Home » Buhay sa Barrio Siete, Opinion

RFID: Manghihimasok ba sa Pribadong Buhay?

17 July 2009 77 Comments

passport1(Photo Credits: Dito) “Alam ko kung nasaan ka. Nakita ko kanina na pumunta ka sa Mall, tapos gumamit ka ng CR. Di ka pa nag-hugas ng kamay sabay punta ka pa naman sa foodcourt. Pagkatapos mong mag-pakalumba lumba sa limang beef mami at kalahating dosenang siopao with asado, pinara mo yung pulang dyip pauwi sa inyo, ayaw mo pang umupo sa tabi ng mama na makapal ang bigote. Tama ‘day, mandurukot yon! Di ka bumaba sa tapat ng bahay nyo. Nag-detour ka muna sa ka-chikahan mong kapitbahay. You like ba na ilista ko rito ang pinag-usapan niyong mga tsimosa kayo? Alas-onse ka na dumating sa bahay, naka-kandado na ang pintuan kaya sinukit mo yung pinto sa may likuran ninyo.”

Diyos ba ang nakikipag-usap sa iyo? Kung may tumawag sa iyo o nag-text na ganito ang laman, pihadong mangingilabot ang balahibong baboy sa mga sulok sulok ng katawan mo diba? Kung di naman, baka tinawagan ka sa YM ng may nickname na I_am_god, o siguro pwede na pinadalhan ka ng email ng manghuhula mong kapitbahay. Pwedeng certified stalker mo yan.

Sa karami raming posibilidad ng pagmumulan ng impormasyon, mahuhulaan mo bang gubyerno ang maaring pagugatan nito? Okay, sa salitang gubyerno, di ito tulad ng mga espiya na nakikilahok sa mga miting ng mga kabataang “angst-ridden”, di rin mga mala-James Bond na nahalo ng Mission Impossible kadobol ng Bourne Identity sa totoong buhay. Pwede rin no, na gumawa sila ng mga mind-reader, gawa sa laser beam ng Star Wars. Liban sa mga action films at sci-fi na nabanggit, liban sa mga na-iimahe niyong job placement ng libo-libo albularyo at mag-tatawas, may mas simpleng paraan na matuntun ang inyong lokasyon kahit nasaan at ano ang ginagawa ninyo.

Passport!

Ilang buwang nakalilipas, nakatanggap ako ng brown paper envelope sa koreo. May kalakip na passport. Ang tuwa naman ng asawa ko dahil blue na raw ang pasaporte ko. Ako naman, sabay bukas at inspeksyon ang mala-mais kong ngiti sa litrato. Di ba naman, kahit sinong makatanggap ng pasaporte, ID sa school, trabaho at lisensya, unang inspeksyon ay ang mga pagmumukha natin? Aminin! Haplos haplos ko yung pasaporte nang makita ko yung nakasalpak na kulay ginto na maliit na kahon sa kulubong ng pasaporte. Na-curious tuloy ako, binasa ko ang nakalakip na loveletter ng gubyerno.

“This passport is embedded with an RFID tag for easier identification.”

RFID?

Ano nanamang pakulo yan ng mga powers-that-be? Ayun bukas naman ako ng diksyunaryo edition 1970. Wala! Hanap ko sa intarnet, ayun naman pala: Radio Frequency Identification. Pinaunlakan naman ng isang “ethical hacker” na si Chris Paget [link:http://www.youtube.com/watch?v=9isKnDiJNPk] ang malawakang imbitasyon na ito. Bumili siya ng ng Motorola RFID reader sa Ebay at nag-tungo sa San Fransisco. Ilang oras lang, anim na pasaporte na ang nabasa nito. At di man lang siya lumapit ng higit na 20 feet.

Mandatory na sa mga bagong aplikante ng pasaporte dito sa Amerika ang mag-sumite ng datos ng personal na buhay. Lahat ng mga impormasyong ito ay ilalagay sa loob ng RFID chip naka-tanim sa bawat isyu ng pasaporte. Sang-ayon sa gubyerno, hindi raw para malaman nila ang inyong mga personal na datos, kundi malaman nila kung nasaan ka. Mas nakakatakot. Pwede rin naman ang triangulation technique ng cellphone para malaman ang lokasyon. Kaya lang ang siste, boluntaryo ang cellphone. Pwede itong baguhin, pwede itong patayin. Ang RFID, sampung taong naka-isyu ito sa may-ari.

