ay mga illegal pyramid schemes. Sa pyramids, ang commissions ay base dun sa bawat mahakot mong bagong downline o distributors na ma-recruit mo. Yong mga productong binibenta mo are not really to consumer or madlang people, kundi sa mga distributors na na-recruit mo, ok? Etong mga goods na to eh posibling mga vitamina, arinola, kaya car leases o kaya ibos, ok? Etong mga productong to ang nagpapakunyaring legit ang scheme na to. Eh, kasi meron kang binebentang producto eh. Di ba? Arinola lang nga.

Now, it’s very risky to join this pyramid thing. Take the case of Reyna.

Yeap, isa akong dakilang lecheng cute na tanga! Hmpt! Pina-niwalaan ko ang isang gwapong kebigang nakilala ko in America with another very close friend. He dresses nice. He speaks very professional. He drives fancy cars. As a matter of fact, nakakahalik ako sa kanya. Nahawakan ko pa! Hahaha! Ang pokpok na yon! Hmpt! At that time, he owned a Filipino restaurant. Then he went big. He managed and operated one of the swankiest bars in an American city where big named stars and celebrities go. He managed to get me to invest about $5,000 into this pyramid crap. Eto yong bagong salta ako sa Amerika at gusto ko nang yumaman as in NOW na. I know, naging ganid ang lola nyo. Result?! Chugi pera ko. Ngumal-ngal ako nang isang balde. Nag-away kami nang hayop na kaibigan ko and he would go through a host of personal problems. In the end, the IRS ran after him. His business is now closed. I don’t see him no more pero pinatawad ko ang aking other close friend. In my mind, I will get that money back in some other ways. Bahala na si Bathala.

And so, that is just one of the risks pag sumali ka sa mga pyramid na to. Ilang Pinoy na ang umiyak sa mga ganito at marami pa rin ang naloloko. Bakit risky? Kasi karamihan will lose money para bayaran ang kokonting members na nauna sayo. Karamihan nang kasali end up with nothing except yong arinolang ibenenta sa kanila na napilitan lang nilang bilhin. Get mo?

Ngayon, kung feel mong mag-join, aba – take time to learn kung ano ba tong planong to. Eto mga tanong na dapat na masagot:

  • Ano ba ang track record nang company?
  • Ano-anong arinola ba ang binebenta nila?
  • Nagbebenta din ba sila sa madlang publico?
  • Meron ba silang evidence to back up yong mga claims nila tungkol sa mga magic arinola nila?
  • How about yong price?
  • Competitive ba? Mura ba or mahal?
  • Yong product ba nila is appealing sa public? Baka pagtawanan lang yong product nila?
  • Magkano ba ang investment dito?
  • Meron bang monthly sales na kelangan mong abutin to earn a commission?
  • Required ka bang mag-recruit bago ka makapag-earn nang commission?

Be skeptical or wag basta-basta maniwala, o kaya, gumising ka Inday kapag sinabi sayo na if you buy yong start-up inventory nila tsaka yong sales literature nila, na merong commitment na dapat maka benta ka nang ganito, etc, eh yayaman ka na. Baka naman, kagatin mo kaagad ha?

Karamihan dyan sa iba, they spend a lot of money sa pagbili nong mga kung ano anong training classes nila, plus bebentahan pa sila nang kung ano anong producto. Karamihan, eto lang ang nagiging investment nila.

OK, Makinig ka.

Kung talagang decided ka na maging distributor, legally responsible ka sa mga claims na pinag da-da-dakdak nang company mo (company mo na yon ano? Kasi distributor ka na!), kahit na binabasa mo lang yong literature nila, aba, responsabilidad mo na rin yon, anak. Ang law ay nag nag a-advise sayo to read the company brochure or advertising flyer, verify mo ang research tungkol sa product performance bago mo I-broadcast sa mundo.

Tsaka, pag nag-recruit ka nang bagong downline, be honest at avoid making unrealistic promises, ok? Kasi, pag pumalpak yong mga promises na yon? Liable ka anak.

