SOS! Sabi ng Tiga-Sablayan, Occidental Mindoro
Photo Credits: Dito
Gulat kayo no? Sino ba tiga-Sablayan? Hindi po ako. Tiga-Surigao po ako at ni minsan, di pa po ako napadpad sa Mindoro. Gusto ko. Kaya lang, may problema ang tiga-Sablayan ngayon. Ito – nabasa ko lang kahapon sa PhilStar. Hindi po ako sinulatan ng kanilang meyor at kura paroko. Kusa lang po akong dumulog dito sa Konseho ng Barrio Siete, nagbakasakaling mabigyan ng hindi paid na boses ang kanilang kasalukuyang hinaing. Pamilyar po kasi sa akin ang problemang ito – ang environmental hazards ng PAGMIMINA.
Chemist po ang tatay ko (hindi po chemisis umaasa). Dati, sa mining company na pinagtrabahuan niya, assayist po ang designation nya. Samakatuwid – siya ang nagpo-prodyus ng ginto ng planta. Ang planta po ay nasa bundok, doon mismo sa mga tinitirhan ng mga kababayan nating mga Mamanwa. Dahil sa nawalan ang mga Mamanwa ng lupang dati nilang sinasaka, ang planta po ay pilit silang ina-absorb bilang consuelo de bobo. Sa umpisa, ganado ang mga Mamanwa sa gold factory. Pero hindi sila nagtatagal sa trabaho, at madalas, pag sweldo, lagi na lang sila naglalasing. Ikanga ni Sharon – hindi yata sila hiyang sa paglapastang ng lupa na naging mahalagang karugtong na ng kanilag sikolohiya. O, ikaw na laging nasa internet – hiyang ka ba sa pagbubungkal?
Matagal na nagsara ang planta – ang bundok, gahasang-gahasa beyond repair. Ang ilog malapit sa bahay namin, patay na at nakakalason dahil sa mercury. Si erpat, pobre pa ring tumatanda. Ganun din ang nangyari sa mismong bayang pinanggaligan ko – ang iniwanan lang ng dambuhalang planta – isang malalim na hukay na 4 lanes para sa mga dumptruck pailalim. Hindi ko na kailangan isa-isahin pa ang panganib at kapobrehan na naidulot ng pagmimina sa ating bansa, kahit sasabihin pa nila sa umpisa na mariing sumusunod lamang ang isang kompanya sa mga best mining practices. Kaya ito, kusa ko ring sinusulong ang hinaing ng mga tiga-Sablayan, at ito ang kanilang sulat para kay Ginang Arroyo at Ginoong Lito Atienza:
OPEN LETTER TO HER EXCELLENCY
PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO
AND
SECRETARY LITO ATIENZA
“It is beyond doubt that large scale mining operations, like the one pursued by the Aglubang Mining Corporation in the Municipality of Sablayan, Occidental Mindoro, brings irreparable devastations to the farming sector as recognized by the Regional Executive Director of the Department of Agriculture, who in his letter to Hon. Secretary Jose L. Atienza, Jr., dated July 7, 2009, said:
“The Municipality of Sablayan is one of our major rice and corn producing area in the province and we believe that any major mining operations would greatly affect the agriculture production and endanger social economic conditions in the area. With these, we are supporting the Honorable Mayor (Godofredo B. Mintu) in asking your help to pre-empt any ming activity in the municipality.”
Recently, as a result of Typhoon Jolina’s onslaught, Sablayan experienced heavy floods, landslides, soil erosion and scouring which rendered its national highways impassable for several weeks and caused huge and serious damages to crops, livestock and properties, excluding the “opportunity loss” occasioned by this major economic disruption. Undoubtedly, large scale mining would deplete Sablayan’s remaining forest and vegetation cover, aggravate river and coastal situations and increase incidents of landslide, soil erosion and possibly wipe it out from existence.
It is for this reason that all of Sablayan’s 22 barangays and its Sangguniang Bayan have expressed their vehement opposition thereto, through their perspective resolutions and through a municipal ordinance which bears the approval of the Sangguniang Panlalawigan of Occidental Mindoro.
Wherefore, the people of Occidental Mindoro, more particularly the Municipality of Sablayan prayerfully hope that Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo and Secretary Lito S. Atienza extend their much needed help to them by disallowing the entry of Aglubang Mining Corporation into our Municipality, in order that we may continue being the food basket of Region IV and provide our people and the rest of the country the more than 300,000.00 metric tons of rice that Sablayan produce per annum.”
