Home » Buhay sa Barrio Siete, Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Culture and Society

Sex education starts in kindergarten

4 June 2010 13 Comments

We all know that there is a war going on between Cabral and the Church. Sa away na to: Team Cabral ang lola nyo.

Cabral suggested kasi that sex education should start in kindergarten. Nagwala ang mga FB friendships ko hehehe! But the ever-present peacekeeper Inday Espina-Varona explained naman na, sex education is not teaching sex per se. Oo naman, noh? Then again, kahit na walang detalye, Cabral indicated na what’s appropriate to their age ang ituturo sabi Cabral. Let’s just assume na hindi naman talaga saksakang kaliga-ligaya ang nasa isip nya.

But that did not stop the CBCP to make their own ratsada. Gyera nga eh! So, umarangkada ang CBCP. Ang say, sex education daw should be left to parents especially if we are talking about children who are underage.

Huh?! Teka lang. Sex education be left with payrents?

Di ko ma-ignore na these statements coming out of the media are out of touch, wa feel sa reality o kaya chose to ignore the truth and nothing but the truth ang CBCP. Kaya sa debate na to, talo ang CBCP, score uli ang Team Cabral. Why? Wala akong kilalang pamilyang Pilipino na pinag-uusapan ang sex sa hapag kainan. Bakit, nasubukan nyo na bang tanungin ang tatay nyo: “Tay? Ano ang ibig sabihin nang tuli? Tuli po ba kayo? Patingin?” O kya, “Nay, gagawa kami nang bata mamaya ni Andres!” Hahaha! Oo, masyadong corny at simplistic to the maks. Pero, subukan nyo nga and let me know kung ano ang reaksyon nang tatay at nanay nyo!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11247 times by 3625 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.

13 Comments »

  • Kami piniag uusapan ng normal ang seks sa hapag kainan namin kahit nuong bata pa kami at the same time katoliko kaming lahat dahil very open ang parents namin. In fact 11 kaming sibling na may 2 years spacing kaya lahat kami ay napag-aral ng parents namin na very faithful Catholics kahit me shortcoming pa din ang family namin, still we tried to hold on because of our Catholic faith.

    I believe na mahirap sabihin ibang tao ang magtuturo ng sex education sa mga bata na hindi nila anak kasi sino ang mananagot psychologically kapag nakasama ito e laging subject for bias ang bawat taong magtuturo nito kahit teachers. Kung hindi naman sasagutin ang tanong mga estudyante e nakahang ang maraming questions na binuksan nilang topic.

    May parents never used artificial contraceptive, I know this kasi ikinukwento nya ito sa amin ang masamang epekto nito hindi lang sa katawan/kalusugan kundi pati sa spiritual. My mom is still alive at the age of 86 yeras old at walang sakit na kaugnay sa panganganak.

    Ang problem siguro na dapat tutukan ng Catholic Church is lalong palakasin ang pagtuturo ng responsible parenthood, at mga related natural family planning at certain levels and age, mabilis na kasi ang maturity ng mga kabataan ngayon kumpara dati kasi of modern technology information. Government and chuch should rfesopect each other sphere and cooperate for the good of the people.

  • nestordfermin says:

    Ang mahirap kasi sa sex education na ito eh habang nalalman ng mga bata ang mga tungkol sa sex katulad ng family planning methods, nagiging curious sila at gusto nila makita kung ano itong sinasabing CONDOM. Ang mas masakit, susubukang gamitin ang condom (of course with a partner). Ayun na ang umpisa ng problema. At dahil nalaman na nila na pwede palang gamitin ito for safe sex, magiging promiscuous na ang ating mga bata. Ngee, paano na toits!!! Yan kasi e itinuro sa skol. Inaaaang!!!!!

  • nina says:

    Para sa kin, mas mabuti na informed ang mga kabataan, at least we can prevent unwanted pregnancy and STDs. Whether through school, parents and friends – basta nagkaroon na ng awareness ang mga kabataan the curiosity will be there. Saka importante yong pag stress ng mga consequences ng pag satisfy ng kanilang curiosity para matakot din sila. I’m sure yong sinasabi namang sex education eh hindi naman about sex lang ‘no at siyempre yong ayon naman sa age noong tinuturuan.

    I remember studying about reproductive system in grade 4 and 5 Science subjects pati sa home economics. Kasi yan nag puberty stage. Pero basics lang and then in HS naman, STDs part of Health subject. It’s not enough.

  • nina says:

    Catholic din ako pero my goodness the very country who brought the religion to us ay may divorce na at very liberated na ang mga tao doon. Isa pa, wala naman solution sa poverty ang church kaya wag na sila makialam. Kailangan pairalin ang separation of the church and state!

    • reynz says:

      yan ang ini-iyak ko sa church Nina. wala silang ino-offer na solusyon sa poverty.

      and get this, classes are opening, grabe ang estudyante, classrooms are kulang, umaabot sa 100 per class, walang statement ang simbahan. wala lang. samantalang me mga iilang NGO who helped clean the schools, give free supplies to kids, pero kung sino pa yong ingay nang ingay, sya pang walang ginagawa.