So, eto ang pag-evaluate nang plan:

  • Kapag ang plans include earning commissions kapag nakarecruit ka nang additional distributors, Kandelarya, baka isang illegal pyramid yan.

  • Beware of plans na kelangan bumili nang expensive products o marketing materials yong mga bagong recruit. Kandelarya, pyramids in disguise yan, tita.

  • Mag-ingat sa mga claims na your money will grow nang tuloy tuloy based dun sa pag dami nang iyong downline, that is, yong number of distributors you recruit.

  • Mag-ingat sa tinatawag kong “magic arinola“. Eto yong mga miracle products that promise enormous earnings. Tanungin mo promoter na patunayan yong mga claims nya.

  • Mag-ingat sa mga references paid by a plan’s promoter to lie about their earnings through the plan.

  • Don’t pay or sign any contracts sa unang pagkikita o kaya pag pri-nessure ka. Sabihin mo, pag-iisipan ko muna to, or tatawagin ko muna lawyer ko o sawa ko o pitbahay ko or tanungin ko muna ang Reyna.

  • Check mo yong company sa DTI. Me reklamo ba sa company na to?

Tandaan, kahit na magic arinola pa ang binebenta mo, magpapapawis ka muna nang dugo atsaka datung para mag pay-off ang investment mo. Quick money? Quick ding nawawala yan anak.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13953 times by 2824 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

64 Comments »

  • Ely says:

    Nakasali din ako sa pyramid na yan back in college. Twice sa same company… although I dont’t see myself as a victim kc kahit papano may mga natutunan ako, hehehe…

    • reynz says:

      what were you doing then?

      • Ely says:

        recruit, although ayaw namin siyang tawaging “recruit”, we called it “invite”. Yung selling, naging “sharing” ng products. I think ok naman yung company kc matagal na siya, 70′s pa. Hindi siya scam, although kailangan mo talaga magtiyaga para kumita which is yun naman talaga dapat.

        Ang mahirap kc, pag nirerecruit ka may expectation na kikita ka agad ng malaki so kadalasan yun ang reason kung bakit madami na-eengganyo na sumali, pero after a few months ndi nila nakuha yung kitang yun, nawawala na sila.

        Yun din isang reason kung bat ako umalis, saka tinamad na din ako. Besides nag-aaral ako nun, mahirap pagsabayin, at may allowance naman ako so kumabaga makakakain pa rin ako kahit hindi ko na itutuloy…

  • ajay says:

    Hindi talaga ako successful sa mga ganyan eh. I tried joining na Herbalife, yang Noni juice etc…I cannot sustain it, hehehe. In fairness, yung 2 friends ko sa college, naging milyonarya dahil sa Herbalife. But what applies to Juan need not apply to everybody, unless i-career mo ng husto.

  • Super Sawsaw says:

    here in singapore, bawal ang mlm (kaya sa pinas nago-operate ang singaporeans? hehehe). anything that gives incentives in recruiting members, bawal. sana ma-implement yan sa pinas pero si roilo golez (forever living) at mike defensor(first quadrant) ang unang pipigil dyan. dyan sila kumukuha ng pera eh.

    but I was also a victim dahil din sa isang napakalapit na kaibigan. pero maliit lang naman ang talo ko. in the first place, sumali lang naman ako to accomodate a request by somebody. sana binigay ko na lang sa kanya yung pera.

  • malensky says:

    ‘day, victim din ako ng easy money schemes na yan. eh gusto ko din kayang yumaman NOW na. ang kumikita lang pala eh yun mga pioneer members. so after ko mabawi yun pinuhunan ko…sinumpa ko na hinde na ulit ako sasali sa mga MLM chorva na yan. mas mabuti pa ang AVON hahaha

    mag-ingat sa mga promising offers, esp. yun mga iniendorso ng politicos, yun mga too good to be true promises, madalas false yun.

  • The Cat says:

    ako hindi naging biktima kasi talagang mahina ako sa sales, suplada ako eh. pagsinabi mong hindi ka bibili o ayaw mong sumali, bigla kitang tatalikuran at sasabihan ng TSEH. lol.