Signed:
UNIZELLE H. DIMACULANGAN
SK Federation President
Sablayan, Occidental Mindoro
ROLANDO V. PEREZ
President – LIGA ng mga Barangay
Sablayan, Occidental Mindoro
REV. FR. GERARDO CAUSAPIN
Parish Priest
Sablayan, Occidental Mindoro
Godofredo B. Mintu
Municipal Mayor
Sablayan, Occidental Mindoro
Habang abala tayo sa mga national issues, ang mga tiga-Barrio din, abala sa kanilang mga pakikibaka para sa kanilang dignidad at kabuhayan. Saying NO TO THE AGLUBANG MINING CORPORATION in the comment section would mean a lot sa ating mga ka-Barrio sa Sablayan. Mabuhay ang mga taga-Barrio!
Viewed 8065 times by 2583 viewers
dFish is born out of three convictions. First is the conviction on the healing magic of self-expression through writing just as shopping or blogging are often anesthetic to many. Second, on the conviction over the power of prayer moments that are not totally different from a websurfer who curses every now and then when the server is down. Third, on the conviction over the ambiguity of self-emptying, or in simple terms, caring for the voiceless in our society, much more those who cannot blog due to some crippling illness or poverty, is a time-tested wisdom. Visit him at http://desertfishing.wordpress.com/














puerto gallera is in mindoro right? doon nakarating na ako.
nakuuuu eh buhay na buhay pa sa utak ko ang nagyari sa marinduque. di ba namatay din ang river nila pati ang mga species na nabubuhay sa river. kahindik-hindik yun. housemate ko kasi noon eh sis ko na tiga-marinduque.
nakakatuwa. kasi meron ding sablayan somewhere here in sorsogon. at yang problema sa pagmimina…eh problema din yan dito sa bicolandia.dalawang isla na dito ang minimina. yung isa pa nga eh meron nang appointment sa pope ang mga bishops dun dahil sa protesta nila. nakay reynz ang details nun coz he forwarded that to me once.
bottomline…dahil sa kagaguhan ng gobyerno at lalong lao na ng DENR….namamatay ang mga tao isa-isa. hindi lang mercury ang masama sa katawan natin. lahat ng heavy metals in fact. nickel, chromium, you name it. nasa waste yan ng gold mines. sa dagat naman talaga ang tapon right? ang mga isda, palibhasa may mga gills sila eh na fi-filter ng katawan nila yan. ang heavy metal deposits andun sa tyan at ulo ng isda. (sa hipon sa ulo din, eh di ba sarap sipsipin nun??). kaya dito ang daming taong nagkakasakit, un-explained ang coz. merong mga fidher folks na bigla na lang namamatay o kaya na-pu-food poisoning sila. bakit??? eh ang food nila galing sa dagat. ngayon may lason na ang dagat.
i came close to workng in that one mine here sa rapu-rapu albay. kaso nung nalaman ko kung na dun pala sa minahan na yun…di ko na talaga tinanggap yung work. kasi itatakwil ako ng lahat ng college friends at yung mga professors ko na pinaglaban na maisara ang mina na yun, eh babangon sa hukay!
Glo,
Let’s revisit those in Rapu-rapu and Virac and hopefully we could write something up. They’re the same. Something is happening with DENR. And its not good. Pare-parehas ang story.
shoot!! oo ba. i will ask here sa sorsogon ano history at ano na nangyari sa rapu-rapu. dami protest banners against that pag-uwi ko nung 2006. then by 2007 operational na ulit?
people are getting money out of the mine’s operation. yung sa rapu-rapu eh australian pa. nang-gagalaiti ako, kasi pinoys nabibili, may presyo. even at the expense of the welfare ng mga kababayan nya. at the expense of mother nature!
nagraragot baya an traynta y dos na ngipon ko pag pig-papara-isip ko ina.
i bet yang sa DENR may mga UP grads na yan. asan na ang pagmamahal sa bayan? ang pagmamahal ke mother nature? pag nasa work place na pala, nabibili din! ewan.
sige research ako about this rapu-rapu mine. lafayette yan eh. australian nga ang hayup! doon kaya sya mag-ganyan sa kanila ewan ko lang kung pumasa sya sa mga requirements na pagka-higpit-higpit before she maka-operate.