Paano na ang Privacy Laws natin? Sa kasamaang palad, hindi garantiya ang privacy ng isang individual dito sa Amerika. Nakasaad sa Privacy Act of 1974 ay ganito:

The Privacy Act of 1974, 5 U.S.C. § 552a, establishes a code of fair information practice that governs the collection, maintenance, use, and dissemination of personally identifiable information about individuals that is maintained in systems of records by federal agencies. A system of records is a group of records under the control of an agency from which information is retrieved by the name of the individual or by some identifier assigned to the individual. The Privacy Act requires that agencies give the public notice of their systems of records by publication in the Federal Register. The Privacy Act prohibits the disclosure of information from a system of records absent the written consent of the subject individual, unless the disclosure is pursuant to one of twelve statutory exceptions. The Act also provides individuals with a means by which to seek access to and amendment of their records, and sets forth various agency record-keeping requirements.

Kaya kung ako sa inyo, wag na lang kumuha ng pasaporte. Ito lang ang mas matinding problema, sa mga susunod na mga taon, lahat ng driver’s license ay pinag-plaplanuhan nang lagyan ng mga RFID na iyan. Marami naman ang walang pakialam sa ganitong sitwasyon. Basta nga naman sumusunod ka sa batas, bakit ito lalabanan? Kaya lang ilang mga “ethical hacker” or non-ethical hacker ba ang pwedeng kumuha ng inyong impormasyon? Sabi naman ng ilan na talamak na ang identity theft sa internet. Pero kako, kung internet hacking, malalaman at malalaman din yan. Konting pag-iingat lang sa site na ipag-susumite ng mga importanteng numero ay maiiwasan rin ito. Kung RFID, malayo man ang magnanakaw, ngingitian ka pa niya, di mo alam na ninanakawan ka na pala. Mayron ring usapin na nasa laboratoryo na ang eksperimento ng RFID na makakabasa trans-continental. Nasa UK, Dubai, o Pilipinas ka, nanakawan ka na pala.

Hindi naman bago ang teknolohiyang RFID, ginagamit na ito sa imbentaryo ng mga gamot, sa ilalim ng balat ng mga alagang hayop, sa mga hi-tech na kubeta, sa bola ng golf, sa mga pang-ahit, sa paghahanap ng bubuyog at kahit sa smart refrigerator. Kaya lang kapag mandatory na ito, iba nang usapan yan. Kasama na rin sa diskursyon na mga taga-Amerika lang ang apektado rito. Tanong lang naman: magpapahuli ba ang mga Pinoy?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 6021 times by 1159 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
mahalia is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

77 Comments »

  • dFish says:

    Naalala ko tuloy ang Happy Feet na movie, isang penguin dun nilagyan ng tracking electronic chip para madaling ma-trace.And so with turtles and other animals on the brink of extinction hehe…

    • Mahalia says:

      yes, but there is a big gap between humans and penguins and turtles diba?

      • dFish says:

        “depersonalization” to the animal level? pwede…

      • darbs says:

        May malaki silang reason kung bakit ganito.

        War against terrorism.

        ACLU pumalag ata pero kung naisabatas na kasi ang bagong makalumang pang penguin man o pang eneduro man na tracking device… well, just make sure na hindi mo makakalaban ang incharge doon sa nag tracking device.

        • Mahalia says:

          sa kabilang panig, maari ring gamitin ng mga terorista ang teknolohiyang ito laban sa mga opisyal na may katungkulan na may RFID, diba?

        • reynz says:

          true! true! at dahil napaka-personal na information, once someone has it, wala ka nang kalaban laban. look what happened dun sa mga personal data na na-nakaw sa bank of amerika. yong iba biglang andaming utang and some of them are still fighting na matanggal sa mga credit records nila

          • Mahalia says:

            naku, itong koment mo reynz ang simula ng research ko sa susunod na post. may iinterbyuhin pa ako para mas personal at feel na feel.

