Sertipayd CounterStrike
Sa aking mga dating adventures bilang estudyante, ang larong CounterStrike ay isa sa aking mga nakasama sa gaming karanasan. Naalala ko noon na kada tapos ng klase ko e bumibirada muna ako ng 2 oras sa CounterStrike. Minsan naman e hahataw ako ng 1 oras bago pumasok sa klase ng hapon. Parang pangtunaw lang. Haha. Mas nakakatawa pa nga nung minsan nahule ako ng dean ko na naglalaro 1 hour bago magumpisa ang academic competition namen noon sa Psychology. Haha. Buti naman e di ako napagalitan. lols.

Ang nangyayare sa akin noon e madalas kong kalaro ang mga boylets sa CounterStrike. Kiver lang ako dahil marami din akong kasamang gurlet na naglalaro. Mas masaya pa nga kapag naglalaban ang mga lalake at babae. Andyan ang hiyawan, asaran at sometayms, murahan like $%^@*@(#*&#^#^!!!
May mga panahon na sumasali ako sa CS competitions. Meron pa nga kameng strategies dati – magmula sa oras na pagbato ng granada, kung anong taktika ang gagamitin (kung rush or camp out muna), pati sa pagbilang ng segundo para ikaw ay makabili ng gamit at baril (usually takes 5 seconds lang para bumili – lalo na kung rush ang play nyo) hanggang sa klase ng baril na gagamitin mo (I prefer MP5 navy [3-1 sa CS] at AWP sniper [4-6 sa CS]). Bago pa nga kame lumaban, may printed na kameng mapa ng de_dust at saka kami magdradrawing ng gameplan bago dumating si prof. Seryoso kame nun sa paglaban lalo na kung taga engineering department ang kalaban namen (sila kasi ang madalas namen makalaban noon).
Minsan, pag naswertehan, may makakalaban kami na sobrang galing – yung mga master na halos ang laro ng CS. Isa na dun si Carlo Pagulayan – isa sa mga alumni ng PUP Sto. Tomas at isang tanyag na illustrator sa Marvel Comics (current project nya ang World War Hulk). Tambay siya sa computer shop na pinupuntahan namen dati – kasi ang nagmamay-ari nun e pinsan nya na bihasa din sa laro ng CS. Ni minsan sa paglalaro namen e hindi pa namen napapatay yan. Haha.
Hindi din maiiwasan na may pustahan. In fak, pag nanalo kame e additional na pera yun sa akin – pangdagdag sa allowans at term paper expenses ko. At least, hindi ako hihingi kay mama ng allowans para bukas. May extra pa akong pera. Haha.
Op kors, there should be balance in everything. Hindi pupuwedeng laro lang ako ng laro ng games. Mabuti na lamang at natutunan kong wag magpaka-addict masyado sa games at mapabayaan ang pag-aaral. In fak (ulet), natutunan kong gawing motivating factor ang CS. Exampol: Pag nakakuha ako ng 1.0 sa exams, maglalaro ako ng 2 oras. Pag nakakuha ako ng 2.0 sa exams, maglalaro lang ako ng 1 oras. At para sa akin, it works.
Bukod pa dun, isa sa mga benefits na nakuha ko sa counterstrike e nasaulo ko ang keyboard. Haha. Importante pala yun kasi nung nagtrabaho ako sa semiconductors at rush ang reporting, hindi na masasayang ang oras mo sa kakatitig kung anong letra ang ipipindot mo. In perness, matuto ka pang gamitin ang dalawa mong kamay at hindi ka na yung takatak style na tulad dati sa typewriter (yung index finger lang ang ginagamit sa pagtype) haha.
Another benefits ng CS sa akin e strategy. Natuto ako magdevise ng strategy sa bawat mapa na maeencounter namen sa CS. Op kors, it takes planning and a bit of testing para magamay mo ang mapa. Plus yung magic tricks na ginagamet mo sa CS for fun. Halimbawa, pwede mong palitan ang itsura ng langit dun – sa mapa ng de_dust, pwedeng gawing gabi, forest or snowy mountains ang ere dun. Pwede din as clear as noon ang langet mo dun. It also applies sa ibang mapa din.
Alam kong old school na ang CounterStrike. Pero di ko makakalimutan ang mga memories ko with that game. Ang dami kong nakilalang tao, naging kaibigan, naging kasangga at marami pang iba. Sinasabi ng ilan e nakaka-adik at nakakasira ng pag-aaral ang games. Sa akin, depende sa tao at sa disiplina ng magulang yan.
Teka, maglalaro muna ako ng CounterStrike. Haha.
Viewed 8486 times by 1093 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














ayos a at talagang nakakalaro mo ang magagaling sa CS. ako nga utol ko lang di ko pa matalo hehe. lalo pang lumabo mata ko hehe. ngayon psp muna ako
minsan laban tayong dalawa ng CS, ano hinahamon kita! lol
Lol.
Sure dencios. Nakakapagod na puro bots na lang ang kalaban ko. Wala na kasi masyadong naglalaro nun dito. Hahah.
Dati mahilig rin akong maglaro ng Counterstrike. Grabe, sa sobrang adik ko sa game na ito, naririnig ko yung ‘Fire in the hole’ dialogue sa panaginip ko…heheh… ^_^
may bagong counterstrike na ba? may mga bagong first shooter na.
for me, i prefer the real time war simulations like warcraft (2 and 3) or starcraft 2… i get dizzy playing shooters. i tried Halo once… i got lost in the maze!
GabbyD,
I think the latest CS is the CounterStrike Source. But I still enjoy playing the 1.3 and the more realistic (in movement) the 1.6 versions.
Sounds old school but still kicks a few adrenaline sa akin. For the first shooters, I think the Left 4 Dead game is the recent.
Sa warcraft naman, I always play Warcraft 3 and the Frozen Throne expansion. What race do you play the most sa Warcraft?
i don’t play group games anymore
i just play the campaigns. i’m 1/4 of the way thru frozen throne… haha tagal pa!
Ganun ba.
Ako, I finished the campaign. It was fun talaga to finish it. Hah.
wow, CS! naalala ko pa dati, pag labas ko ng computer shop, bigla na lang akong bumagsa, di ko namalayan na di pala ako nananghalian na dahil sa sobrang tagal ko maglaro dati sa CS
Hahahha…
Kinalimutan ba ang pagkain? Hahaha..
teka muna pare di ako makareleyt di kasi ako marunong ng mga games na yan luksong tinik at luksong baka lang alam ko hahahaha
mas type ko pa rin ang Red Alert kahit medyo kopong kopong na. heheheh. nahihilo ako sa Counter Strike eh..