  • darbs says:

    Pyramid is already here since 18forgotten.

    1899 – William F. Miller, a Brooklyn bookeper who in 1899 used the same pyramid scheme to take in $1 million

    1920 came http://en.wikipedia.org/wiki/Charles_Ponzi

    1980′s – Came to our town. Many were victimized.

    2009 – Maddoff came and pocketed 50 Billion Dollars Dollars known as Madoff Ponzi Scheme.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Bernard_Madoff

    And people just keep on believing because of INSTANT RICHNESS!

    (This is Reynz: Once you wrote a comment with links: itatabi for moderation. FYI)

  • mel beckham says:

    sumali ako dun sa tinatag kasama si mike defensor. wala naman akong nakuha kundi sakit ng bulsa at ulo. hahaha

  • orphicpixel says:

    tried also once pero di ko tinuloy, kasi wala naman ako maibigay na pera that time

  • reynz says:

    it all starts with friends i guess. si madoff pati pamilya nya dinale

  • Rosa says:

    May sensor na ako diyan sa mga maraming naghahanap ng new recruits. Pag bagong kakilala pa lang at inimbitahan ka sa bahay nila para sa isang demonstration ng bagong product ay sinasagot ko ng hindi ako interesado. Pag kaibigan naman, bumibili na lang ako ng ibenebenta nila at sinasabi kong wala akong time para hindi ka kukulitin. Target ng mga MLM sometimes yong mga bagong salta kaya naman kinakausap namin sila na huwag magpipirma kungdi nila naintindihan.

  • Silver says:

    Hindi ako comfortable with the MLMs talaga. Madami na nga nagcoconvince sa akin na sumali pero just like The Cat, suplada ako sa personal. lol.

    Yung herbalife na sinasabi ni madam ajay, madame nga yumaman dun. Hahah.

  • Naniniwala rin ako na ang yumayaman lang sa mga pyramiding schemes ay yung nasa itaas ng pyramid. Unless they give more incentives on sales rather than recruits, all networking companies are destined to fail.

  • dencios says:

    muntik na din ako mapasali dyan noon between 2003-05 ata yun.i had meetings then pa nga,pero totoo nakisawsaw lang ako kunwari para lang makapasok sa magandang building at makahalubilo sa mga mayayaman at makakita ng mga taong may dala dalang sangkaterbang cheke na libohin daw ang laman LOLs. very tempting at kasali din ang mga bigtime politics at mga celebrities. nakalimuntan ko ang name pero i remember it was also being shown thru print ads. pero bumagsak din in a span of only less tahn 4-5yrs lang…

    • reynz says:

      pero bumagsak din in a span of only less tahn 4-5yrs lang…

      kung bumagsak yon nang 4-5 months, siguro andaming sumali nun kaya ganun kabilis

    • Lani says:

      Baka First Quadrant, kalapit lang namin iyon, Yung depository bank nga namin, ang mga staff, tawag ng tawag sa office namin to attend the seminar, mag conduct daw sa bangko nila after office hours, oo lang ako, pero i did not attend. Pinadalhan na lang ako ng brochure, ang chaka naman ng mga products, at ang presyo, sus, 2k to 5k ang shoes.At pag member ka, 50% off ka. Samanatalang ang brand na iyon,nasa robinsons dept.store na ang presyo at tig 700.00 lang kahit mag sale at 90% off, hindi ko bibilhin.Doyee ata ang tatak.

  • dencios says:

    yeah, i remember mike defensor was then one of their payabangs! nasa dulo na ng dila ko yung name ng pyramid na yun e (isip, isip!)

  • dencios says:

    ok naalala ko na yung name at di na importante kasi bumagsak naman na lol

  • lee says:

    tsk tsk tsk, yung kebigan ko nabubuang ngayon sa fernC na maging stocklist daw sana naman di maging pyramid scheme yun kasi nagrerecruit din sya e sinabihan ko na e makulit sakin pa nangungutang waaaa ala ako ipapautang, 60K kunu ang initial na puhunan tapos ang balik daw nun malaki, wa ko type mga ganyan, sana naman di sya ma pyramid, bumibi nalang sya ng pyramid ni ernie baron mura pa.

