Home » Barrio Siete, Business and Politics, Chizmiz sa Barberya

Sa panahon ngayon, bawal mataranta

9 October 2009 15 Comments

The aftermath brought by the typhoons that wrecked our country is now being felt not just by those directly affected but also the entire country.

Dahil sa mga bagyong ito, kelangan magdoble sa sipag ang karamihan sa ating mga mamamayan. Hindi lang nila kelangan kumayod para mabuhay sa pang-araw araw na basic needs, they also need to repair their damaged houses at mag-pundar muli ng mga kasangkapan. Nakakalungkot isipin na kahit last week pa nangyari ang baha eh hindi pa rin ito humuhupa sa marami pang bahagi especially those in the lowlands and near bodies of water.

Halo-halo na ang dahilan ng problema sa baha. We can’t just blame pollution, neglect and climate change on this. Marami nang factors at dahilan kung bakit ganito pa rin ang nararanasan ng mga binahang lugar.

Anyway, this recent catastrophe is not just a short term “experience”. Kung akala natin ay pagkatapos humupa ng tubig ay matatapos na rin ang ating problema, isipin natin that there is a big damage in the agricultural industry and unfortunately, nakaka-kaba ito. Walang ma-harvest ang ating mga kababayan dahil nasalanta na ito ng baha and most of these areas ang pinagkukunan natin ng pangunahing pangangailangan na pagkain tulad ng bigas. According to the Department of Agriculture ay malaki ang chance na magkakaproblema tayo sa supply ng pagkain up to the second quarter of next year due to this. Scary!

panic buyingJuice ko. Kaya pala nagkakaroon na ng panic-buying sa mga groceries and supermarkets kahit dito sa bukid. Sabi ng DTI and DA ay wala pa naman daw ganitong scenario but based on what I saw first hand nagkakaubusan na talaga ng stocks sa mga shelves. Nung weekend lang ay rumampa ako sa isang supermarket and I can’t find some of the products and brands that are normally easy to find. Marahil nagkakaubusan dahil maraming bumili to donate or something but the fact is kulang na ito from the usual. Limited na ang choices mo sa canned goods and packed noodles. Pati ang asukal and harina ay kulang-kulang na rin. Huwag mo nang itanong ang bigas dahil sooner or later ay magiging “endangered specie” na rin ito sa mga tindahan. Huwag naman sana. Ayoko nang pumila sa NFA para makakuha ng murang bigas noh. Juice ko.

Pwede rin naman natin sabihin na some of these stores na gahaman sa kita are hoarding their goods para kung sakaling tumaas ang demand ay pwede na nila itong ilabas at a higher price. DTI said na meron silang ginawang price freeze sa karamihan ng mga basic goods but the truth is hindi naman ito as effective sa lahat ng market and tinaasan lang ito ng kilay ng ating mga kababayang negosyante. Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa ngayon hindi lang sa mga groceries and supermarkets kundi lalo na sa mga palengke. On average, there is an increase of 5-20% sa mga tinitinda sa ngayon compared to their prices 4-6 weeks ago. Maybe we can’t blame some of our kababayans na itaas ang presyo ng kanilang mga tinda because the fact is tumaas din ang singil ng pamasahe and other forms of freight and transportation due to the weather conditions. Tumaas din ang operating expenses. Double hauling pa ang nangyayari in some cases kaya saan ba sila babawi sa kanilang gastos kundi ipapatong din nila ito sa kanilang tindang produkto. Alangan naman magtinda sila for charity noh. Nakakaloka yun.

Ano ba dapat gawin para ma-control ang pagpa-panic buying ng ilan nating kababayan? Mabuti sana kung ishe-share din nila ito sa mga naghihirap at walang mabili noh at hindi lang itambak sa kani-kanilang pridyidir at bodega.

Hay naku. Ewan.

Sa mga panahong ito, hindi lang natin kelangan maghigpit ng sinturon kundi mag-diet na rin tayo ng bonggang-bongga.

Basta ako, papayat talaga in 6 months.

Salamat kay Ondoy and Pepeng.

photo harbat: here

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8017 times by 1907 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs. Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.

15 Comments »

  • ajay says:

    Sa panahong ito, kailangan na lang magkaron ng positive attitude at mag-smile a la Miss Universe mel!

    Ang hula ko, tataas na naman ang krimen nito kasi maraming taong naghihirap. Wag naman sana silang dumagsa sa Maynila,wag naman sana.