  • bluepanjeet says:

    It is applicable in the US but I hope it wouldnt be applied in the Phils. Mas maraming sira ulo dito. Mismo mga naka upo may topak

    • lee says:

      bluep, ako ba pinapa ringgan mo lol.
      totoo yan bluep tama ka sa sinabi mo,yun ang nakakatakot satin

    • bluepanjeet says:

      haha eh nasa china ka naman lee eh haha

      yun ngang walang kakwenta kwentang usapan ni lolit solis e nawa-wire tap eh yung mga datos mo pa kaya. Paano na pag dun sa microchip ko ay naka saad na yumaman ako dahil sa pang hohorde ko ng rugby? hahahaaha

      naku dami ko pa namang lupa na binili. eh isang daang paso kaya ng garden soil ang pag aari ko hahaha

      • bluepanjeet says:

        @darbs. Thats right. Its applicable in the us kasi mas responsable sila dyan. kung meron mang sumasala sa trabaho eh kakaunti lang di tulad dito. Tsaka its for homeland security use. eh dito pag may kakilala ka sa loob pwede padulasan at maaaccess na yung data. Yung ngang bank info mo dito nakukuha pa kahit may privacy rules ang bangko, datos pa kaya.

        • darbs says:

          bluep, this reminds me na ung mga kidnappers doon sa barrio namin, alam na alam nila ung pera sa bangko na kanilang kinidnap. Kaya hindi pueding magsinungaling ung family na wala silang pang ransom.

          • bluepanjeet says:

            Kasi nga minsan darbs inside job. Halimbawa yung Kidnapper pala may contact sa sekyu o teller ng bangko eh di alam na alam na yung amt ng pera mo. Eh halimbawa may employee na nagtatarabaho sa loob ng isang highly secured data accessing chamber, eh dito sa pinas ikain mo lang sa chowking, ibibigay na sayo kailanagn mo kesyo kaibigan o ano man relationship. kaya nakakatakot.

            Dyan sa tate oks lang kasi may ngipin ang batas. dito sa atin ang batsa pag naipasa na, good for 6 months lang ang implementation tapos wala na rin. Tingnan mo yung clean air act dati naglipana ang mga nag checheck ng tambutso ng sasakyan, ngayon ni isa wala ka na makita. Tanging LTO na lang ang meron

        • Mahalia says:

          oo nga, lalo na’t mura lang yung RFID reader compared sa kikitain sa mga identity theft na mangyayari. sana ay wag maipatupad, pero alam mo naman sa atin, gaya gaya putomaya. Kitams nga na mag-eelectronic ballot na rin.

    • darbs says:

      @bluep, sa ngalan ng 911, naging applicable. Depensa de Homeland seguridad lang naman.

    • Glo says:

      sa isang banda…mababawasan ang nagpa-palit-palit ng identity dito sa pinas. mahuhuli na din ang mga tax-evaders. pati ang nasa gobyerno na mga walang magawang matino eh mapuputulan ng gawaing masama.

      tignan myo yung national ID dito sa pinas eh pinipigilang maigi. alam nyo maganda yon,para ma track-down ang mga criminal at mawalan ng illegal recruiters na nagbabaklas ng passport! mga wlanghiyang yan, pati mga pinsan ko sa barrio eh nakaalis ng bansa using someone else’s identity/passport.

      sino ang pumipigil? eh di politicos din at mga malalaking tao!

      naku sa US naman eh alam na ng gobyerno ang laaht ng data tungkol sa bawat tao doon. concerned ko pa kuno ang americans sa privacy eh sa totoo lang wala na silang privacy talaga. lahat ng kilos nila eh nakikita. demokrasya yan pero lahat ay mino-monitor. mga phones nyo sa bahay, sigurado ba kayong hindi baugged. any civilian will not notice the difference.

      pagkaskas mo nga lang ng credit card kung saan eh alam na agad ng authorities kung asan ka. kaya if u are on the run…you may keep running but u will be caught by the US authorities eventually. pati nabili mong bag merong RFID! how will u know right?

      i cant wait makarating yan dito sa pinas pagdating ang araw! eh teka di ba etong new issued passports ng DFA na kulay maron eh can be read electronically right?

      • Glo says:

        eto ang bago: ang mga gumagamit ng YM sa trabaho? minomonitor na ng homeland security. kaya ingat kayo…marami silang translators. ;) hehehe. kahit mag-ilocano kayo doon eh meron naman translator. ilocano din!

        mga measures ng US yan against terrorism. i can’t really blame the US.

