Salamat Ondoy
By: Champurado
Sa titulo pa lang parang dadami ang mangangaway sa akin gaya nung ke Jacque Bermejo, napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba o hindi, since kulang kulang naman yung isip ko eh tinuloy ko na rin. Pero ano ba talaga ang dapat ipagpasalamat ke Ondoy? Mga nasalantang kabahayan? Mga namatay na mahal sa buhay? Mga nawalan ng tirahan? Mga nasirang kabuhayan? Lahat yan negative, ni hindi papasok sa isip mong bigyan ng pasasalamat ni katiting, sobrang pahirap at sakit sa kalooban lang ang maisasagot ng bawat taong nakaranas ng lupit ni Ondoy, pero lahat ba yan ginusto ni Ondoy?
Si Ondoy! Si Ondoy na walang malay! Kasalanan ba nya na lumakas yung ulan na binagsak nya gayung resulta lang naman yun ng natural na ikot ng kalikasan, yung pag-init ng mundo, global warming sabi ng mga eksperto, hindi ba natin naisip yon? Umiinit ang mundo kaya natural na lumakas ang evaporation process, mas mainit mas maraming tubig ang nage-evaporate at natural naman na yung tubig na naipon sa mga ulap eh babagsak din pag-naglaon. So dapat ba nating sisihin ang Global Warming? Syempre hindi naman nasipot bigla si global warming basta basta, dahil gaya ng mga pimple sa mukha mo, merong dahilan kaya natin sya nararanasan ngayon. Alam naman natin na bawat isa sa atin malamang nakapag-ambag ng mangilan-ngilang mga bagay na nakakadagdag sa pag init ng mundo, sabi nga nila walang ibang dapat sisihin dito kundi si Gloria ang ating mga sarili, isipin natin na resbak lang to ng inang kalikasan.
Hindi ko na ie-elaborate pa, malinaw naman sa lahat yan at palagay ko naman naiintindihan yan ng karamihan, at kahit ano pang pagpapaliwanang ng mga eksperto tungkol sa global warming at climate change isa lang din naman ang puno’t dulo nyan, yung kapabayaan natin, hindi ko na iisa-isahin kung anu ano ang mga yon dahil wala rin naman akong mala-Noble Peace Prize na solusyon na maiiaambag, baka masabihan lang ako na puro puna wala namang solusyon na maipresenta sa problema. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, yung solusyon sa problema dapat nagsisimula sa ating mga sarili, sa atin dapat nauuna ang pagbabago, halimbawa madalas kang manood ng telenobela sa tv kasi jologs ka, eh alam naman natin na ang init mula sa mga telebisyon eh dumadagdag sa global warming, bakit hindi ka na lang magbasa ng pocketbooks? Pareho lang din naman ang istorya nyan, jologs ka pa rin naman pero less harm sa nature, mas maganda yun di ba?
Maraming nagalit ke Ondoy, kumbaga kung snatcher sya sa Quiapo malamang nakuyog na sya ng taong bayan, madaming blog akong nabasa na naglalabas ng hinanakit nila ke Ondoy so bakit naman ako magpapasalamat ngayon? Juma-Jacque Bermejo na ba ako at gusto kong maging overnight net sensation? Hindi naman dahil sa gusto ko lang maging orihinal at kumontra sa agos ng galit ng mga tao ke Ondoy, dahil ang totoo, sa nakita ko sa tv, sa narinig ko sa radyo, at lalo na sa personal kong experience sa mga nangyari, meron pa ring dapat ipagpasalamat gaano man kasakit sa kalooban ang nagawa ni Ondoy.
Tingnan nyo na lang sa ibang perspektib… salamat kay Ondoy at muli uli tayong napalapit sa Diyos na syang kinapitan natin sa oras ng paghihirap, nakakalungkot lamang na sa tuwing meron lamang trahedyang ganito o meron lamang tayong problema madalas saka lamang natin sya naaalala. Pero kahit malimit tayong magkaroon ng amnesia pagdating kay Bro, sigurado naman na pinakikinggan nya tayo.
Salamat ke Ondoy namulat tayo sa pag balewala natin sa kalikasan, ngayon nalaman natin na higit kelan pa man mas nararapat na simulan na natin ang pagbabago sa pakikitungo natin ke mother nature, gaya ng nasabi ko at nasabi na rin ng madaming tao, lahat dapat nagsisimula sa ating mga sarili, sa tingin ko naman at sa palagay ko marami ang sasangayon na hindi pa huli ang lahat.
Salamat kay Ondoy bagama’t nakakalungkot na marami ang binawian ng buhay, nagsilbi naman itong daan upang matuto tayong mas pahalagahan ang mga taong nasa paligid natin lalo na ang mga mahal natin sa buhay, sapat na yung magalala tayo sa ating kapamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho para malaman nila na mahalaga sila sa atin at ayaw natin silang mawala dahil parte nga sila ng buhay natin.