    • nestordfermin says:

      korek!!! sa atin kasi, everytime na me project ang government andun ang church nakikialam. malakas din kasi ang epekto nila ano? kakainis!!

  • Sanay huwag tayong magsalita na hindi muna natin verified and data or ang katotohanan kasi ukol sa simbahan napakarami namin na matagal ng tumutulong maitaas ang kalagayan ng mga mahihirap at tinuturuan sila ng responsible parenthood kaya very unfair na sinasabi na puro kami reklamo sa RH bill e buhay na namin ang inaalay sa mga mahihirap at kahit magkasakit kami at tumanda na sa paglilingkod ay ginawa namin ng walang kapalit bilang mga relihiyoso na hindi yumaman o nagpayaman kahit ang aming congregation kung meron mang mga lider ng simbahan na nakitaan nyo ng pangit o di magandang halimbawa e iilan lang silang pilit na ipinag iingay samantalang kami na tahimik na kumikilos na nakakaraming pari, madre at brader ay patuloy na naglilingkod kahit sa mga hindi katoliko. patawarin po tayo Diyos dahil hindi natin alam ang ating sinasabi laban sa ating Simbahan.

    • nestordfermin says:

      Bro. Martin, siguro nga hindi lahat ay ganun. Sorry po sa sweeping comments ko tungkol sa church. I know you are not one of them. You are different. Bumisita ako sa site mo and I find it very nice. I like it.

  • Kahit ako man nestor ay may mga complain din sa ating simbahang katoliko, nakita ko rin ang kahinaan ng ating lider tulad ng kahinaan ng aking mga magulang ngunit hindi ko ito ipinag iingay ni ipinahihiya sila sa maraming tao na para bang ako lamang ang tama at nakakaalam ng katotohanan. ganuon pa man ay itinutuwid ko rin ang mga pagkakamali na nagawa nila at nagawa ko rin upang hindi na pamarisan. Tulad din ng ginagawa kong pagpupuno ng kakulangan sa pamilya namin nuon akoy bata pa. Ang simbahan ay isang ina o magulang sa akin kaya sa kabila ng lahat ay mananatili akong tapat dahil ang nagtatag nito ay hindi tao kundi Diyos mismo na si Hesus. Salamat.

    • Kutz says:

      @Bro Francisco-

      Let there be a separation of church and state when it comes to public policies such as the reproductive health issue. Ang gobyerno (ang tao)ang sumasagot sa budget ng mga libreng paanakan, centers, at ospital. Buwis ng taumbayan yan. The government cannot build schools fast enough to accomodate the rate of our population growth. Kapag nagka aids or any STD ang mga pilipino, saan nagpapagamot? Sa simbahan ba? I acknowledge everything na nagawa at ginagawa ng simbahang katoliko sa mahihirap pero hindi naman tama itong ginagawa ng simbahang katoliko na panghihimasok sa pulitika lalo na sa mga issues katulad ng reproductive health.

      Give the people an option! By all means, continue to preach the stand of the catholic church in re- natural family planning and abstinence. But please do not bully the government officials who makes a stand in defense of the reproductive health bill. The catholic church should stop intimidating the government officials who assert what they think is right for the Filipinos, lalo na para sa mga kababaihan.

  • diko igsusumat says:

    dba, pinag’aaralan na nga sa school ang “sex”. sa science etc…. ano pa ba ang kulang… ituturo nilang papano magsex na di mabubuntis ang 12yrs old na babae? …na dapat gumamit ng condom ang mga elementary o high school students ng condom para di mahawaan ng sakit na aids? eh,ano b, o pano b?

  • yelhsa says:

    dapat tlg d na yan ituro nsa subject naman nating science yan!
    o kya nsa magualng nmn kung paano nla magagabyan ang knilang mga anak
    di b, tama aq?

  • Naniniwala ako na matatalino ang ating mga lider lalo na sa kongreso gaano man kadami ang mga negatibong balita sa kanila at naniniwala ako na hindi kayang pilitin ng simbahan o “ibully” ang mga representatives para maging sunud sunuran ang mga ito na pikit mata sa mga apela o dikta ng simbahan. Naniniwala ako na sariling pagpapasya nila ang huwag maipasa ang ilang bagay o probisyon (hindi lahat ng nasa RH bill ay masama) na tinututulan namin ng mga Katoliko at hindi lang ng aking simbahan. Kaya malabo ang sinasabing dinidiktaha ng mga lider ng simbahan ang mga representatives e papayag ba naman silang maging sunud sunuran. Talaga lang na nakita nila na hindi tama at hindi angkop sa ating kulturang Filipino ang ilang probisyon sentral sa RH bill. At karapatan din ng simbahang magpahayag ng tama o mali sumunod man kayo o hindi dahil ito ang malinaw na tungkulin niya ang mga propeta o magturo ng tama sa ating lipunan.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.