  • lee says:

    langya detalyado, “si lee, di nagtatrabaho, maghapon lang nakaupo at nagkakalat sa baryo” buking ni amo hahaha.
    nung una dati diba plan narin satin yung id system yung parang kagaya dito sa china,sa totoo lang my mga advantage and diadvantages syempre kaso pag satin malabo at nakakatakot

    • bluepanjeet says:

      nakakatakot talaga. eh pano kung nasa Alibangbang pala ako? eh di huli agad ni misis hahaha

      pero maganda rin kasi pag lumabas sa scanner na nasa hospital si gloria, HULI agad, nagpapa breast augmentation haha

      teka, di kaya nagpa penis enhancement naman si FG nung maconfine dati sa hospital ng ilang linggo? hahahaha

  • dFish says:

    Kung sa pinas, baka lagyan pa yan ng satellite para si bossing ang ma-monitor (hayun,naglalandi haha). alam naman natin ang noypi, genius…

    • Mahalia says:

      naku, marami nang mga security camera na nailalagay din ng mga empleyado, nakapanood nga ako ng hidden camera, kung ano anong nilalagay sa tubig at kape ng opisina. yuuk!

  • dFish says:

    ayokong patulan si bluep, naka-rugby habang nanood ng harry potter hahaha

    • bluepanjeet says:

      haha oo may harry potter hangover ako. Kahapon kasi habang nanonood ako, may nakaipit sa ilalim ng tshirt ko na plastic na may rugby. High na high ako sa pagsinghot habang pinapanood ko ang HP LOL

      • darbs says:

        May medical research na bang ginawa kung anong hitsura ng utak pag under the influence of the “amoy” chemicals ng rugby?

        Ang alam ko ung tobacco may ginawang images/pictures/ kung anong hitsura ng lungs under the tobacco influence.

        • bluepanjeet says:

          Meron na darbs. Its under the category “solvent” It dries up the neurons enabling the brain to go berserk. Remember that rubbing alcohol and rugby are both solvent. they have the same property of hastening the evaporation of water. kaya ang logic pag nagwash ng hands sa medical setting and you put alcohol eh not to disinfect bacteria, but to hasten the drying of the hands. Kaya pansinin mo, pag lagi ka naka alcohol dried ang skin mo. Yung mga embalsamador napaka dry ng kamay kasi they are exposed to formalin (chloroform) na solvent din. Yung mahihilig sa astringent sa mukha tingnan mo tuyo na ang balat. Tapos yung mga pintor ng bahay, their hands get irritated pagnalagyan ng thinner balat nila at maghuhugas agad ng sabon kasi nga solvent neutralize water and mositure.

          Kaya timano, pag suminghot ka ng rugby, automatic after years of being addicted to it, MRI or Cat scan will show an atrophied (lumiit at kumupis) brain. Sa tagalog tuyong tuyo ang utak kasi wala na halos CSF o cerebrospinal fluid na syang nagiging pressure o conductor of electrical impulses sa brain and spinal cord, which in turn enables your brain to send messages to your body. Kaya normal na characteristic ng rugby boy after years of addiction is confusion, failure to thrive at slow learning kasi most of the neurons ay dried up na. Minsan naka tunganga na lang kasi nga wala na halos gumagana na neurons. Kaya ko nasabi eh dami dati rugby boy sa barrio namin. Kasi may junkshop doon at sa junkshop madaming access sa bote ng rugby na usually naman ay sa bote ng gin lang nakalagay.

          Tingnan o ako may topak na kaka singhot ng rugby haha

          • darbs says:

            @bluep, salamat sa explanation. sana matakot ang mga bagong tubong kabataan. iligtas ang utak!

          • reynz says:

            inulit ulit kong basahin blue! hahaha! now i understand! leche oo! and this was helpful, kasi madami akong nabasang mga bata in Brazil who are deep into rugby dahil sa poverty at ang ginawa nang mga pulis dun, “nilinis” yong mga bata. matagal ko nang nabasa yon. sana sinave ko ang link.