kaya dito siksikan mga yan. kasi ang rules dito can be bent. ang law di sinusunod. magbayad ka lang, go na.
you’re talking about the marcopper tragedy Glo – it was the worst in our time at hanggang ngayon, the burden ay pasan pa rin ng mga tiga-Barrio…masyadong “generous” ang gobyerno sa mga dayuhan at lokal na mga kompanya na ang kita ay ang totoo, ay hindi naman tiga-Barrio ang makikinabang…
The same story in Virac, Catanduanes. I hope I could write about this in the future:
http://www.petitiononline.com/03091976/petition.html
The same story in Rapu-Rapu, Albay i think. Nakaka-irita. I believe there are so many government hands in this.
Dapat nga sigurong imbestigahan ito. Somethin’ fishy.
“Something fishy” – No Snow, something snowy hehe…
Sige Reynz, banatan mo na rin ala-Tulfo hahaha…
nakakalungkot lang na kahit ang dami natin ganyang mga resources, mahirap parin ang pilipinas. kung ganyan nga sila karami dito, saan napupunta kita ng gobyerno dyan? sa bulsa lang ng kung sinong tao? tapos kapag na-exhaust na nila lahat ng resourses natin, pano na tayo? samin sa cavite, meron office ang denr, sa tabi pa ng ilog na puro basura.. hindi man lang nila malinis yun, katabi na ng opisina nila, pano pa kaya yung hindi nila napupuntahan?
Very true Jules…malay natin, may mga mining company na nag-sponsor dyan sa mga ari-arian ng mga alagad ng bansa natin haha…
Sa totoo lang personally, I don’t wear gold after I saw sa isang PBS television show na pinapakita on how they extracted gold sa bandang Canada – before and after affect. Wala palang living creature doon just the miners and Mother Nature.
Hindi ako iyaking tao pero nung makita ko kung paano nila sinira ang kalikasan para lang sa gold na yan – hindi ko mapigilan ang luhang dumaloy na lang.
Now, sa Pilipinas as Dfish described it, add mo na ung mga affected na mamamayan at pagsira ng kalikasan… i-imagine mo na lang.
Ang pinaka masaklap kung gagamitin ang sandatahang pilipinas in support sa Mining Company at pagsasaksakin ang mga anti-mining especially ang mga lider nito, then…
Mee too darbs, I am not fond of wearing jewelry kasi napanood ko kung paano kunin ang gold via tv. Tapos ang dami pang namamatay sa pagmimina, di ba?
ah sorry…what i meant was ‘me too darbs…’ hay, timeout na ako, pasok na ako sa office. bukas naman ulit. bye for now muna… ^_^
Profound realization Darbs. The same painful stories of digging for diamonds in Sierra Leone and other Afro countries. Buhay ang makataya…Parang Diwalwal sa Mindanao na mas familiar sa atin…
mmm.. nakarating nako dyan sa Ligaya, Samblayan Occidental Mindoro 19 years ago.. dyan ako nakakita ng mga Mangyan, at wild Carabaos and they called it Tamaraw.
Unfortunately 2 ang kasamahan kong Engineers ang namatay dahil sa tinatawag nilang “Kilkig”… O sa madaling sabi ay “lason”.
Dahil sa Uri ng aming trabaho sa kabundukan, kung saan-saan kami umiinom, pamatid uhaw.. kung ano-anong klase ng prutas pag kami’y ginutom.
Ang isa sa mga experience ko dyan ay yung nakakatawang ginagawa ng mga katutubong Mangyan kapag bumababa sa kabayanan…”bibili ng sardinas tapos gagawing pomada sa buhok yung sabaw ng sardinas saka ipapa-amoy sa kasamahan pagbalik sa bundok para lamang ipaalam nila na sila’y nakapag-ulam ng sardinas”.. tapos yung label ng sardinas (555 o youngstown) ay makikita mong nakatapal sa kanilang noo..
Dyan din ako nakaranas na may dumapo sa aking balikat na “Tuko”.. yung malaking butiki na may pakpak..habang ako’y nag didiskarga ng karga ng aking tumbong.
ako ay native na taga-Timbuktu. dun sa amin sa kabilang side ng bundok, kinokondena na ng mga mangyan at local government ang attempt na mag-open na naman ng minahan. maswerteng hindi bingi ang mga kinauukulan doon ngayon.
tenkyu sa post mong ito dfish. sanay di magtagumpay ang mga hinayupak na yan.
the memories of ormoc, marinduque, and other tragedies will continue to haunt them and our kababayans as well so the lessons we have learned will not be re-learned in the most painful way.