    • Silver says:

      Lee,

      Madame nga naloloka sa FernC na yan.

      • lee says:

        tama ka dyan pareng silver, buti si ernie baron mautak, naggawa ng sarili nyang pyramid na pambenta o diba e di walang scheme.

    • dencios says:

      60K? (napainom ng tubig!) halatang scam nga yan mam lee..

      • lee says:

        @Silver, naku ayun hanggang sa facebook nag rerecruit yung frend ko hahaha.

        Sir dencios wag naman mam di po ako guro lol, yap sabi nung frend ko 60K daw para maging stocklist sya at pag my recruit pa raw sya 500php per head kita nya at my kita din sya sa mga benta ng recruit nya, diba parang ganun na rin yun?

      • Silver says:

        Lee,

        Pag quick rich schemes tulad ng pyramid scheme na yan, hay nako, di nila ako macoconvince. Pag quick rich, mabilis din mawala ang pera kaya quick poor ka nyan.

        Mas gugustuhin ko pang maginvest sa agribusiness ng pagtatanim ng gulay, poultry or piggery tapos ibagsak yung products sa live animal market or sa bagsakan ng gulay.

      • dencios says:

        @lee,
        ganun na nga iyun. natawa ako pati ba naman sa peysbuk e yumayare sya lol. ang dami pa ding hindi nadadala sa mga ganyan. hay..

        alam mo ba ako napagalitan pa sa meeting na pinuntahan ko sa First Quadrant noon. kasi di daw ako nakikinig sa oportunity na maaaring makapagpabago sa buhay ko? sinto-sinto kasi ako nun gusto ko lang makakita ng mga chekeng puro pera daw laman pero di talaga ako sasali hehe

      • lee says:

        @dencios, sakin wala silang mapapala kasi ala akong pera wahahahaha.
        isa pang nakakatawa ngayon dito mga pinoy nagbibilihan ng mga iraq dollar kasi in couple of years daw wala ng silbe ang USD at ang maghahari e ang iraq dollar na at magiging mas mataas pa kesa pound at tyak 3-5 yrs from now yayaman sila at iraq dollars lang ang kikilalanin ng mundo, akalain mo yun my naniwala? goodluck nalang kako sa inyo sa pagyaman nyo bwahahahaha

      • dencios says:

        a oo nga daw. ang weird no? dito din uso yan. sino kaya nagpakalat nyan? hmm..

    • reynz says:

      P60k? That’s almost like $1k sobra pa!

      • lee says:

        naku ganun na nga kamahalan ganun ang perang kelangan mo para ka maging stocklist ng fernC otherwise kung ordinary seller kalang daw e 50php ang kita mo per box.

  • lee says:

    di lang yun ha, ang nakakataw pa kulang daw yung 2 caps na iniinom ko everyday dapat daw atleast hanggang 10caps ngeeeek nagmamadali silang yumaman at nagmamadali silang maover ako wahaha

    • reynz says:

      hehehe me bago ngayon yon acai berry ata! hehehe leche! babata ka dun ‘day! hahaha check mo lang spam mails mo dahil si Lalaine nag-rereklamo sa mga acai nya hehehe

  • fatherlyours says:

    I just don’t know if this is true ha! Balita ko sumali yung isang ale na nag suicide sa ganyan at Milyon ang inilagay. hindi na mabawi kaya nag ka problema.
    Thank you po sa pag lagay sa sidebar.