          • bluepanjeet says:

            Masarap naman talaga ang amoy ng rugby Inang hahaha Kasi dati ako sapatero. Pag nagdidikit ako ng takong nasisinghot ko. Kaya nag med rep kasi madami ako access sa rugby. Lahat na ni rugby ko pati bunganga ng mga tsismosa dito sa baryo namin naka rugby LOL ayan tuloy lulong na ako sa rugby haha. Immune na nga ako, dapat higher level na. Try ko naman yung Crazy Glue hahaha

          • Mahalia says:

            ay nakakatakot naman yan, lalo na at nakikita natin noon ang mga rugby boys sa Lucena. Sayang ang mga batang pwedeng umasenso sa kaunting pag-aaral at pagtyatyaga. Ano ang mga proyektong ginagawa ng local government natin ngayon?

            Noong ako ay empleyado ni Kagawad N.P.Jr. (shh…baka nagbabasa sya nito) ay may Lucena TAKSI (Talino Kasanayan at Sipag), natatandaan mo iyon? naglunsad kami ng malawakang pag-tuturo ng Basic Computer Learning sa mga Out of School Youth. Marami naman ang grumadweyt. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Hopefully, successful na sila in any way or form…

          • bluepanjeet says:

            Pihado yung iba successful na. Nagturo kayo ng computer? matagal na siguro yun ano? Ano operating system nyo noon “wordstar” pa o windows na?

          • Mahalia says:

            Naku ang tagal na noon, pero windows na ang OS. Kaya lang di pa uso ang blog, MIRC pa ang talamak sa mga kabataan noon. Nakupow sa dami kong naka-EB noon na mga technician ng internet cafe. Di ba may panahon noon sa Lucena na bawat ikalawang building may internet cafe. Nagtrabaho rin ako noon sa Q-Net, alam mo ba yong internet na iyon ni Dr. Dy?

      • Mahalia says:

        wahahaha, akala ko tawas yung nasa plastic kaya di ko na mention sa iyo. hehehe

        maganda ba yung HP?

        • bluepanjeet says:

          as in. Im about to publish here in barrio my no holds barred review hehe. Have you read the book? You should read it first before watching or you’ll just be lost on the story

  • jeri says:

    Thanks for this info Mahalia, actually i don’t have any idea about this sayo ko lang nalaman, madalas kasi natutulog lang sa pansitan kaya napag iiwanan ng balita. he he he

    bagong renew rin yung passport ko. brown na ang cover and computerized na siya at bar coded na.

    Dito sa LA wala pa naman nangyaring ganyan… oppps LA not Los ANgeles ha? I mean Luanda Angola.. lol!

    • reynz says:

      jeri,

      nasa LA din ako hehehe Louisiana at ako eh tiga LA sa Bikol… Legazpi, Albay hehehe

    • bluepanjeet says:

      Nasa LA din ako… Lucena Area hahaha

      • jeri says:

        wa ha ha ha ha….pare-pareho pala tayo na LA….ha ha ha

        Si lee, LA din yun…as in Losyang AKo,,,, wa ha ha ha

        nakupo lagot!.. baka mag drama na naman yung Komidyante na yun.. he he he

    • Mahalia says:

      Naku Jeri, di gasinong na me-media itong RFID, minsan minsan lang ang mention sa balita, baka nga naman dumami ang mga anti-RFID in passport and lisensya advocate. Pero matagal nang gamit itong RFID, may mga mansion nga na pati pinto may RFID, para tutunog ang alarma kapag nagalaw ito sa gabi. In a way, maganda talaga ang teknolohiyang ito, kaya lang anong kasunod ng lisensya at pasaporte natin? Under the skin na?

      • Glo says:

        hahaha! alam ko noong 90s merong under the skin RFID ang BPI para sa clients nila. o tsismis lang ba yan? hehehe.

        anyways…wala sigurong pumayag na bank clients noon pa.

        parang sa bible di ba? sign ng 666 ba yun? hehehe. nakalimutan ko na!

        in a way, yang bar-coded passport at mga ATM cards natin ay isang lamang sa mga ways para i-invade ng authorities ang privacy natin. with one click eof a mouse or the keyboard eh makikita na ng isang tao ang personal info natin. like yang mga call center agents!

        but those are in place now. so wala tayong kamalay-malay…andyan ang technology para i-monitor tayong lahat. kaya lang natin it is making our lives easier.like the ATM/. so di ka na punta sa bank counter. pero ang kapalit…ang personal data natin. ;)

  • an2nette says:

    Panghihimasok man sa pribadong buhay o para sa security, pareho lang na may advantage at disadvantage ang RFID na yan, ano kaya, baka meron ding electronic chips na pambura ng kautangan o madagdagan

    • jeri says:

      an2nette.. marami ka bang utang? he he he jowk lang

    • darbs says:

      @an2nette, sa pagkakaalam ko ang monetary issue naman ay ibang agency ang nakatutuk nyan. Kay Federal Reserved Agency naman ang linyang yan at of course makalimutan ba na may treasury deparment pa pala.