@TiyoPaeng.
I will call this CREATIVITY.
Pero teka nga…what if?
Kung may DIGITAL CAMERA at Video Camera sana sila, they don’t have to use sabaw ng sardinas upang gawing pamada at ipaamoy sa KaBabaryo nila.
Kung may digital camera at video camera, they don’t have to dikit the Ligo, Youngstown at ang pinakamumurahing sardinas na 555 label sa noo nila.
Mabuti pa sila kahit simplang buhay nagbibigay sila ng proof na sila ay nagsabi ng totoo.
Walang kasinungalingan… oooooppps, maliban na lang kung sa basurahan nakita ng Kapatid kong Kababayang Mangyan ang lata ng sardinas na may may naiwang katas, ginawang pomada at dinikit ang label para sabihing kumain sya ng sardinas.
Ano nga ba ang kaibahan ko sa kanila?
Ano ba ang kaibahan ko sa mga Kapatid Kong Mangyan, Subanen, Teroray at sa lahat ng mga kapatid kong katutubo?
Gusto kong magmayabang na napuntahan ko ang Lupang Kanluran.
Gusto kong ibalita na kumain ako sa tig $12,0000 plates na dinner restaurant na aking napasukan.
[...] Graffiti 2: Lucky eh… I had a digital camera, eh. I don’t have to use “sardine’s sauce” applied to my hair like gel as [...]
[...] chemisis umaasa… borrowed from Dfish: Disturbing Your Silence “SHOUT OUT LOUD“ SOS! Sabi ng Tiga-Sablayan, Occidental Mindoro:No to Gold Mining! Ruby Falls Lookout [...]
Ako taga sablayan ako….. hay kawawa naman ang mga tamaraw (wild kalabaw yan ^_^) wala na hauz pag nangyare ito dito na lang yun makikita eh… ayus lng naman ang aming bayan kahit wala yang mining eh nabubuhay pa rin nmn kami… Itong nakaraang bagyo grabe na epekto sa lugar namin pano pa kaya pag natuloy to? Baka maging live ung mga napanood ko sa TV ung sa pampangga… Scary..^_^
Kala ko ba, etong issue na to ay wala na? Sana man lang tulongan tayo ni Gloria (pero pati nga APO Reef gustong ang kinin ni Gloria eh). Si Atienza nalang ang makakatulong sa atin sana man lang pigilan nya to, buti sana kung sila ang maghihirap!
Aprubado na po ni Gloria at Atieza iyan, tanging mga taga Mindoro na lang ang tumututol dito ngunit nakakalungkot dahil hindi nila kami pinakikingggan.
..Hindi lahat ng mining company eh pare-parehas..yang nangyari sa marinduque at rapu-rapu kasalanan rin yan ng mga tao at nasa gobyerno eh bakit nila hinayaan na may mapinsala eh may batas naman na sinusunod.Sino ba ang mas makapangyarihan masa o namamahala sa gobyerno.SA totoo lang matagal ng naghihirap ang mga tao sa sablayan lalo na kaming mga nasa baryo nakatira..Puro utang ang sakahan.mahal ang abuno, gamot, pag binenta ang palay mura naman..pano kami makaka ahon sa hirap..tanging mining na lang ang pag-asa namin..Para makapagtrabaho at magkaroon ng sustainable development sa ating lalawigan..Minsan nagpaospital ako, pilipit na ako sa sakit di ako pinapansin sabi ko hindi naman ako anak ng mayor or gobernador kaya tiniis ko na lang..taz pag ooperahan pa tatakbo pa ng mamburao o batangas kaya ang pasyente parang isdang biniyahe..kung sinasabi nyong kawawa ang mga katutubo talgang kawawa sila kasi hanggang ngayon nasa bundok pa rin sila nakatira..Hindi nga natin alam kung may kinakain pa sila doon.concern ba kayo? may taong gustong tumulong hinahadlangan nyo naman..kung mahal mo ang kalikasan, lahat na lang ng buong occidental at oriental ay taniman ng puno at patayin ang tao sa gutom..eh mas mahalaga pa pala ang puno sa tao eh.Kung mag anti ba ako ngayon, may maibibigay ba kayong sustainable development at trabahong inaasahan namin sa kumpanya..maawa naman kayo hayaan nyo kaming magdesisyon..Kung may pag-aaral kayong ginawa na kapag nagmining lulubog ang buong mindoro, ora mismo ipapaputol ko ang leeg ko..