    Wag naman sana magkaron ng food riot sa ating bansa.

    Did you read the news that those DTI personnel enforcing price control laws are getting deaths? Shocking!

    Sana 2010 na para magkaron na ng change of lidership.

  • ajay says:

    i meant..”DTI personnel enforcing price control laws are getting death threats.”

    • Mel says:

      Juice ko, kawawa naman yung mga nakatanggap ng death threats. They’re just doing their job. Dapat siguro magkaron muna ng dialogue ang DTI and the market sector para mapag-usapan ang reasonable rates ng mga tinitinda. Huwag naman yung patayan agad. Kakalokah!

  • reynz says:

    anak nang tifaklong?! umabot na ba dun sa takutan nang buhay?! expected and scenario na to right after this kind of disaster. tataas ang mga prices simply because of supply and demand. kaso, dahil nga it was declared na halos 1 year ata tong state of calamity, bawal mag-taas nang presyo. yan ang problema.

    • Mel says:

      Ate reynz ang mas nakakatakot itong 1 year na state of calamity dahil baka samantalahin at gamitin ito ni arroyo sa ibang bagay.

      • reynz says:

        two sides of the coin.

        mahihirapan ang mga negosyante how to cope with the rising prices, of course malulugi sila. business cycle you know.

        on the other hand, dahil disaster, kelangan kontrolin ang presyo. probleman, eleksyon. puro pa-epal para show off sa tao they care.

  • dencios says:

    ang nanay ko nga din mel sabi nya nag stock sya lalo sa bigas.

    kuntodo nga ulit ang sakyod ko para makaipon at makapagpadala ulit ng balikbayan box kasi nga sa mga news sa Pinas e parang worst na worst na pinas.

    • Mel says:

      pero make sure ilagay sa second floor ang bigas. mahirap nang mabaha ulet.
      yung balikbayan box mo isali mo naman ako diyan. hahaha!

  • promking says:

    kwento ko lang din..

    sabi ng tita ko, yung isang pinsan ko daw, pagka-umaga after ng bagyong Ondoy, pinakyaw ang mga tinapay sa kalapit na bakery. yung mga kasunod tuloy na bibili, walang mabili.

    ganyan talaga ang pinoy, panic buying.

    pero ang mas nakakalungkot, paano yung mga taong walang pambili. hindi sila makapagpanic buying. wala silang magawa kundi magtulakan sa pagkuha ng relief goods.

  • an2nette says:

    sa lugar namin sa san pedro parang may exodus, kasi hanggang ngayon may part pa ng muntinlupa na lubog pa sa baha, kaya gora sila sa may lugar namin, i’m really sad lalo na don sa mahirap na lalong pang nag hirap dahil sa pinsala ng bagyo, ang nakakatakot ngayon tumaas daw ang crime rate

  • ronelM says:

    gusto ko yan mki2sabay ako sau sa pagpayat..lol (btw)ang mabuti nting gawin sa mga panahon na ganito ay magdasal at mgkaisa lalu na ung mga ngtaas ng presyo maawa nman cla sa mga naging biktima ng bagyo pano cla mkagumpisa kung mataas ang mga presyo sa market..huhuh slamat sa post na to i hope some of our kaba2yan mopen ang kaicpan 2ngkol dito…anyway maari ba akong mkipag link sau kaibigan pra lgi ako mka udpadte sa mga new post mo..thanks po

  • Silver says:

    Nakakaloka talaga ang nangyayari sa Pinas ngayon. Minsan napapaisip akong end of the world na ba na mala-2012 film sumtin sumtin??

    • reynz says:

      ang masakit nito is that, most of the produce comes from northern luzon and they are now underwater. sana mag-hunus dili ang mga iba dyan na mag resort sa panic buying. pano pag wala kang pera to buy something? i saw those pictures in Pangasinan. yung SM Department Store ata yun na nasira nung floods, hinakot nang mga tao ang mga goodies.

      • Monique says:

        Hindi pa natin napi-feel ang totoong after-effect ng unos. I am expecting na magkakaroon uli ng shortage sa bigas. This time hindi na lang ang luzon kundi pati yung nasa south eh makakaramdam. :(

        Hindi na naman tayo basta basta makabili sa ibang bansa dahil maging sila nasalanta na din ng bagyo. :(

        double haaay.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.