Tagaytay Election Mini-Coverage
Normally, napakahirap tumawid sa mga kalsada ng tagaytay dahil sa dami ng mga humaharurot na sasakyan pero kakaiba ang araw ngayon – halos walang dumadaang sasakyan sa mga kalsada.

Siguro e na-trap lang ang mga tao sa loob ng mga voting precints.

Pasado alas-10 na ng makarating kami sa voting precint sa barangay namin dahil magtitinda pa ko ng halo-halo. Maiinit na ang ulo ng mga nakapila dahil bago pa mag-ala sais sila nakapila dun pero di parin sila nakakaboto.
Box office ang tinda kong halo-halo kaya pasado alas kwatro na nung makapag-usisa ulit ako. Ayon sa tally, sa mahigit 1,600 na rehistradong botante e nasa 800 palang ang nakakaboto. 50% palang ang nakakaboto gayung 3 oras nalang ang natitira bago magsara ang botohan.

Sari-sari din ang mga narinig kong reaksyon mula sa mga natapos nang bumoto. Merong mga sobrang na-first time na nanginginig pa daw ang mga kamay nila habang nag-iitim ng mga bilog sa balota. May mga kaunti lang ang ibinotong senador dahil baka daw lumampas sa bilang ang boto nila at ma-invalid ang buong balota. May mga nagrereklamong ni-reject ng PCOS machine ang balota dahil sa kaunting tupi na naging dahilan pa para makita ng mga bantay-salakay kung sino ang mga binoto nila.
May nakita rin akong nag-aabot ng pera sa isang matandang botante. Buti nalang at may pride ang matanda na tumanggi sa suhol at sinabi nalang na nakaboto na sya.
Mga bandang alas-singko ng unti-unting naubos ang mga botante kahit halos mangalahati palang ng mga rehistrado ang bumoboto. Malamang ay mga tinamad na ang karamihan sa pagboto dahil sa init ng araw at bagal ng proseso sa pagboto.
Yun lang muna at kailangan ko pang magpahinga mula sa maghapong pagkakaskas ng yelo.
Viewed 8220 times by 2366 viewers
Kotsengkuba is a native of Nueva Ecija, lived most of his life in Manila but is currently staying with his wife and daughter in Tagaytay. If not busy looking after his family, he could either be found blogging, tweaking his blog or other people's blogs (their lives included) just so he could fund their next food trip or family outing. Pester him on his blogs Chronicles of Kotsengkuba and Adobong Starfish















Leave your response!