Home » Buhay sa Barrio Siete, Buwaya Files, Byahe at Lamierda, Nawawalang Kalabaw, Opinion

Sobre

23 August 2009 27 Comments

dahil nga sa lecheng color coding na yan
twing myerkoles, nakatupi ang kotse ko
napipilitan akong mag-dyip
mag-taxi
mag-trayzee
at mag-bus.
naka-masskara.
nakakahiya kasing makita ang reyna
na isang cheapangga

ilang beses nang one times nangyari to
sa G-Liner na sardinas sa tao
byaheng Ortigas Robinson’s papuntang Rosario
me sasakay na ale
me kasamang administrative assistant na babae
mamimigay nang…

SOBRE

91975

(Photo Harbat: Nadekwat ko sa National Bookstore)

meyat meya, mag-li-litanya na sya
na kayong mga impakto sa mundo
pati akong isang anghel at kerubin, naisali nang tarantado
na magbago na dahil malapit nang mag-delubyo

sa galet ko
tinapon ko ang sobre
di naman na-discuss sa MBA ko to eh
kung ano ang reason nang lecheng sobre na yon

natapos ang prayer rally nung ale
kinukolekta pala uli ang lecheng sobre
sabi ko, tinapon ko
nagalet ang ale
sigurado daw sya
na sinisilab na ang kaluluwa ko sa impierno

bumaba na ako sa rosario

lumingon ako sa ale

at sinabi ko

magbago na kayo!

dahil malapet nang mag-delubyo!

~!@#$%^&*()_+

Related Posts with Thumbnails

Viewed 5882 times by 1095 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
reynz7 is

27 Comments »

  • Snow says:

    Hindi rin ako nagbibigay sa mga yan kasi parang sapilitan ang donasyon. I mean, tama ba namang mag-preach sa bus? Hindi tuloy nagiging sacred yung word ni God kasi parang nahahaluan ng commercialism.

    On the lighter side Reynz, para sa akin tama yung ginawa mo kasi we really never know kung saan napupunta yung donasyon. Atta gurl! ;)

    • reynz says:

      me iba’t ibang version yan di ba?

      1.) yong sa EDSA, member nang union, nag-strike, wala pa silang trabaho, mega ask nang donation. tanungin mo kung anong company, ewan, mga never heard

      2.) meron yong sa mga barangay, me mga namatayan daw, abuloy nang mga tiga barangay at me mga nakalistang nang-donate

      3.) me mga nag-babahay bahay, humihingi nang donation sa mga charity at unang ipapakita seyo NBI ID hahaah

  • [...] ilang beses nang one times nangyari to sa G-Liner na apaw sa tao … … … sundan ang byaheng to sa Barrio Siete. [...]

  • Irej says:

    Malinaw na sila ang tinutukoy sa Biblia na mga “Bulaang Propeta”.

    At sila rin ang tinukukoy sa kantang “Banal na Aso” at “santong kabayo”.

    Natatawa ako… hi hi hi. Sayo.

    Sa aklat ni San Mateo, bersikulo 11 capitulo 25.. eto ang nasasaad.(hula lang)

    Basa…

    “Ang bulag na umaakay sa kapwa bulag, ay kapwa rin mahuhulog sa Hukay”.

    Maliwanag po mga kapatid ang paglilinaw ni apostol Mateo…

    Na ang ibig sabihin, papaano ka maakay ng isang nagpapahayag sa salita ng panginoon kung siya mismo ay hindi niya ikinapapamuhay ang salita ng Diyos.. di ba? Amen ba kayo????

    At noong tinanggap nila ang salita ng panginoon na walang bayad, ay nararapat din silang magpahayag na walang bayad…

    Ang tanong ngayon dyan… bakit kailangan pang may kakargahan na “SOBRE”.

    Anu yan para sa kandidata ng Money & beauty contest sa Barrio nila?
    Sila’y kinasihan ng diyablo na nagbabalat kayong mga Anghel.