Dahil kay Ondoy natutunan din nating pahalagahan ang mga bagay na meron tayo gaano man ito kaliit o kalaki, kamura o kamahal, nakita natin na lahat ng bagay ay maaaring mawala sa isang iglap, at walang pinipili ang pagkakataon mayaman ka man o mahirap.
Salamat kay Ondoy at napatunayan nating buhay pa rin ang diwa ng bayanihan, hindi matatawaran ang pinakita nating pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino sa oras ng pagsubok, makikita natin sa tv kung gaano ka concern ang bawat isa sa atin para sa ating mga kababayang nasalanta, nakakatuwang makita na kumikilos tayong lahat bilang isang nasyon, ang hindi nakakatuwa eh yung mangilan ngilang tao sa Local Water Utilities Administration (LWUA), kaya naman nagpapasalamat din ako kay Ondoy at namulat tayo sa ugali ng mga taong mapagsamantala na gumagamit ng mga ganitong sitwasyon maitulak lamang ang kanilang pansariling interes, hindi na ko magbabanggit ng pangalan malamang alam nyo na kung sinu-sino ang tinutukoy ko.
At panghuli, salamat kay Ondoy, at naturuan ang mga awtoridad at mga taong nanunungkulan sa pamahalaan na protektahan sa ganitong pagkakataon ang kanilang mga pinamumunuan upang hindi na maulit o mabawasan man lang ang pinsalang naidudulot ng hindi pagiging handa sa mga kalamidad, sana lang at lubos kong pinagdadasal na sana natuto naman sila.
Kung titingnan mo naman kasi kailangan lang maranasan natin yung mga negatibong bagay para matutunan natin yung mga positibong bagay, experience talaga ang best teacher. Ang tanong na nga lang, ilang Ondoy pa kaya ang dadaan para maliwanagan tayo? Ganun pa man kahit ilang Ondoy pa yan alam nating malalagpasan nating lahat yan, sabi nga sa kanat ng South Border… “there’s a rainbow always … uhm… up there in the sky”… ok so hindi ko kabisado yung kanta… sorry naman.
Itago nyo na lang ako sa pangalang Champurado, hindi dahil sa mahilig ako sa champurado kundi ka kulay ko lang, kasalukuyang naninirahan sa Las Piñas at namamasukan bilang Art Director sa isang Design firm sa Makati. Nagb-blog sa oras ng trabaho ng mahigit kumulang tatlong taon at sa kabutihang palad eh hindi pa nahuhuli ng amo. Makikita ang aking mga bagong tala sa aking bagong bahay http://champurado.wordpress.com
Viewed 11522 times by 2417 viewers
















Global Warming is an overused alibi by the powers that be who siphoned most of the funds for their own pockets. How many of them who became obnoxiously rich while in government na ba?
It’s a well-known fact that most of Metropolitan Manila is prone to natural flooding, but the politics, the corruption, the lagay system made it possible for some scrupulous developers to wantonly build developments anywhere.
Worse, you have the population that remained unchecked, so the poor urbanites are pushed to the worst areas in the metropolis and they are the ones who are vulnerable.
Given this: the government was totally indifferent to how the metropolis is developed and did not do anything on urban planning at all. Our is not only jurassic but bubonic! I wish mag-ka plague na yang mga magnanakaw na yan sa gobyerno! Hmpt!
Salamat kay Ondoy, namulat ang mga mata ng Pinoy sa mga so-called presidentiables (???) na mapagbalakatyo.
Salamat kay Ondoy, lumabas ang tunay na kulay ng mga kandidatong trapo na mapagsamantala at inuuna ang sarili para magpapogi at ginagamit pa ng kalamidad para i-promote ang sarili.
Siguro naman, dahil kay ondoy, alam na ng mga Pinoy ang gagawin sa mga mapagsamantalang trapo sa darating na 2010 elections.
Masarap kumain ng Champorado kapag may bagyo.
May punto ka Champorado…nakita ang tunay na kulay ng mga pulitiko. sinamantala ang pagdating ni ondoy sa bansa. kung anong lupit na ipinamalas ni Ondoy higit na triple ang kalupitan ng mga hinayupak na mga pulitiko na namantala.
Meron pa ngang babae na may nunal na dumalaw kuno sa evacuation center, umikot lang tapos wala na.. ni walang dalang relief good.
Mabuti pa nyung mga Filipino chinese ay tumulong sa mga kababayan na nasalanta.. sabi ng mga instik na tumulong,”singkit man ang mga mata namin, Pilipino pa rin kaming maituturing”. sadya nga naman makikita ang pagkapilipino sa pamamagitin ng puso at damdamin.
Mabuti na lang walang Puso na may Nunal!..Ukenawa japan
Experientia Docet.
Experience is the best Teacher.
[...] me baby one more time! — > Salamat Ondoy Tagged with: barrio siete, ondoy, reynz leave a comment « Hango sa tunay [...]
salamat ke Ondoy at natuto tayo through the experience. Kahit na napakasaklap na experience, best teacher pa rin..