Hi Breanna, salamat sa panahon mong ginugol maihatid lang ang iyong hinaing tungkol doon sa isyu inilahad sa itaas. Kakaiba nga ang posisyon and we acknowledge this.
Unang-una – i-acknowldge ko na rin ang isang problema patungkol sa mga anonymous commenters, yung mga hindi nag-iiwan ng link o katiting na tunay na identity man lang. Anytime kasi, pwedeng pag-laruan lang ang mga blogs to incite useless debates or discredit people personally. Pagbibigyan kita para maniwalang makatotohanan ang iyong posisyon sa isyu at ang iyong emosyon. Malinaw na may galit po kayo sa mga nag-a-anti sa mining sa Sablayan.
Ano po ba ang mga nabanggit nyong mga isyu:
Una – ang kapangyarihan ng masa at gobyerno, at ika’y naniniwala na sa mga sakunang nangyari sa marcoppoer at rapu-rapu, tao at ang nasa gobyerno ang may kasalanan subalit pinagdidiin mo na rin na mas makapangyarihan ang nasa gobyerno upang mapigilan ang trahedya? Ano nga ba talaga ang punto mo?
Pangalawa mong punto: ang matagal ng sitwasyon ng kahirapan sa Sablayan. Hindi ito exotic na sitwasyon sa kanayunan at probinsya, at base na rin sa karanasan ng karamihan sa atin, hindi na ito kailangan pang pagdebatehan. Exeprience is enough proof i assume.
Pangatlo mong punto na may halong pangungutya – ang sitwasyon ng mga katutubong Mangyan at kung ang mga nag-a-anti ba ay concern. Oo naman, concern din naman ang mga nag-a-anti sa mining otherwise na namin sila alalahanin bilang malubhang apektado at ang kanilang kultura ay nasasagasaan ng development. Syanga pala, ang paninirahan sa bundok ay hindi sapat na basehan para ang isang tribu ay mamumulubi ng awa mula sa mga hindi tiga-bundok.
Pang-apat: “may taong gustong tumulong hinahadlangan nyo naman” Ang tanong kasi – TULONG nga ba ang sadya o monopolya ng kita na nilalabas ng bansa at ang KAGAMITAN AY MGA BUHAY NA TAO?
Panglima mong punto: hindi malinaw sa akin kung may direktang relasyon ba ang mga puno at ang kapahamakan ng tao sa gutom.
Pang-anim mong punto: kung mag-a-anti ka, nandun ang pangamba mong mawalan ka tuloy ng tsansang makapaghanapbuhay sa kompanya, at malakas ang kutob mo na ang tsansang makapaghanapbuhay ay hindi maibigay ng mga nag-a-anti (may halong pangungutya na naman). Sa palagay ko, hindi lang mining ang katangi-tanging option sa paghahanapbuhay. Marami pa kagaya ng mga cottage industries at plantations. May mga nag-a-anti na may kakayahang lumikha ng mga job opportunities kagaya ni Mayor, at may mga nag-a-anti din na may kakayahang maimpluwensyahan ang mga policies ng gobyerno patungkol sa job creations sa pamamagitan ng protesta.
Pampito mong punto – tungkol doon sa kakayahan nyong mag-desisyon, good luck na lang…
Lastly – ang isang minahan ay hindi basta-bastang nagpapalubog ng isang buong isla kagaya ng Mindoro. Ang pagkawasak ng kapaligiran at kalikasan ay patingi-tinging nangyayari kaya huwag mo na munang dagdagan ng isa pang morbid na imahe ang mga nag-alay na ng kanilang mga buhay, anti man o trabahador ng mga minahan.