  • an2nette says:

    Nabiktima ka pala kamahalan, di bale charge to experience na lang, nakahalik at nakahawak ka naman, okay na rin, next time ingat sa perang pinaghirapan

  • maxi says:

    naalala ko dati nung mag-graduate ng agriculture kapatid ko we planned to put up our own pineapple farm business based on her feasibility study, my cousins discouraged us because farming is not the in thing mas maganda daw forever living chorva kesyo di na daw kami magpapakahirap pa sa bukid and the returns daw mas mabilis, pro matitigas mga ulo naming magkapatid tinuloy namin yung farm awa ng Diyos successful yung farm namin up to this day. Yung mga cousins ko ayun baon sila sa utang gawa ng inutang pala yung pinampuhunan nila sa forever living na tingin ko di man lang sila nakabawi sa amount na pinambayad nila for membership.

  • Lani says:

    Naku Reynz,namayagpag ang mga iyan dito sa Manila. Ang greenhills shopping complex, puno lagi ng tao, magkapit bahay ba naman ang forever living at first quadrant. Nakaka irita tuloy mag gala sa greenhills mall or kumain sa resto dahil mayat maya they will approach you and offer you their business. Madaming nag recruit sa akin nuon but i declined. Unang una, wala akong pera pang invest. Second, i dont believe in easy money na kahit ang lotto i hardly believe it. Madaming mag kamag anak ang halos nagpatayan dahil diyan, mantakin mong nanahimik ang mga kamag anak sa probinsya nirecruit, lupa at kalabaw isinanla, tapos sa huli, di na nila mahagilap yung opisina where they placed their money? Kahit nga pension plans, hindi ko pinapaniwalaan dahil, ok yung value ng pension mo kung ngayon mo tatanggapin iyon but after 10 or 20 years pa, ay sus baka piso na lang ang value ng 1milyon. At ngayon pa na nagsisibagsakan na ang insurance companies.

    • reynz says:

      ang i guess base dun sa mga kumento sa taas kaya di pedeng gawing illegal to sa pinas, right? gaya nga nung ginawa nung tiga Pilar Sorsogon, yong Royal Trading, di ba?

  • Amor says:

    Ako rin biktima ng ganyan 7 years ago, I swear di na ako uulit. Sana maraming makabasa sa post na ito para hindi rin sila mabiktima.

  • Dinah says:

    ako na-forever living :-( hindi nakabawe kasi wala marecruit. kaya never na ako nahila ulit dyan. yung friend ng husband ko yung mga overpriced kawali naman ang ipinipilit, pero tinataguan ko na talaga.

    nga pala, sarado na both yung forever living at first quadrant dyan sa may greenhills a.

  • libra mena says:

    korect k jan dinah sa mamahaling kawali.i2 nmng frien ko bznz nya molave na alak gamot daw sa lahat ng sakit.di ko fel na bumili at $135.00 ang 1 bote.di sya stop sa ka dadala ng bznz man kuno sa house ko.at last na nagantso ako ay sosyo kami sa healthcare agency.asus spend kuno ako ng $15,000 para sa lahat lahat.blib me gwa pa nya hobby ko na marketing mgr kc c hobby ko ang dreamer to become a day millionair.vry nys ang salestalk ng couple.after

    • reynz says:

      those are the things mena na everyone should be careful about kasi these products na “binebenta” nila sort of legitimizes the “business” kuno

  • promking says:

    awts.. hindi lang pala ako..

    nag forever living din ako nuon, hindi kasi tinuturo sa school namin ang ganyang mga schemes e.. kaya sobrang curious ako, kaya napasali ako.. remember ko nuon, inutang ko pa ang pansali ko. hindi ko nga matandaan kung kani-kanino ko nautang yun basta naka buo ako ng 12k pesos. nakakahiya sa mga pinagkautangan ko.

    ok lang naman sakin kasi sobrang dami kong natutunan nung sumali ako duon. natutunan ko yung law of leverage na sinasabi nila. kahit business major ako sa dlsu, hindi tinuro samin yung sikreto ng pagyaman na ganun. (actually matututunan mo yun sa “get rich” books pero tamad ako magbasa dati.)

    kaya ngayon, pinaka-ok na business sa akin ang pinakamataas na investment na tinatawag nilang real estate (paupahan na apartment). wala lang akong 2.5m na pambili ng condo na paupahan. ahaha.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.