    • reynz says:

      @an2nette,

      me punto sinabi mo ateng. dito sa pabrikang pinagtatrabahuan ko, me mga developments kaming me mga camera sa kalye. big brother ang tawag. inaway away kami nang mga tao sa shoedad dahil invasion of chorvalais daw to. eh kaso ang habol nang mga lecheng kamera na yan eh ang mga mandurugas at pusher nang white rabbit. mahirap talaga. pero di mo maalis na one of this day, kahit na nasa kubeta ka, alam na kung … leche… saan ba napunta tong comment ko! hahaha

      • Mahalia says:

        di ako papalag sa comment mo Reynz, kasi kung public setting naman gaya ng opisina, intersection at kung ano ano pa, sanay na ang mga tao dyan, at ok lang yon for security. But they have to draw the line somewhere…

      • Glo says:

        hahaha! tama ka reynz. isa araw kahit ang kubeta eh merong surveillance camera! ;)

        hahahaha!!!!!

        kunwari para sa crminals daw ang camera sa shoedad. eh pero lahat naman ng tao tinitignan nila ang kilos.

        pero on the other hand, kung wala ka namang illegal o abnormal na ginagawa…bakit ka matatakot ke big brother di ba? eh lahat naman ng tao nangungubeta. ;) hehehe. di baga??

    • Mahalia says:

      Di malayo ate An2nette na may mga ganyang chips na umiiral. Parang plot line lang sa TV Series pero malamang may mga ganito nang device sa black market. Tama rin na may adbantahe at di kagandahang adbantahe. Naku kapag lumaganap na disadvantage, sana ay wag tayong maging biktima.

      Erase erase erase ko dapat ang doomsday personality kong ito. Everything will be all right ang dapat na mantra ko.

  • jeri says:

    Share ko lang din yung experience ko nung nasa manila ako, me tumawag sa bahay… eto ang usapan.

    Krrrinnng; (with matching live explanation pa he he he)

    Ako: Hello

    SIya: hello po, sa Nawasa po ito, tanong ko lang po kung tumatakbo pa yung Tubig nyo..

    Ako; sandali lang po sir at tignan ko… (After 30 seconds) hello sir tumatakbo naman po, bakit po ba?

    SiYa: naku! Habulin mo!, habulin mo! bilis…

    Na unngoy na naman ako ng mga Impaktong caller.

  • reynz says:

    nakakatakot isipin. on one end andyan na yong mga plastic debit at credit cards. mawawala na ang mga pera. meaning, pag sinabi sa “taas” na wala ka nang pera, erase ang mga numero na nakikita mo sa bank account mo.

    parang RFID, pag sinabing dito lang ang takbo mo, hindi ka pedeng sumemplang. hinding hindi.

    looking forward into the future, mistulang mga prisonero ang dating naten nito.

    kakatakot…

    • Mahalia says:

      Parang nung mga bata pa tayo, manood ng tv, may telepono na si wonderwoman, nakikita nya ang boss nya, tapos may kotse na nakalutang, at may hongkong heist na ginagawa sa US soil.

      Yung telephone Blackberry na ang tawag ngayon.
      Yung kotse, sakay lang sa tren sa Japan, lulutang na.
      Yung hongkong heist, transfer account lang ng Paypal.

      mga sina-una na tayo…

      • Mahalia says:

        ay syanga pala, may napanood ako sa Science channel na mayron nang invisibility device na –anong tawag roon– ahh prototype under experiment. mukhang nagiging successful daw. Inayy ko pooo!

      • bluepanjeet says:

        It’s not actually invisible. Its a hologram suit wherein a camera is installed on your back and it projects what is seen on the background of your back, — on the front part of your body. Therefore rendering you seemingly invisible, but theoretically you are not, coz you are just blending-in in the surrounding like a chameleon.