  • Glo says:

    hayy naku…nung medyo bata pa ako biktima ako ng sobre na yan. ngayon hmp! manigas sila. ibinabalik ko yung sobra nang walang laman.

    may bagong gimik ngayon at nakarating ng din ng sorsogon. habang kumakain ka say sa chowking? merong maglalagay sa harap mo ng picture ni jesus o mama mary. tapos biglang 50 pesos daw para sa foundation nila.

    yung isang gimmick: pipi kuno na bebentahan ka ng mga kakanin. mga kutsita, puto, etc. gawa daw ng mga pipi at bingi sa isang kumbento. merong sulat ng ilalagay sa harap mo na bilhin mo daw at matulungan mo mga may kapansanan.

    yung dati kong housemate bili sya ng bili. until we realize na naloloko lang kami. eh di naman masarap yung kutsinta! pweh! saan kaya galing yon? buti di kami nagka-hepa at diaarhea.

    • reynz says:

      yeah! i think you’re right about that glo! na-experience ko yan sa Chowking sa kanto nang Morayta and Espana! hahaha! kumakain kami and then i saw one woman, basta inilapag sa table yong parang mga religious objects, bawat isa samen meron.

      eh bagong dating ako amerika. malay ko ba na relihyoso na pala ang chowking at biglang namumudmud nang mga imahen hahaha di ko alam, binebenta nya pala yun kasi nung nakita nung sikyo, pinatanggal at pinaalis hehehe

  • Dinah says:

    ako din ay hindi nagbibigay sa ganyan. maski yung mga kunwari ay miembro ng ganitong unyon at ang grupo ay nagwewelga at kailangan ng tulong. nakupo, scam! maski yung mga bata sa sta mesa na sobre din tapos pang aral daw? sus!

  • Mel says:

    tuwing may ganyan sa loob ng bus ay tinitingnan ko lang yung nag aabot ng sobre. yung look na ‘makuha ka sa tingin’. hahaha! naaawa lang ako minsan kasi yung bus na sinasakyan nila ay hindi humihinto para makababa sila ng maayos. one time nadapa yung girl dahil nagmamadaling bumaba. kawawa talaga.

  • Ely says:

    LOL. Ako din tinatapon ko mga sobre na binibigay, sa floor lang naman para pd pa nila pulutin. hehehe.

  • Silver says:

    Kaya ako pag nabyahe ako lalo na sa bus, mega saksak ako ng Ipod sa tenga ko para di ko marinig ang mga yan. Lalo na yang mga nagwelga, union etc.

    Yung sinabi ni Glo na mga pipi na nagbebenta ng kutsinta at puto etc, nakakainis ang mga ganun. Kasi naman, pati ba naman kapansanan e pinangraraket na.

    Hay naku.

  • bluepanjeet says:

    kaya ayaw ko magcommute sa bus pag nasa manila na ako. pag tulog ka pipilitin ka gisingin tapos iaabot sayo ang sobre. buti sana kung tatanungin ka muna, hindi. ang ginagawa kukulbitin ka nang pilit at iiwan yung sobre sa kandungan mo. asar na asar ako pag ganyan. kaya ginagawa ko pinupunit ko yung sobre.

    tinanong ko ata si malen (I dont remember kung sya nga) kung talaga bang ganun sa born again na nagcocollect sa bus. sabi nya hindi daw. minsan daw mga racket lang dahil ang totoo daw na born again eh hindi nagpupunta sa mga bus

  • bluepanjeet says:

    BTW

    mamaya gabi (August 23) @ 10:45pm sa abs-cbn yung docu-drama na “THE LAST JOURNEY OF NINOY” sana manood kayo. It will be broadcast simultaneously on TV (the ABS-CBN TV network with ANC, Channel 2 and TFC) and through live Internet video streaming.

  • an2nette says:

    Hindi kaya kakuchava ng driver ng bus ang mga tao na nagbibigay ng sobre o may komisyon sila, lalo na yung mga worker kuno na nag iistrike, di pinapasahod, walang sss, walang benepisyo at kung ano ano pa, namemorize ko na nga yung speech nila eh kasi sa ibang bus na sinasakyan ko yon din ang talumpati at saka hindi lang sa bus nagbibigay ng sobre pati sa eroplano, yung stewardess nagbigay ng sobre in any currency daw para sa donasyon sa kung anong charity yon

  • promking says:

    ako, minsan nagbibigay ako, lalo na kapag nakatulong sa akin ang sinasabi.. tsaka lalo na kapag pinagdasal ako at ang biyahe namin.

  • nina says:

    sa MRT, naranasan mo na ba sumakay kapag rush hour? santisima, kala ko nawalan na ako ng 20 pounds after….

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.