Again, good luck sa magiging desisyon mo/nyo…
…taga saan ka ba?nakikita mo ba at nadarama ang tunay na sitwasyon dito.Nakakatuwa na sinasabi nyo na ‘CONCERN DIN’kayo.Dapat talgang nagmamalasakit kayo mula sa puso hindi dahil sa napagaralan lang ninyo at gusto lang ninyong patunayan na tama ang mga analysis nyo.SA itsura nyo di nyo kayang makisalamuha sa mga katutubo..Sa sinabi mong hindi sila pwedeng kaawaan dahil nakatira sa bundok. sana maranasan mo rin ang nararanasan nila..Baka kagaya ka lang ng mga pulitiko na nagpapapicture at inilalagay sa diyaryo para maging sikat at maraming nagawa..nakarating ka na ba sa lugar ng mga mangyan at alam mo ba ang sitwasyon nila doon..naku!kung mamamaty ang isang tao mamamatay,Diyos lang ang nakakaalam..Hindi naman inalay ng mga tao ang buhay nila sa minahan..talagang oras na nilang mamatay.Sinong sira ulo sa panahon ngayon ang mag-alay ng buhay hindi na pnahon ni Rizal ngayon..Kung wala kang kakilala sa munisipyo hindi ka basta makapasok..yan ang totoo..ikaw subukan mong maging tao ka ng kabilang partido sa tingin mo makaka aply ka sa munisipyo..Baka nga sa dinami dami ng punong pinutol mo kahit isa wala kang naitanim..Desisyon ko ito bilang isang mindoreño, sa isip, sa salita at sa gawa..Walang dumidikta sa aking tao,pulitiko at simbahan ..Ito ay sarili kong pananaw at desisyon….GRAZIE!!
Ooops – huhusgahan ba ang mukha? Foul ka dyan breanna…
Mukhang malalim ang galit mo sa kabilang mo sa kabilang partido? Ayoko ko nang isa-isahin ang mga points mo, pointless kasi, halo-halo. Ito lang ang masasabi ko – pro-environment stand must go beyond partisan politics. Syanga pala, kung Diyos lang ang nakakaalam sa buhay at kamatayan ng tao, ba’t ka magpapaputol ng leeg na parang puno lang ng saging? Hmmm?
~whew~
(ba’t kaya biglang uminit! fall na di ba?)
hehehe
(tambay lang! haha)
Ganito ako madalas pag walang pera Reynz, nakakainit ng ulo hehe…Hay kahirapan…
hehehe sabi nga dun sa FB, this too shall pass. you’re not alone…
..kung mahal nyo ang mindoro alyansa tigil kaingin, uling, jueteng kurakot tayo!!at talamak na nagkalat ng basura…tinitira nyo ang minahan eh di pa naman nagsisimula..
MABUHAY PO MGA SABLAYENO.,,ISA LANG PO AKONG DAHON LIGAW SA SABLAYAN .SARIWANG HANGIN SA UMAGA ,ANG HAMPAS NG BANAYAD NA ALON SA DALAMPASIGAN,AY SADYANG NAPAKASARAP,ANG IHIP NG HANGIN NA NAG MUMULA SA PALAYAN,IBA TALAGA,
SANA PO AY WAG MASIRA LAHAT NG ITO.WAG NATING PABAYAANG MASIRA ITO NG SINO MANG MINING CORPORATION DYAN
MARAMI PA PONG ALTERNATIBO PARA UMUNLAD AT UMANGAT ANG STATUS NG MAMAYANG SABLAYAN.
SA BAGONG HALAL NA MAYOR NG SABLAYAN CONGRATS PO SANA LAHAT NG PANGAKO AY DI MAPAKO,MAYOR ED GADIANO
Hindi lang naman about sa mining ang problema ng bayan ng sablayan..
Isa sa mga nakikita kong dapat itigil eh. Ung pango2rakot!!! At isa pa ung jueteng.. wlang magandang maidudulot satin un.. kung ung pera na pinpantaya sa jueteng eh iniipon nalang para pambili ng bigas mas ok pa.. kahit pa sabihin na maliit lang ang taya eh kung araw2 ka namang tumataya malaking pera na un..
SANA MAGSIMULA NA ANG MINAHAN SA MINDORO NEXT YEAR =))
..kaming mga taga Sablayan ang may karapatan na magdesisyon kung gusto namin ang pagmimina kaya panahon na para pasimulan at linangin ang likas na yaman na pinagkaloob sa atin ng Diyos..Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo..Hindi ako pro at hindi ako anti ako ay pro development dahil makikita natin sa ibang bansa na ang nagbigay ng development ay ang mga minahan kagaya ng ginto, langis at iba pa..