        I hope we are talking of the same thing haha

  • [...] If you like to read this in Tagalog head on to this site. [...]

  • bing says:

    hindi pwede sa pinas. marami loko dito na pwede gamitin sa masama ang mga personal info na namamatyagan. pwede ka maging criminal in an instant..

  • chuvachienes says:

    Haay, nakakatakot talaga. Naa-lala ko tuloy yung librong “Holy Blood, Holy Grail” – yung inspirasyon ng Da Vinci Code. If I remember correctly, there will be One World Order … at yung sinasabing Mark of the Beast.. ay hindi na malayong mangyari. Eto na ba ang sinasabing marka na kapag wala ka, eh hindi ka na makakagalaw, di makakabili ng groceries at kung ano ano pa. Hmmmm – - – Big Brother is definitely watching.

    • Mahalia says:

      nginig! Sana matagal tagal pa yung totoong mark of the beast. nakakatakot naman. mapanood nga yang second edition ng Da Vinci code.

    • Glo says:

      exactly chuva. yang marka sa noon eh yan yung RFID. ;)

      nangyayari na.

      kasi mga tao sa western world like the US wala nang hawak na cash. puro na plastics.

      darating ang araw, kahit ang grocery store at ang bus eh di na tatanggap ng cash or coins. lahat na debit or credit card.

  • Mahalia says:

    Naku Bing, malabo nga (sana!) Kasi nga andaming makiki-share sa income at budget kung ipapatupad nila ito. Lalabasan nyan, stamp na mukang RFID lang, di gumagana. LOL

  • Silver says:

    I have a feeling that America will become a police state sooner or later. Masyadong intrusive naman yang RFID na yan. Baka nga pati sex life ng citizens nila e alamin nila (pasensya na po kung medyo bulgar ang salita ko)

    Sa totoo lang, hindi ako makumbinsi ng administrasyong Bush kung baket si Bin Laden ang tinuturo sa 9/11 samantalang wala silang mailabas na matibay na koneksyon at ebidensya. Pati yung kay Saddam – asan na ang WMD? Baket parang wala silang nakita di ba?

    I think yan RFID chip na yan e balak na nilang i-implement sa pinas under the notion of electronic passport sumtin.

    Sa antartica na lang ako titira kung ganon. ;)

    • Mahalia says:

      Hahaha, naku malamig lamig ng konti sa antartica, doon ba yung 24 hours sunlight? Di ko tanda mam kung north pole yon o south pole. Pero masarap raw ang fish sa colder region. Kaya lang allergic ka sa fish, :(

    • Glo says:

      hahaha! kahit saan ka pumunta eh hahabulin ka ng US government. syempre kung nasa antarctica ka eh magpapakabit ka ng satellite phone or TV. eh di pinpointed na rin kung asan ka! ;) hahahaha

      yang DREAM TC nga kaya sila biglang nag-pa upgrade ng receiver box kasi ang daming bumibili na pinoy sa raon at sa china (mga seaman, kasama kapatid ko sa bumili) ng mga illegal units. syempre nakikita ng dream tv ang daming naka-connect sa satellite nila pero biglang kumonti ang subscribers nila.

      yung sa china na binili ng kapatid ko eh 65$ lang ang isang set!

    • Glo says:

      police country na ngayon pa lang silver. sa US lahat ng kilos mo ay being watched all the time. ;) hehehe.

  • Glo says:

    i meant DREAM TV.

  • paul says:

    Coming from a point of view ng isang Kristyano. Hindi po kami papayag sa kahit ha anong klaseng RFID. Wag ho papayag dyan These CHIPS are mentioned in many religious beliefs. Gumagawa lang ng rason yung mga may kapangyarihan para mailagay sa atin. Una sa sasakyan, passport, at kung anu anong ID. Sa i bang ini implant na po ang RFID. wag po kayo papayag!

    I’m a Christian & goes totally against my religions to be marked by any WAY, SHAPE, OR FORM. Ingat po tayo dyan

  • paul says:

    Mga Sir meron po akong gustong ibahagi ng mga references. Hindi nyo po kelangan paniwalaan, sana mapag aralan lang po.

    These are insights by:

    DAVID ICKE
    JORDAN MAXWELL
    NWO
    BILDERBERG
    ALEX JONES CHANNEL YOUTUBE

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.