Taks on Teks
I remember nung bumalik ako sa Estados Unidos piktapos nang dalawang linggong rampa sa Manila. Yong bespren ko na really, really, reeaaaaaly close saken made my phone roaming. Para daw piso-piso lang. Ah – ok. Long-term piso relationship ang tawag nun. Meaning, pag me piso ako, on kami. Pag wala, litsi! Alam mo na yon! Hmpt!
But now? Pati ba naman teks eh babanatan nang five-centavo excise tax?! Ayuffff! Instead na asikasuhin na ibalik yong mga kinamkam na kaperahan nang mga impaktong [insert notorious political family’s last name here] eh mga kamfufut na naman ang titirahin.
Oo mga kabarrio: The Lower House, so low low low, eh me proposal na mag-impose nang five-centavo excise tax on text messages.
HUH?! Pati ba naman yon?!
Maniniwala ba akong they will not pass this tax to the consumers?! Kahit na anong “no-pass-on” chorvalais ang isalpak mo dyan, tyak yun, kinabukasan, pasa-load mo, aabot na naming nang pitong gatang. Mami-mili ka ngayon, load? O puri?
Interesting ang proposal ni Enrile. He said:
“For example, the current P1 per text rate can be reduced to 80 centavos and government can get a 10 percent tax on that rate. That way, after the tax, telcos still collect 72 centavos per text message. It will be fair because it ensures that the tax burden will not be passed on to the consumers,” Enrile added.
Ang kestyon eh, papayag ba ang telco’s na babaan ang dating piso piso? I don’t think so. Why? Directly na taliwas sa hinihingi nang mga telcos. I’m not saying na FOR ako sa mga telcos. Ang sabi ko, extremes yong dalwang proposition. Kaya para saken, ihanda nyo na mga puri nyo.
Viewed 6140 times by 1718 viewers















hahahah!!! hanep. eh ngayon pa parang di naman exact na piso ang rate ng isang text lalo na kung prepaid ka.
tubong lugaw sa text ang mga telcos. for sure di papayag ang mga yan na konti an lang kolekta nila per text.
piso nga, nawawala naman hahaha! hindi lang si enrile naka-experience nya, ako kalabasisan nun, pasa load ka na sa boylet mo, harbat pa nang globe or smart yong load mo – nakikisakay ba! haha
Payag ako Reynz basta kongkreto sa panukala kung saan mapupunta ang tax – iksampol – pag-upgrade ng mga gutay-gutay at kinakalawang na clinic at hospitals sa mga munisipyo at probinsya. Deal ako basta gawin tong condition…
it’s not gonna happen dFish – ilang araw na lang gusgusin na ako, hangga’t ngayon wala pa ring matinong clinic sa barri namen. what’s now? 2009? haaayyyy!!!!
pati ba naman yon napagdiskitahan nilang lagyan ng tax, how horrible naman ang gobyerness, sana ang pagtuunan nila ng pansin ay yung mga big fish na nakapuwesto, kaya kung load o puri, sa bayong ako
Basta’t tax sa text ang usapan ay allergic ako diyan. Kawawa naman ang mga boypren ko. Malimit na nga kung makapagtext dahil walang load eto at itatax na naman. Unahin kaya muna nilang itax ng mas malaki ang mga alak, sigarilyo, mga sugalan, sabungan at iba pang bisyo ng bayan. I’m sure magdadalawang-isip na ang mga may bisyo dahil sa mahal ng tax. Hahaha!
2nette, there’s too much money they can generate on taxing text messages. imagine may one million text messages sent everyday, and if that is taxed kahit sinco sentimo lang eh ang laki na nun. Buti kung isang milyon lang ang naipapadala sa isang araw? hello?! so meaning may bago nanaman pagkakakitaan ang ating mga tongressman at may pambili na sila ng kanilang mga bahay sa istates, pang-picture taking kay tito barako at may pang ilang le-cirkulo pa! di na sasabihin na kung sino sino ang nagbayad…. imbyerna!
Tax on text? Grabe naman…lahat na lang ba ng bagay lalagyan ng tax sa Pinas?
Eh kung hulihin na lang nila ang mga corrupt at i-sequester yung mga illgotten wealth para hindi maapektuhan ang mga maliliit na tao sa paghahanap ng ‘source of income’ for the government.